Chereads / Runaway With Me / Chapter 187 - Jacqueline's Residence 3

Chapter 187 - Jacqueline's Residence 3

~Gabi~

"Sigurado ka ba hijo na hindi mo sasamahan ang iyong kambal na magbantay ngayon sa bangkay ni Yvonne?"

Nag-aalalang tanong ni Jacqueline kay Jay habang tinitignan na nito ang binata at hawak na ang balikat nito. Bahagyang ngumiti ang binata sa matandang babae at saka tumango bilang tugon sa tanong nito sakaniya.

"Okay lang po un Lola Jacqueline. Mas mahalaga po sakin ngayon ang tuparin ang pinangako ko kay Yvonne kesa manatili sa tabi nilang dalawa ni Jervin."

Nakangiting sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Jacqueline habang hinahawakan na niya ang kamay ng matandang babae na nakahawak sakaniyang balikat. Nagdikit na ang kilay ng matandang babae habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata dahil sa sinabi nito.

"Ano namang pinangako mo sakaniya?"

Tanong naman ni Kimberly kay Jay habang nakatingin na rin ito sa binata at nakatayo na sa tabi ni Jacqueline. Ilang segundo pa ang lumipas ay tinignan na ng binata ang babae na nakatayo sa tabi ng matandang babae at saka nginitian na ito.

"Ang mawala na ang angkan na pinanggalingan niya."

Nakangising sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Kimberly habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang babae na pinanlakihan na siya ng mga mata. Agad na napatakip na lamang ng bibig si Jacqueline habang tinitignan na rin ang babae sakaniyang tabi gamit ang kaniyang nanlalaki na rin mga mata.

"Seryoso ka bang sinabi niya un?"

Nag-aalangang tanong ni Kimberly kay Jay habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata na nakatingin pa rin sakaniya. Tumango na lamang ang binata bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng babae habang nakanguso na ito rito. Nagkatinginan na sina Jacqueline at ang babae sa isa't isa at saka sabay nang tinignang muli ang binata sakanilang harapan gamit ang kanilang nanlalaki pa ring mga mata.

"B-bakit naman niya sinabi iyon saiyo, hijo?"

Tanong naman ni Jacqueline kay Jay habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata at magkadikit nanaman ang kaniyang kilay. Napataas na ng parehong kilay ang binata at saka tinignan na ang matandang babae habang hindi pa rin nawawala ang ngisi sakaniyang mga labi.

"Maski rin po si Lola Beatrice sinabi rin po sakin un nung kami pa ni Yvonne."

Nakangising sagot ni Jay sa tanong naman sakaniya ni Jacqueline habang tinitignan pa rin niya ang matandang babae sakaniyang harapan. Napataas na ng parehong kilay ang matandang babae pati na rin si Kimberly nang marinig na ang sinagot ng binata at saka pinanlakihan nanaman nila ito ng kanilang mga mata.

"P-pati si B-Beatrice? Sinabi ba niya saiyo hijo ang kaniyang dahilan?"

Gulat na tanong ni Jacqueline kay Jay habang nakatingin pa rin ito sa binata at patuloy pa rin niya itong pinanlalakihan ng mga mata. Tumango ang binata bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng matandang babae habang tinitignan na nito ng seryoso ang matandang babae sakaniyang harapan.

"Kapag daw po nabuhay ng matagal na panahon ang angkan ng mga Tamayo ay may malaki raw pong possibility na ang mawalan na ng mga kapangyarihan ang kasundo nilang angkan na mga Diwata at maikalat pa raw po ang potion na kanilang ginagamit sa community ng mga Wizards at Witches at sa iba pa raw pong community sa mundo natin."

Sagot muli ni Jay sa tanong sakaniya ni Jaqueline habang tinitignan pa rin nito ang matandang babae sakaniyang harapan. Muli nanamang nanlaki ang mga mata nila Kimberly at ng matandang babae habang patuloy pa rin nilang tinitignan ang binata.

"Jervin hijo, hindi ka pa ba uuwi sainyo? Gabi na."

Sabi ni Hongganda kay Jervin habang nakatayo na ito sa tabi ng binata na nakaupo sa tabi ng kamang hinihigaan ng malamig na bangkay ni Yvonne at hawak na ang balikat nito. Napabuntong hininga na lamang ang binata sabay hawak na nito sa malamig na kamay ng bangkay ng dalaga habang hindi tinitignan ang matandang babae sakaniyang tabi.

"Pwedeng dito muna ako Madam Hong? Hindi ko pa kayang harapin sila Tita Isabelle, e."

Sabi naman ni Jervin kay Hongganda habang tinitignan na nito ang mukha ng malamig na bangkay ni Yvonne. Napabuntong hininga na lamang din ang matandang babae dahil sa binata, binitawan na ang balikat nito at saka naglakad na papalayo rito.

"Bakit ba hindi umepekto sayo ung ritual na ginawa namin kanina, Yvonne?"

Malungkot na tanong ni Jervin sa malamig na bangkay ni Yvonne habang tinitignan pa rin niya ito at hawak pa rin ang malamig na kamay nito. Ilang saglit pa ang lumipas ay napabuntong hininga na lamang muli ang binata at saka ipinatong na ang kaniyang braso sa kama at ginawa itong unan.

"Kelan mo balak sabihin sa mga Lich na nakahanap ka na ng huling angkan ate Kimberly?"

Tanong na ni Jay kay Kimberly habang nakaupo na silang tatlo sa salas ng bahay ni Jacqueline at tinitignan na ang babae na nakaupo sakaniyang tabi. Nagtinginan nanamang muli ang babae at ang matandang babae bago sagutin ang tanong ng binata.

"Mamayang hating gabi, bakit?"

Sagot at tanong pabalik ni Kimberly kay Jay habang tinitignan na nito ang binata na nakaupo sakaniyang tabi. Nginitian na lamang ng binata ang babae at saka umiling bilang tugon nito rito.

"Magtutungo ka bang muli sa pagitan ng Enchanted Forest at ng Dark Forest upang kausapin ang mga Lich na nakabihag saiyo, Kimberly?"

Tanong naman ni Jacqueline kay Kimberly habang nag-aalala na nitong tinignan ang kaniyang kaibigan. Tinignan na pabalik ng babae ang matandang babae, bahagya itong nginitian at saka tumango bilang tugon sa tanong sakaniya nito.

"Ano-anong angkan pala ung inalay mo sakanila ate Kimberly?"

Inosenteng tanong ni Jay kay Kimberly habang nakatingin pa rin ito sa babaeng nakaupo sakaniyang tabi. Nilingon na ng babae ang binata, nagpakawala na ng malalim na hininga at saka tumingin na sa coffee table na pumapagitna sakanila nila Jacqueline.

"Ang pinanggalingan kong angkan, ang mga Poblete, at ang angkan na dapat sana'y ginagabayan ngayon ni Jacqueline, ang mga Belmonte."

Malungkot na sagot ni Kimberly sa tanong sakaniya ni Jay sabay balik na nitong muli ng kaniyang tingin sa binata at bahagya itong nginitian. Nag-aalala nang tinignan ng binata ang babae sakaniyang tabi, hinawakan na ang kamay nito at saka hinimas na ang likuran nito upang pagaanin ang loob nito.

"Bakit nga ba nahuli ka ng mga Lich, ate Kimberly?"

"Sige. Ikekwento namin sayo ni Jacqueline ang lahat ng nangyari."