Chereads / I am a Rebound / Chapter 104 - Komprontasyon

Chapter 104 - Komprontasyon

" Sylvia meets Yen."

" I know." sagot ni Rico sa asawa.

" Maybe she already knows."

" Wala tayong magagawa. Malalaman at malalaman niya. "

" Anong plano mo? "

" Hintayin si Yen na magbukas ng komprontasyon."

Naisip ni Rico na hindi niya mapipigil ang paglabas ng katotohanan. Alam niyang may pagkakamali siya pero kung anu man ang naging consequence ng mali niya ay kailangan niyang tanggapin. Dinanas na niya ang dusa. Lumaki ang anak niya ng hindi niya nakikita. Di niya napanindigan ang pagiging ama dito. Kaya kung sakaling magagalit sa kanya si Yen, Wala siyang magagawa kundi tanggapin. Aasa na lamang siya na sana balang araw ay mapatawad siya nito.

Ilang araw din balisa si Yen. Gusto niya na makaharap mismo si Rico. Masyado nang matagal ang kanyang pagmumokmok kaya nang araw na yon ay bumalik siya sa trabaho. Tatapusin niyang muli ang ilang papeles at mga ibang gawain bago siya lumipad patungong America gusto niyang sa bibig mismo ni Rico mang galing ang kwento. Gusto niya din marinig ang kanyang ina pero si Rico ang una niyang kakausapin para makompronta ito.

Hindi siya galit.

Wala siyang maramdamang galit.

Wala siyang maramdamang kahit ano.

Basta nalaman niya lang na hindi siya totoong anak ni Berto.

Ang gusto niya lang malaman ay kung bakit umabot siya ganoong edad bago pa malaman ito.

Bakit nila ito inilihim?

Bakit kailangan itago?

Naisip niya na dahil siguro sa sakit na nadarama ng kanyang ina.

Naikonekta niya ito sa mismong nararamdaman niya kay Jason.

Yung napipinto nilang paghihiwalay.

Siguro ay bilang ganti ng kanyang ina sa kanyang ama ay sinadya nitong huwag ipaalam sa kanya.

Para masaktan din ito at marealize kung abong sakit ang kanyang naidulot.

Sa kaso nila ni Jason ay minsan niya din naisip na ilayo na rin si Jesrael sa ama.

Aakuin niyang lahat ang obligasyon at sisikapin na ipadama dito ang dobleng pagmamahal.

Marahil ay ganoon din ang naisip ng kanyang ina noon.

Kaya naman wala siyang karapatan para sisihin ito.

Naiintindihan niya dahil ang dinanas nito noon ay halos katulad ng sitwasyon niya ngayon.

Kakababa lang ni Yen ng telepono.

Kakatawag lamang ni Miguel.

Masama daw ang pakiramdam nito at hindi makakapasok sa trabaho.

Mabuti na lamang at nakabalik na siya.

Habang abala sa pagbabasa ng tambak na papeles sa kanyang lamesa.

Ay kumatok ang kanyang sekretarya.

" Si Sir Gabriel po ay nasa labas. "

Kumunot ang noo ni Yen ganunpaman ay hinayaan niyang pumasok ito para magkaharap sila.

Malapad ang ngiti ni Gabriel nang ito ay pumasok. Bitbit nito ang isang pumpon ng pulang rosas. Naalibadbaran si Yen nang makita ito.

" Good morning! " bati nito sa kanya.

" Hey! "

" Kumusta? " tanong ng lalaking sagad sagaran ang pagpapa cute sa kanyang harapan.

Lalong nagsalubong ang kanyang kilay.

" Masyado kang busy. Hindi kita mahuli kaya pumunta ako dito. "

" Para saan ang pakay mo Mister ?"

" Gusto ko lang sana na invite ka sa soft launching ng bago kong business. Bilang panuhing pandangal."

Hindi sumagot si Yen.

Mataas ang confidence ni Gabriel. Wala pa siyang babaeng inalok na hindi sumang ayon sa kanya. Pagdating sa babae kahit may asawa na at natipuhan niya ay nakukuha niya. Sisiw lang si Yen. Yon ang akala niya.

