Chereads / Story Mo Lang (Leo Madrigal story) / Chapter 8 - Chap 6 Eksena pa ba?

Chapter 8 - Chap 6 Eksena pa ba?

Umaga na naman! nag aalarm na yung phone ko naririnig ko kaya hinanap ko para i-snooze ng 5 minutes pa. gising na naman ako kaso natatamad pa ako bumangon maya maya pa nagvibrate na ulit yung phone ko at nag alarm bago ko pa pindutin ulit yung snooze button may humila sa phone ko

"Bangon na Geo" haiyst si Leo na naman malamang katabi ko siya matulog eh nakasimangot pa mukha ko sa inis dahil kinuha na yung phone ko nung tinalikuran ko siya sa higaan para matulog ulit bigla ba naman ako niyakap mula sa likod kaya napabangon na talaga ako. tatawa tawa ang adik habang bumabangon na rin

"Ano Geo kain muna tayo sa baba naghanda na ako ng pagkain" sa sinabi niya dito nagulat ako 5:40am pa lang nakaluto na siya?

"Leo di mo naman sinabi kasambahay kana pala namin? pang inis ko sa kanya kaso badtrip di siya nainis

"swerte ko ngang kasambahay eh katabi ko matulog yung boss kong mahal" ngiting aso na lang ako sa sinabi niya at bumaba na sa kusina para kumain nung pinagmamalaki niya hahaha. pagbaba ko sa kusina napawow na lang ako dahil nakapag fried rice na siya scrambled egg at may pa hotdog pa well simpleng prito lang ginawa niya pero ayus na rin

"umupo kana rin Leo sabay na tayo kumain kahit kasambahay ka lang namin" umupo na siya sa tapat ko nagpray ako bago kumain tapos nun nagstart na ako kumuha ng sinangag na kanin at yung mga ulam niyang niluto kumakain na ako tapos napansin ko na di gumagalaw si Leo sa tapat ko naka tunganga lang sakin

"oh bakit di ka kumakain Leo?" nakakatakot eh kasi nakangiti lang siya nakatingin sakin

"ayus lang Geo mamaya maya na ako nageenjoy akong panoorin ka eh" di ko na siya pinansin nagfocus na ako sa pagkain

"anong oras ka pala nagising Leo para mahanda mo to lahat?" yan tinanong ko sa kanya para di naman mamatay yung hangin

"wag mo na initindihin yun Geo kain lang ng kain" yan sagot niya kaya naman kumain na ako ulit

"maraming salamat Leo ah siguro kaya close na kayo ni mama noh? dahil mag aapply kang kasambahay namin?" haha naisip ko lang

"hindi kasambahay inaapplayan ko kay mama dahil nag aapply ako maging Boyfriend mo" nasamid ako sa iniinom kong tubig sa sinabi niya tinignan ko siya ng nagtataka

"Sige ingat" yan na sinabi ko kaya umakyat na ako sa kwarto para maghanda na ng sarili naiwan naman si Leo sa kusina sabi ko kumain na rin siya eh naligo na ako at ready na umalis sakto 6:30am ako makakaalis ngayon sa bahay paglabas ko ng kwarto nakita ko si Leo sa tapat ng pinto ko

"oh bakit Leo?" tanong ko

"aalis kana?"

"oo oras na oh baka matraffic pa ako sa daan eh"

"sige tara na hatid na kita sa sakayan ng bus"

"sige gusto ko yan, pwede kana rin namin maging driver Leo" di na siya umimik pa habang palabas kami ng bahay nilock ko na yung gate alam ko naman uuwi na si Leo paghatid sakin eh pagharap ko sa kalsada hinanap ko yung kotse niya at wala akong nakita kundi bagong motor nagulat ako dahil dun pasakay si Leo

"tara na Geo malelate kana" alok ni Leo nung nakita ko pa lang yung motor ayaw ko na eh

"sige ingat ka Leo magtatricycle na lang ako" di siya sumagot non habang ako naman lumingon na sa kabilang direksyon para magpara sa tricycle hinila niya ako bigla at pinilit sumakay sa motor niya adik eh pwersahan na eh. since wala na akong nagawa mukhang last day ko na to sa Earth.

"Kumapit ka Geo byaheng swabe toh" di ko kinaya sa simula ng takbo ng motor sa balikat niya lang ako nakahawak pero nung pinaharurot na niya yung motor napayakap na ako sa bewang niya grabe binilisan niya talaga. nakapikit na ako sa buong byahe dahil sa takot ilang saglit pa

"Geo dito na tayo (huminto na yung motor niya) mukhang nagenjoy ka na dyan sa pagyakap ah?" bigla ko naman kinalas yung yakap ko sa kanya nahiya ako dahil ang daming tao bumaba na ako sa motor niya at naglakad palayo sa kanya pasakay na ako ng bus ng biglang may sumigaw na baliw mula sa likod

"MISS NA KITA AGAD GEO INGAT KA" di ko alam gagawin gusto ko na lamunin ng lupa ngayon sa hiya ang daming tao adik talaga eh yumuko na lang ako dahil di naman alam ng tao kung sino yung Geo na tinutukoy eh sumakay na ako sa bus. umaandar na yung bus. nag earphones na ako para walang makaistorbo sakin maya maya pa bago ko i lock phone ko may nagmessage

