Chereads / Runaway With Me / Chapter 156 - Enchanted Forest 4

Chapter 156 - Enchanted Forest 4

~Gabi~

"Sigurado ka bang konektado ung gubat na pinuntahan natin sa Enchanted Forest sa Pilipinas?"

Tanong ni Jervin kay Lyka habang patuloy lamang siya sakaniyang paglipad kasabay ang isang paniki na lumilipad sakaniyang tabi. Nilingon ng Bampira ang binata sakaniyang tabi at biglang sinamaan ito ng tingin.

"Sa tingin mo ba hindi pa ako nakaka punta ng Pilipinas?"

Inis na tanong pabalik ni Lyka kay Jervin habang patuloy pa rin silang dalawa sakanilang paglipad sa gubat na iyon. Hindi na pinansin ng binata ang tanong sakaniya ng paniki sapagkat nanlaki na ang kaniyang mga mata nang unti-unti nang nagdidilim ang kalangitan sa gubat na kanilang kinaroroonan.

"Bakit dumidilim na? Alam ko alas otso pa lang ng umaga, ah."

Sabi ni Jervin sakaniyang sarili habang nakatingin na ito sa kalangitan at patuloy pa rin sakaniyang paglipad. Napapikit na lamang ang paniki at napayuko dahil sa sinabi ng binata.

"Seryoso ka ba sa lalaking nagustuhan mo Yvonne?"

Mahinang tanong ni Lyka kay Yvonne habang nakayuko pa rin ito sabay buntong hininga na. Nang iniangat nang muli ng paniki ang kaniyang ulo ay nasilayan niya ang isang lalaki na mayroong pulang buhok na nakatayo sa harapan ng isang babae at ng matandang babae. Agad na nilingon ng paniki ang binata sakaniyang tabi at pinanlakihan ito ng mga mata at ibinalik muli ang kaniyang tingin sa lalaking mayroong pulang buhok.

"Jervin! May tao!"

Sigaw ni Lyka kay Jervin habang nakatingin pa rin sa tatlong taong nakita niya kanina sabay hinto na sakaniyang paglipad pasulong, habang ang binata nama'y tumingin na sakaniyang harapan at pinanlakihan ng mata ang mga tao na nakatayo sakaniyang tutunguhan. Napalingon na ang lalaking mayroong pulang buhok sakaniyang likuran at nasilayan ang binata na lumilipad na papalapit sakaniya. Ang matandang babae nama'y nanlaki rin ang mga mata nang makita ang binata na lumilipad na papalapit sa lalaking mayroong pulang buhok at ang babae nama'y agad na iniangat ang kaniyang kamay at itinapat ito sa binata upang pahintuin ito sa paglipad nito ngunit tila ba'y parang walang nangyayari.

"Jacqueline! Tulong!"

Paghingi ng tulong ng babae sa matandang babae na si Jacqueline sabay taas na nito ng isa pa niyang kamay at itinapat ito kay Jervin. Agad na nilingon ng matandang babae ang babae na nakatayo sakaniyang tabi, itinaas na rin ang pareho nitong kamay at itinapat na sa binata ngunit wala pa ring nangyayari.

"Aaahh!"

Sigaw ni Jervin nang malapit na siya sa lalaking mayroong pulang buhok. Agad na ginamit ang kaniyang magkabilang braso bilang pangharang sakaniyang ulo at ipinikit ang kaniyang mga mata. Nagulantang ang lahat nang biglang huminto ang binata sa harap mismo ng lalaking mayroong pulang buhok habang naka harang pa rin ang kaniyang magkabilang braso sakaniyang ulo.

"Jervin?"

Tanong na ng babae kay Jervin habang ibinababa na nito ang kaniyang mga kamay na nakatapat sa binata. Nagdikit bigla ang kilay ng binata nang marinig ang boses ng babae at dahan-dahan nang iminulat ang kaniyang mga mata. Mabilis nitong inalis ang kaniyang magkabilang braso sakaniyang mukha nang mapagtanto na nakatayo na pala siya sa harapan ng lalaking mayroong pulang buhok. Ang paniking kaniyang kasama ay nagpalit na ng anyo at tumayo na sakaniyang tabi habang pinanlalakihan siya nito ng mga mata.

