~Umaga~
"Kanino po galing ung sobre na un?"
Tanong ni Angela kay Hongganda habang nakatayo ito sa harapan ng matandang babae na nakatayo sa pintuan ng kwartong kinaroroonan ng bangkay ni Yvonne.
"Kay Yvonne."
Agad na sagot ni Hongganda sa tanong sakaniya ni Angela habang tinitignan pa rin nito ang dalagang nakatayo sakaniyang harapan. Agad na pinanlakihan ng mga mata ng dalaga ang matandang babae, mabilis na kinuha ang kaniyang sobre mula sakaniyang bulsa at akma na sanang bubuksan iyong nang biglang hawakan ng matandang babae ang kaniyang kamay.
"B-bakit po Madam Hong?"
Tanong ni Angela kay Hongganda habang tinitignan na nitong muli ang matandang babae sakaniyang harapan at hawak pa rin ang kaniyang sobre. Nginitian lamang ng matandang babae ang dalaga at saka umiling na lamang bilang tugon nito rito.
"Naririto rin ba sina Jasben at Ceejay, hija?"
Tanong pabalik ni Hongganda kay Angela habang nginingitian pa rin nito ang dalaga. Napataas na ng parehong kilay ang dalaga at saka tumango bilang tugon nito sa matandang babae.
"Ah! Opo. Nandun po sila ngayon sa hagdan sa harap ng main door."
Sagot ni Angela sa tanong sakaniya ni Hongganda habang tinitignan pa rin niya ang matandang babae.
"Papuntahin mo na sila rito at samahan niyo muna ang bangkay ni Yvonne sa silid na ito kung gusto ninyo."
Sabi ni Hongganda kay Angela habang tinitignan pa rin nito ang dalaga na pinanlakihan siyang muli ng mga mata. Agad na napatingin ang dalaga sa loob ng silid na kinaroroonan ng matandang babae at nasilayan ang bangkay ni Yvonne na nakahiga sa kama. Bahagyang napalayo ang dalaga mula sa silid na kinaroroonan ng matandang babae at saka ibinalik nang muli ang kaniyang tingin rito.
"S-sige po… t-tawagin ko lang po s-sila JB at C-Ceejay…"
Nauutal-utal na tugon ni Angela kay Hongganda habang naglalakad na ito ng paatras at tinitignan pa rin ang matandang babae. Nginitian lamang siya ng matandang babae at tinanguan na lamang siya nito. Mabilis na umikot ang dalaga at tumakbo na pabalik sakaniyang mga kaibigan.
"Oh. Bat hinihingal ka Gela?"
Tanong ni Ceejay kay Angela habang tinitignan na nito ang kaibigan na naglalakad na papalapit sakanilang dalawa ni Jasben at nakatayo ito sa harapan ng kaibigan na binigyan niya ng tubig.
"Galing kay Yvonne ung sobre at… hindi… hindi pa nililibing ung bangkay ni Yvonne."
Sabi ni Angela kay Ceejay habang tinitignan na ang kaibigan at unti-unti nang kumakalma ang hininga nito. Nagdikit ang kilay ng kaibigan at saka pinanlakihan na ng mga mata ang dalaga dahil sa narinig nito.
"H-ha?! Nasan siya ngayon!?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Ceejay kay Angela habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga na palipat-lipat na ang tingin sakanilang dalawa ni Jasben. Hindi kaagad sinagot ng dalaga ang tanong sakaniya ng kaibigan sapagkat nilingon na lamang nito ang kaniyang pinanggalingan at saka itinuro na lamang ang pasilyong kaniyang tinakbo.
"Dun sa isa sa mga kwarto na nakahilera dun."
Sagot ni Angela sa tanong sakaniya ni Ceejay habang nakaturo pa rin siya sa pasilyo at nakatingin na sakaniyang kaibigan. Tumayo nang bigla si Jasben at nagsimula nang maglakad patungo sa kusina upang ibalik na ang basong kaniyang ininuman doon.
"Hindi ka man lang nagulat, JB?"
Takang tanong ni Angela kay Jasben habang tinitignan na nilang dalawa ni Ceejay ang kaibigan. Biglang huminto sa paglalakad ang kaibigan at saka hinarap na ang dalawa.
"Hindi naman masama na ganun ang ginawa nila kay Yvonne. Diba nga natural naman satin na pag may namatay, automatic nang may burol."
