Chereads / Story Mo Lang (Leo Madrigal story) / Chapter 9 - Chap 7 Natapos na ba?

Chapter 9 - Chap 7 Natapos na ba?

Natapos yung meeting ko sa lahat ng prof ko mga bandang 2pm na kaya masaya dahil maaga pa pwede pa ako kumain sa labas pero nung chineck ko yung phone ko at nag online grabe ang OA ng notifications 100 messages from Leo Lopez ano na naman toh? babasahin ko ba pero nacurious na rin ako kaya inopen ko na grabe siguro yung mga first 50 ay puro sticker at emoticons lang tapos yung mga sumunod parang adik ewan ko na kaya sa dulo na lang ulit last message niya ay

"Chat ka Geo kapag tapos na klase mo dahil gusto ko sana sabay tayo kumain" luh ang daming alam na naman. sa message niyang to naalala ko yung ganap kanina sa bus yung paguusap namin ni Gian sasabihin ko ba na nagkita kami kanina? ano nga ba irereply ko? wait isip pa naglalakad na ako sa hallway palabas na ng University ilang saglit pa nagring na yung phone ko at yun tumatawag si Leo sinagot ko naman agad

"Hello Geo palabas kana ng school noh? nakita ko na kasi na nag online kana eh dito na ako sa tapat ng school mo sa main gate kita hihintayin dala ko kotse tara kain na tayo!" natahimik ako dito pero

"bakit ka nandyan sige lalabas na ako di mo ba iniisip na baka may makakita satin dyan? at sa main gate ka pa naghintay ah?" sagot ko

"dalii na Geo miss na kita" at inend niya na yung call, badtrip para akong bata na tumakbo para di na siya maghintay pa agad akong pumasok sa kotse niya at masama ang tingin nag aya na ako umalis agad kasi baka makita ako ng mga kaklase ko akalain pa nila kung anoman mga utak writer pa naman yung ng tabloid haha chismosa eh. agad naman pinaandar ni Leo yung kotse

"San tayo kakain?" tanong niya na tinignan ko lang ng masama bilang sagot

"wag kana magalit Geo naisip ko lang naman na daanan ka eh kasi pinuntahan ko yung kaklase ko dyan sa may malapit sa university niyo sakto pagchat ko online ka naman kaya ito" paliwanag siya eh

"so pano Geo san tayo kakain?" tanong niya ulit badtrip paulit ulit

"Gutom na gutom kana ba bakit nagmamadali kang kumain?" tanong kong ewan ko ba

"di naman masyado kumain naman ako dun sa pinuntahan ko eh pinakain ako ng magulang ng kaklase ko"

"oh yun naman pala eh maggrocery na lang tayo magluluto na lang ako sa bahay" yan suggestion ko

"ay akala ko pa naman first date na natin to mukhang di pa pala" lungkot lungkutan naman siya tinitignan ko badtrip eh nagpapacute kahit di bagay

"uwi na lang tayo para naman wala rin makakita na magkasama tayo" dagdag ko pa napansin ko nagbago mukha niya nakahinto yung kotse dahil traffic kaya hinarap niya ako

"bakit kinakahiya mo ba ako Geo? pogi naman ako ah? sabay pogi posing siya

"Sige balakajan ang ayaw ko lang kasi yung sasabihin ng mga tao nga na makakakita satin" pamputol ko, nagmaneho na ulit siya.

"Sige na nga sa bahay niyo na lang" yun buti nakumbinsi na. grabe na ang traffic dito sa bansang toh! buti na lang mahaba pasensya ng driver ko haha ako pikon na sa traffic siya tamang maneho lang talaga. nakarating kami dito sa mall na malapit sa subdivision namin mga mag aalas 5 na ng hapon kaya ewan baka gutom na tong adik na kasama ko.

"ano kaya pa ba Leo mahihintay mo pa yung iluluto natin?" tinatanong ko siya habang papunta na kami sa grocery ni Aling Puring (hahaha alam na!) kumuha na ako ng basket na lalagyan ng bibilhin namin. pumunta agad ako sa meat section sarap kasi ng may sabaw ngayon ewan ko ba namiss ko luto ni mama na sinigang kaya naisip ko bumili ng baboy (pata ng baboy) habang namili ako ng pata si Leo naman namimili na rin ng gulay na kasama sa luto namin sana alam niya yung mga gulay na present sa sinigang. buti na lang rin talaga may budget na iniwan si mama nako kung hindi baka namasukan na muna akong aso o kasambahay kila Kate or kila Anne. bumalik na sa pwesto ko si Leo dala dala yung basket niya na may lamang gulay maayos naman yung mga gulay na kinuha niya wala namang naligaw na gulay mukhang alam ni Leo ang recipe sa sinigang.

