Chereads / Runaway With Me / Chapter 148 - Blood Moon Inn 4

Chapter 148 - Blood Moon Inn 4

~Umaga~

"Bakit… bakit tila ba'y parang mukha kayong pamilyar na dalawa?"

Tanong kaagad ni Malaya kila Jay at Jervin habang nakaupo silang dalawa ni Melchor sa kama sa loob ng kwarto na kanilang kinaroroonan at tinuturo na ang dalawang binata na nakatayo sa magkabilang tabi ni Yvonne. Agad na napataas ng parehong kilay sila Melanie at ang dalaga nang marinig ang itinanong ng matandang babae sa dalawang binata. Mabilis namang nanlaki ang mga mata ng dalawang binata, tinignan ang isa't isa at saka muli nang ibinalik ang kanilang tinging sa matandang babae.

"Kilala po ba namin kayo?"

Tanong pabalik ni Jervin kay Malaya habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang matandang babae. Inabangan lamang nila Yvonne, Jay at Melanie ang isasagot ng matandang babae sa tanong ng binata rito.

"Hindi. Hindi. Ipagpaumanhin ninyo ang aking asawa kung napag kamalan niya man kayong ibang tao na aming kilala."

Natatawang sagot ni Melchor sa tanong ni Jervin kay Malaya habang tinitignan na nito ang binata at sabay hawak na sa kamay ng kaniyang asawa. Dahan-dahang umatras si Yvonne mula sakaniyang kinatatayuan sa pagitan ng dalawang binata habang nakatingin sa mag-asawa.

"A-ahh…"

"Ayos lang po iyon."

Tugon ni Jay sabay tingin na muli nito kay Jervin at mabilis na ibinalik ang kaniyang tingin kay Melchor nang mayroong awkward na ngiti sakaniyang mga labi, habang binata nama'y tumango na lamang bilang pag sang-ayon sakaniyang kababata. Nagdikit naman ang kilay ni Yvonne habang pabalik-balik ang kaniyang tingin sa dalawang binata na nakatayo na sakaniyang harapan.

"Lolo, Lola. Pwede po ba natin silang tulungan na protektahan si Yvonne?"

Tanong na ni Melanie kila Melchor at Malaya habang nakatingin na siya rito, lumapit na sa kamang inuupuan ng mag-asawa at saka naupo na sa tabi ng kaniyang lola. Tinignan na ng matandang babae ang kaniyang apo ng panandalian, inilipat na sa mga kaibigan nito ang kaniyang tingin at huling tinignan ang kaniyang asawa na nakaupo rin sakaniyang tabi.

"Ano ang iyong sagot Melchor?"

Tanong ni Malaya kay Melchor habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang asawa na hawak pa rin ang kaniyang kamay. Nginitian ng matandang lalake ang kaniyang asawa at saka tumango bilang tugon nito rito.

"Kahit pa na itinalaga tayo ng SCOWW na mga kriminal ay dapat pa rin tayong tumulong sa ibang nangangailangan."

Sagot ni Melchor kay Malaya habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kaniyang asawa at mayroon pa ring ngiti sakaniyang mga labi. Nginitian na lamang pabalik ng matandang babae ang kaniyang asawa at biglang mayroon nang luha ang tumulo mula sakaniyang mata. Mabilis na napataas ng parehong kilay sila Yvonne, Melanie at Jervin nang marinig ang salitang 'SCOWW' mula sa matandang lalaki.

"Ano po ibig sabihin ng 'SCOWW'?"

Tanong ni Yvonne kay Melchor habang tinitignan na nito ang matandang lalaki.

"Ano po ung kasalanang ginawa niyo?���

Tanong naman ni Melanie kila Malaya at Melchor habang nakatingin na sakaniyang lola sakaniyang tabi.

"Para saan ung 'SCOWW' at ano ginagawa nila?"

Tanong naman ni Jervin habang nakatingin na rin kay Melchor. Biglang nagdikit ang kilay ni Jay nang marinig ang mga tanong ng tatlong kaibigan sa matandang mag-asawa habang palipat-lipat na ang tingin nito sa tatlo.

