Chereads / Gayuma (Hiram na Pagmamahal) / Chapter 4 - 4. Musika

Chapter 4 - 4. Musika

Narating din nila sa wakas ang isang bar sa Makati, malayo-layo din ang kanilang biyahe sapagkat galing BGC pa silang dalawa at doon nag-oopisina. Nagustohan ni Kira ang ambiance ng bar na ito, maaliwalas at walang tao, siguro dahil tirik na ang sikat ng araw at kadalasang gabi nagpupupunta ang mga parokyano sa mga ganitong klasing lugar. Magiliw silang binati ng mga staff ng bar at pumili sila ng isa sa mga table na nandoon. Yung lamesang nasa gitna ang napili nila Kira, mas pabor ito kung sakaling gusto nilang bumirit sa pagkanta, hindi kasi ito masyadong malayo sa TV screen at mababasa nila ng klaro ang mga litra ng kanta. Pagkaupo palang nila ay dumating agad ang waiter ng bar at binigyan sila ng menu, agad itong kinuha ni Adrian at nag-order ng isang bucket ng red horse, isang serve ng sisig at isang plato ng mani, sabay abot kay Kira ng menu para magkaroon ito ng pagkakataong mamili ng gusto nitong orderin. Kinuha ni Kira ang menu at namili siya ng gusto niya, umorder siya ng isang burger steak meal, mango shake at tubig. Sabay abot ng menu sa waiter na agad namang inilista ang mga order niya.

Nakaalis na ang waiter mula sa kanilang pwesto at tanging sila nalang ni Adrian ang nandoon. Napakaawkward ng sitwasyon at tahimik lamang silang dalawa, hindi lubos maisip ni Kira at bakit siya tumugon sa pagyayaya ng lalaki at dalawa lamang silang pumunta sa bar na ito. Napaka tanga niya sigaw niya sa sarili at patay na patay talaga siya kay Adrian at ayaw niyang humindi sa pagyayaya nito. Parang kay Adrian nalamang umiikot ang kanyang atensyon, anung meron sa lalaking ito?

Lumipas ang sampung minuto'ng paghihintay at naiserve na ang kanilang mga order. Agad na kumain si Kira kanina pa siya gutom, si Adrian na man ay ayaw kumain at binuksan agad ang isang bote ng red horse, sabay tikim sa order nitong sisig. Nagrequest din ito ng songbook sampong peso daw ang bawat kanta, mas mahal kaysa sa ibang bar na napuntahan nila. Kaya't malaking panghihinayang ni Adrian at nauna na sila umorder ng mga pagkain, mukhang hindi niya masusulit ang pag-awit dito at uunahin niya pang-isipin ang bayad sa bawat kanta. At dahil nandito na sila ika nga'y wala na siyang choice. Agad siyang pumili ng kanta at ang una niyang kinanta ay Nobela by Join the Club mahilig kasi siya sa OPM songs at napaka cool ng kantang ito. Nagsimula ng tumugtog ang kanta at umawit na si Adrian.

Manghangmangha si Kira sa pag-awit ng lalaki, nakapaka swabe ng boses nito, napakalamig at napakalinis ng pagbigkas nito ng bawat litra. Nahuhulog na yata siya ng tuloyan kay Adrian mahal niya na yata ito at ang musikang inaawit nito. Pinakikinggan niya ang bawat tunog, pinagmamasdan niya ang bawat galaw ng lalaki habang umaawit ito. Wala siyang sandaling pinalagpas ayaw niyang sayangin ang mga sandaling ito kasama si Adrian. Paunti-unting din niyang inuubos ang lahat ng order niya, at pati pag-inum ng red horse ay kanya ding ginawa, habang si Adrian ay naka tatlong magkakaibang kanta na yata.

"Oh, ikaw naman. Sorry na pasarap yata ako sa pag-awit at nakalimutan kitang tanungin kung may napili kanang kanta." pahayag ng binata. "Okay lang, may napili na pala akong kanta" sagot ni Kira na agad namang nirehistro sa remote ang numero na kaakibat ng awiting kanyang napili 85674 at tumugtog ang awiting "Bakit labis kitang Mahal" na original na kinanta ni Lea Salonga. Ito yata ang makapaglalarawan ng kanyang nararamdaman kay Adrian sa mga oras na iyon ng hindi derektang sinasabi dito. Tanging si Adrian ang kanyang iniisip habang inaawit ang kanta, at paminsan minsan niya itong ninanakawan ng tingin. Kinikilig si Kira sa kanyang ginagawa at gumagaan din ang kanyang puso dahil naipapahayag niya ang kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng pag-awit.

Habang kumakanta si Kira ay mabilis na inubos ni Adrian ang panghuling red horse na kanyang inorder naka apat na kanta ang dalaga at masaya niya itong pinakikinggan. Naaalala niya nung una niyang makita ang babae isang taon na ang nakalipas. Kakasimula niya palang sa Kompanya at nasa ibang team pa siya, magkaiba ang kanilang schedule nuon at papasok palamang siya sa trabaho ay pauwi naman ang babae, madalas ay sa elevator sila nagpapang-abot kaya naging pamilyar ang ganda nito sa kanya. Natuwa din siya ng sa team nito siya mapupunta, wala na kasing pag-asang tatagal ang team ng TL niyang si PJ, bukod sa mahina sa deskarte eh ang sama pa nang pag-uugali nito, napakayabang kaya walang ahenting nagtatagal, sinusukuan siya ng mga ito, buti nalang at nasasakyan niyang makipagplastikan sa TL niya para hindi siya pag-initan, kahit minsan ay natatawa siya sa mga mali-maling English ng lalaking iyon gawin ba namang gogle ang google. At kung anu-anung bagay pa ang napinagsasabi nito, bakit nga ba naging TL ang tao iyon, lahat yata ng mga ahente nito ay pikon na pikon sa pagmumukha at kahanginan nung tao, dinadaan sa pagsipsip sa mga boss. Buti nalang at wala na siya sa team nito ngayon.

Kakatapos lang ni Kira sa panghuling kanta ay sakto namang ubos na lahat ng kanilang inumin. "Sa apartment ko nalang natin taposin itong kantahan." pag-aaya ni Adrian. Iniiwasan niya kasing malasing at magmamaniho pa siya ng motorsiklo. Malapit lang naman sa bar ang tinutuloyan nitong apartment at siya lang naman mag-isa doon.

Namumula si Kira ng marinig ang payayaya ni Adrian. Dahil na din siguro sa dalawang bote ng maliit na red horse na kanyang ininum. Mas lalo siyang namula ng yayain siya ng lalaki sa apartment nito. Hindi yata magandang pakinggan na sasama siya sa tinutuluyan ng lalaki ngayon bago palang silang magkakilala. Hindi yata naayon sa tamang tingin ng lipunan. Ngunit sa kailaliman ng kanyang damdamin ay hindi niya kayang tanggihan ang lalaking ito. Napakahirap umayaw sa gusto nitong mangyari, lalo ngayong nahihilo na rin siya at dumadami na ang tao sa loob ng bar. Nahihiya siyang makita ng mga tao na silang dalawa lamang ni Adrian, nahihiya siya kung anu mang iisipin ng mga tao tungkol sa kanya.

"Sige" wika ni Kira kay Adrian. Agad na tumawag ng waiter si Adrian at nagbayad ng bills nila. At lumabas na sila mula sa bar na iyon.