Chereads / Runaway With Me / Chapter 67 - Balderas' Residence 2

Chapter 67 - Balderas' Residence 2

~Umaga~

"Pano ka napunta rito sa mga Balderas, Yvonne?"

Seryosong tanong ni Hendric kay Yvonne habang tinitignan nito ng masama si Thomas na nakatayo na sakaniyang harapan.

"Pano nga ba ako napunta rito?"

Takang tanong ni Yvonne sakaniyang sarili habang magkadikit na ang kaniyang kilay at nakanguso na ito. Mabilis na nilingon nila Hendric ang dalaga at saka pinanlakihan ito ng mga mata. Nilingon na rin nila Anna at Jervin ang dalaga at saka pinanlakihan din ng mga mata.

"Hindi mo alam kung pano ka napunta dito?"

Gigil na tanong ni Hendric kay Yvonne habang naglalakad na ito papalapit sa dalaga. Umiling lamang ang dalaga bilang tugon sa kaibigan at saka tinignan na ito. Nang makatayo na ang kaibigan sa harapan ng dalaga ay bigla niya itong binatukan.

"Aray! Para san un?!"

Reklamo ni Yvonne kay Hendric sabay hawak na sa parte ng kaniyang ulo na binatukan ng kaibigan.

"Ba't hindi mo alam kung pano ka napunta rito?!"

Inis na tanong ni Hendric kay Yvonne sabay hawak na nito sakaniyang beywang at naglakad na ng pabalik-balik sa harapan ng dalaga.

"Ako na nga 'tong na-kidnap ako pa 'tong sasaktan mo!"

Inis na sigaw pabalik ni Yvonne kay Hendric sabay palo niya sa braso nito ng malakas.

"Aray ko! P@$%^%@&* mo!"

"At sino naman ang nagpahintulot na maaari kang mag mura sa loob ng aking pamamahay?!"

Inis na tanong ni Tazara kay Hendric habang naglalakad na ito papalapit kila Yvonne. Napalunok na lamang ang kaibigan at saka dahan-dahang hinarap ang matandang babae habang nakayuko ito.

"I-ipagp-paum-manh-hin mo p-po ang a-aking p-pag-uug-gali."

Nauutal-utal na paghingi ni Hendric ng tawad kay Tazara habang nakayuko pa rin ito. Napabuntong hininga na lamang ang matandang babae at saka naglakad na patungo sakanilang salas.

"Halina kayong apat, samahan ninyo akong maupo saaming salas."

Pag-aaya ni Tazara kila Yvonne, Jervin, Anna at Hendric nang hindi sila tinitignan at patuloy lamang sakaniyang paglalakad patungo sa salas.

"P-pano ako Lola? Hindi ako kasama?"

Tanong ni Thomas kay Tazara habang tinitignan nito ang kaniyang lola gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.

"Mauna ka na kumain ng almusal."

Tanging sagot ni Tazara sa tanong sakaniya ni Thomas nang hindi ito tinitignan. Kaagad na nagdabog ang lalaki at galit na umakyat sakanilang hagdan.

"Ipagpaumanhin ninyo ang aking matampuhing apo. Hindi lang siya tinuruan ng magandang asal ng kaniyang mga magulang."

Paghihingi ng tawad ni Tazara sa apat sabay upo na sa isang upuan. Naupo na rin ang apat sa kaharap na sofa ng matandang dalaga. Naunang naupo si Hendric, sumunod si Anna, Si Yvonne at ang panghuli na naupo ay si Jervin. Ilang saglit pa ay bigla nang lumabas si Josh mula sa bulsa ng damit ni Jervin at saka tumalon tungo sa coffee table na namamagitan sa matandang babae at sa apat na kabataan.

"Kamusta ka na po, Madam Tazara?"

Pangangamusta ni Josh kay Tazara sabay yuko nito upang magbigay galang sa nakatatanda. Ngumiti ang matandang babae sa dwende at saka tinanguan ito.

"Mabuti naman, Josh hijo."

Nakangiting sagot ni Tazara sa tanong sakaniya ni Josh habang tinitignan ang dwende. Matikas na tumayo ang dwende sa harapan ng matandang babae at saka nginitian ito pabalik, samantalang si Yvonne nama'y pinanlakihan ng mga mata ang dwende dahil sa gulat nito.

