Chereads / Runaway With Me / Chapter 195 - Tamayo's Residence 17

Chapter 195 - Tamayo's Residence 17

~Madaling araw~

"Ma…"

"Yvonne?"

"Ma…"

"Ikaw ba yan, Yvonne?"

"Ma…"

"Tumigil ka."

"Ma…"

"Sagutin mo ako. Ikaw ba yan Yvonne?"

"Ma…"

"Ano ba!? Tinatanong kita ng maayos dyan! Wag mo akong inisin!"

"Ma…"

"Ma…"

"Ma…"

"Ma…"

"Tama na."

"Ma…"

"Sinabing tama na!"

"Ma…"

"Tumigil ka na!"

"Ma…"

"Wag mong intayin na patayin kita!"

"Pagbabayaran niyo ang lahat ng ginawa niyo sakin."

"A-ano sabi mo?"

"Pagbabayaran niyo ang lahat ng ginawa niyo sakin."

"Ano-ano naman iyon?"

"Pagbabayaran niyo ang lahat ng ginawa niyo sakin!"

"Aaahh!"

Sigaw ng Ina ni Yvonne habang nakaupo na ito sa kama nilang mag-asawa at hinahabol na ang kaniyang hininga. Ilang segundo pa ang lumipas ay nagising na ang asawa nito at naupo na rin sakanilang kama.

"Sweetie? Anong nangyari?"

Mahinang tanong ng Ama ni Yvonne habang kinukusot na nito ang kaniyang mata at hawak na ang kamay ng kaniyang asawa. Napalunok na ang Ina ng dalaga at saka tinignan na ang kaniyang asawa.

"Sweetie, anong ibig sabihin kapag may napanaginipan kang kilala mong tao?"

Tanong pabalik ng Ina ni Yvonne sakaniyang asawa habang patuloy pa rin itong tinitignan. Tumigil na sa pagkusot ng mata ang Ama ng dalaga at saka tinignan na ang kaniyang asawa.

"Hindi ako sigurado, e, pero ang sabi sakin ng namatay kong Tito… pag unang beses mo pa lang raw napanaginipan ang isang tao na kakilala mo ay may posibilidad na patay na ito kaya nagpapa ramdam sayo."

Sagot ng Ama ni Yvonne sa tanong sakaniya ng kaniyang asawa habang patuloy pa rin nitong hinahawakan ang kamay nito. Napataas na ng parehong kilay ang Ina ng dalaga, iniwas na ang kaniyang tingin sakaniyang asawa at saka ngumisi na.

"Sino ba ung napanaginipan mo, sweetie?"

Tanong na ng Ana ni Yvonne sakaniyang asawa habang tinitignan pa rin ito. Mabilis nang nawala ang ngisi sa mga labi ng Ina ng dalaga at saka tinignan na ang kaniyang asawa.

"Bakit naman magpaparamdam sa isang tao ung namatay, sweetie?"

Tanong pabalik ng Ina ni Yvonne sakaniyang asawa habang tinitignan na itong muli. Agad na napa isip ang Ama ng dalaga at saka inalis na ang kaniyang pagkakahawak sa kamay ng kaniyang asawa.

"Depende sa kung sino napanaginipan mo, e, pero kadalasan dahil sa kagustuhan nilang magpa salamat sayo o di kaya naman ay dahil sa kagustuhan nilang maghiganti sayo."

Sagot muli ng Ama ni Yvonne sa tanong sakaniya ng kaniyang asawa habang tinitignan na itong muli. Napa dikit na lamang ng kilay ang Ina ng dalaga at saka hinawakan na ang kamay ng kaniyang asawa.

"Sweetie, may kilala ka ba sa mga kaibigan ni Yvonne?"

Tanong ng Ina ni Yvonne sakaniyang asawa habang patuloy pa rin niyang tinitignan ito. Napataas na ng parehong kilay ang Ama ng dalaga nang pumasok na sakaniyang isipan ang tinanong sakaniya ng kaniyang asawa.

"Ngayong tinanong mo yan sakin… wala akong naaalala na pinakilalang kaibigan satin si Yvonne."

