~Umaga~
"Kilala mo si Yvonne?"
Takang tanong ni Jervin kay Rhiannon habang tinitignan na nito ang eleganteng matandang babae sakaniyang harapan. Agad na napatingin ang eleganteng matandang babae sa binatang kumakarga sa bangkay ni Yvonne, tumayo na ng maayos sa harapan nito at saka tumango bilang tugon sa tanong sakaniya ng binata.
"Simula noong kinuha ko ang kaso ni Ate Malaya Fuentes pati na rin ng kaniyang asawa patungkol sa pagpaslang sa buong angkan ng Alquiza ay naging matalik ko nang kaibigan sina Ate Beatrice at Ate Hongganda. Madalas kong pinupuntahan silang dalawa sa talampasan sa itaas ng Unity Locale."
Pagkukwento ni Rhiannon kay Jervin habang tinitignan pa rin nito ang bangkay ni Yvonne sa bisig ng binatang kaniyang pinagkukwentuhan. Naglakad na papalapit si Jacqueline sa kinatatayuan ng eleganteng matandang babae at ng binatang pinagkukwentuhan nito at saka tumayo na sa tabi ng eleganteng matandang babae.
"Hanggang sa dumating ang araw na ang madalas nang kasama ni Ate Beatrice ay ang dalawang taong gulang na si Yvonne. Naaalala ko pa ang mga matatabang pisngi ng batang iyon at ang nakakahawa nitong mga ngiti at tawa. Matagal-tagal na rin noong huli ko siyang nasilayan, ngunit hindi ko akalain na ang muli naming pagkikita ng dalagang ito ay isa na siyang malamig na bangkay."
Pagtatapos ni Rhiannon sakaniyang kwento kay Jervin habang mayroon nanamang luha ang tumulo mula sakaniyang mata at hinawakan niyang muli ang malamig na pisngi ng bangkay ni Yvonne. Ilang segundo pa ang lumipas ay hinawakan na ni Jacqueline ang braso ng eleganteng matandang babae at saka hinimas na ang likuran nito upang pagaanin ang loob nito habang mayroon na ring luha ang tumulo mula sakaniyang mata.
"Pinatay ni Daisy Sebastian si Yvonne at iniutos naman ni Dalis Sebastian sakaniyang apo ang pag patay sakaniya."
Biglang sabi ni Jervin kay Rhiannon habang tinitignan na nito ang eleganteng matandang babae gamit pa rin ang kaniyang itim na mga mata. Nang tignan na siya ng eleganteng matandang babae ay bahagya itong nagulat nang makita ang itim nitong mga mata at agad namang ibinaling kay Dalis ang kaniyang atensyon.
"Dalis Sebastian, sumasang-ayon ka ba sa sinabi ng binatang ito patungkol saiyo at saiyong apo?"
Seryosong tanong ni Rhiannon kay Dalis habang tinitignan na nito ang matandang babae. Mabilis na napakunot ng noo ang matandang babae at saka sinamaan na ng tingin si Jervin.
"Totoo na pinaslang ni Daisy ang dalagang iyan ngunit hindi totoo ang sinasabi ng binatang iyan na iniutos ko saaking apo ang pagpaslang sakaniya!"
Galit na sigaw ni Dalis kay Rhiannon habang mariin nitong itinuturo si Jervin. Sinamaan na ng tingin ng eleganteng matandang babae ang matandang babaeng, dahilan upang umayos na ito ng tayo at saka bahagyang yumuko.
"Bakit binabawi na niya ung sinabi niya na inutos niya raw ung pag patay sa dalaga sa apo niya?"
"Kaka amin niya lamang kanina na iniutos niya ang pag patay kay Yvonne roon sa Enchanted Forest, ah."
"Grabe naman si Dalis, matapos aminin binawi na nang makapunta na tayong lahat dito sa SCOWW."
Bulungan ng mga Balderas at ng mga Diwatang kasama nila Jacqueline habang tinitignan na nila si Dalis. Dahil sa inis ng matandang babae ay akma na sana nitong aatakihin ang mga Balderas at mga Diwatang pinagbubulungan siya nang bigla siyang tignan ni Jervin gamit ang itim na mga mata nito, dahilan upang hindi na maigalaw ng matandang babae ang kaniyang katawan.
"Pakawalan mo ako! Hayop ka! Hindi porket ikaw ang tinutukoy sa propesiya ay gaganituhin mo na ako! Pakawalan mo na ako ngayon din!"
