~Umaga~
"Nangyayari ba talaga 'to? Sabihin niyong nananaginip lang ako."
Sabi ni Ceejay nang makita ang lugar na mayroong puno na may iba't ibang kulay sa mga dahon nito. Ang mga damo'y paiba-iba ng kulay sa tuwing sumasabay ito sa ihip ng hangin. Ang mga bato'y iba't iba rin ang kulay at ang ilog nama'y kasing kulay ng asul na kalangitan roon.
"May ganitong lugar talaga?!"
Gulat na tanong ni Angela kay Jay nang masilayan na rin ang kanilang kapaligiran. Samantalang si Jasben nama'y namangha sakaniyang mga nasisilayan sa lugar na kanilang kinaroroonan. Ngumiti lamang si Jay habang nakatingin sa tatlong kaibigan, lumayo ng kaunti mula sakanila at saka sumipol bigla.
"Wag kayong matatakot sa darating, ha~"
Nakangiting sabi ni Jay sa tatlong kaibigan habang nakatingin na ito sa kalangitan. Mabilis na nilingon nila Angela at Ceejay ang binata habang nanlalaki ang kanilang mga mata, samantalang si Jasben nama'y hindi narinig ang sinabi ng binata sapagkat abala ito sa paghanga sa kapaligiran. Makalipas ng ilang pang saglit ay mayroong anino ang gumulantang sa dalawang dalaga, kaya't nagyakapan silang dalawa, mabilis na tumingin sa kalangitan at nasilayan ang isang nilalang na mayroong katawan ng isang leon sa taas na bahagi ng katawan nito at katawan naman ng isang agila sa ibabang bahagi ng katawan nito.
"Elion~!"
Masayang tawag ni Jay sa nilalang na ealion na lalapag na malapit sakanilang kinaroroonan. Nagsigawan sina Ceejay at Angela dahil sa takot habang magkayakap pa rin silang dalawa, samantalang si Jasben nama'y tuwang-tuwa na makita ang ealion na naka lapag na at nakadapa sa harapan ng binata.
"Woah~! Iniimagine ko lang 'to dati tapos ngayon totoo pala lahat!"
Masayang sabi ni Jasben nang makita na ang ealion sabay lapit na nito kay Jay at sa nilalang. Pinanlakihan ng mga mata nila Angela at Ceejay ang dalaga sabay kumawala na mula sakanilang yakap sa isa't isa.
"Ang aga-aga ganito agad ipaparanas mo samin, Jay?!"
Pasigaw na tanong ni Ceejay kay Jay habang unti-unti na itong naglalakad papalapit sa binata at takot na tinitignan ang ealion.
"Wala pa ngang isang araw nung ayain mo kami na maging isang katulad niyo!"
Reklamo naman ni Angela kay Jay habang sinusundan na nito si Ceejay at takot ding tinitignan ang ealion. Tinignan na ng binata ang dalawang kaibigan habang hinahaplos ang ealion at saka biglang tumawa ito.
"Luh. May problema ka ba sa utak? Ba't bigla kang tumawa dyan?"
Tanong ni Ceejay kay Jay sabay tingin nito sa binata mula ulo hanggang paa nito habang naka cross arms na. Tumigil na sa pagtawa ang binata at saka hinarap na ng maayos ang dalaga.
"May nagkwento kasi sakin na nung unang nagpunta raw dito sila Yvonne at Jervin, Tumakbo raw papalayo si Jervin kay Yvonne dahil sa gulat nito nang magsalita si Yvonne sa likuran niya."
Nakangiting sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Ceejay habang nakatingin na ito sa damo na nagbabago ng kulay dahil sa hangin. Dumapa na ang ealion at tuwang-tuwa namang sumakay sa likuran noon si Jasben, habang si Angela nama'y dahan-dahang nilapitan ang kaibigan na nakangiting iniabot sakaniya ang kamay upang tulungan itong makasakay rito.
"Halika na, tulungan na kitang sumakay kay Elion."
