Chapter 23 - Chapter 23

Nang makita ni Tanaga na sa may likuran ng mga empleyado dumaan si Ashley, biglang kumunot ang kanyang noo at umasim na naman ang mukha. Si Ashley naman ay hindi alam na sya na pala ang topic ng conversation at subject ng scrutiny.

Walang magawa si Tanaga kundi balikan si Ashley imbes na tumuloy papunta sa pribado nyang elevator. Nang malapit na sya kay Ashley, tumigil sya at naghintay hanggang makalapit ang dalaga, bago sya nagsalita.

"Ashley, paki-explain mo nga sa akin kung bakit sa likuran ka ng mga empleyado dumaan imbes na sumunod sa likuran ko?" Tanong ni Tanaga na halatadong iritado.

Sasagot na sana si Ashley ng pabarang kaya lang naisipan nyang nakikinig ang mga empleyado. Kaya naman umisip na lang sya ng mag magandang sasabihin na hindi magagalit uli si Tanaga.

"Sir Jones, pasensya na po. Kasi akala ko ang asawa mo lang at ang mga hindi ordinaryong tao na katulad mo ang pwedeng dumaan dyan sa gitna. Pasensya na po. Para kasi akong maid mo sa suot kong ito." Sabi ni Ashley sabay tingin sa mga magagarang damit ng mga empleyado na nakahilera.

Alam ni Tanaga na gumagawa lang si Ashley ng excuse kaya naman pinabayaan na lang nya para matapos na. Ngumiti na lang ito ng konti sa sinabi ng dalaga dahil may pumasok sa isipan na tungkol sa sinabi ni Ashley.

"Halika ka nga rito, baka mamaya eh mawala ka pa sa ginagawa mo." Sabay hawak ni Tanaga sa braso ni Ashley at hinaltak papunta kung saan ang pribado nyang elevator.

Biglang nanlaki ang mga mata ng mga empleyado ni Tanaga, lalo na ang Director ng HR department nya. Simula't-simula nang magtrabaho siya sa kompanya ni Tanaga, ni minsan hindi sya nakasakay sa pribadong elevator at di nya nakitang ngumiti kahit konti si CEO Jones sa kahit sino mang babae sa opisina.

As a matter of fact, ang nakakapasok at nakasakay sa elevator ni Tanaga ay pawang mga maintenance people lang. [Buti pa ang maintenance team.] Wala ng iba!. Kahit ang mga VIP na kliyente ay sa regular lang na elevator dumadaan.

Kaya naman laking gulat nilang lahat nang makitang kasama ni Tanaga si Ashley na pumasok sa loob ng elevator.

Biglang nagtaasan ang mga kilay ng mga empleyado ni Tanaga. Lalong lalo na ang pinsan nyang si Kasai na vice president ng kompanya. Ilang beses na nyang sinubukang sumabay kay Tanaga, pero kahit minsan ay hindi sya pinagbigyan nito.

Nang dahil ang elevator ni Tanaga ay see through, kitang kita ng mga empleyado na kahit nasa loob na ng elevator, ay hindi pa rin binibitawan ni Tanaga ang braso ng dalaga. Lalo tuloy silang nagkaroon ng kung anu-anong haka-haka…

Dahil nakikita nila kung ano ang reakson nang dalawa habang nasa loob ng elevator, namataan din nila na para bang nakikipagtalo si Ashley ke Tanaga. Lalo silang namangha at naiisip kung ano ang tunay relasyon ng dalawa.

===

Samantala, sa loob ng elevator. Si Tanaga ay pinagsasabihan si Ashley habang paakyat ang elevator papuntang opisina nya. Ito ang nasaksihan ng mga empleyado na naiwan sa ibaba na nakita nilang nagtatalo ang dalawa.

"Naiintidihan mo ba ako Ashley?" Tanong ni Tanaga na seryoso ang mukha.

"Naiintindihan ko po! Kung saan ka man pupunta, kailangan ay nakadikit at buntot ako na parang anino. Wala pong problema! Pero bakit po?" HIndi maiwasan ni Ashley na di magtanong at makipagtalo. [Ito ang nasaksihan ng mga empleyadong na naiwan sa ibaba.] Hangang makarating sila sa opisina ni Tanaga at bumukas ang elevator.

*Ding!*

Subalit, laking gulat nila Tanaga at Ashley nang paglabas nila ng elevator ay mayroong mga taong naghihintay sa kanila.

"Magandang hapon po CEO Jones, kami po ay taga-immigration. Nakatanggap po kami ng impormasyon na ang babaeng kasama nyo ay illegal dito. Puede po ba kayong makausap tungkol dito?"

Sila ay nagsalita ng Niponggo kaya di nya masyadong maintindihan. Pero nang marinig ni Ashley ang salitang Immigration napag-isipan nyang baka taga-immigration ang mga taong nasa harapan nila. Bigla tuloy syang kinabahan at tumingin sya kay Tanaga upang tingnan kung ano ang reaction nito.

Napa-nganga sya nang makita nya na.. wala lang! Kalmanteng-kalmante. Basta lang nakatingin sa mga immigration officers na parang nakakaloko ang ngiti.

Tinawag ni Tanaga ang isa sa mga sekretarya nya na hindi man lang sinagot ang immigration officer.

"Dalhin mo sila sa conference room. Susunod kami maya-maya." Yun lang ang sinabi nya sabay lagay ng braso nya sa balikat ni Ashley at bumulong. "Sumunod ka na lang, at wag ka ng magtanong."

Sa mata ng mga immigration officer at ng mga secretary ni Tanaga, hinalikan lang ni CEO Jones ang tenga ni Ashley. Hindi nila alam na bumulong lang ito.

Ano pa nga ba ang magagawa ni Ashley kundi sumunod kay Tanaga. Hindi nya alam kung matutuwa ba sya or madidismaya. Dahil baka illegal entry sya dahil sa na-scam sya at kung mapatunayan nga ito, ibig sabihin ay ma-de-deport sya at makaka-uwi na sa kanyang pamilya.

Kaya lang ay sayang naman ang sampung milyon. [Haha, si Ashley, nawawala na sa isipan ang dignidad.] Isang anak lang naman ang kailangan nila at may sampung milyon na sya. Hindi tuloy malaman ni Ashley kung ano ang gagawin.

Hinintay muna ni Tanaga na makapasok sila ni Ashley sa opisina bago nya ito binitawan at tinawag ang isa sa mga secretary nya.

"Sir, eto po ang mga papeles na pinahanda nyo. Eto po ang mga kopya na i-hand out ko sa kanila. Ready na pong lahat, kung ready na kayo?" Tanong ni secretary #1 ke Tanaga.

"Sige, mauna ka na doon at susunod kami." Utos ni Tanaga.

Pagkaalis ni secretary #1, si Ashley naman ang hinarap ni Tanaga. "Makinig kang mabuti, bayaan mong ako lang ang sumagot sa lahat ng mga tanong nila. Tumango at sumagot ka lang ng 'Oo'. Nai-intindihan mo ba? Importanteng alam mo, dahil kung hindi papalpak tayo."

Nang dahil sa sinabi ni Tanaga, naisip ni Ashley na tama ang hinala nya. Tungkol ito sa entry papers nya sa bansa. Siguradong na peke rin ang kanyang visa at maaaring illegal sya. Kung baga ay unlawful entry and nangyari sa kanya.