Chereads / Academia / Chapter 1 - Chapter One

Academia

Aftermidnight_Wp
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 32.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter One

Alethea Toress' POV

Bata palang ako ng sabihin sakin ng mama ko na kakaiba daw ako. Hindi ko pa sya maintindihan noon.

Paano akong naging kakaiba? May dalawang kamay at paa naman ako tulad nya. May bibig at kilay, kakulay ko din naman sya. Gulong-gulo ako noon, hanggang sa lumaki ako..

Siyam na taon palang ako ng makaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko. Isang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.

Nakaupo ako non sa sahig ng ay mga puting usok na lumalabas sa mga kamay ko. Napakasakit non. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sinubukan kong humawak sa silya upang tumayo pero nakita kong unti unting nagbabago yon. Parang nasusunog ang parte ng silya na hinwakan ko. Takot na takot ako non..

Simula ng mangyari yon sa sakin naging mailap ako sa mga tao at bagay sa paligid ko. Nakakulong lang ako sa loob ng kwarto ko. Natatakot ako na baka pati ang mama ko masaktan.

Si mama nalang ang mayroon ako dahil iniwan daw kami ng papa ko bago pa ako ipanganak. Pero kahit na anong iwas ko na may mangyaring masama. Mangyayari't mangyayari pa rin yon.

Dumating ang araw na bigla nalang uli lumabas ang mga puting usok sa kamay ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Mas malala na ito kumpara dati. Lumayo ako sa mga bagay. Napaupo ako sa sahig na tapat ng pinto. Iyak ako ng iyak sa sobrang sakit. Sinubukan kong ibato bato ito sa hangin sa pagbabakasakaling mawala.

Tumama ito sa ilang bahagi ng kwarto ko at nasira ang iba don.

Nagulat ako ng may nagbukas ng pinto, at natamaan ko ang mama ko na syang ikinamatay nito. Siyam na taon na din matapos mangyari ang insidenteng iyon. Pinalaki ako ng tita ko. Pinalaki nya ako na parang normal na bata, pero bihira akong lumabas ng bahay.

Kinausap ako ng tita ko na pag aaralin nya ako sa isang eskuwelahang para sakin. Eskuwelahang lahat ng tao ay katulad ko. Hindi na din ako masyadong nagulat dahil minsan ng nabanggit sa akin iyon ni mama. Pero kahit ganon hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Matutuwa dahil hindi na ako makakasakit ng iba, malulungkot dahil iiwan ko ang tahanan kung saan ako lumaki kasama ang mama ko. Napakaraming alaala ang nabuo dito. Sinabi kasi ng tita ko na doon na ako maninirahan. Wala naman akong magagawa dahil iyon ang gusto nya.

Naiayos ko na ang lahat ng gamit ko. Papunta na kami ngayon sa eskuwelahang tinatawag na 'Academia'. Matagal tagal din ang byahe namin. Ang kaninang mga gusali ay napalitan ng mga mabeberdeng puno. Nakakaakit ito dahil sa sobramg ganda. Marami ring mga iba't ibang uri ng bulaklak na nakatanim. Hindi ko alam kung nasaan na kami ngayon.

"Malapit na tayo.." biglang nagsalita ang tita ko.

Sumilip sya rear mirror ng sasakyan. Nginitian ko lamang sya at tumango.

Maya-maya ay huminto kami sa isang malaking gate. Ginto ang kulay nito at napakataas. May nakaukit ding letrang 'A' sa pinkataas nito.

"Sigurado akong magugustuhan mo dito." Sabi ng tita ko habang inibababa ang iba kong gamit.

Nginitian ko lamang sya. Tinulungan ko din syang kunin ang iba kong gamit. Ng mailabas na namin lahat ay saktong bumukas ang gate at lumabas don ang isang babaeng medyo matanda na, linapitan naman ito ng tita ko. May sinabi ito at parang nag usap sila. Sinenyasan naman nya akong sumunod.

Sinilayan ko muna ang malaki at medyo mahabang gusali mula sa loob na nagmumukhang maliit dahil sa napakalayo ko. Napangiti ako at bumuntong hininga. Magsisimula ulit ako ng panibagong buhay rito.

Bigla namang lumapit sakin ang isang matandang babae. Pero hindi ito ang kasama ng tita ko. Hindi ko maipagkakailang napakaganda nya kahit matanda na.

"Welcome to Academia.."