Sino ba naman ang hindi magkakacrush kay Adrian, siya na yata ang may pinakagwapong mukha sa kompanyang ito. Matangkad, maputi, lalaking lalaki kung gumalaw, bukod sa mga katangiang iyon ay magaling din itong pumili ng mga damit, malinis sa katawan at ang abs nito'y animoy nang-aakit sa paningin ng mga kababaihan, ika nga'y company's heartrob talaga siya, sobrang hot ng dating at ang lakas ng karisma kahit pa'y malimit wholesome naman ang style ng lalaki sa pananamit.
Sa mundo ng BPO(Business Process Outsourcing) ay stress ang kalaban ng bawat empleyado, isa na diyan si Kira. Isang taon na si Kira bilang isang call center agent, isang taon na rin niyang pinagmumura ang mga Amerikanong customer habang naka mute ang kanyang telepono at nakikinig sa mga concern at problema nito. Isa siyang alipin ng kanilang lahi at pilit niya itong sinisikmura sapagkat ito ang bumubuhay sa kanya. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay puro mga bastos na customer ang kanyang nakakausap sa telepono. Sa maraming pagkakataon ay nakakausap niya ng maayos ang mga Amerikano, nasasagot ang mga katanungan nila at naibibigay ang mga kahilingan nila bilang loyal customer ng isang telecommunication company. Kaya't masaya na rin si Kira na consistent na nakaka-hit ng scorecard ng account na pinagtratrabahoan niya, another incentives kung baga at pandagdag sa kanyang sahod. Perfect panglakwatsya at ng makapaglibang naman at kumawala sa rehas ng pagiging corporate slave.
"This is Kira, thank you for doing business with us. Have a good one!" Pangwakas na bati ng dalaga sa panghuling tawag na kanyang sinagot sa araw na ito, May 2, 2018. Excited na siyang umuwi at pagod na pagod siya, nasa mahigit isang daang Amerikano yata ang kanyang nakausap sa araw na ito. "Gusto ko nang matulog" Sa isip-isip niya. Patayo na siya ng marining niya ang boses ng kanilang Team Leader, "Guys huddle, saglit lang I have a very important announcement to everyone." wika ng TL nilang animo'y excited sa kung anu mang sasabihin nito. Agad na lamang siyang nagtungo sa kinaruruonan ng kanya TL. At maya-maya ay nagsilapitan na rin ang mga kateammates niya, excited ang mga mukha nila kahit banaag sa kanilang mga postura ang pagod mula sa trabaho. Ang maingay na paligid ay unti-unting tumahik, at ang mga boses na tila bubuyog at sabay-sabay na nagsasalita ngayon ay unti-unting nagiging tawanan at harutan ng kanyang mga katrabaho, lahat ay excited umuwi, at kung anu-anu pangkwentuhan ng mga planong lakad ay di niya na pinakinggan, ang gusto niya ngayon ay matulog at magpahinga, ito ang malakas na sigaw ng kanyang sarili.
Kompleto na silang lahat, ang pito niyang kateammates na naka palibot sa lamesa na station ng kanilang TL, si Kira sa harap mismo kung saan nakaupo ang TL niya. Habang tahimik siyang nakikinig sa kwentohan at halakhakan ng mga kateammates niya, di niya mapigilang mapapikit sa antok, tanging ang mga kwentuhan lamang ang bumubuhay sa opisinang iyon, ganyan ang panlaban ng lahat sa stress ng buong gabing shift nila.
Tumahimik na ang lahat ng magsimula ng magsalita ang kanilang lalaking TL. "Guys, thank you for a job well done today, so far okay naman ang score ng team natin, so we will talk about it the other day. May importanting announcement lang akong sasabihin since nag awol na yung isa nating teammate na si Rj, and I don't want to distribute each of you to other teams, I decided to add a new member to our team, he is from team PJ since kunti nalang sila and need nilang edissolve as a team, I decided to have one of them as an addition to our team, he is Adrian." Sabay tahimik ng kanilang TL at tingin sa likuran ni Kira, gulat na gulat at kinakabahang nilingon ni Kira ang tinitingnan ng kanilang TL, si Adrian ang matagal niya nang crush, na paminsan minsan ay sinusulyapan niya habang nagcacalls ay sawakas makakasama niya na sa iisang team. At nang tuluyan niya ng mailingon ang kanyang ulo sa deriksyon tinitingnan ng lahat, ay unti-unti niyang nakita si Adrian na unti-unting humahakbang palapit sa kinatatayuan niya, hawak ng lalaki ang headset na gamit nito sa pagcacalls, napakagwapo nitong suot ang kanyang blue na jacket, at habang papalapit sa kanya ay naaamoy ng dalaga ang pabango ng binata, lalaking lalaki iyong romihistro sa kanyang utak, tulala siyang napatitig sa lalaki at nilakbay ng kanyang mga mata ang mukha nito, ang kanyang braso, ang malapad nitong dibdib, at ang tangkad ng lalaking ito na sa panaginip niya lamang madalas na pinagmamasdan ngayon ay nasa kanyang harapan na.
"Hi, I'm Adrian" pambungad na bati ng lalaki ng tuloyan na itung nakalapit sa grupo nila. At tawanan na puno ng kilig ang tanging narinig ni Kira muna sa mga babae niyang kateammates. Halatang hindi lamang siya ang may paghanga sa lalaking ito, halos lahat yata ng mga babae at pati na rin mga beki'ng kilala niya sa opisina ay si Adrian ang pantasya. At ngayong abot kamay niya na ito, hindi niya mapigilang mas lalo itong hangaan sa panlabas nitong itsura, sa boses ng pagbati nito, sa animoy kalamansing amoy na nagmumula rito, kung nilagyan ba nito ng pabango ang leeg nito o kaya'y sa dibdib, o baka naman sa tela ng suot nitong damit lahat ay naglaro sa kanyang isipan, ang kanyang imahinasyon ay unti-unting nabuo bilang isang katutuhan. Ang lalaking sa panaginip niya lang pinagmamasdan ngayon ay nakikita niya na, naaamoy ang ito, napakikinggan ang bawat tunog na nagmumula sa galaw ng labi nito, gusto man niya itung hawakan o yakapin kaya- ang kanyang isip ay nakikipagtalo sa nais ng kanyang mga pandama. Ngumiti si Kira, at ngumiti din si Adrian at deretsong nag-usap ang kanilang mga paningin.