Sagot ni Jasben sa tanong sakaniya ni Angela habang palipat-lipat ang kaniyang tingin sa dalawang kaibigan. Napatango na lamang si Ceejay habang ang dalaga nama'y pinanlakihan na lamang ng tingin ang kaibigang tumango.
"Andun ba si Madam Hong?"
Tanong ni Jasben kay Angela nang inilapag na nito ang baso sa hugasan at naglakad na pabalik sa kinaroroonan ng kaniyang mga kaibigan. Tumango na lamang si Angela bilang tugon niya sa tanong sakaniya ng kaibigan at nagsi lakad na silang tatlo patungo sa silid na kinaroroonan nila Hongganda at ng bangkay ni Yvonne.
"Madam Hong."
Sabay-sabay na tawag ng tatlong magkakaibigan kay Hongganda nang dahan-dahan nang binuksan ni Angela ang pintuan ng silid na kinaroroonan ng matandang babae at ng bangkay ni Yvonne.
"Mga hija."
Bati ni Hongganda sa tatlong magkakaibigan habang nakaupo na ito sa upuan sa tabi ng kama na kinaroroonan ng bangkay ni Yvonne. Nagsi pasukan na ang tatlong dalaga sa loob ng silid habang tinitignan na ang bangkay ng dalaga sa kama.
"Madam Hong, kelan niyo po balak ilibing ung si Yvonne?"
Tanong ni Jasben kay Hongganda nang naupo na ito sa tabi ng matandang babae at patuloy pa rin nitong tinitignan ang bangkay ni Yvonne. Napabuntong hininga na lamang ang matandang babae at saka tinignan na ang dalagang nakaupo sakaniyang tabi.
"Sa ika-labing apat ngayong oktubre."
Sagot ni Hongganda sa tanong sakaniya ni Jasben habang tinitignan pa rin nito ang dalagang nakaupo sakaniyang tabi. Napatango na lamang ang dalaga habang ang dalawa nitong kaibigan ay tahimik lamang na nakatayo sakaniyang likuran.
"Maaari bang samahan ninyo muna si Yvonne ng ilang oras?"
Tanong ni Hongganda sa tatlong magkakaibigan habang tinitignan na niya ito isa-isa. Nanlaki ang mga mata nila Ceejay at Angela at mabilis na tinignan ang isa't isa, samantalang si Jasben ay patuloy pa ring tinitignan ang matandang babae.
"Bakit po Madam Hong?"
Tanong pabalik ni Jasben kay Hongganda habang tinitignan pa rin nito ang matandang babae. Mabilis na tinignan ng dalawang kaibigan ang dalagang nakaupo at saka inabangan na ang isasagot ng matandang babae rito.
"Tutulungan kong sina Rhiannon na magprepara sa pagtatalaga nila kay Jervin bilang hari ng mga salamangkero't mangkukulam."
Sagot ni Hongganda sa tanong sakaniya ni Jasben habang tinitignan na nito ang bangkay ni Yvonne. Nanlaki nanaman ang mga mata nina Angela at Ceejay habang si Jasben nama'y napa dikit na lamang ng parehong kilay.
"Kasama po ba un sa propesiya, Madam Hong?"
Tanong ni Jasben kay Hongganda habang tinitignan na nito ang matandang babae nang magkadikit pa rin ang kaniyang kilay. Tumango na lamang ang matandang babae bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng dalaga. Napatango na lamang din ang dalaga habang ang dalawa naman nitong kaibigan ay nakatingin na sakaniya at umiiling.
"Sige po, kami na po muna magbabantay ngayon kay Yvonne."
Sabi ni Jasben kay Hongganda habang nginingitian na nito ang matandang babaeng kaniyang katabi. Nanlupaypay na lamang ang dalawang kaibigan nito at tinignan nanamang muli ang isa't isa. Nagpa salamat na ang matandang babae sa tatlong magkakaibigan, tumayo na mula sakaniyang kinauupuan at saka naglakad na papalabas ng silid. Nang makaalis na ang matandang babae ay agad na naupo sa tabi ng dalaga si Angela, habang si Ceejay nama'y tumayo naman sa tabi nito.
"Seryoso ka ba JB?"
"Bakit ka pumayag?"
"Ano? Ayaw niyong buksan ung sobre?"