Nabili na namin yung mga kailangan kaya pauwi na kami kanina pa tahimik si Leo bakit kaya? (habang nagmamaneho na siya)

"okay ka lang Leo?" ang tahimik kasi talaga, tumango lang siya para sabihing okay lang siya.

"bakit ang tahimik mo kanina pa?"

"Gutom na ako Geo grabe kanina pa ako nagtitimpi sa daan grabe yung traffic!" ayun kaya pala nanahimik ang loko gutom na

"hala eh pano yan papalambutin pa yung baboy mamaya sa bahay pagdating?" natatawa tawa na ako kasi feel ko yung gutom ni Leo. malapit na kami sa bahay haha ayun agad nagpark si Leo at pumasok na kami sa bahay sinimulan ko ulit yung pagpapalambot sa baboy dahil gutom na yung driver ko kanina. habang nakasalang yung baboy nagsaing na rin ako ng maraming kanin dahil nga sa gutom kami. hinihiwa naman ni Leo yung mga gulay sabi ko bahala kana magshape sa gulay basta kasya sa bibig natin (yan instructions ko) makalipas ang ilan pang sandali na naglalaro kami ni Leo ng ML napansin namin na kumukulo na yung kanin tapos yung sa baboy naman parang may progress na rin lumalambot na rin sa tingin dahil kaming nagluluto lumalambot na talaga eh nahihilo na kami sa gutom. tinapos ko na yung sinigang na baboy badtrip eh gutom na talaga kami ni Leo. nagsasandok na siya ng kanin samantalang ako kumukuha na ng ulam na experiment namin hopefully tama lang yung lasa pero bahala na si Leo lang naman makakatikim eh. nung nakaupo na kami sa may tapat ng lamesa kagat labi na si adik eh pero sabi ko wait para mabusog talaga tayo pray muna. nagpray ako ng napakabilis dahil sobrang gutom na rin ako pagtapos na pagtapos ng prayer ko grabe yung kanin namin ni Leo para kaming trabahador na di pinapasahod hahaha natatawa naman ako sa reaksyon ni Leo nung kumakain na kami dahil grabe kain ng kain lang haha.

"oyy Leo dahan dahan lang ah baka mabigla tyan mo nyan" nagdahan dahan naman siya pero ang gana pa rin eh haha. kumakain na rin naman ako at sa panlasa ko masarap naman yung luto kong sinigang.

"Geo ang sarap mo magluto grabe pwede na mag asawa ah" yan nasabi niya nung medyo nakakarami na siya ng kain.

"Gutom ka lang Leo kaya ganyan nasasabi mo!" haha bahala na siya. Bago kami matapos kumain gusto ko i open kay Leo yung nangyari kanina na nagkita kami ni Gian. Kaya naman.. uminom ako ng tubig para maayos ako makasalita.

"Leo kanina nagkasabay pala kami ni Gian sa bus" tumango lang siya kaya nagtaka ako

"nagkamustahan kami kaso na awkward vibe ako eh pero bakit ganyan reaksyon mo Leo?" tanong ko

"Geo nabanggit kasi sakin ni Gian kanina nagchat siya nabasa ko (sabay abot sa phone at pinabasa sa akin yung chat ni Gian)

"Leo nagkasabay kami ni Geo kanina sa bus naramdaman ko medyo naiilang siya hahaha pero kanina ko na mas napatunayan karapatdapat siya talaga para sayo" chat ni Gian na wala naman nireply si Leo. nagulat ako dito part.

"di ko na alam saaabihin ko kasi para talaga akong nasa set pa rin ng WOW MALI! hahaha or nasa Prank ako ng Vlogger dyan. bilang naguluhan ako niligpit ko na yun kinainan namin alam ko naman na tapos na kaming kumain eh. di ko na alam dapat maramdaman sa ngayon. matapos kong mahugasan yung lahat ng nagamit namin at naiayos ko na yung ulam dahil may natira pa umakyat na ako sa kwarto di ko na pinansin si Leo dahil gulong gulo na ako this time. Nilock ko yung kwarto at humiga sa higaan ko. maya maya naramdaman ko may kumakatok. siempre siya lang naman tao eh

"Geo ayus ka lang ba?" alam ko may susi siya sa lahat ng kwarto namin pero thankful ako dahil di niya ginagamit this time.

