Chereads / Story Mo Lang (Leo Madrigal story) / Chapter 12 - Chap 10 Ang alin ba?

Chapter 12 - Chap 10 Ang alin ba?

Matapos namin magyakapan ni Leo nahiga na kami sa kama ko. This time magkaharapan na kami di matapos tapos yung ngiti sa mukha ni Leo ako naman natutuwa dahil ang gaan ng pakiramdam ko ngayon.

"Geo manliligaw pa ba ako?" nakangiti niyang tanong,

"Oo naman siempre dapat mapatunayan mo na kahit papano di talaga trip to o kaya naman prank lang" nakangiti ko ring sagot. haha nagpapaligaw ako pero sa totoo lang hawak kamay kami ngayon sa kama (ang lande na ba?)

"Nako Leo matulog na tayo ah, sa ginagawa mong pagtitig baka matunaw na ako niyan!"

"Geo natutuwa kasi ako parang ang sarap sa feeling na finally handa kana na para bigyan ako ng pagkakataon sa puso mo, kaya di ko sasayangin to papasayahin kita sa abot ng makakaya ko" ay yun oh! kinilig ako kaya sinabunutan ko na lang siya hahaha gigil ako sa kilig eh. pumikit na ako tapos naramdaman ko na humiwalay yung isang kamay ni Leo sa kamay ko, maya maya pa naramdaman ko na sinimulan niyang magtrace ng straight line mula sa noo ko papunta sa lips ko di ako umimik pero gising pa ako pagtapos niya magtrace sa mukha ko ewan kung para saan yun nakaramdam ako na hinalikan niya yung noo ko, ayun kinilig na naman ako hahaha LANDE KO NA BA? HAHA SORRY NA PO.

"Good night Geo maraming salamat" at yun wala na mukhang nakatulog na kami dahil wala na ako matandaan after nito.

Kinabukasan, since wala akong pasok sa school next week na raw ulit meeting namin nagising ako ng mag isa sa kama ko pagtingin ko sa wall clock alas 11 na pala napasarap yung tulog ko. wala na si Leo sa tabi ko kaya naman medyo nalungkot ako (Arte ko na ba?) pagbangon ko sa kama nakita ko yung parang may sulat sa side table kaya binasa ko dahil malamang para sa akin toh. nakalagay:

"Geo maaga ako umalis ah kasi may klase rin ako ngayon pero half day lang yun mamaya nandito na rin ako, kain kana sa baba ng almusal nagluto ako dun. wag mo ako mamiss agad ah uuwi rin ako agad!" -Leo

so ayun natuwa naman ako kasi may pa note si kuya mo Leo pwede naman magchat na lang pero ayus kinilig agad yung tanghale ko. bumaba na ako sa kusina para kumain nakita ko naman may dalawang bagay ang natatakpan sa lamesa binuksan ko at nakita ko ang isang plato ng sinangag tapos yung isa ay pahotdog at itlog ni mayor Leo. bago ako kumain pumunta muna ako sa salas para naman magpasound sa buong bahay para kasing sobrang tahimik eh ayun nagplay ako ng music siempre LITTLE MIX ulit at bumalik na ako sa kusina para kumain. habang kumakain ako nagring yung phone ko dahil may tumatawag at yon ay si Papa kaya sinagot ko agad.

"Hello papa kamusta?" nagulat ako ng ang sumagot ay si

"Anak kamusta dito ako ngayon sa Papa mo namiss ko na rin kasi siya eh" si mama Malyn ang sumagot ayus di ba tumuloy siya kay papa matapos siyang gumala sa Laguna.

"Ang daya naman mama bakit di mo ako dinaanan bago ka tumuloy dyan?" tampo kunwari haha

"sorry na nak, naisip ko kasi di ba may summer class ka ngayon kaya di na kita sinabihan" ayun nagets ko naman si mama

"sige na nga ma, asan nga po pala si papa bakit po phone niya ginamit niyo pantawag?"

"Nak nasa bukid si papa mo eh naiwan phone dito sa bahay kaya ito ginamit ko pantawag dahil wala na rin ako load eh" hay si mama talaga mapamaraan at si papa naman super sipag.

"Nak Geo, (OOOPSS!) kamusta ka dyan at si Leo?" ayun nagulat na ako bigla ko naalala mga tanong ko kay mama.

"mama bakit parang close na kayo ni Leo at ang tawag na niya sayo ngayon ay MAMA din? bakit ganun paliwanag mo naman mama?"

"(natatawa tawa si mama) kasi anak alam ko naman mabait yan si Leo at kinausap ako ni Kumareng Mabel (Mabel Lopez mama ni Leo) na may gusto nga raw si Leo sayo di naman ako nagtaka dun dahil alam ko naman simula pa lang magiging habulin ka talaga anak (tawa pa siya eh) eh sino nga bang unang tatanggap sa mga tulad niyong unique kundi kami rin naman na mga mahal niyo sa buhay di ba anak?" hala natahimik ako dito si mama kasi parang adik parang pinapaiyak ako sa mga sinasabi niya.

