Simula ng naging kateammate na ni Kira si Adrian ay mas lalo siyang na inspire na pumasok sa trabaho. Maaga siyang pumapasok sa duty, masaya siya, excited at walang paglagyan ang tuwa niya sa bawat pagkakataong nakikita niya si Adrian, at ngayon may mga pagkakataon na silang mag-usap at madalas magkatabi pa sila ng pwesto sa bawat shift nila. Mga pagkakataong sinasadya niya ding mangyari upang makatabi ang lalaking sinasamba ng kanyang diwa, at bawat araw na lumilipas ay mas lalo yata siyang nahuhulog sa lalaking ito. Ang bawat ngiti nito- ang galaw ng mga labi ni Adrian ay malagkit niyang napagmamasdan sa bawat sandaling sinusulyapan niya ito habang nagcacalls, mga nakaw na sandaling binabalikbalikan niyang gawin, iba talaga ang kamandag na tumama sa kanya. Iba si Adrian sa lahat ng mga lalaking kanyang nakilala, nakita at nakasalamuha. Ang lakas ng karisma nito, malakas ang hatak at kilig na dala ng presensya ni Adrian at ang bawat biro ng binata ay may sense, matalino at hindi corny ang mga biro nitong binibitiwan kung gaba may timing ang lalaki sa mga jokes niya. Isang katangian na mas lalo panghinangaan ni Kira, mas lumalim ang pagkakagusto niya kay Adrian, mas gusto niya ito ngayon, ang kanyang panaginip, ang kanyang pantasya, ang kanyang pangarap, ang lalaking kanyang gustong mayakap, makausap , ang lalaking gusto niyang mahalin. Kay Adrian umiikot ang gusto niya, sa lalaking ito umiikot ang diwa ng kanyang pagkatao at ng kanyang imahinasyon.
Hindi alam ni Adrian na malakas ang tama ni Kira sa kanya. Ang bawat biro na kanyang nababangit sa dalaga ay normal niyang ginagawa sa ibang tao maging sa iba nilang kateammates. Alam ng binata sa sarili niya na gwapo siya ngunit hindi niya alam na marami pala ang patay na patay ang pagkacrush sa kanya. May confidence si Adrian sa kanyang sarili ngunit hindi siya mayabang at di niya ginagamit ang kagwapohan niya upang magpasikat o magkagirlfriend at magbilang ng mga babae sa palad niya. Gusto niyang kusang maramdaman ang pag-ibig ayaw niyang magmadali. Syempre gusto niya yung magandang babae, mabait, yung kayang sakyan ang kanyang mga biro. Ngunit ang pag-ibig para sa kanya ay dapat kusang nararamdaman, hindi ito hinahanap, dumarating ito, nararamdaman at hindi pinipilit na maramdaman sa isang tao. Yun ang kanyang pagkakakilala kay pag-ibig.
Sabay ang break nina Adrian at Kira sa shift ngayon. Kaya't magkasabay silang pumunta ng pantry para kumain, tanging sila lang yata ang magkasabay ang break sa shift na ito at lahat ng kateammates nila ay nagcacalls pa rin. Magkasama silang naupo ni Adrian sa isang lamesa matapos mag-order ng kanikanilang mga pagkain. Kinakabahan si Kira ito ang unang pagkakataon na sila lamang dalawa ni Adrian sa iisang lamesa. Hindi niya alam kung paano gumalaw ng tama, iniisip niya ang iisipin ni Adrian sa kanya. Gusto niyang maging pormal at ayaw niyang ipahalata sa lalaki ang matindi niyang paghanga dito.
Matipid magsalita si Adrian, tahimik ito madalas, may mga pagkakataong nagkwekwento ito ngunit madalas ay tahimik lamang siya. Napakamisteryoso ng pag-uugali ni Adrian nakadagdag ito sa curiosity ni Kira. Gusto niya ang ganitong klase ng lalaki, tahimik pero mapagbiro, may kulay ang personalidad, pormal at napaka class ng dating sa kanya ang ganitong mga lalaki.
"Kira, kuha ka ng ulam baka gusto mo ito." sabay tingin ni Adrian sa bicol express na ulam niya. "Sige, Salamat" sabay ngiting sagot ni Kira. Hindi niya maalis alis ang kanyang mga mata sa pagtingin dito. Ang konting galaw ni Adrian ay napakagandang pagmasdan walang halong lambot ang kilos ng binata. Isa ito sa pinaka ka nagustohan niya sa lalaki nakapa brusko ng dating nakakabadboy ang galawan.
"Okay ka lang ba?" wika ni Adrian. "Mukhang malalim yata ang iniisip mo at di mo masyadong pinagtutuonan ng pansin ang iyong pagkain." dagdag niya.
"Ah, sorry. Wala ito. Stress lang siguro sa mga calls kanina. Marami akong nakausap na irate customers." tugon ni Kira kay Adrian.
"Gusto mo alis tayo after shift? Samahan mo lang ako sa mall, kantahan ba, mahilig ka bang mag sing along?" pagyaya ng binata sa kanya. Nagulat si Kira at hindi niya iniexpect na yayain siya nito. Gustong-gusto niyang sumama agad dito at sabihing, "Oo, syempre" ngunit di niya agad binigkas iyon. Ayaw niyang mahata ng lalaki na patay na patay siya dito, kaya may halong tipid ang pagkakasabi niya ng "Sure, After shift". Ngumiti si Adrian sa naging sagot ni Kira. Halatang masaya ito at excited. Dama iyon ni Kira, alam niyang mag-eenjoy siyang kasama ang kanyang crush mamaya. Di niya alam na mahilig palang kumanta itong si Adrian at siya din naman ay may konting hilig din sa pagkanta, mukhang magkakasundo sila dito. Masaya si Kira'ng unti-unting nakikilala ang binata, mas lalo siyang nahuhulog dito, mas lalo niyang gusto itong tingnan, yakapin, pilit niyang kinakalaban ang sigaw ng kanyang utak, iba si Adrian iba ang tama ng lalaking ito sa kanya. Gusto niya nang matapos ang shift na ito, minuminuto ay nakatingin si Kira sa kanyang relo, inaabangan, nagbabakasakaling bumilis ang ikot ng mga oras. Oras na gusto niyang makasama si Adrian, ang lalaki ng kanyang mga panaginip, ang kaligayahan niya ngayon ay ang mapalapit dito.
Umaasa si Kira na kahit papaanoy gusto din siya ng binata. Na sana baliw din si Adrian sa kanya, gaya ng pagkabaliw niya dito. Iniisip niya kung pinapanaginip din kaya siya ng binata, pinagmamasdan sa lihim. Sana gusto niya din ako, isip-isip niya. Naglaro ang lahat ng iyon sa kanyang isipan habang naghihintay ng kanilang end of shift. Sa panahong wala siyang customer na kausap sa telepono at avail ang linya ng telepono para sa kanya ay sakop ni Adrian ang laman ng utak ni Kira. Adrian, Adrian, Adrian. Lahat nang tungkol kay Adrian iyon lamang ang kanyang naiisip. At konting saglit ay minamasdan niya itong nakaupo sa may likoran niya nang shift na iyon. Minamasid ang tikas nang katawan nito, ang haba ng mga biyas, ang galaw ng mga paa nito na umiindayog paminsan-minsan. Baliw na yata si Kira, baliw na yata ako sayo Adrian, sigaw nang isip niya.