Galit na sigaw ni Dalis kay Jervin habang sinusubukan na niyang kumawala sa mahika ng binata. Tahimik lamang siyang tinignan ng binata gamit ang itim nitong mga mata, habang si Rhiannon nama'y pinanlakihan na ng mga mata ang binata sakaniyang harapan.
"Ang propesiya… ang tanging dahilan kung bakit itim ang mga mata mo! Kunin ninyo ang salamin ng propesiya! Dalian ninyo!"
Sabi ni Rhiannon kay Jervin at sa mga salamangkero't mangkukulam na kaniyang kasama habang tinitignan na ang mga ito. Agad namang nagsi takbuhan ang mga kasama ng eleganteng matandang babae patungo sakanilang pinanggalingan, habang ang eleganteng matandang babae nama'y muling ibinalik ang kaniyang tingin sa binata.
"Ikaw ba hijo ang nagdala sakanilang lahat dito sa SCOWW?"
Tanong na ni Rhiannon kay Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata. Tinignan na ng binata ang eleganteng matandang babae sakaniyang harapan at saka tumango bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng eleganteng matandang babae.
"Kailan niyo lamang nalaman na siya ang tinutukoy sa propesiya?"
Tanong naman ni Rhiannon kay Jacqueline sabay tingin na niya sa matandang babae na nakatayo sakaniyang tabi. Tinignan na rin ng matandang babae ang eleganteng matandang babae sakaniyang tabi at saka tinignan na rin si Jay.
"Kanina lang po. Nung oras po na namatay na si Yvonne ay nagpakawala po si Jervin ng malakas na puwersa."
Sagot ni Jay sa tanong ni Rhiannon kay Jacqueline habang tinitignan na nito ang eleganteng matandang babae na nakatayo sa harapan ni Jervin. Tinignan na ng eleganteng matandang babae ang kababata ng binata at saka napakunot ito ng noo.
"Bakit tila ba'y pawang pamilyar ang mukha ninyong dalawa ng binatang ito? Nagkita-kita na ba tayong tatlo dati?"
Takang tanong ni Rhiannon kila Jay at Jervin habang pabalik-balik na ang kaniyang tingin sa binata at sa kababata nito. Nagtinginan lamang ang dalawang binata, ibinalik na ang kanilang tingin sa eleganteng matandang babae at saka umiling bilang tugon nito sa tanong nito sakanila. Nang marinig ni Aneska ang itinanong ng eleganteng matandang babae sa dalawang binata ay napataas ito ng parehong kilay at saka tinignan na ang dalawang binata.
"Madam Rhiannon, ito na po ang iyong ipinapakuha."
"Hindi po namin nabasag iyan. Basag na po talaga iyan nang kunin na po namin."
Sagot ng salamangkero't mangkukulam na kumuha ng salamin ng propesiya kay Rhiannon habang iniaabot na nila ang basag na salamin sa eleganteng matandang babae. Dahan-dahan nang kinuha ng eleganteng matandang babae ang salamin mula sa salamangkero't mangkukulam na kinuha nito at saka tinignan na si Jervin.
"Natupad nanamang muli ang propesiya."
Sabi ni Rhiannon habang patuloy pa rin nitong tinitignan si Jervin na patuloy pa rin siyang tinitignan gamit ang kaniyang itim na mga mata. Nagdikit ang kilay ni Jacqueline at ng iba pang nakarinig sa sinabi ng eleganteng matandang babae.
"A-anong ibig mong sabihin, Rhiannon?"
Naguguluhang tanong ni Kimberly kay Rhiannon habang naglalakad na ito papalapit sa kinatatayuan nila Jacqueline habang hawak pa rin nito ang tali na naka tali sa dalawang kamay ni Daisy.
"Nangyari na ang propesiya dalawang daang taon na ang nakalilipas. Oras na mamatay na ang tinutukoy ng propesiya ay mabubuong muli ang salamin ng propesiya at hihintayin nanaman nito ang salamangkero o mangkukulam na tinutukoy nito."
Sagot ni Rhiannon sa tanong sakaniya ni Kimberly habang tinitignan na ang basag na salamin na kaniyang hawak. Nanlaki ang mga mata ng mga nakarinig sa sinabi ng eleganteng matandang babae at ilang saglit pa ay tinignan na nitong muli si Jervin.
"Ikaw ang ika apat. Ano ang iyong buong pangalan, hijo?"