"Seryoso ba kayo? Hindi niyo alam ung SCOWW at kung ano ung kasalanan nila Malaya at Melchor?"

Takang tanong ni Jay sa tatlo nitong kaibigan habang palipat-lipat pa rin ang kaniyang tingin sakanila. Agad na sinamaan ng tingin ni Melanie ang binata, habang si Yvonne naman ay pinanlakihan ng mga mata ito at si Jervin nama'y nakatingin na rin sa kababata nang magkadikit na ang kilay.

"Alam mo?"

Tanong pabalik ni Yvonne kay Jay habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang kababata gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.

"Supreme Court of Wizards and Witches ang meaning ng SCOWW. Para silang Department of Justice kung titignan sila sa mga mata ng mga ordinaries. Pero di tulad sa mga ordinaries, pwedeng gumawa ng mga bagong batas ang mga nasa SCOWW at sila ang mga tinuturing na mga representative ng mga katulad natin sa SCASC o Supreme Court of All Supreme Court."

Sagot ni Jay sa tanong nila Jervin at Yvonne sa matandang mag-asawa habang pabalik-balik nanaman nitong tinitignan ang binata at ang dalaga. Takang tinignan na lamang ng dalaga ang kababata, habang ang binata nama'y tumango na lamang bilang tugon rito.

"Ano naman ung kasalanan nila Lolo't Lola?"

Tanong naman ni Melanie kay Jay habang patuloy pa rin nitong sinasamaan ng tingin ang binata. Noong akma na sanang magsasalita ang binata'y biglang…

"Kami ng iyong Lolo Melchor ang napagbintangan sa pagkamatay ng buong angkan ng Alquiza."

Sagot ni Malaya sa tanong ni Melanie kay Jay habang nakatingin na sakaniyang apo at tuluyan na itong umiyak sa harapan nito. Nanlaki ang mga mata ng apat nang marinig ang isinagot ng matandang babae sa tanong ng kaniyang apo sa binata.

"Wala pa rin si Jay?"

Tanong ni Kimberly kay Jacquelin habang naglalakad na ito papasok sa salas ng pamamahay ng matandang babae at iniikot ang kaniyang paningin doon. Napabuntong hininga na lamang ang nakaupong matandang babae sa sofa, tinignan na ang kaibigan at saka umiling bilang tugon sa tanong nito sakaniya. Agad na napatigil sakaniyang paglalakad ang babae at tinignan na ang matandang babae nang mayroong pag-aalala sakaniyang mukha.

"Kailangan ko nang puntahan sila Jay."

Sabi ni Kimberly sakaniyang sarili at dali-dali na itong naglakad papalabas ng salas nang biglang ikinumpas ni Jacqueline ang kaniyang kamay, dahilan upang mapatigil ang babae at hindi na niya maigalaw pa ang katawan.

"Jacqueline!"

Tawag ni Kimberly kay Jacqueline habang sinusubukan niyang kumawala sa mahika ng matandang babae. Nag-aalala nang tinignan ng matandang babae ang kaibigan, mabilis na tumayo mula sakaniyang pagkakaupo at saka nilapitan na ito.

"Kimberly. Kimberly. Tignan mo ako saaking mga mata. Kimberly."

Sabi ni Jacqueline kay Kimberly habang sinusubukan na nitong patinginin ang kaibigan sakaniya. Nang pinipilit pa rin ng babae na kumawala sa mahika ng matandang babae ay bigla nang hinawakan ng matandang babae ang magkabilang pisngi ng kaibigan at tinignan na ito gamit ang kaniyang naluluhang mga mata.

"Kimberly. Makinig ka sakin. Alam na alam ko na napa mahal na saiyo si Jay at itinuring mo na siya na iyong anak. Ngunit alam natin kung sino talaga ang kaniyang mga magulang. Huwag mong kakalimutan iyon, Kimberly. Nagmamakaawa ako saiyo. Huwag mong kalimutan ang ipinangako mo kay Aneska."