~Umaga~
"Kasi meron akong importanteng sasabihin sainyo."
Sabi ni Jay sa tatlong magkakaibigan habang nakangiti ito sakanila. Pare-parehong napakunot ng noo ang magkakaibigan, nagtinginan sa isa't isa at saka ibinalik nang muli ang kanilang tingin sa binata.
"Ano naman un?"
Tanong ni Ceejay kay Jay habang nakatingin pa rin sa binata at saka nakataas na ang isang kilay nito. Hinintay lamang nila Angela at Jasben ang isasagot ng binata sa tanong ng kanilang kaibigan habang nakatingin silang dalawa sa binata.
"Salamat sa pag-stay niyo sa tabi ni yvonne sa loob ng classroom niyo. Bati na kami kaya—"
Pasasalamat ni Jay sa tatlong magkakaibigan habang nakangiti ito sa tatlo ngunit hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin sapagkat pinutol ito ni Angela.
"Bati na kayo kaya hindi na namin kailangang kausapin pa si Yvonne?"
Inis na tanong ni Angela kay Jay sabay cross arms nito at saka tinignan na ng masama ang binata. Mabilis na naglaho ang ngiti ng binata mula sakaniyang mga labi at saka tinignan na ang dalaga habang nanlalaki ang mga mata nito.
"Hindi naman pwede yon! Naging malapit na kami kay yvonne kaya ang unfair lang nun sa part namin!"
Inis na sabi naman ni Ceejay kay Jay habang pinanlalakihan na nito ng mata ang binata sakanilang harapan. Nanatiling tahimik lamang si Jasben habang nakatingin lamang sa binata at saka nakabusangot.
"Huh? Sa tingin niyo gagawin ko un?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Jay kila Ceejay at Angela habang palipat-lipat ang kaniyang tingin sa dalawang magkaibigan. Biglang nagdikit ang kilay ng dalawang magkaibigan at saka tinignan ang isa't isa habang si Jasben nama'y hindi na nakabusangot pa.
"Hindi mo ba sasabihin un samin?"
Takang tanong ni Jasben kay Jay habang nakatingin pa rin ito sa binata. Ngumuso bigla ang binata at saka umiling bilang sagot sa tanong sakaniya ng dalaga. Kaagad na nanlaki ang mga mata nila Angela at Ceejay nang makita ang maamo't inosenteng itsura ng binata.
"H-hoy! Kung isang krimen lang ang pagiging cute… panigurado nakulong ka na!"
Sabi ni Angela kay Jay habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata at saka tinuturo ito. Maamong tinignan ng binata ang dalaga at saka nanahimik lamang.
"Diba ex mo si Yvonne? Pano pala kayo nagka-ayos?"
Tanong ni Jasben kay Jay habang magkadikit na ang kilay nito at nakatingin pa rin sa binata.
"Kung ako si Yvonne, hindi ko na papakawalan pa 'tong si Jay."
Kumento ni Ceejay sa tinanong ni Jasben kay Jay habang nakatingin pa rin ito sa binata sabay hawak na nito sakaniyang beywang. Mabilis na nilingon at tinignan ni Angela ang kaibigan at saka natawa ng bahagya.
"Kanina lang ang init ng ulo mo kay Jay, ah."
Natatawang pagpapa-alala ni Angela kay Ceejay sabay hawak nito sa balikat ng kaibigan. Agad na nilingon at tinignan ng dalaga ang kaibigan at saka sinamaan ito ng tingin.
"Manahimik nga kayong dalawa dyan. Hindi maka sagot si Jay, e."
Pagsasaway ni Jasben sa dalawang kaibigan habang nakatingin na ito sakanila. Kaagad namang tumahimik si Ceejay habang si Angela nama'y pinipigilan ang kaniyang tawa.
"Ano na ung importante mong sasabihin samin?"
Tanong ni Jasben kay Jay habang nakatingin nang muli ito sa binata. Ngumiti nang muli ang binata at saka tinignan na ang tatlong kaibigan sakaniyang harapan.
"Bati na kami ni Yvonne kaya sasabihin ko na ung totoo."
