Chereads / Trapped In His Arms / Chapter 20 - Chapter Twenty

Chapter 20 - Chapter Twenty

Natapos naman ang meeting ng walang gulo. Pero kabado pa din ako sa mga pwedeng mangyari.

"BABE!" nagulat ako sa tumawag sa akin. I saw Jared sa may lobby. Naghihintay. Masaya syang nakangiti habang papalapit sa akin.

"How's the meeting?" he asked. Lumingon ako sa likuran ko. Then binalik ko ang atensyon ko sa kanya.

"Its fine. Its fine." ulit ko. Hinawakan nya ang dala kong gamit.

"Then good. Lets go home." inaya nya na ako palabas. Nakahinga na ako ng maluwag dahil hindi sila magpapang abot ni Catherine.

"RED!" halos huminto ang paghinga ko sa narinig. Huminto sa paglalakad si Jared at lumingon sa tumawag sa kanya. Napapikit ako. I know, gulo ito.

"Catherine?" hinabol kami ng EX nya. I know this would happened! Bakit ba di ko inexpect yun?

"Why are you here?" sa tono palang ni Jared iritable na syang nandito si Catherine. Nakasalubong na ang kilay nya habang kausap ito.

"Didn't Jela told you?" Hinawakan ko ang noo ko. Ipapasa nya sa akin ngayon ang balita na yun na dapat sya ang magsabi kay Jared. Tuso din ang babaeng to.

"Jela?" nilingon ako ni Jared. Hindi ko alam paano magsisimula. Ni hindi nga ako makapagsalita ng maayos.

"Jela and I are co workers. I'm they're new regional manager." nashock si Jared sa narinig.

"Is that true Jela?" malungkot akong sumang ayon. Hindi ko alam paano ipapaliwanag yun ganun coincidence.

"Why of all a sudden? Sa company nila Jela ka pa pumasok? Is this part of your games Catherine!" galit na si Jared.

"Why me? Wala ka naman pakealam where do I wanna work." Pagtataray nya. Nagiging intense na ang momentum sa pagitan nila ni Jared. At kung hindi ko pa hahatakin si Jared baka kung ano pa masabi nila sa isat isa.

"You should know your limits Catherine! Once nalaman ko na sinasaktan mo or nilalait mo si Jela.. I'll send you back to States." matigas nyang sabi. Why would he do that? I mean? Paano nya magagawang pabalikin si Cathy sa States?

"Dont you dare do that!" sigaw ni Cathy sa kanya.

"I can. I can tell this to your step father.  So kung hindi ka magtitino at gagawa ka ng gulo sa work ni Jela. Malalaman nya ang mga kalokohan mo here." banta nya dito. So kilala ni Jared ang step father ni Catherine? Paano?

Hinatak na ako ni Jared.

"HINDI KAYO MAGIGING MASAYA NG BABAENG YAN!! Jared your mine!! Your always be mine!! Tandaan mo yan!!" sigaw ni Catherine sa aming dalawa. Kinabahan ako sa narinig. At natakot. She left Jared tapos babalikan nya when all is okay.

"Lets go!" Yaya sa akin ni Jared. Mabilis nya akong pinasakay sa kotse nya at tahimik syang sumunod na para patakbuhin ang sasakyan. Tahimik kaming dalawa habang nagdadrive sya.

"Bukas walang kang pasok? Maglipat na tayo ng gamit mo." nagulat ako sa sinabi nya. Sabado na bukas. Wala nga akong pasok? Akala ko next week pa ako lilipat sa kanila?

"Bukas agad?" ulit ko.

"Oo. Please.." hindi na ako nagreklamo when he said please.. Alam ko naman ang hangarin nya. Gusto nya akong protektahan sa warfreak nyang EX. Ako din naman takot. Babae din ako. Alam ko ang kaya nyang gawin para sa lalakeng mahal nya. Pero sa ginagawa nya, lalo nyang kinukulong si Jared sa nakaraan. Paano naman kaming dalawa sa kasalukuyan? Paano ko sya mapapasaya.?

"Babe.." hinawakan ko ang kanang kamay nya.

"I loved you.. Always remember that." nilingon nya ako sandali bago bumalik ang mga mata nya sa kalsada. I saw his eyes.. Saying I loved you back kahit na wala syang binibitawan salita.. Alam ko yun dahil kahit di nya sabihin, mahal nya ako.. At mahal na mahal ko din sya.

---

Pagkahatid nya sa akin sa bahay. Pinauwi ko na sya agad dahil baka hinihintay na sya ni Jenica. Uwian na ng bata sa school nya kaya dapat may maabutan ito sa bahay nila.

Binagsak ko ang katawan ko sa kama saka binitawan ang mga gamit ko sa sahig. I sighed heavily na parang nilabas ko lahat ang bigat ng nararamdaman ko kanina while I'm with Catherine. Nakakatoxic ang presensya nya. Nakakalason.