" Tapos? Wala akong nakikitang benificial sa gagawin kong pagpunta sa party mo. Hindi naman tayo magkaibigan para magbigay ng all out support saiyo. Hindi din kita business partner at wala tayong business na pag uusapan. So kung wala ka nang ibang sasabihin ay pwede ka nang umalis."

Napanganga si Gabriel sa narinig.

Expect niya na sasakg ayon si Yen.

Pero sa kauna unahang pagkakataon ay tinanggihan siya ng babae.

Kung ikukumpara ito sa mga babaeng nakarelasyon niya ay hindi naman ito kagandahan.

Simple lang at hindi mo masasabing chick sa way nito mag ayos ng sarili.

Pero aminado siyang maganda ito.

At imbes na mainis ay napangiti siya.

Ngayon lang siya nakadama ng challenge sa isang babae.

Sa kauna unahang pagkakataon ay may babaeng sumusubok sa kanya at gustong gusto niya ito.

Hindi siya titigil hanggat hindi niya ito nakukuha.

Hindi pa ito kasal.

Nalaman niyang nagkakalabuan sila ng ka live in nito.

Kaya kailangan niyang samantalahin ang pagkakataon para makuha ang loob nito.

Hindi siya nag siseryoso sa babae.

Hindi niya minsan naisip na makasal.

Pero kay Yen kasal agad ang naiisip niya para makuha ito at wala nang umagaw.

So what kung di niya mahal?

Malaki ang potential ni Yen at mayaman ito.

Pag nakasal siya dito ay lalawak nang husto ang kanyang mundo.

Kaya naman ay naisip niyang lalong pag igtingin ang pagsisikap na mapalapit dito.

Umismid si Yen pagtalikod ni Gabriel.

Ubod ng yabang at ang laki ng bilib sa sarili.

Napaka presko.

Feeling yata nito ay mahuhumaling sa kanya ang lahat ng babae.

Bukod sa itsura nito ay wala na siyang masense na maganda dito.

Amoy niya ang pagkahayok nito sa laman.

Maging ang pagka ganid sa kapangyarihan.

Cancer sa lipunan.

Hindi niya hahayaan na maikabit ang kanyang pangalan dito.

Subalit talagang makulit si Gabriel.

Isang oras makalipas ang pag alis nito ay nag trending na sa social media ang lalaki.

[ Mighty Gabriel Visits the Villaflor Corp.]

[ Our Handsome Business Tycoon seems to Have a Relationship With the Villaflors new C.E.O]

Nakita ni Yen ang picture nila sa party. Yung nakasimangot niyang mukha habang nangingiti naman si Gabriel. Yon yung kinukulit siya nito at pinipilit na kausapin kahit na hayagan niya itong sinusungitan. Ang litratong iyon ay tila ba sila mag jowa na nagkakaroon ng tantrums ang babae at sinusuyo ng lalaki?

Napabuntong hininga si Yen.

" Miss Yen, trending na po ang usapin tungkol sa inyo ni Sir Gab. Ano po ang gagawin natin? "

Tiningnan ni Yen si Llyne.

" Wala. Hayaan mo siyang mag assume. Hayaan mo silang mamatay kaka tsismis.. Hindi natin kailangan ang opinyon ng iba. Lets mind our own business."

Napatango si Llyne.

Naisip niya na baka lang maka apekto sa reputasyom ni Yen iyon.

Nagulat na lamang siya sa reaksiyon nito. Papano si Jason??

Hindi ba nito naisip ang iisipin ni Jason??

Sabagay... bakit pa ba niya iisipin iyon.

Yung simpleng ipriority lang silang mag ina ni Jason ay hindi nito magawa.

Hay hindi niya din maalis na hindi mag alala sa boss.

Kaibigan niya ito at ayaw niya din nakikita itong nasasaktan.

Alam niyang lahit gaano katigas ang ipinapakita nitong reaksiyon ay nagdadamdam ito.

Nasasaktan.

Nahihirapan.

Pero wala siyang magagawa para pagaanin ang pakiramdam nito.

Kaya pinapanood niya na lamang ito.

------------------------------------------------------

Im sorry guys.

Medyo nabusy.

Don't forget to vote.

And to leave a comment

Thanks sa pag antabay.

love,

nicolycah