Nakangiting sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Jasben. Napakunot nanaman ng kanilang noo ang magkakaibigan at saka tinignan nanaman ng tatlo ang isa't isa.
"Ba't ba parang ang dami mong sikreto?"
Tanong ni Angela kay Jay habang tinitignan na nito ng mabuti ang binata. Natawa lamang ng bahagya ang binata at saka hinimas ang kaniyang batok habang nakatingin sa dalaga.
"Kababata ko pareho sina Yvonne at Jervin. Isa akong ulila at ang swerte ko kasi napunta ako sa pamilya nila Jervin."
"Teka, teka, teka… di nga? Ulila ka?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Ceejay kay Jay habang pinanlalakihan na nito ng mata ang binata. Tumango lamang ang binata bilang tugon nito sa dalaga.
"Pwede ano, ituloy mo ung kwento mo habang naglalakad tayo? Malapit na magtanghalian, e. Hanap na tayo ng makakainan."
Suhestiyon ni Jasben sa tatlo nitong kaibigan habang palipat-lipat ang kaniyang tingin sa mga ito. Nagtinginan sa isa't isa ang tatlo at saka tumango bilang pag sang-ayon sa suhestiyon ng dalaga.
"San tayo kakain?"
"Kahit saan basta may makainan ngayong tanghali."
"Tuloy mo na Jay."
"Nung bata pa lang kami, laging pumupunta sa bahay nila Jervin si Yvonne kasama ang Lola niya. Walang araw na hindi kami magka kasamang tatlo sa bahay nila Jervin. Kung ano-anong kalokohang pinaggagagawa namin nun, e. Kaso isang araw… naglalaro kami ni Jervin sa labas ng bahay nila, tinawag siya ng nanay niya kaya pumasok siya sa loob ng bahay nila at naiwan naman ako sa labas."
Pagtutuloy ni Jay sakaniyang kwento sa tatlong kaibigang babae habang naglalakad pa rin silang apat at naghahanap ng pepwedeng pag kainan.
"Habang naglalaro ako nun ng mag-isa sa labas, biglang may lumapit sakin na dalaga. Sabi niya kilala niya raw kung sino mga magulang ko. Kaya hindi na akong nagdalawang isip na sumama sakaniya para makilala ko na kung sino ang tunay kong mga magulang. Kaso imbis na dalhin niya ako sa mga magulang ko ay dinala niya ako sa bahay ng isang pamilya na nawalan ng anak. Binigay niya ako sakanila at saka nakakuha siya ng malaking halaga ng pera bilang reward sa pagbigay niya sakin."
Dagdag pa ni Jay sakaniyang kwento habang nakangiti ito at naka pamulsa sakaniyang pantalon. Agad na napatigil sa paglalakad ang tatlong kaibigan at saka tinignan ang binata habang nanlalaki ang kanilang mga mata. Napatigil na rin sakaniyang paglalakad ang binata at saka hinarap ang tatlong kaibigan.
"Bakit?"
Tanong ni Jay sa tatlo habang inosente nitong tinitignan ang tatlo.
"Nagbibiro ka lang diba?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Angela kay Jay habang nakatingin pa rin ito sa binata. Umiling ang binata bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng dalaga habang nakanguso ito at inosente pa rin nitong tinitignan ang tatlo.
"Ba't naman ako magsi sinungaling?"
Tanong pabalik ni Jay kay Angela habang tinitignan pa rin nito ang tatlo.
"Oo nga naman. Tumigil ka nga Gela."
Saway ni Ceejay kay Angela sabay siko nito ng mahina sa kaibigan. Sinamaan lamang ng tingin ng kaibigan ang dalaga at saka siniko ito pabalik.
"Kamusta ka naman matapos mong mapunta sa pamilyang na puntahan mo?"
"Maayos naman ung isang dekada na lumipas habang nakatira ako sa pamilyang pinag bigyan sakin nung dalagang un. Naging masaya rin ako kasi naging kami ni Yvonne, kaso nawala ung kasiyahan na un nung nagbreak na kami."