"Sino ang nagpatigil sayo? Ikaw… o sila?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Lyka kay Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata sakaniyang tabi. Mabilis na tinignan ng binata ang Bampira sakaniyang tabi gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.

"I-inisip ko lang n-na nakatayo na ako t-tapos un na ung nangyari."

Pautal-utal na sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Lyka habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang Bampira gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Nagdikit na lamang ang kilay nang Bampira nang marinig ang sinagot ng binata sakaniyang tanong at tinignan na si Jacqueline at ang babaeng katabi nito.

"Madam Jacqueline… Madam Kimberly… naiisip niyo po ba ang naiisip ko?"

Tanong na ni Lyka kila Jacqueline at Kimberly habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang babae at ang matandang babae. Nagtinginan sa isa't isa ang babae at ang matandang babae at saka ibinalik nang muli ang kanilang tingin sa Bampira.

"I-imposible…"

Sagot ni Jacqueline sa tanong sakanila ni Lyka habang umiiling-iling na ito sa Bampira, samantalang si Kimberly nama'y mabilis na lumingon sakaniyang likuran at tinignan si Aneska na mayroong pagka gulo sakaniyang mukha.

"Aneska… sino ba talaga si Jervin? Ano ang totoo niyang pagka tao at saang angkan siya nanggaling?"

Seryosong tanong ni Kimberly kay Aneska habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang Diwata sa mga mata nito. Napabuntong hininga na ang Diwata at tinignan na si Jervin na nakatingin na rin sakaniya at inaabangan ang kaniyang isasagot.

"Si Jervin ay---"

Sagot ni Aneska sa tanong ni Kimberly sakaniya ngunit hindi na nito natapos ang kaniyang sasabihin sapagkat mayroon silang ingay na narinig mula sa likuran nila Jervin at Lyka. Agad na nagsi tago ang lahat sa likuran ng mga puno at inabangan kung sino ang papunta ngayon sakanilang kinaroroonan. Magkasamang nagtago sina Lyka at Jervin habang ang iba naman nilang kasama ay isa-sang nagtago sa likod ng mga puno na malapit sa lagusan na galing sa Canada.

"Ano na sunod nating gagawin, Lola?"

Tanong ng isang dalaga sakaniyang Lola habang hawak nito ang braso ng kaniyang lola at naglalakad sila papalapit sa pinagtataguan nila Jervin at ng iba pa. Agad na nagdikit ang kilay ni Lyka nang marinig ang boses ng dalaga.

"Hintayin na lamang natin ang dalawang iyon sa talampasan sa itaas ng Unity Locale. Sigurado akong susunod din ang dalawang iyon sa atin."

Sagot ng matandang babae sa tanong sakaniya ng kaniyang apo habang hawak na nito ang kamay ng kaniyang apo na nakahawak sakaniyang braso at patuloy pa rin sila sakanilang paglalakad. Mabilis na nagkatinginan sina Kimberly at Jacqueline sa isa't isa nang marinig na ang boses ng matandang babae.

"Dalis Sebastian."

Sabay na sabi nila Jacqueline at Kimberly sa isa't isa at saka sinilip na si Dalis at ang apo nito na papalapit na ng papalapit sakanilang kinaroroonan. Sinilip na rin ni Jervin ang matandang babae sapagkat pamilyar sakaniya ang boses na iyon. Nang masilayan ang matandang babae na naglalakad kasama ang apo nito ay agad na naghugis kamao ang kaniyang parehong kamay at akma na sanang susugurin ang dalawa nang mapigilan agad siya ni Lyka.

"Bitawan mo ako."

"Para masira ung plano? Hindi ako tatanga-tanga na sisirain na lang ng basta-basta ang planong pinaghirapang gawin ng iba."