Chereads / Runaway With Me / Chapter 95 - Eskwelahan 17

Chapter 95 - Eskwelahan 17

~Hapon~

"Oh? Ba't hindi mo kasabay ngayon si Tamayo sa pag pasok?"

Takang tanong ni Melanie kay Jervin habang papalapit na ito sakaniyang kinaroroonan sa loob ng kanilang silid aralan. Hindi kaagad sinagot ng binata ang tanong sakaniya ng kaibigan sapagkat ay naupo muna ito sakaniyang upuan at saka nagpahinga ng kaunti habang nakapikit.

"Hindi kami nagkita kaninang umaga, e."

Simpleng sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Melanie habang nakapikit pa rin ito at hindi tinitignan ang kaibigan. Tumango na lamang ang kaibigan at saka nagpipipindot na sakaniyang phone.

"Sana pumasok ka ngayon."

Mahinang sabi ni Jervin sakaniyang sarili habang nakapikit pa rin ito. Ngunit hindi pa nagtatagal ay nilapitan nila Jasben, Ceejay at Angela ang binata na nagpapahinga sakaniyang upuan.

"Tanungin pa ba natin siya?"

Tanong ni Angela kila Jasben at Ceejay habang nag-aalalang tinignan ang dalawang kaibigan.

"Nakalimutan natin siyang tanungin kahapon, e. Mas mabuti nang tanungin na natin siya ngayon."

Sagot ni Jasben sa tanong sakanila ni Angela habang nakatingin ito sa kaibigan.

"Parang hindi naman natin kilala 'tong si Jervin. E, diba nga lagi niyang sinasamaan ng tingin ang sinumang nang iistorbo sakaniya pag natutulog siya."

Pagrarason ni Angela kila Jasben at Ceejay habang nakatingin na sa binata na nakapikit pa rin. Nagtinginan ang dalawang magkaibigan at saka nagkibit balikat sa isa't isa.

"Jervin."

Tawag ni Ceejay kay Jervin sabay tapik nito sa balikat ng binata. Ilang segundo ang lumipas ay dahan-dahan nang iminulat ng binata ang kaniyang mga mata at saka tinignan ng masama ang dalaga.

"Sabi sainyo, e."

Sabi ni Angela kila Ceejay at Jasben habang nakatingin sa dalawang kaibigan. Sinamaan na rin ng tingin ni Jervin ang dalaga kaya't mabilis itong nagtago sa likuran ng kaibigan.

"Ano ung relasyon mo kay Jay? Pano kayo nagkakilala nun?"

Tanong ni Ceejay kay Jervin habang nakatingin ito sa binata. Mabilis na tinignan ng binata ang dalaga at saka pinanlakihan ito ng mga mata dahil sa gulat nang marinig ang tinanong nito sakaniya. Mabilis ring nilingon at saka tinignan ni Melanie ang dalaga gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata nang marinig ang pangalan ni Jay.

"P-pano mo… pano mo nakilala si Jay?"

Gulat na tanong ni Jervin kay Ceejay habang nakatingin pa rin ito sa dalaga at pinanlalakihan pa rin ito ng mata. Dahan-dahang sumilip si Angela mula sa likuran ng dalaga upang tignan ang binata habang si Melanie nama'y nakuha ang atensyon ni Jasben.

"Kilala mo rin si Jay?"

Tanong ni Jasben kay Melanie habang nakatingin ito sa kaklase na nakatingin din sakanila. Mabagal na tumango ang kaklase bilang sagot sa tanong sakaniya ng dalaga.

"Kaibigan siya ng boyfriend ni Jasben."

Simpleng sagot ni Ceejay sa tanong sakaniya ni Jervin kanina habang nakatingin pa rin sa binata. Mabilis na inilipat ni Jasben ang kaniyang atensyon sa binata at saka tumango rito.

"P-pano…?"

Takang tanong ni Jervin sa tatlo nilang kaklase na nakatayo sakaniyang harapan. Biglang nilingon ni Ceejay si Jasben at saka tinignan ito.

"Magka klase sila nung Grade 8 tapos naging mag best friends na sila."

Sagot ni Jasben sa tanong sakanila ni Jervin habang nakatingin pa rin ito sa binata. Mula sa likuran ni Ceejay ay biglang nanlaki ang mga mata ni Angela at saka tinignan na ang binata habang nakaturo rito.

