Tahimik na nadatnan nila ang apartment ni Adrian. Maging ang mga bahay sa malapit ay tahimik din. Tanging ang tunog ng motorsiklo na kanilang sinasakyan ang siyang naglilikha ng ingay sa paligid. Ala una ng hapon na nang marating ng dalawa ang tinutuloyan apartment ng binata, siya lamang ang nakatira dito. Unang bumaba si Kira mula sa likoran ng sinasakyang motorsiklo, nahihilo pa rin siya gawa ng dalawang bote ng red horse na kanyang ininum sa bar. Hindi siya sanay sa pag-inum kaya't ganito na lamang ang naging reaksiyon nito sa kanyang katawan, mainit ang naging epekto nito sa kanya, ibang klaseng init na parang gusto niyang magsisisigaw at magtatalon maibsan lamang ang init na nararamdaman. Tahimik na hinintay ni Kira na bumaba si Adrian sa motorsiklo nakakabit kasi ang susi ng pinto sa may baywang ng pantalon ng binata. Napagmasdan iyon ni Kira habang naglalakad papalapit sa kanyang kinaroruonan si Adrian, nasa tapat siya pinto ng apartment hinihintay na mabuksan iyon. Tahimik niyang pinagmasdan ang lalaki, ang tindig nito mula ulo hanggang doon sa mga susing naka sabit sa may baywang ng lalaki, hindi niya maiwasang mapagmasdan ang umbok sa gitna ng pantalong asul na suot ni Adrian. Naiiba ang bakat na iyon siguro ay dahil galing sa pagkakaupo ang lalaki mula sa kanyang motor. Nahiya si Kira sa kanyang iniisip ng makita ang umbok na iyon. Bigla niyang ibinaling ang paningin sa ibang deriksyon at animo'y apoy ng init ang kanyang naramdaman at ang kanyang mukha ay namumula, hindi niya maiwasang maramdaman ang mga bagay na iyon. Lalo na't si Adrian ito ang kanyang pinakapangarap na lalaki.
Agad na binuksan ni Adrian ang pinto gamit ang susing nakasabit sa kanyang baywang. Pinagmamasdan ni Kira ang lahat nang ginagawa ng lalaki, maging ang katawan nito ay kanyang pinagmasdan, ang mga susi, ang kahabaan ng mga biyas ni Adrian, ang matambok nitong puwet na bakat na bakat sa suot nitong pantalon. Nahihibang siyang iniisip si Adrian habang tanaw nito ang tindig at katangkaran niya. Tansya niya ay nasa 6'2 ang lalaki.
Agad na nabuksan ni Adrian ang pinto. Pumasok ang lalaki at binuksan ang ilaw, nakasunod sa kanya si Kira, nagmasid ang dalaga sa paligid, hindi niya akalaing napaka ayos at malinis ang binata, wala siyang nakitang kalat o anu paman sa loob ng apartment nito. Pagkatapos buksan ang ilaw ay sinara ni Adrian ang pinto binuksan ang aircon. Naglakad ito sa may kusina at binuksan ang maliit na refrigarator doon. "Kira, upo ka, feel at home. Buksan mo ang TV at nang may mapaglibangan ka man lang muna" wika ni Adrian. Naupo si Kira sa sofa ng sala ng apartment ni Adrian, nagmasid-masid sa paligid, hindi gaanung malaki ang apartment nang lalaki at hindi naman maliit kasya hanggang apat na tao pa ito. Pag-upo niya ay nakaharap siya sa TV at nakapatong lamang sa maliit na lamesa ang remote control na maari niyang gamitin upang buksan ito. Binuksan niya ang TV at isang lumang romantic movie ang palabas, mga Amerikano ang bida rito. Katamtamang lakas lamang ang tunog na nililikha ng telebisyon animoy sinadya talaga ito ni Adrian sa ganung lakas. Okay naman sa kanya iyon at ayaw niya din sa maingay ang importante ay may mapaglibangan siya sa mga oras na iyon.