Sagot ng Ama ni Yvonne sa tanong sakaniya ng kaniyang asawa habang tinitignan na niya ito. Napataas na rin ng parehong kilay ang Ina ng dalaga at saka inalis na ang kaniyang pagkakahawak sa kamay ng kaniyang asawa. Ilang saglit pa ay bigla nang bumukas ang pintuan ng kwarto ng mag-asawa at Ilabas niyon ang kanilang bunsong anak na babae.

"Ma! Pa!"

Natatarantang tawag ni Addison sakaniyang mga magulang habang tinitignan na nito ang dalawa nang mayroong bakas ng takot sakaniyang mukha at mga mata. Agad na napatayo ang Ina nila Yvonne mula sa pagkakaupo nito sakanilang kama at mabilis na nilapitan ang kanilang bunsong anak.

"Ano un Addison? Bakit takot na takot ka? Anong nangyari?"

Nag-aalalang tanong ng Ina nila Yvonne kay Addison habang hinahagod na nito ang buhok ng kaniyang anak at hawak na ang pisngi nito. Napatayo na rin mula sa pagkakaupo ang Ama ng dalaga at saka nilapitan na rin ang kanilang bunsong anak.

"L-Li… Lich."

Pautal-utal na sagot ni Addison sa tanong sakaniya ng kaniyang Ina habang patuloy pa rin niyang tinitignan ito. Nanlaki ang mga mata ng mga magulang ng dalaga at saka nagtinginan na sa isa't isa. Mabilis na lumabas ang Ama ni Yvonne habang ang Ina naman nito'y tinignang muli ang kaniyang bunsong anak.

"Dito ka lang, ha. Magtago ka lang. Kahit anong ingay pa ang marinig mo ay wag na wag kang lalabas dito sa kwarto namin."

Bilin ng Ina ni Addison sakaniyang bunsong anak habang patuloy pa rin niya itong tinitignan. Tumango na lamang ang kaniyang bunsong anak bilang tugon nito sakaniya at saka pinapasok na ito sa kwarto nilang mag-asawa.

"Babalik kami ng Papa mo. Wag kang mag-alala."

Nakangiting sabi ng Ina ni Addison sakaniya habang patuloy pa rin niya itong tinitignan. Ilang segundo pa ang lumipas ay isinara na ng Ina ni Yvonne ang pintuan ng kwarto nilang mag-asawa at saka sinundan na ang ingay na kaniyang naririnig.

"Ate, Sweetie…"

Hindi makapaniwalang tawag ng Ina ni Yvonne sakaniyang panganay na kapatid at sakaniyang asawa na hawak na ng mga Lich kasama ang iba pa nilang kamag-anak.

"Kamusta na, hija? Kamusta na ang iyong panganay na anak?"

Tanong ng isang Lich sa Ina ni Yvonne habang nakatingin na ito sakaniya ang naglalakad na papalapit rito. Napalunok na lamang ang Ina ng dalaga habang unti-unti na itong naglalakad paatras mula sakaniyang kinaroroonan ngayon at tinitignan na nito ang Lich na naglalakad papalapit sakaniya.

"H-hindi ko alam."

Takot na sagot ng Ina ni Yvonne sa tanong sakaniya ng Lich na patuloy pa ring naglalakad papalapit sakaniya. Napatango ang Lich sa sinagot sakaniya ng Ina ng dalaga at saka inilagay na ang kaniyang buto-butong kamay sakaniyang likuran habang patuloy pa rin ito sa paglapit sa Ina ng dalaga.

"Gusto mo bang malaman kung ano na ang nangyari sakaniya?"

Tanong muli ng Lich sa Ina ni Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang Ina ng dalaga at naglalakad papalapit rito. Ilang saglit pa ay bumangga na ang Ina ng dalaga sa pag-atras nito mula sa Lich at napatingin na lamang sakaniyang likuran.

"I-isa lang ang a-anak ko…"

Nauutal na sagot ng Ina ni Yvonne sa tanong sakaniya ng Lich habang tinitignan na ito. Napatigil na sa paglalakad ang Lich at saka napatawa na ng malakas dahil sa sinagot ng Ina ng dalaga sakaniyang tanong.

"Alam mo ba na ang mga nilalang na katulad mo ay masarap kainin ang kaluluwa?"