Napasyal ang mag asawang Miguel at Rowena sa bahay ni Jason. Iyon ay para makadaup-palad ang kanyang mga magulang. Medyo maangas ang approach ni Miguel. Ang ama naman ni Yen ay kalmado lamang at nakikinig sa bawat sabihin nito.
" eh papanu, nariyan na yan. Pinili na nila yan kaya panindigan na nila. Ako, nandito lang ako para umalalay. Hindi ko yan pababayaan." sabi ni Miguel sa kanyang ama.
Si Yen naman ay parang maiihi sa kinauupuan. Kilala niya ang kanyang ama at alam niya din kung papano magsalita ang kanyang byanang hilaw.
" ilang taon na ho ba kayo? " tanong ni Miguel sa kanyang ama.
" 54 " sagot ng ama niya
" eh anu ho ba ang trabaho ninyo? "
" kahit ano. Pwedeng magsasaka, pwedeng karpentero, pwedeng electrician, tubero...pintor kahit ano basta abot ng kakayahan ko." sagot ng kanyang ama.
Sa pagtitipong iyon. Wala si Jason. Nasa trabaho ito at alas sais palang. Ang uwi nito ay alas otso pa. Gayunpaman, hindi na hadlang ang kawalan ng presensiya ni Jason para magusap ng pormal ang kanilang mga magulang.
" walang problema sa akin. Nasa edad na sila at may husto nang pag iisip. Ngayon, dahil nasa poder mo ang anak ko, kinuha niyo na yan, kaya yan ay kabilang na sa iyong pananagutan. Anak mo na rin yan kaya dapat lang na hindi mo pabayaan. Ngayon, kung mangyari na si Jason ang mapunta sa poder ko. Iingatan ko yan. Sagot ko yan. Dahil pag nandoon siya sa balwarte ko ay ako ang kanyang ama."
" bilang magulang, tungkulin mo na ituwid sila kung may makikita kang mali. Bilang gabay ay sakop mo na paalalahanan sila at turuan kung papaano gampanan ang kanilang pagiging magulang." sabi ni Berto
Mataman lamang na nakikinig si Yen sa usapan nila. Si Rowena, ang nanay niya, at si Yen ay tahimik lamang.
Muling nagsalita ang tatay ni Yen.
" may pagkakataon na kailangang hayaan mo silang mahirapan. Hayaan mo silang dumiskarte sa sarili nilang paraan. Kung kinakailangan mong tikisin, tikisin mo. Yon hindi para pagmalupitan sila kundi para matuto. Para mahubog na tumayo sa sarili nila at tumibay ang buto. Walang masama magmahal ng sobra sa anak. Pero minsan ang sobrang pagmamahal ay nagbubulid sa kanila para maging mangmang." dagdag pa ni Berto.
Sa puntong ito ay tinutumbok nito ang paraan ng pagpapalaki ni Miguel kay Jason. Hindi ito deretsahan ngunit alam ni Yen ang ibig sabihin noon. Hindi lang alam ni Yen kung naintindihan iyon ni Miguel.
" ako na ang bahala diyan balae. hindi ko yan pababayaan." sagot ni Miguel
" aasahan ko yan. Asahan mo rin na pag si Jason ang nasa poder ko ay aalagaan ko din. Mamumuhay siya doon bilang isa sa aking mga anak." sagot ni Berto.
" paano ang kasal? " tanong ni Miguel.
Lahat sila ay tumingin kay Yen. Sa usapan ni Yen at ang kanyang ama kanina, nabanggit nito na wag niyang ipilit na pakasalan siya. Sa paraan ng pagpapatawag ni Miguel sa kanya ay sobrang insulto na. Alangan naman daw siya pa ang mag propose? Kung meron silang common sense. O si Jason kaya, aba eh kailangan pa bang i-memorize yan? Natawa siya sa bahaging iyon kahit kailan ang kanyang ama talaga ang kanyang idolo. Ito ang naging gabay niya sa bawat laban niya sa buhay. Nahubog siya nito bilang siya, nang hinid nasasayaran ng palo. Palagi lang ito nag iiwan ng salita. Na pag iispan mo pa kung ano.
Kung sana ay nakapag aral ito at nakapagtapos ay alam niyang magiging mahusay ito sa kanyang larangan.
Ngumiti si Yen.
" sa aking palagay ang paglabas po muna ng bata ang kailangang bigyan ng priority. mabilis lang naman magpakasal kung gugustuhin." sabi ni Yen.
Nagkamali na si Yen at ayaw na niyang maulit pa ito. Ayaw niyang pakasal kung alam niya na ang pakakasalan niya mismo ay hindi sigurado sa sarili nito.
Tumango ang kanyang mga magulang.
" bweno, kung ikaw ay may kailangan at may problema ka sa anak ko. sabihin mo lang." ani Miguel
Tumango si Yen bilang pag sang-ayon.
" pero balae, may ipapakiusap sana ako. Tutal naman ay marami ka nang apo. Maari bang huwag mo nang kuhanin ang apo ko?" wika ni Miguel.
" aba oo naman. Hindi ko naman ipagkakait sayo ang maranasan na mag alaga ng apo. hahaha! pero ang mga magulang niyan ang bahalang magdesisyon. Kung hihilingin ng anak ko ang tulong ko, hindi ako magdadalwang isip. Kaya nga lang hindi ko sila kayang tulungan sa pinasiyal. Kaya ang tangin maibibigay ko ay serbisyo lamang. Willing ako mag-alaga ng apo kung kinakailangan." sagot ni Berto
" ikaw, meron kang kakayahan. Pinansiyal o serbisyo ay kaya mong ibigay. Ikaw na ang bahala kung sakali man na kailanganin nila ng karamay." dugtong pa ni Berto.
Natapos ang usapan iyon ng payapa. Nakahinga si Yen nang maluwag. Salamat na lamang at walang pagtatalo na naganap. Pero bakas ni Yen ang pag-aalala ng kanyang ama. Pagkatapos non ay muli siya nitong kinausap.
" sa araw ng iyong panganganak. Pag si Jason ay nagpabaya. Apelyido mo ang gagamitin ng bata. "
" kawawa naman ang anak ko."
" papano magiging kawawa eh mabubuhay namam yan ng maayos."
Tumango si Yen.
" may trabaho ka, may abilidad. Husto ang isip mo st kaya mong buhayin ang anak mo. Sa labang ito, kung hindi ka a-akto bilang leon, ikaw ang talo. "
Tahimik na ngumiti si Yen.
" salamat papa."
" yon ay kung hindi magiging maayos ang lagay mo. Basta wag kang magpapa-api dito."
Yumakap siya sa kanyang ama.
" ang mama mo ang maiiwan para alalayan ka sa panganganak. Aalis ako para balikan ang mga alaga nating hayop at ang sakahan. "
" opo papa."
Kinabukasan ay nagpaalam ang kanyang ama para bumalik ng probinsiya. Bago iyon ay kinausap nito si Jason. Kung anu ang kanilang pinag-usapan hindi niya yon alam.