Sabi ni Jay kay Ceejay habang nakangiti ito sa dalaga at saka iniabot na ang kaniyang kamay upang hawakan nito. Nagdadalawang isip na tinignan, hinawakan ng dalaga ang kamay ng binata at saka sinabayan na ang binata na maglakad tungo sa likuran ng ealion at tinulungan siyang sumakay roon.
"Saan ka uupo, Jay?"
Masiglang tanong ni Jasben kay Jay habang nakaupo ito sa likuran ng ulo ng ealion at tinitignan na ang binata. Nang makaupo na si Ceejay sa likuran ni Angela na nakaupo sa likuran ng dalaga'y tinignan na ng binata ang dalaga at saka nginitian ito.
"Dito na lang ako uupo sa likuran ni Ceejay."
Nakangiting sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Jasben sabay upo na sa likuran ni Ceejay habang nakatalikod ito sa dalaga.
"O-oh? B-ba't ganyan upo mo?"
Tanong ni Ceejay kay Jay nang maramdaman ang likod ng binata sakaniyang likuran. Napatingin sila Angela at Jasben sa binata matapos marinig ang itinanong ng kanilang kaibigan rito.
"Masama na bang umupo ng ganito?"
Inosenteng tanong pabalik ni Jay kay Ceejay sabay tingin na sa tatlong magkakaibigan habang nakanguso ito.
"Tara na nga~ Ano bang sasabihin kay Elion, Jay?"
Tanong ni Angela kay Jay habang nakatingin at nakangiti ito sa binata. Iniwas na ng binata ang kaniyang tingin mula sa dalaga at saka humawak na ng mabuti sa likurang bahagi ng ealion.
"Elion, kay Madam Hong!"
Sabi ni Jay sa ealion, tumayo na ito mula sa pagkakadapa nito, ibinuka na ang kaniyang pakpak at saka tumakbo na upang bumwelo sa paglipad nito.
"Aaaaahhhhh!"
"P#$@%&!$@, Jay!"
"Yaaaaaayy~!"
"Humawak kase kayo! Hindi ba kayo nanunuod ng mga movies o series na merong ganto?!"
Sigaw ni Jay sa tatlo nitong kaibigan habang nakahawak pa rin ito sa likurang bahagi ng ealion. Ilang saglit pa ang lumipas ay biglang mayroong tumunog na phone, kaya't nagulantang ang tatlong magkakaibigan sabay tingin na nila kay Jay na kinukuha na ang kaniyang phone mula sakaniyang bulsa at saka mabilis na sinagot ang tawag.
"Hello po, Tita Isabelle."
Bati ni Jay kay Isabelle na tumawag sakaniya habang nakahawak ang kaniyang isang kamay sa likurang bahagi ng ealion, samantalang ang isa naman niyang kamay ay hawak ang kaniyang phone. Inalis na ng tatlong magkakaibigan ang kanilang tingin sa binata, bagkus ay tinignan na nila ang nakakabighaning tanawin mula sa kalangitan.
"Po?!"
Gulat na tanong ni Jay kay Isabelle habang nanlalaki na ang mga mata ng binata. Agad na napatingin muli ang tatlong magkakaibigan sa binata dahil sa naging reaksyon nito.
"Anong meron, Jay?"
Nag-aalalang tanong n Angela kay Jay habang nakatingin pa rin ito sa binata, ngunit hindi siya pinansin nito sapagkat kausap na nito ang kaniyang Tita sakaniyang phone.
"Sige po. Pupunta po ako agad dyan pag nahatid ko na po ung mga kaibigan ko kay Madam Hong."
Tugon ni Jay kay Isabelle sabay putol na ng kanilang tawag at balik nang muli ng kaniyang phone sakaniyang bulsa. Nilingon na ni Jay ang tatlo nitong kaibigan at saka seryoso silang tinignan nito.
"Ung matandang babae na nakatira sa mansion na pupuntahan natin ay si Madam Hong, ha. Kailangan ko agad umalis pagka hatid ko sainyo dun kaya sundan niyo na lang ung mga ituturo sainyo ni Madam Hong. At kung itanong man niya sainyo kung ano ang gusto niyong matutunan sakaniya, ang isagot niyo lang ay 'mag cast ng spell'."