This time kung sya ang mang aapi sa akin. Hindi ako magpapatalo. Una, dahil alam ko na ang pakiramdam na natalo. From what I've been through on my last relationship with Ralph. Tingin ko wala ng mas mahirap dun. Ngayon pa kaya na ipaglaban ko ang mahal ko. At alam ko na mahal din nya ako.

Pumikit ako. At huminga ng malalim. Tama.. Mas matapang kana ngayon Jela.. Kaya mo na sila.. Kaya mo syang ipaglaban like I did to Ralph.

---

Maaga ako gumising kinabukasan. Naalala ko yun bilin ni Jared na mag empake na ako ng mga madadala kong gamit sa bahay nya. Nanghinayang tuloy ako sa mga appliances na binili ko kaya binalak ko nalang ibenta sa Lazada. Para naman may bumalik na pera sa akin. Tutal iilan months ko lang mga ginamit at di pa naman mga gasgas. Looking good pa sila. Ibebenta ko ang ref, tv, kalan, at iilan pang appliances like table lamp, dispenser, mga upuan at curtains tutal di ko sila madadala sa bahay ni Jared dahil kumpleto naman na sya halos sa gamit. Nagpaalam na din ako sa land lord na lilipat ako at ibabalik ko na din ang susi. She said na free ako bumalik sa unit na yun anytime I want and need.

Hinanap ko ang nag iisang maleta na ginamit ko para iempake ang mga damit ko. Tiniklop ko isa isa ten after nun inayos ko sa isang bag ang mga gamit ko for my hygiene. Then isang shoulder bag para sa mga perosonal things ko like phone, charger, make up, important documents. Tumingin ako sa wall clock sa kwarto ko . Almost 9AM na. Usapan namin ni Jared before 10 oclock, susunduin nya ako.

"BEEEEP!!

Nagulat ako sa busina ng kotse. Dumungaw ako sa bintana at nakita ko si Jared na palabas na ng sasakyan nya. Mabilis kong isinarado ang mga bag ko.  Then isa isa ko ng nilabas sa kwarto ko.

"Hi Babe!" masayang bati sa akin ni Jared. Kinuha nya agad ang dala ko bago nya ako halikan sa--

"Uhmmm--

Naisara ko ang labi ko ng halikan nya ako. Nagulat ako. Sa labi nya ako hinalikan. He stared at me dahil sa ginawa ko.

"Is something wrong?" he asked. Umiling ako. Nanibago ako. I mean hindi ako sanay sa halik na ganun. Yun babatiin ka lang pero hahalikan kana. Ralph never did that to me.

"Ayaw mo ba?" nagulat ako sa tinanong nya. Umiling ako. Baka mamis interpret nya ako.

"Gusto. Kaya lang--

"Kaya lang ano? Hindi ka sanay?" he chuckled while saying it. I feel embarrased..

"Hey.." kinuha nya ang kamay ko. At nilagay sa malambot nyang pisngi.

"Masanay kana.. Because from this day.. I'll make you feel special.. Every second, every minute of your life." nagblushed ako sa sinabi nya. Ngumiti ako. Humalik ako sa pisngi nya.

"Lets go!" he said at nilabas na ang mga gamit ko.

---

Bago kami dumiretso sa bahay nya. Naisipan ni Jared na dumaan sa mall para mag grocery. Sinamahan ko na sya. Humatak ako ng push cart. Bigla tuloy ako natawa ng makita ko yun, the last time na humatak ako ng push cart may nakaaway at nakabangayan ako. And thats my lover now.. Jared..

"Why are you smiling?" nagulat ako sa sinabi nya.

"May naalala lang ako." kumapit ako sa bisig nya. Sabay kaming naglibot sa supermarket habang sabay namin tulak tulak yun pushcart.

Dumaan kami ng milk section, bumili ng gatas si Jared para sa kapatid nya then nagpunta kami ng meat section. Madami dami na ang napamili namin. Binilhan ako ni Jared ng flippers ko.

"RED!!" nagulat kaming dalawa sa tumawag sa kanya. I saw a family. Isang lalake na may babycarrier sa harapan nito. Then isang babae na may hawak na batang babae sa kanang kamay nya. May dala din silang push cart at mukhang namimili.

Nilapitan ng lalake si Jared. Red ang tawag nya dito kaya siguro close sila..

"How are you!" the guy said pagkalapit sa amin.

"I'm fine! Is that your junior?" asked Jared saka sinilip ang batang natutulog sa baby carrier. Ang cute ng sanggol. Siguro mga 10 months palang yung bata.

"Iimbitahan sana kita sa 7th birthday ng anak ko.. You remember her? Inaanak mo." ngumiti si Jared. So inaanak palang nya ang batang babae na yun.

"Yeah.. Feena.. Hi!" binati nya ang bata na nakakapit sa  nanay nya.

