~Umaga~
"Melanie hija, halika na't sabayan mo kami ng iyong Lolo na kumain ng agahan."
Nakangiting pag-aaya ng isang matandang babae kay Melanie na kakababa pa lamang ng hagdan. Nakangiting lumapit naman ang dalaga sa matandang babae na nakaupo sa upuan at saka kumakain ng agahan.
"Good morning po, Lola Malaya. Lolo Melchor."
Nakangiting bati ni Melanie sa dalawang matanda na kumakain ng agahan na kaniya palang Lolo Melchor at Lola Malaya sabay upo na sa tabi ng matandang babae.
"Kamusta ang iyong tulog, hija?"
Nakangiting tanong ni Melchor kay Melanie habang nakatingin na ito sakaniyang apo na kumukuha na ng kaniyang almusal. Saglit na tinignan ng dalaga ang kaniyang Lolo nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi sabay balik muli ng kaniyang atensyon sa pagkain na kaniyang kinukuha.
"Maayos naman po, Lo."
Nakangiting sagot ni Melanie sa tanong sakaniya ni Melchor habang patuloy pa rin ito sakaniyang pagkuha ng kaniyang almusal. Nang masilayan ni Malaya ang plato ng dalaga'y bahagya itong natawa at saka tinignan na ang dalaga.
"Tama na iyan, hija. Baka hindi ka na makakain ng tanghalian niyan mamaya."
Nakangiting pagsasaway ni Malaya kay Melanie habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga na tumigil na sa pagkuha ng pagkain at saka tinignan na rin siya. Nginitian pabalik ng dalaga ang kaniyang Lola at saka nagsimula nang kumain.
"Mm! Kamusta na pala ang inyong paghahanap saiyong kaibigan, hija?"
Tanong ni Melchor kay Melanie pagkalunok nito ng kaniyang nginunguya kanina habang nakatingin na ito sakaniyang apo na tumigil sa pagkain nito at saka tumingin pabalik sakaniya gamit ang nanlalaking mga mata nito. Mabilis na nginuya ng dalaga ang pagkain sakaniyang bibig at saka nilunok ito bago sagutin ang tanong sakaniya ng kaniyang Lolo.
"Ung isa po naming kaibigan na lalaki, ano po, parang wala pong balak na hanapin ung kaibigan namin na naglayas."
Nakasimangot na sagot ni Melanie sa tanong sakaniya ni Melchor sabay cross arms na nito. Nagkatinginan ang matandang lalaki at si Malaya nang marinig ang sinagot ng dalaga at saka ibinalik na muli nila ang kanilang tingin rito.
"Ano ba ang buong pangalan ng iyong kaibigan at nang matulungan namin kayong mahanap kung nasaan man siya naroroon."
Nakangiting sabi ni Malaya kay Melanie sabay haplos na nito sa buhok ng dalaga habang nakatingin pa rin ito rito. Mabilis na inalis ng dalaga ang kaniyang pagkaka cross arms at saka nginitian pabalik ang kaniyang Lolo't Lola.
"Talaga po? Tutulungan niyo po kaming hanapin ung kaibigan namin?"
Masiglang tanong ni Melanie sakaniyang Lolo't Lola habang pabalik-balik ang tingin niya sa dalawa nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi. Tumango si Melanie bilang tugon nito sa tanong sakanila ng kanilang apo habang nakangiti pa rin.
"Oo naman, hija. Ano bang pangalan niya?"
Nakangiting tanong pabalik ni Melchor kay Melanie habang nakangiti pa rin ito sa dalaga.
"Yvonne Tamayo po ung pangalan niya tapos po ung kasama po niyang lumayas ay si Jervin Anonuevo po, kaklase ko ngayong school year."
Nakangiting sagot ni Melanie sa tanong sakaniya ni Melchor habang tinitignan na nito ang kaniyang Lolo na biglang nanlaki ang mga mata. Nanlaki na rin ang mga mata ni Malaya nang marinig ang sinagot ng kanilang apo sa tanong ng kaniyang asawa rito. Dahan-dahang nagtinginan sa isa't isa ang mag-asawa at saka ibinalik nang muli ang kanilang tingin sakanilang apo.