"Nung linggo pala ano… narinig namin ung boses niyong dalawa ni Yvonne habang kausap namin siya sa phone nun."

Pagbabalik ni Angela sakanilang paksa habang nakatingin pa rin kay Jervin. Napa cross arms na si Ceejay nang marinig ang sinabi ng dalaga at saka pinanlisikan na ng tingin ang binata.

"Sagutin mo naman tanong namin. Anong relasyon mo kay Jay at pano kayo nagkakilala?"

Pag-uulit ni Ceejay sa tanong niya kanina kay Jervin habang pinanlilisikan pa rin nito ng paningin ang binata. Napabuntong hininga na lamang ang binata at saka umayos na ng kaniyang pagkakaupo.

"Inampon siya ng mama ko. Mali. Inampon kami ng tinatawag kong 'mama' at saka pinalaki kami pareho."

Seryosong sagot ni Jervin sa tanong ni Ceejay sakaniya habang nakayuko na ito. Nanlaki ang mga mata ng apat na dalaga habang nakatingin na sila sa binata.

"A-ampon ka?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Melanie kay Jervin habang nakatingin pa rin ito sa binata gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Napaupo si Ceejay sa harapan ng binata upang tignan ang mukha nito ngunit mabilis na iniwas ng binata ang kaniyang tingin sa dalaga.

"Kelan mo lang nalaman?"

Nag-aalalang tanong ni Angela kay Jervin sabay lapit na nito sa tabi ng binata at saka hinawakan ang balikat nito.

"Kaninang umaga."

Mahinang sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Angela habang nakayuko pa rin ito. Napabuntong hininga na lamang si Ceejay nang marinig ang sagot ng binata at saka hinawakan ang tuhod nito.

"Magsi-ayos na kayo mga dikya! May reporting pa kayo ngayon!"

"Ceejay, Gela. Tara na."

Sabi ni Jasben sa dalawa nitong kaibigan sabay hawak sa balikat ni Ceejay. Tumayo na ang kaibigan mula sakaniyang pagkakaupo sa harapan ni Jervin at saka inalis na ang kaniyang pagkakahawak sa tuhod ng binata habang si Angela nama'y inalis na rin ang kaniyang pagkakahawak sa balikat ng binata.

"Papasok kaya si Yvonne?"

Tanong ni Jasben sa dalawa niyang kaibigan habang naglalakad na sila pabalik sakanilang upuan.

"Baka late lang un ngayon."

Sagot ni Ceejay sa tanong sakanila ni Jasben habang nakatingin ito sa kaibigan.

"Sana nga late lang. Kailangan siya ngayon ni Jervin, e."

Kumento naman ni Angela sabay upo na sakaniyang upuan. Umupo na rin sila Jasben at Ceejay sakanilang upuan habang ang iba nilang mga kaklase ay nagkakagulo na upang paghandaan ang kani kanilang mga report.

"Jervin."

Tawag ni Melanie kay Jervin sabay lipat nito sa upuan ni Yvonne na katabi ng binata. Hindi pinansin ng binata ang kaibigan at nanatili lamang na nakayuko.

"Kung pareho kayong inampon ng pamilyang Anonuevo… ba't magka iba kayo ng apelyido ni Jay? Ba't Martinez siya tapos ikaw naman ay Anonuevo? At saka pano kayo naging ulila pareho?"

Sunod-sunod na tanong ni Melanie kay Jervin habang nakaupo pa rin ito sa tabi ng binata. Ngunit hindi pa rin umimik ang binata sa kaibigan at nanatiling nakayuko pa rin. Hindi nagtagal ay mayroong kaklaseng lalaki ang lumapit sa dalawa at saka tinignan ang dalaga.

"Wag mo na guluhin ung tao kung ayaw kang kausapin."

Sabi ng lalaking kaklase kay Melanie habang nakatingin pa rin ito sa dalaga. Sinamaan ng tingin ng dalaga ang kanilang kaklase, nag-aalalang tinignan si Jervin, nagbuntong hininga, tumayo at saka bumalik na sakaniyang kinauupuan kanina.

"Kung kailangan mo ng kaibigan na masasandalan, andito lang ako pre."

"Salamat Pecson."