Chereads / Story Mo Lang (Leo Madrigal story) / Chapter 4 - Chap 2 Tuloy ko pa ba?

Chapter 4 - Chap 2 Tuloy ko pa ba?

Sa estimation ko mga 1am na nun kaya tahimik na sa paligid ng kotse nasa tapat na kami ng street namin kaya lalabas na lang ako kaunting lakad bahay na pero nagsimula na siya.

"Geo buti ka pa noh?" "Bakit Leo?" tapos yumuko na siya sa may manibela nasa tabi niya lang ako eh.

"Kasi ikaw di ka pa nakakaramdam ng maloko ng taong mahal mo, di ka pa nagkakarelasyon sa kahit kanino." (Ouch naman pero totoo eh wala pa ako nakarelasyon sa buong buhay ko) di ako naka imik sa sinabi niya dahil naramdaman ko na umiiyak na siya bunga na rin siguro ng kalasingan at pagod sa pagmamaneho kaya sumabog na pagiyak niya. humahagulgol na siya kaya tinap ko lang yung likod niya hinahagod ko para mas lalo pa niya malabas yung iyak at bigat ng nararamdaman niya.

"sisikapin ko itaguyod yung anak ko kahit wala na yung nanay niya" yan ang sabi niya di ko alam pero bigla niya akong niyakap (nanigas ako na ewan bigla bigla kasi eh) umabot rin siguro ng mga 3-5 minutes bago siya humiwalay sa yakap sakin sabi ko.

"tahan na kakayanin mo yan andito rin naman kami para suportahan ka sa pagpapalaki sa anak mo. marami kami ah may business women, may psychologist, may teacher, may manager pa at ako magiging Doctor ako para rin sa inyo" natawa siya at napawi ang luha dahil sa mga sinabi ko. tahimik siya kaya sabi ko

"Leo basta alam mo na kapag may problema di pwedeng puro alak magkwento ka lang sa isa sa amin makikinig kami sayo para gumaan loob mo"

"Salamat Geo" "hahaha wala yun kaya nga tayo magkakaibigan eh salamat nga pala sa paghatid pauwi pahinga kana Rin Leo"

at tuluyan na nga akong lumabas sa kotse niya na pinagpapasalamat ko dahil natanaw ko na tinted naman pala yung glass sa harap kaya di makikita ng mga chismosa namin kapitbahay yung ganap namin sa nayakap de gulat ni Leo sakin kanina.

As usual tanghale na ako nagising dahil sa puyat kagabi grabe ngayon ko nararamdaman yung sakit ng likod ko kakalangoy. so bilang typical na tao ngayon pagkagising ko phone agad hinanap ko nagonline at nakita ko nasend na sa GC ang mga pictures namin last night ang dami nakalagay kasi Kate De Mesa added 254 photos (hahaha pati mga blurred sinend niya) inisa isa ko at iisang tao lang tinitignan ko. Ngayon ko napapansin na sobrang lungkot ng mata niya sa lahat ng picture namin nakasmile oo pero may lungkot talaga eh. matapos ko masave sa phone lahat ng 254 photos ni Kate may nag pop up sa notifications ko, message galing kay Leo kaya binuksan ko naman nakalagay ay

"Maraming salamat kagabi Geo ah, pasensya kana kung napaka emosyonal ko kagabi" yan lang message niya kaya nagreply ako tutal naman online rin siya

"Wala yun Leo basta dito lang kami para sayo" ganyan ako lagi using the word "kami" than "ako" kasi baka maging cheesy eh hahahaha

"San ka ba ngayon Geo?" luh di ko alam irereply ko parang biglang bumilis tibok ng puso ko hahaha ewan ko kinakabahan ako kaya

"bakit miss mo na ako?" yan reply ko para maging biruan lang haha

"oo eh" yan reply niya kaya sumabog ako bigla kakatawa sa kilig ba to o lokohan lang

"hahaha adik wag ako marupok ako Leo baka mafall ako hahahahahaha" yan na sinabi ko ayaw ko magiba ng sasabihin dahil sa kung ano pa man.

"hahaha sige kapag handa kana lang" yan reply niya na napaisip na talaga ako kaya naman nagscreenshot ako at kinuwento ko agad kay Anne Fernando (kasama namin ni Kate sa super best friends hahaha alam niyo na kaya di ako straight kasi puro babae kasama ko sa buhay) sinend ko sa kanya yung paguusap namin ni Leo at kinilig siya bwisit sabi niya na baka raw si Leo na talaga ang para sa akin. baliw na ata si Anne eh siya kasi online kaya siya sinabihan ko off kasi si Kate eh pero ayun kinikilig rin naman ako kaso naguguluhan lang sa mga sinasabi ni Leo knowing na siga siya tapos magtitripan ako hahaha adik na ba siya?