"K-kelan mo pa kilala si Tazara?"

Gulat na tanong ni Yvonne kay Josh habang nakatingin pa rin ito sa dwende gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Hindi pinansin ng dwende ang tanong sakaniya ng dalaga, sapagkat ay unti-unti nang naglalaho ang ngiti sakaniyang mga labi at tinignan niya na niya ng seryoso si Tazara.

"Bakit mo kinuha si Yvonne?"

Seryosong tanong ni Josh kay Tazara habang naghugis kamao na ang kaniyang mga kamay. Natawa ng bahagya ang matandang babae sa dwende at saka tinignan si Yvonne.

"Ano bang meron sa dalagang iyan? Bakit handa kayong labanan ang kung sino para lamang sakaniya?"

Nakangising tanong ni Tazara kila Josh, Anna, Hendric at Jervin habang nakatingin pa rin ito kay Yvonne. Sinamaan ng tingin ng apat ang matandang babae, samantalang ang dalaga nama'y tinignan ang matandang babae habang nanlalaki pa rin ang mga mata nito.

"Mayroon ba kayong makukuhang kayamanan kapag naprotektahan niyo ng mabuti ang dalagang iyan? Kaya ba ng kaniyang angkan na iangat ang inyong mga angkan?"

Nakangiting pambubuwisit ni Tazara kila Hendric, Anna, Jervin at Josh habang nakangisi pa rin nitong tinitignan si Yvonne na nakatingin pa rin sakaniya habang nanlalaki pa rin ang mga mata nito. Sinamaan lamang ng tingin ng apat ang matandang babae at nanatiling tahimik lamang, ilang saglit pa ay unti-unti nang nawala ang ngisi ng matandang babae at saka isa-isa nang tinignan ang apat.

"Sabihin ninyo saakin ang sagot ngayon din!"

Galit na utos ni Tazara kila Anna, Josh, Jervin at Hendric habang pinanlalakihan na niya ng mata ang mga ito.

"Bakit mo muna kinuha si Yvonne?"

Seryosong tanong ni Jervin kay Tazara habang pinanlilisikan na nito ng mata ang matandang babae. Iniangat ng bahagya ng matandang babae ang kaniyang baba at saka tinignan ang binata habang nanlalaki pa rin ang mga mata nito dahil sa galit.

"Napaka lakas naman ng iyong loob upang balewalain lamang ang aking tanong, hijo."

Gigil na sabi ni Tazara kay Jervin habang nakatingin pa rin ito sa binata. Ngumisi bigla ang binata at saka tumayo ito mula sakaniyang kinauupuan.

"Anong ginagawa mo, Jervien?"

Takang tanong ni Anna kay Jervin habang tinitignan na nito ang binata. Hindi nito pinansin ang kaibigan at nagsimula nang maglakad upang ikutin ang salas na kanilang kinaroroonan.

"Jervien! Bumalik ka nga sa puwesto mo!"

Pasigaw na bulong ni Hendric kay Jervin habang tinitignan na rin nito ang binata. Hindi rin pinansin ng binata ang isa pa nilang kaibigan, sapagkat ay nagpatuloy lamang siya sakaniyang paglalakad habang nakangisi pa rin.

"Anong ginagawa mo?"

Takang tanong ni Tazara kay Jervin habang sinusundan nito ng tingin ang binata na naglalakad na tungo sa fireplace na nasa salas ng mga Balderas. Hindi pinansin ng binata ang matandang babae at saka tumayo na ito sa tapat ng fireplace na kung saan ay mayroong isang lalagyanan ng larawan ang naka patong sa itaas nuon. Kinuha ng binata ang larawan at saka pinagmasdan ito.

"Sino-sino ang mga nasa litratong 'to?"

Tanong ni Jervin kay Tazara habang nakatingin pa rin ito sa litratong kaniyang hawak. Iniwasan ng tingin ng matandang babae ang mga kabataan at isang dwende at saka nanahimik.

"Hongganda… Beatrice… Dalis… ikaw… sino pa 'tong lima?"

Nakangising tanong ni Jervin sabay harap na nito kay Tazara habang ipinapakita na nito ang litratong kaniyang hawak.

"Ano bang pakialam mo sa litratong iyan? At ano naman iyon para saiyo sa oras na sinagot ko ang iyong katanungan?"

Related Books

Popular novel hashtag