"naguguluhan lang ako Leo! gusto ko muna sana mapagisa kahit ngayon gabi lang or kung pwede hanggang bukas rin ng gabi"

"sige Geo uuwi muna ako, chat mo ako ah kapag may kailangan ka at may maitutulong ako" buti naman nakaramdam din siya, di na ako nagsalita dahil alam ko umalis na siya. nakahilata lang ako sa kama diretso sa kisame ang tingin ewan lampasan na nga siguro dahil dami ko naiisip.

Una, akala ko ba nanlalake si Gian? eh bakit parang di naman ganun lumalabas ngayon? pangalawa, bakit parang ayus naman relation ngayon nila Gian at Leo? pangatlo, bakit ang bilis naman nila nagka ayos? nastop ako dito at kinuha phone ko para ichat si Gian mismo katulad naman ng sabi niya kanina feel free raw ako para i chat siya so ito gagawin ko. alam ko awkward pero alam ko siya makakasagot nito lahat. (typing.. na ako wait)

"Hello Gian marami akong tanong sayo ngayon may time ka ba?" online naman si ate mo ganda kaya nagtatype na..

"Hi Geo ayus lang ano ba mga tanong mo?" hay buti naman

"salamat Gian"

"alam ko naman kasi naguguluhan ka talaga ngayon kaya ayus lang sakin hahahaha" panes may pa haha si ate ganda

"Gian ganito kasi before nagkaouting kami ng Elementary friends sa resort dyan sa may malapit sa inyo at may nakapagsabi sakin na hiwalay na nga kayo ni Leo that time at ang reason RAW ay nahuli ka ni Leo na kasama yung Ex mo na sobra niyang pinagseselosan. totoo ba yun?" panes ka sa sulit na chat ko hahahaha, nafeel ko binabasa na ni Gian kaya maya maya (typing na raw siya)

"Geo pwede ba video call na lang tayo para less pindot haha" ay hala ganda ganda tapos tamad hahaha joke lang

"sige po" yan sagutan ng mababait, maya maya pa nagriring na phone ko at tumatawag na nga siya grabe nakita ko agad yung ganda niya pagbukas ko / sagot ko sa call.

"so ang sagot ko dyan sa tanong mo Geo ay bluff yan (wow lakas maka Celebrity bluff) hahaha yan ang pinalabas namin ni Leo para maitago ang personal niyang preference" napawow ako dito

"so Gian talagang ano si Leo?"

"anong ano ba yan Geo?" natatawa tawa siya dito pero nung sasagot na ako

"oo Geo di talaga straight yan si Leo pero grabe minahal ko yan ng sobra (ay wow) may set up kami ni Leo at maayos naman kami ang alam lang talaga ng mga tao ako ang nagloko hahaha i know it may sound negative pero ayus lang sa akin need namin magrow ni Leo on our own chosen paths haha nubayan napapaEnglish na ako lasing ba ako? kahiya wrong grammar ata ako Geo hahaha" natawa rin ako dito naalala ko yung pagaalaga sakin ni Gian

"baka nga lasing ka teh hahaha gaya sakin nung inalagaan mo ako" natawanan kami pero ilang saglit pa natapos rin

"ano pa Geo may tanong ka pa?" ay oh game pa si ate ganda

"wait nagiisip pa ako Gian ah"

"oh by the way, Geo nag away ba kayo ni Leo ngayon?" gulat ako bakit feel ni ate ganda?

"ay hala bakit alam mo teh?" tanong ko

"ay nakwento kasi kanikanina lang ni Leo nagchat siya sakin na parang bigla ka raw nagbago kanina nung nalaman mo na may communication pa kami, well Geo wag ka magalala isa na lang akong tunay na kaibigan ngayon para kay Leo at yung anak na lang namin ang naguunay samin hahahaha wala na kaming romantic feeling sa isat isa hahaha di naman ata nagkaroon talaga eh." nagulat na naman ako ewan ko hanga ako na naawa kay Gian, hanga dahil ang strong niya naaawa dahil parang nagiging martir na siya

"ah Geo free ka pa ba lumabas ngayon gabi tara meet tayo sa may McDonald's dyan sa may bagong bukas ngayon? tara na alam ko naman wala kang kasama dyan sige na ah bibihis na ako kita na lang tayo dun chat chat bye Geo!" sa bilis niya magsalita at magoff na tawag wala na ako nareact pa....