Ngumiti sa akin ang babae na may dalang anak. Ang ganda nya kahit na dalawa na ang anak nila, at ang gwapo din ng asawa nya.

"Oh by the way, this is Angela Cordova, my girlfriend." pagpapakilala ni Jared sa akin sa mag anak. Halatang nagulat ang lalake. Siguro dahil last time nakita nila si Jared, single pa.

"Nice choice.." the guy said.

"This is my colleague, Vladimir Gonzales, and his wife Alicia Gonzales.. Kasama ko si Vlad sa isang law firm dati and were also former classmates." nagulat ako. Nakipagkamay ako sa kanila.

"Wag mo na pakawalan to Red." said ng babaeng nagngangalang Alicia. Nahiya tuloy ako.

Inabutan si Jared ng isang invitation. Sandali pa silang nagkwentuhan bago magpaalam. Humalik ako sa noo ng batang sanggol bago sila umalis.

Bigla tuloy ko naisip na what if I had that kind of family like they have. Kuntento na siguro ako sa buhay ko. May mga anak.. Masaya..

"You okay?" bumalik ako sa ulirat ko ng hawakan ni Jared ang kamay ko.

"Kailan yun birthday?" I asked him.

"This coming Tuesday. Punta tayo ha." ngumiti ako. Tinapos namin ang grocery then umuwi na kami.

---

Pagdating namin sa bahay.. I saw Jenica sa sala. Bumungad sa akin ang yakap nya at halik. Habang si Jared hatak hatak na ang mga gamit at maleta ko papasok ng bahay.

"Dun mo na ayusin sa kwarto natin yun mga gamit mo ha!" nagulat ako sa sinabi nya. Sa kwarto nya?

"Sa kwarto mo?" Ulit ko. He nodded.

"Why? May problema ba?" napailing ako. Magsasama na kami sa isang bubong at pati sa kwarto.

Natahimik ako. Napapaisip sa nga pwedeng mangyari.. Kinakabahan ako. Why!

Naisipan ko ng ayusin ang mga gamit ko sa kwarto nya. Nagpaalam sya sandali sa akin para ayusin ang kusina. Magluluto daw sya para sa amin. I got excited ng marinig yun.

Binuksan ko ang kwarto nya. Nagulat ako dahil naka arranged ang ilan gamit sa kwarto nya. Siguro nag ayos na sya bago pa man ako makalipat. Hindi naman ganito kaneat ang kwarto nya nung una akong pumasok. May nadagdag na closet din siguro para sa akin. Binuksan ko yun and I as expected walang laman so gamit ko ang ilalagay ko dun. Naupo ako sa kama nya.

Nagpalit sya ng mga cover ng kama, unan at mga kurtina. Pinaghandaan ba nya ang paglipat ko. Natawa ako. Dahan dahan akong nahiga sa kama. Ang lambot. Pumikit ako.

"Hey." hindi ako dumilat ng marinig ko ang boses ni Jared. Pumasok sya sa loob ng kwarto.

"Anong ginagawa mo?" I asked him habang nakapikit ako.

"Nagpapalit." nagulat ako sa sinagot nya at dumilat ako. Napahawak ako sa mata ko.. I saw him changing nga talaga! Akala ko kung ano ang papalitan nya. Tsk. Nanigas ako sa kinauupuan ko. Hubad sya sa harapan ko. I mean not totally hubad. He wore a sexy boxer short that fits in his buttocks. Napalunok ako while staring in his amazing curve.. Yes, he is a man but he is sexy. Kaya ba sya ayaw bitawan ni Catherine because of this? Did he had his first make love with Catherine? Kung oo. Magseselos ako ng sobra. I want to be his first..

"Jela?" Nagulat ako.

"Ah bakit?" mabilis kong tugon. He smirks at me. Nagtaka ako.

"Nothing. Pinagpapawisan ka? Mainit ba?" Hinawakan ko ang pisngi ko. Gosh.. Pinagpapawisan ba ako habang tinititigan sya kanina. Ang weirdo ko.

"Buksan mo ang aircon. Ikaw talaga." kinurot nya ako sa pisngi then pasimple nyang binuksan ang aircon. Mabilis na lumamig sa loob ng kwarto.

"Babalik na ako sa kusina.. Dont make me wait.." he said pagkasuot nya ng sando. Sandali nya akong hinalikan sa pisngi bago sya lumabas ng kwarto.

Hinabol ko ang hininga ko ng makaalis na sya. That was close.. Pinagnanasahan ko ba sya? Nakakahiya. Ako pa naman ang babae.

"Ihhhhhh!!" pinipilit ko itago sa loob ko ang kakiligan ko. Humiga ako sa kama at nagpaikot ikot na parang bata. Tinitiis ang kilig na wag lumabas sa bibig ko.

What if mas lalo pang maging intense ang ganitong pakiramdam ko habang magkasama kami sa iisang bubong?

---

iamnyldechan ❤️

Watch out for my wrong grammar, spelling ;)