~Gabi~
"Ganun ba talaga ako kahalaga sayo?"
Nakangiting tanong ni Yvonne kay Jervin habang naka pangalumbaba na ito sa bintana ng kwarto ng binata. Mabilis na nilingon ng binata ang dalaga sa bintana nito, tinignan ito habang nanlalaki ang kaniyang mga mata at saka mabilis na napatayo ito mula sakaniyang pagkakaluhod sa lapag.
"Diba sinabihan na kita dati na wag mong sanayin ang sarili mo ng ganyan?! Nakakagulat ka, e!"
Sabi ni Jervin kay Yvonne habang pinupunasan na nito ang kaniyang mga luha. Natawa na lamang ng bahagya ang dalaga sa inasta ng binata sakaniyang harapan at saka umayos na ito ng tindig sa hangin habang tinitignan na nito ang binata sa bintana ng kwarto nito.
"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Gusto mo bang sumama sa paglayas ko ngayon?"
Tanong ni Yvonne kay Jervin nang nakangiti habang nakatayo sa tapat ng bintana ng kwarto nito. Nilapitan na ng binata ang dalaga, tinignan ito nang mabuti mula ulo hanggang paa at saka tinignan nang muli ito sakaniyang mga mata.
"Sigurado ka bang lalayas ka?"
Tanong ni Jervin pabalik kay Yvonne ng may halong pagtataka sa kanyang mukha habang pinagmamasdan ng mabuti ang dalaga na walang dalang kahit na anong gamit. Napa nguso ang dalaga sa itinanong sakaniya ng binata, tinignan ang kaniyang sarili at saka ibinalik nang muli ang kaniyang tingin sa binata.
"Bakit? Kasi wala akong dalang gamit?"
Tanong pabalik ni Yvonne kay Jervin habang nakangiti pa rin sabay pameywang. Napa cross arms naman ang binata habang tinitignan pa rin nito ang dalaga.
"Diba kapag maglalayas ka dapat may dala kang mga damit at pera at pagkain at kung anu-ano pang kailangan?"
Tanong nanaman pabalik ni Jervin kay Yvonne sabay kamot ng ulo niya at hawak na sakaniyang beywang. Sinamaan naman ng tingin ng dalaga ang binata at saka iniwas na ang kaniyang tingin nito.
"Bibigyan mo lang ng pabigat sarili mo, e. Halika na kung sasama ka. Baka magising pa pamilya mo, e."
Sagot ni Yvonne sa tanong ni Jervin sabay simangot at lakad na papalayo sa bintana ng kwarto ng binata habang lumulutang pa rin ito. Nataranta bigla ang binata habang papalayo na ng papalayo ang dalaga sa bintana ng kaniyang kwarto.
"Hintayin mo ko!"
Sigaw ni Jervin kay Yvonne nang makatalon siya palabas sa bintana. Agad na lumingon ang dalaga sa binata habang nanlalaki ang mga mata nito. Bago pa man bumagsak ang binata sa isa sa mga bubong ng katabing bahay ay mayroon itong sinambit kaya't lumulutang na rin ito katulad ng dalaga.
"Sira ulo ka ba!? Bakit ka sumigaw!? Gusto mo bang marinig ka ng pamilya mo?! Bilisan mo hanggat hindi pa sila pumupunta sa kwarto mo!"
Natatarantang sabi ni Yvonne kay Jervin habang tinitignan niya ang pinanggalingan nito. Agad na hinawakan ng dalaga ang braso ng binata at sabay silang tumakbo ng matulin sa ere hanggang sa nakahanap na sila ng malaking espasyo kung saan sila pepwedeng lumapag. Maya-maya ay tumigil na sila sa pagtakbo at nagpahinga sa ilalim ng tulay.
"Mag… aalas… siyete pa lang! Maaga pa… para… matulog sila!"
Sabi ni Jervin kay Yvonne habang hinahabol na nito ang kaniyang hininga at pinanlilisikan ng tingin ang dalaga.
"Tsk. Malay… ko ba… kung… ano oras… kayo natutulog."