"Ingat ka Geo miss na miss na kita ngayong nandito na ako sa bahay namin" sos adik nga, nagreply ako ng "K" at tuluyan ko na nilock phone ko. nakaupo na ako sa bus upuan na dalawa pwedeng umupo ako sa may bintana para maganda ang view. di matapos tapos yung bus magsakay dito sa crossing maya maya pa may tumabi na sa akin ramdam ko eh bango eh amoy babaeng maganda nacurious na ako kaya nilingon ko na. (slow motion na paglingon ng biglang) nakita ko si Gian. aaminin ko di ko alam kung kakusapin ko ba siya or dedma na kunwari di ko nilingon pero (biglang lingon din si Gian nagka eye to eye na kami kaya)

"Uyy Gian ikaw pala yan!" ops aminin tunog plastik na ako dyan pero promise pinilit ko naman di siya magsound plastik (tinititigan ko mukha ni Gian habang nakangiti grabe ang ganda niya talaga)

"Hello Geo kamusta ka?"

"ayus lang naman ito tuloy aral kahit na bakasyon para matapos na agad"

"ay mabuti naman kung ganun kaya mo yan" after nito di ko alam pa yung sasabihin ko kakamustahin ko ba siya or maglalaro na lang sa phone ko sobrang na o awkwardan ako (ng biglang)

"Geo, (napalingon ako ng slowly na dahan dahan pa haha smile rin) nagkakausap na ba kayo ni Leo ngayon?" and i was like EMEGED? DI KO ALAM ANO SASABIHIN kaya tumango na lang ako.

"Nasabi niya na ba yung nararamdaman niya para sayo?" at tumigil ang mundo nung itoy tinanong niya grabe ibig sabihin talagang alam ni Gian?

"Ah eh Gian kasi ano" naguguluhan ako magpaliwanag

"Geo (natatawa ata siya sa kabado kong reaksyon) wag ka mag alala napag usapan namin yan ni Leo right after nung January di ko na tanda yung date eh pero yun yung nagkita kita kayo sa bahay before alam ko ang sexuality ni Leo tanggap ko na di siya straight kaya di ako nagtaka sa sinabi niya nung gabi na yon na nacutan nga siya sayo lalo na nung nalasing kana.. (Shemay di ko alam irereact ko)

"Gian sandali (pinatigil ko siya kasi di ko kinakaya mga sinasabi niya) alam mo ba kung gaano ako ka thankful sayo noong gabi na yon? grabe ikaw lang tumulong sa akin noon pero sorry kasi di ko alam na.. (naiiyak ako na ewan) na parang ako pa ata naging dahilan ng paghihiwalay niyo ni Leo sorry Gian" hinawakan ko kamay niya habang nakayuko nahihiya ako

"Geo wag ka mag alala wala naman akong negative feelings sayo at maski kay Leo actually mas masaya na ako ngayon dahil alam ko na mas sasaya na si Leo sa piling ng taong totoong mahal niya, at ikaw yun Geo" nagsmile siya pero dama ko yung lungkot kaya out of nowhere niyakap ko na lang siya saglit lang naman yun. naluluha luha pa ako kasi grabe na ito!

" Geo pwede ba humingi sayo ng pabor?" tumango naman ako bilang sagot sa kanya

"pwede ba kapag nagtapat na sayo si Leo about sa nararamdaman niya pwede ba wag mo siyang saktan di ko kasi kakayanin na malungkot siya eh" di ako makasagot this time pero wait lang timing pa

"Gian sa totoo lang nagsabi na siya tungkol don pero di ko sineryoso dahil naisip ko baka trip lang yun o biruan di ko alam na totoo pala yun" napangiti lang ulit si Gian

"Geo alagaan mo si Leo para sa akin, ikaw na magbantay sa kanya at pag aralan mo rin siyang mahalin ah" di ako nakareact hanggang sa di ko namalayan bababa na si Gian.

"Gian maraming salamat ah" ngumiti siya

"Geo ako ang dapat magpasalamat sayo marami kang nagawang tama at magagawa pang tama kaya please mag ingat ka rin ingatan mo lahat ng meron ka ngayon oh pano baba na ako wag ka magdalawang isip na magkwento minsan ah" nagwave hands na siya at tuluyan ng tumayo sa upuan para bumaba na sa bus. yung moment na to di ko na alam kung ano mukhang ihaharap ko kay Leo pero mamaya na yung mga isipin ko kay Leo dahil naghahanda na ako sa meeting ko with my professors nagsuot na ulit ako ng earphones at nagtuloy sa pagrelax sa sarili ko. aaminin ko natahimik yung bibig ko sa pagsasalita nung bumaba na si Gian pero may gumugulo sa isip ko eh pero yoko na kaya umidlip muna ako dahil feeling mastress lang ako kapag nag isip pa ako ng todo.

Nung medyo malapit lapit na ako sa school namin sakto naman nagising na ako sa bus niready ko na sarili ko dahil madugo na naman ito sa meeting ko sa prof ko hahaha pero kaya ko yan!