"Tamayo? Tama ba ang narinig namin ng iyong Lolo Melchor? Yvonne Tamayo ang ngalan ng iyong kaibigan na naglayas?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Malaya kay Melanie habang nanlalaki pa rin ang mga mata nito at nakatingin pa rin sakaniyang apo. Takang tinignan ng dalaga ang kaniyang Lola sabay tango nito bilang tugon sa tanong nito sakaniya.
"Bakit po? May problema po ba?"
Walang kalam-alam na tanong ni Melanie pabalik sakaniyang Lolo't Lola habang pabalik-balik nanaman ang kaniyang tingin sa dalawa. Nagtinginan muli ang mag-asawa sa isa't isa at saka napalunok na si Melchor, habang si Malaya nama'y napahawak sakaniyang dibdib sabay balik muli ng kanilang tingin sakanilang apo.
"Melanie hija…"
Tawag ni Malaya kay Melanie sabay hawak nito sa kamay ng dalaga nang may halong pag-aalala at kaba sakaniyang mukha. Bahagyang napalayo ang dalaga mula sakaniyang Lola at saka naguguluhang tinignan si Melchor na nanginginig na ang mga labi habang nakatingin din ito sakaniya.
"A-ano po un, Lola?"
Tanong ni Melanie kay Malaya habang dahan-dahan na itong lumalayo sakaniyang Lola na biglang umasta ng hindi pamilyar sakaniyang harapan.
"Paano kayo nagkakilala ni Yvonne Tamayo? Alam ba niya na isa ka ring mangkukulam?"
Sunod-sunod na tanong ni Malaya kay Melanie habang pahigpit na ng pahigpit ang kaniyang pagkakahawak sa kamay ng kaniyang apo at patuloy pa rin itong tinitignan gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.
"L-Lola…"
Tawag ni Melanie kay Malaya sabay tingin na nito sakaniyang kamay na mahigpit nang hinahawakan ng kaniyang Lola, kaya't napatingin na rin ang matandang babae sa kamay nilang dalawa ng kaniyang apo at kaagad itong binitawan nang mapagtanto na nasasaktan na pala niya ang kaniyang apo.
"Patawarin mo ako, hija. Hindi ko sinasadya na saktan ka."
Paghihingi ng tawad ni Malaya kay Melanie habang tinitignan na nito ang kaniyang apo na tumayo na mula sa pagkakaupo nito sakaniyang tabi. Iniwas ng dalaga ang kaniyang tingin mula sakaniyang Lolo't Lola at saka lumingon na sa hagdan.
"T-tawag na po ako ni M-mama. Una na po ako."
Pautal-utal na sabi ni Melanie kay Malaya sabay lakad na nito paatras at saka tumakbo na patungo sa hagdan at nagmamadaling umakyat pabalik sakaniyang kwarto.
"Ano po nangyari kay Lolo?"
Nag-aalalang tanong ni Jay sa isang matandang babae na nakatayo sa tabi ng kama na hinihigaan ng matandang lalaki habang nakaluhod na ito sa tabi niyon.
"Nalalapit na ang oras ng inyong Lolo, Jay hijo."
Malungkot na sagot ng matandang babae sa tanong sakaniya ni Jay habang tinitignan nito ang binata gamit ang kaniyang namumulang mga mata. Nag-umpisa nang maluha ang binata nang marinig ang sinagot ng matandang babae sakaniyang tanong sabay hawak na sa kamay ng matandang lalaki.
"Lo… salamat po sa pag-ampon niyo sakin ni Lola Jacqueline nung dinala po ako rito sainyo ni ate Kim. Maraming salamat po talaga sa lahat."
Pagpapasalamat ni Jay sa matandang lalaki na itinuturing niya nang Lolo habang patuloy pa rin ito sakaniyang pag-iyak. Dahan-dahan nang naupo ang matandang babae sa kama na hinihigaan ng matandang lalaki at saka hinawakan ang balikat ng binata habang umiiyak na rin ito.
"Nagpapa salamat din kami ng iyong Lolo na saamin ka ibinigay ni Kimberly, hijo."
"Alagaan mo po sarili mo Lola Jacqueline, ha… lalu na po sa mga susunod na linggo.���