Tugon naman ni Yvonne sa sinabi sakaniya ni Jervin habang nakasimangot rito at hinahabol din ang kaniyang hininga.
"San ba tayo… pupunta? Bakit… hindi mo man lang… ako… pinag impake?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang hinahabol pa rin ang kaniyang hininga at nakahawak na sa pareho niyang tuhod. Hindi pinansin ng dalaga ang itinanong sakaniya ng binata at naglakad na lamang ito papunta sa gitna ng ilalim ng tulay habang nakatingin lang siya sa binata.
"Halika rito."
Sabi ni Yvonne kay Jervin habang nakangiti at saka iniabot nito ang kaniyang mga kamay para hawakan ng binata.
"Hahawakan ko talaga kamay mo?"
Nag-aalangang tanong ni Jervin kay Yvonne. Tumango lamang ang dalaga habang nakangiti pa rin ito bilang tugon sa tanong sakaniya ng binata.
"Pumikit ka."
Sabi ni Yvonne kay Jervin. Sinunod naman ng binata ang sinabi ng dalaga at saka pumikit na.
"Tapos maglalakad tayo papunta sa tubig habang nakapikit ang mga mata nang magkahawak ang mga kamay at magkaharap."
Dagdag pa ni Yvonne sakaniyang sinabi kay Jervin habang nakangiti pa rin ito. Biglang napamulat ng mga mata ang binata dahil sakaniyang gulat nang marinig ang sinabi ng dalaga sakaniya.
"Gusto kong takasan ang mga problema ko, pero ayokong magpakamatay! Nasa matinong pag-iisip pa ako!"
Sigaw ni Jervin kay Yvonne. Napa busangot na lamang ang dalaga at huminga ng malamim para pakalmahin ang sarili bago kausapin muli ang binata.
"Hindi tayo magpapakamatay, okay? Wag kang mag-over react dyan. Magtiwala ka lang sakin at magiging maayos ang lahat."
Sabi ni Yvonne kay Jervin habang tinitignan niya ito sa mga mata. Huminga ng malamin ang binata at saka pumikit nang muli. Pumikit na rin ang dalaga at nagsimula na silang humakbang patagilid habang magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay patungo sa tubig. Noong naramdaman na nila na wala na silang maaapakan pa ay huminto na silang dalawa sa paghakbang.
"Pagbilang ko ng tatlo… sabay tayong tatalon papunta sa tubig, ha."
Sabi ni Yvonne kay Jervin habang nakapikit at hawak pa rin ang mga kamay ng binata. Napalunok ang binata dahil sa kaba na kaniyang nararamdaman.
"Magkahawak pa rin ba tayo at nakapikit kapag tatalon na?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakapikit at hawak pa rin ang mga kamay ng dalaga. Iminulat ng dalaga ang kaniyang kanang mata at saka tinignan ang kabadong binata sakaniyang harapan.
"Oo."
Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin. Napahinga ng malalim ang binata dahil sa kaba, samantalang ang dalaga nama'y tahimik na natawa sa reaksyon ng binata at saka pumikit nang muli.
"Isa."
"Pano ba ako napunta sa gulong 'to?"
"Dalawa."
"Ba't ba naging ganto buhay ko?"
"Tatlo."
"Yvonne!"
Banggit ni Jervin sa pangalan ni Yvonne nang tumalon na silang pareho sa tubig habang nakapikit at magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay. Nang lumipas ang isang minuto ay unti-unti nang nakakarinig ang binata ng mga boses, kaya't dahan-dahan nitong iminulat ang kaniyang mga mata at nasilayan ang iba't ibang nilalang na nakiki salamuha sa isa't isa sa pamilihan na kanilang kinaroroonan.
"Hulaan mo kung nasan tayo ngayon~"
Sabik na sabi ni Yvonne kay Jervin habang nakangiti ito ng malaki sa binata at saka tumatalon ito ng bahagya dahil sa saya na nadarama nito. Inikot ng binata ang kaniyang paningin at saka ibinalik muli ito sa dalaga.
"Hindi ko alam."
"Welcome to… Emporium Union in Toronto, Canada~!"