"Oh anak, Geo alam ko nabigla ka kaya natahimik ka dyan. alam rin naman ni papa mo di ba na di ka talaga tulad ng ibang lalake. siguro dati nagulat si papa mo dahil ang alam niya at gusto rin naman kasi niya na may susunod sa yapak niya kaso siempre iba ka Nak eh, special ka sa amin kaya kahit anong pinili mo susuporta kami dahil mahal ka namin alam namin na matalino kang bata at alam mo ang limitations sa buhay (ayun umiiyak na ako) ganyan din ang pananaw ni Mareng Mabel anak kaya naman nagkaintindihan kami."

"Ma, salamat ah (sinisipon ako na ewan) kailan ba kasi uwi niyo at bakit kasi puro sa phone lang tayo naguusap?" nagpupunas na ako ng luha ko.

"Hahaha anak wag ka mag alala makakauwi kami dyan ni papa mo this week surprise na lang anong araw dahil chinat na nga kami ni Leo na nagsisimula na raw siya manligaw sa yo, buti naman anak pumayag kana?"

"Hay nako mama di ko na alam gagawin ko ngayon miss ko na rin kasi talaga kayo ni papa" habang nagsasalita ako may naramdaman akong pumasok sa kusina at si Leo pala yun biglang nakisabat

"Mama Malyn, pwede po ba na kami na lang ni Geo ang pumunta dyan bukas para po makapagpaalam na rin po ako kay papa?" hala siya pasya pasya payag ba ako?

"Oh Leo anak dyan kana pala?" tanong ni mama sa kunwari anak niya.

"opo ma kakararing lang rin po galing school" sagot ni kuya niyo

"wala na ba kayong pasok ni Geo ha Leo!?" tanong ni mama, nakatingin lang ako kay Leo dahil mukhang di ko na makukuha phone ko eh

"wala na po mama sabi po sa akin ni Geo next week na raw po ang klase niya ako naman po 2 weeks pa po bago kami ulit magkita ng prof ko" saya ni Leo oh nakangiti siya eh habang kausap mama ko

"Oh eh kung wala naman pala kayong pasok dalawa edi sumunod kayo dito para naman makausap kana rin ng asawa ko haha ang papa mo pala (badtrip noh haha tatay ko yun eh) o sige sasabihan ko na si papa niyo kailan kayo babyahe?"

"Ma pwede na po ba mamayang gabi para po bukas ng umaga marami tayo maggawa dyan?" si Leo talaga naman pong!

"o ayus lang basta ingat sa byahe ah!" si mama naman din eh oh. sumenyas ako na pahiram ng phone ko para makausap ko si mama kong tunay, inabot naman ni Leo.

"Mama galing ah payag na payag ka ah? natatamad ako bumyahe ng malayo eh." inarte lang yan pero gusto ko na talaga makita si papa at namiss ko na rin naman pumunta sa bukid namin.

"Alam ko naman na nasa mabuting kamay ka Nak kaya payag ako dyan (nakaspeaker yung phone kaya narinig ni Leo na nagpogi posing na naman) iingatan ka ni Leo, di ba Leo?"

"opo mama maraming salamat po sa pagtitiwala" sagot ni Leo

"oh siya pano? magayak na kayo maghanda para makabyahe na mamayang gabi ingat ah bye sa inyo" nag bye na rin naman kami ni Leo tapos nag end call na si mama. tapos na ako kumain kaya nagligpit na ako ng lamesa, hindi ko tinitignan si Leo pero alam ko na pinapanuod niya ako mula sa pagakakaupo niya sa tapat ng lamesa kanina (assuming ba?) natapos na ako maghugas ng plato kong kinainan kaya aakyat na ako, pero.

"Geo mageempake kana ba?" tanong ni Leo. tumango lang ako kasi matic na yun.

"sige samahan na kita" tapos yun umakyat na kami sa kwarto hindi kaputian si Leo pero bakit parang namumula siya napasimangot ako kasi ewan parang may mali kay Leo. pumasok na kami sa kwarto at nagsimula na ako mamili ng susuotin ko para sa byahe mamaya si Leo naman naiwan sa kama ko nakaupo tapos nanunuod lang ng tv. maya maya dala ko na yung mga damit na kinuha ko sa closet ko, nilapag ko kama tumabi ako kay Leo tapos nagtutupi na ako ng napansin ko humihiga na si Leo sa kama ko. tinignan ko siya.

"Leo ayus ka lang?" nacurious na ako teh. tumango lang naman si kuya niyo kaya nagtuloy na ako magtupi ng damit. nilalagay ko na sa bag ko yung damit na natupi ko na tapos non tumayo si Leo kaso natumba rin sa kama ko kaya nagpanic ko ng beri layt.

"Hoy Leo anong nangyayari bakit natumba ka ayus ka lang ba talaga? (out of nowhere kinapa ko na yung ano niya..... hahahahaha yung noo kasi) hala hoy Leo nilalagnat ka na ah! kanina pa kita tinatanong kung ayus ka lang tapos tango tango ka dyan di ka naman pala okay!" pinahiga ko siya ulit sa kama nako naman po mukhang di ko pa makikita sila mama at papa ah...