Mula sa kusina ay may dalang isang bote ng alak si Adrian at maliit na baso. May tatak ang alak Jack Daniels iyon mukhang mamahalin. Nagbuhos ng konting alak ang binata at iniabot sa kanya "Tagay ka muna, isang shot lang". Hindi naman tinanggihan ni Kira ang baso at uminom siya rito. Malamig na dumaloy ang alak sa kanyang lalamunan, walang sabit ang daloy ng likidong ito sa kanya. Nagbuhos ng mas marami maraming alak si Adrian sa baso. Sa pagkakataong ito ay siya naman ang uminom. Umupo ang binata sa tabi ng kinauupuan niyang sofa. At sa pagkakataong iyon ay unti-unti nang nahilo si Kira tumatama na yata ang magkahalong red horse at Jack Daniels sa kanyang bituka. Halatang lasing din si Adrian ng umulit pa itong magbuhos nang alak sa baso nito at uminom mula doon habang katabi siya. Lumakas ang pintig ng puso ni Kira, nadarama niya ang lapit ng katawan ng lalaki sa kanyang gilid. Nadarama niya ang tikas ng katawan ni Adrian ang amoy ng alak ay humahalo sa amoy ng pabango nito. Lalaking lalaki ang amoy niya na dumagdag sa pagkasabik ng imahinasyon ni Kira. Sa edad niyang 25 ay ni minsan wala pa siyang karanasan sa isang lalaki kahit halik ay hindi niya pa nagagawa sa buong buhay niya. At kung mangyayari man iyon siguro ay papayag siyang kay Adrian ito unang maranasan, talagang sobrang crush niya ang lalaking ito.
"Kira". Mahinang sambit nang lalaki sa pangalan niya. Kinabahan si Kira ngunit doble ang kaba niya ng kinuha ng lalaki ang kaliwa niyang kamay at dahan dahan itong dinala ni Adrian sa ibabaw ng umbok ng kanyang pantalon. Pigid ang hininga ni Kira, gulat na gulat siya ng maramdaman nito ang pagkalalaki ni Adrian, hindi niya alam ang gagawin, hindi siya makasigaw at sabihing bastos ito. Nangibabaw sa kanya ang maraming gabing naging illusyon niya ang mga bisig ng lalaki. Hindi maigalaw ni Kira ang kamay habang nakapatong iyon sa bahagi ng katawan ng binata. Hindi siya makapagsalita sa gulat at sa kuryenting mabilis na kumalat sa buo niyang katawan. Nagliliyab sa init ng apoy ang dulot nito at nag-uumpisa nang pawisan ang kanyang dibdib, hindi kayang palamigin ng hangin mula sa aircon ang kanyang nararamdaman. Tanging ang malaking bagay na nadarama ng kanyang kamay lamang nakatuon ang buong atensyon ngayon ni Kira. Gumalaw ang lalaki muna sa pagkakaupo at bahagya itong humiga sa sofa. Sa bawat kilos nito ay hindi nito inaalis ang kamay ni Kira. Bahagya ding napalingon ang dalaga upang tingnan ang kanyang kaliwang kamay at makita si Adrian. May kunting ngiti ang nasilayan ni Kira sa mukha ng lalaki, may bagsik ito at angas. Sa pagkakataong iyon ay mas lalong idiniin ni Kira ang kamay sa pantalon ng lalaki. Naging mapangahas siya at kusa niyang natutunan ang dapat gawin. Una niyang tinangal ang suot na tshirt ni Adrian. Tinanggal naman ng lalaki ang suot nitong sapatos pati ang medyas nito ay mabilis din niyang naialis. Iginapang ni Kira ang kanyang mga kamay sa dibdib ng lalaki, sa kanyang leeg hanggang sa kanyang pusod. Mas lalong nag-init ang katawan ni Kira at ang kanyang mukha at napakapula. Hindi niya alam kung tama ba ang kanyang ginagawa, nahihiya siya habang pinagmamasdan ang lasing na lalaking ito na kaharap niya. Hindi niya lubos akalaing magagawa niya ang ganitong mga bagay, napakaagresibo ni Adrian at napakahina naman niya at nagpaubaya siya sa mga gusto nitong mangyari.