Chereads / Story Mo Lang (Leo Madrigal story) / Chapter 6 - Chap 4 Nakakatuwa pa ba?

Chapter 6 - Chap 4 Nakakatuwa pa ba?

Hay good morning life! bagong araw kaso yaw ko pa rin bumangon (dito pa rin ako kila Leo actually sa kama niya) nahihilo pa rin ako ang sakit na ng ulo ko grabe nakadilat na mata ko diretso sa kisame ang tingin (lampasan dahil ngayon ko mas nagegets mga happenings kagabi) para saan kaya yung halik ni Leo sakin? wala na kasi siya sa tabi ko eh nasan na kaya yun? iniisip ko yung first kiss ba dapat special? kasi yung sakin yun yung kagabi eh. pero siguro sa babae lang naman special yun (wala naisip ko lang) nakalock ako sa kwarto ni Leo nasan kaya yun bakit nilock pa rin ako dito parang adik naman oh. buti kompleto sa kwarto niya may cr kaya ayus na nakakasuka ako ng malaya (hahaha sorry na) kinuha ko muna cellphone ko para maglaro ng Mobile legends (kahit nahihilo ako) siguro mga isang oras na ako naglalaro panalo tapos natatalo rin naman kaya ayun tinigilan ko na rin at humiga na ulit. sakit ng ulo ko grabe. papikit na ako ng biglang bumukas yung pinto. may pumasok na adik! (chareng si Leo lang yun) ang awkward na kasi di ko alam kung pano siya babatiin. nafeel ko umupo siya sa kama tapos medyo ilang segundo pa kinalabit na ako

"Geo alam ko gising kana kasi nakita kitang online kanina (di ako umiimik) sabi ko diba magpapaliwanag ako ngayon umaga sayo kapag wala na yung tama ng alak, di naman talaga ako tinamaan kagabi sa alak na ininom natin (hingang malalim lang muna ako mamaya sasagot na ako wait) about dun sa kiss sorry ah alam ko first kiss mo yun (WTF anong pinagsasabe nito? pano naman niya nalaman? sasagot na ba ako?) hinalikan kita kagabi dahil gusto ko talaga maramdaman yung lips mo. (Oops! di na ako nakatiis humarap na ako sa kanya)

"so bakit nga?" yan ang tanong kong di ko na napagisipan

"Geo ..." oooops di niya matuloy mukhang pasabog na toh ah tinitigan ko lang siya

"Geo (inulit pa bet na bet yung pangalan ko ah).. maniniwala ka ba kung sasabihin kong gusto kita?" at yun bigla na akong natulala sa mukha ni Leo di ako nakasagot dahil nagtataka ako sobra iniisip ko yung siga mong kaklase noong elementary ay magkakagusto sayo na lampayatot lang at wait di ako babae ah

"Geo nasimulan kitang magustuhan noong January na nagkitakita tayo dito sa bahay napansin ko nong nalasing kana ang ganda pa rin ng mukha mo"

"wait sandali! kailan ka pa nagkagusto sa kapwa mo lalaki? Leo ano prank lang ba to? kasi promise nandidiri ako knowing na nagkaasawa at anak ka tapos magkakagusto ka sa tulad ko"

"Ibig sabihin nandidiri ka Geo? (hala bakit parang naiiyak na naman siya)

"hindi kasi ano nga kasi yung totoong dahilan? wag mo na akong lokohin sa ganyang biro" (di kasi talaga ako makapaniwala eh) hinwakan niya kamay ko na siya ko naman kinagulat

"GEO GUSTO NGA KASI KITA!" (bakit ganun parang di ko alam mararamdaman ko ngayon?) wala ako masagot kaya umiiling iling lang ulo ko di gets eh samantalang si Leo nakatitig lang.

"Geo alam ko nabigla ka sa mga sinabi ko (tumango lang ako) pero sana bigyan mo ako ng chance para mapatunayan sayo na totoo tong nararamdaman ko" hala ano ba sasabihin ko? kamot ulo ako eh

"Leo pano?..." di ko matuloy

"Anong pano Geo?" mukhang ready pa siya magpaliwanag ah kaso di ko maisip mga nasasabi niya sakin gusto ko magising sa bangungot na ito.

"Geo kung iniisip mo si Gian alam din niya kalagayan ko alam niya na di ko siya kayang mahalin dahil gusto ko lang magka anak! naging makasarili ako alam ko masasaktan ko si Gian pero siya yung sagot para magka anak ako. at ngayon na nandyan na si Lian kailangan na naming maghiwalay pumayag siya sa ganoong set up namin kaya ngayon bumalik na siya sa kanila" pagkasabi niya nito naginit tenga ko parang na high blood ako bigla.

"ibig sabihin Leo hindi mo talaga minahal si Gian?" parang naiiyak na ako dito kasi ang gulo na promise

"oo Geo, ginamit ko siya kung yun ang dapat na termino pero ginusto niya rin yun dahil sabi niya mahal niya ko" natahimik na ako grabe sasabog na utak ko

"Leo alam ba to nila tita at tito? (parents ni Leo)" tumango lang siya bilang pag sang ayon. tumayo na ako sa kama ni Leo dahil wala na wasak na utak ko sa bagal magsink in sakin ng lahat ng sinabi ni Leo. pinilit ko maging kalmado.

"Leo uuwi muna ako sa amin ah kailangan ko magisip sobra akong nagulat sa lahat ng sinasabi mo" malungkot lang yung mukha ni Leo at agad na akong umalis sa bahay nila lakad na pauwi. pagpasok ko ng bahay ang tahimik parang walang tao. punta ako sa kusina ayus may mga pagkain para sa akin kumuha muna ako ng tubig dahil pagod rin maglakad ah nahihilo pa rin ako sa mga nagyayare. pagkainom ko sa isang basong tubig nakita ko may note sa white board sa may refrigerator

"Geo, pasensya na at di na kita napuntahan kila Leo para magpaalam nagchat ako sayo check mo" hay si mama talaga chineck ko messages ko ito nga message niya:

"kasi mga kaibigan ko sa Laguna nagsabi swimming raw kami at sakto yung isa ko rin kasing classmate uuwi galing Spain kaya baka magtagal ako sa Laguna may budget ka naman dyan sa may lamesa pang ilang Linggo din yan. Labyu nak ingat at saka pala sinabihan ko na rin di Leo na ingatan ka dyan habang wala ako." luh bakit parang close na talaga sila mama at Leo may di ba talaga ako nalalaman dito? at saka of all my friends bakit kay Leo pa? pwede naman kila Anne or Kate nako lagot to sakin si mama sa paguwi niya marami tong ipapaliwanag. so ayun chineck ko yung budget na sinasabi ni mama nagulat ako dahil grabe wow first time magiwan ni mama ng 10k para sakin ilang linggo ba siya dun? Btw SKL hahaha baka po nagtataka kayo kung bakit kami na lang ni mama ang nasa bahay ganito po kasi yan yung tatay ko po kasi nasa bukid namin sa Pangasinan at yun wala po akong kapatid sad pero ayus lang naman hahaha nasanay na rin naman ako mag isa.

nagpahinga ako sa kwarto ko pagkatapos kong kumain yung amats ko naman sa alak eh humuhupa na yung Hang over ba yun ayun! haha tapos ito na ulit ako back to reality higa sa kama ko nagiisip ng kung ano sa buhay lalo na yung sinabi ni Leo kanina hanggang sa nakatulog na ako kakaisip...