Sabay tayo ni Tanaga at sumigaw. "Kung gusto nyo pa ang trabaho nyo, lumabas kayo dito at silbihan nyo sya ang asawa ko!"
Biglang nanlaki ang mata ni Kazuma sa narinig nya. Hindi sya makapaniwala na asawa ni Tanaga ang babaeng kanyang ininsulto. "Tanaga...I'm sorry!" Sabay hawak ni Kazuma sa braso ni Tanaga.
Sa lahat ng ayaw ni Tanaga ay ang hahawakan siya, kaya naman bigla nyang natabig si Kazuma at ito ay natumba sa mismong harapan pa ni Ashley.
"Hindi ka sa akin dapat humingi ng tawad, sya ang hingan mo ng paumanhin, di sa akin." Sabay lapit ni Tanaga kay Ashley. "Bahala ka kung papatawarin mo sya o' hindi. Isa lang ang tandaan mo, walang sino man ang puedeng manlait sa iyo. Naiintidihan mo ba?"
Si Ashley naman ay nalilito at hindi makapaniwala sa sinabi ni Tanaga. 'Asawa?' Kung sabagay papunta na nga sila ng Philippine Embassy para magpakasal. Pero di pa rin sya makapaniwala na ipinagsisigawan nya madlang people... "OMG!" pabulong nyang sinabi sa sarili.
Hindi malaman ni Ashley kung ano ang sasabihin o isasagot nya, kaya tumango na lamang sya sabay tingin sa babaeng nakahandusay pa rin sa may paanan nya...
Mga ilang sandali muna ang pinalipas ni Ashley bago yumuko at inabot ang kamay nya para tulungan si Kazuma at nagulat ang mga empleyado sa ginawa niya.
"Ang bait naman ni Mam, kung ako yan baka tadyakan ko pa ang mataray na nya." Sabi ng isa sa mga tindera.
"Sayo tadyak lang, sa akin bugbog sarado ang bruhang yan. Kung manlait, kala mo sya na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa, eh puro retoke naman. Tse!" Sagot ng isa pang tindera, sabay pasikreto silang nagtawanan.
Si Kazuma naman, imbes na abutin ang kamay ni Ashley, ito ay tinabig nya, "Hindi ko kailangan ang tulong ng isang basurang katulad mo."
Sabay tayo at kinuha ang kanyang gamit at umalis na nanlilisik ang mga mata habang papalabas ng pintuan.
Nang makita ni Tanaga na umalis na si Kazuma, ibinaling nya ang kanyang attention sa mga tindera. "Ikaw! Ikaw! Ikaw! Never mind, Isarado nyo ang pintuan at walang ibang customer na puedeng pumasok. Naiintidihan nyo ba ako?"
"Opo! Sir, boss!" Sagot lahat ng mga empleyado sabay sabay.
"Good! Sino ang assistant Manager?" Tanong ni Tanaga.
"Ako po, Sir!" Sabay taas ng kamay ng isa sa mga empleyado.
"Anong pagangalan mo?"
"Ishito, Sir!" Pagmamagaling na sagot ng assistant manager.
"Alright, Ishito, siguraduhin mong gumawa ka ng milagro. Kung kinakailangan mong magdasal sa lahat ng Santo, gawin mo. I will be back to pick her up and she'd better be ready by then. You understand, right?"
"Sir, kung di nyo po mamasamain, puede po bang malaman kung ano ang okasyon? Para lang po masiguradong nasa tama ang tema ng damit na susuutin ni misis."
Tumingin muna si Tanaga ke Ashley, nang makita nya na 'walay' lang at parang bale wala lang sa dalaga. Bigla na namang umasim ang kanyang mukha at di naiwasan at nag pasaring na naman.
Habang papalabas na sya ng pintuan... "Tanungin nyo and MISIS ko!" Ang buong akala ni Tanaga ay hindi nakakaintindi si Ashley ng salitang Hapones, kaya laking gulat na lamang nya ng ito ay biglang sumagot... Sa salitang Tagalog para hindi maitindihan ng mga empleyado.
"Curious lang ako, kelan pa kita naging asawa? Ang buong alam ko simula pa nang ipinangangak ako hanggang ngayon eh hindi pa ako ikinasal. Kanina ka pa sigaw ng sigaw na misis mo ako. Kala mo ba hindi ako nakakaintindi? Alam ko na pupunta tayo para magpakasal, pero hindi ibig sabihin nun ay magiging misis mo na ako." Sabay tinalikuran ni Ashley si Tanaga na hindi na hinintay kung ano ang sagot nya.
Si Tanaga naman ay napahinto sa may pintuan at hindi nakagalaw ng panandalian. Hindi sya makapaniwala sa narinig nya. 'Ang lakas ng loob na manakot. Bakit? Akala mo ba gusto rin kitang magiging misis? Tse! Di oy! Anak lang ang kailangan ko sayo, pag nakuha ko na yun, tapos na tayo!'
Pagyayabang ni Tanaga sa sarili nya sabay lumabas ng pintuan at binagsak na pasarado...
Pagkaalis na pagkaalis ni Tanaga nagsimula na ang question and answer ng assistant manager kay Ashley.
"Ma'am, kung mamarapatin nyo po! Kailangan po naming malaman kung ano ang tema. Puede nyo po bang sabihin kung ano ang okasyon?" Pangiting tanong ng assistant manager.
Hindi malaman ni Ashley kung sasabihin nya ba o' hindi. Dahil nag-atubili syang sumagot. Ang buong akala ng assisant manager ay hindi nya naintindihan kung ano ang tanong. Nang uulitin nya sanang muli ang katanungan, biglang sumagot si Ashley na nahihiya.
"Kasal ang tema." Sagot ni Ashley na namumula ang mga pisngi at hindi makatingin ng diresto.
"Ah! Ganun po ba. Ano po ang katayuan nyo sa kasalan? Maid of honor po ba, or bridesmaid?"
"Ganito yun... You see, hindi ako Maid of honor." Nahihirapan si Ashley na sabihing sya talaga ang bride.
"Oh, so bridesmaid po?" Biglang sabat ng assistant manager na hindi naghintay patapusin si Ashley sa sasabihin nya.
"Hindi! Ano... Kasi... Ay ewan!" Walang magawa si Ashley kundi aminin ang katotohanan at mag-English para magkaintindihan sila ng mabuti dahil baka baluktot ang pagkakabigkas nya... 'Putsa, naman! Iisang balde lang ang niponggo na alam ko, naubusan tuloy ako.' Isip nya bago sya nagsalita uli na this time, eh! English na...
***
To be continued...