Chereads / Aza&Miguel / Chapter 12 - Chapter 12

Chapter 12 - Chapter 12

"I want everything to be perfect. Gusto ko yung pagkain para sa mga bisita nakahanda na, and the wine please. Yung mga frames paki polish din Jeff, thank you." hindi ako mapakali, mamaya lang bubuksan na yung exhibit ko. This is my 10th exhibit as a professional photographer pero tulad ng mga nauna, kinakabahan pa din ako. Kilala na ako sa industriya ng photography pero tuwing may ganitong event hindi ko pa din maiwasang hindi mainsecure.

"Maam Aza, saan po itong frame ilalagay?" hawak hawak ni Jeff, one of my personal assistant, ang pinaka-malaking frame para sa exhibit ko. It is a picture of a taxi driver na nakangiti habang nakaparada sa tabi ng isang karinderya. This picture reminds me of someone who once held my heart. Drivers ang theme ng exhibit ko, I want to tell their stories, I want the world to see them not just someone who drives them home, I want them to see that they are someone who brings them home.

"Doon mo siya ilagay sa dulo, that will be the star of this exhibit." sumunod naman agad si Jeff. Maya maya lang dumating na yung organizer ng event, magsisimula na daw ang exhibit and I should ready my speech.

"Ready na kayo Ms. Aza?" tanong sa akin ng magiging host ng event.

"I was born ready." agad ko namang sagot and then they opened the door at pumasok na ang mga tao. You can do this, Aza! You can ace this exhibit like any other exhibit na ginawa mo.

---

"Hala, nagstart na yung event. Late na tayo, Mahal." pag aalalang sabi ni Klarisse sa akin, na stuck kasi kami sa traffic, may nagbanggan daw doon banda sa Vito Cruz kaya mabagal ang usad ng mga sasakyan.

"Pasensya ka na, itong traffic kasi eh."

"Ayos lang, ang mahalaga makapunta tayo."

Maya maya lang nag green light na at sa wakas gumalaw na din ang mga sasakyan. Hinawakan ko ang kamay ni Klarisse, mukhang kinakabahan kasi siya.

"Hayaan mo, ako mismo ang kukuha ng picture mo kasama yung idol mong photographer."

"Gandahan mo ah."

"Oo naman, ako pa."

"Ikaw pa? Eh laging blurry ka kumuha."

"Ayos lang, malinaw naman ang pagtingin ko sayo." tumawa lang si Klarisse at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

Maya maya lang nakarating na kami sa event. Inayos ni Klarisse ang buhok niya, inayos na din niya ang akin.

"Ang gwapo talaga ng boyfriend ko."

Humalik ako sa pisngi niya at sabay kaming lumabas sa taxi. Magkahawak kamay kaming pumasok sa exhibit, sosyal ang mga tao, marami ding kabataan, mga ka edad ni Michelle, may mga foreigner din akong nakita at...saglit lang..hindi, imposible..namamalik mata lang ako, hindi si Aza yun.

"Mahal ayun siya oh. Yung idol ko, si Miss Aza." bulong sa akin ni Klarisse habang nakahawak sa braso ko. "Ang ganda ganda niya no? Ang galing galing pa niya."

Totoo ba ito? Pagkatapos ng tatlong taon, magkikita kami ulit ni Aza. Diyos ko, hindi ko inaasahan ito, ano po ang gusto niyo iparating? Ano ang gusto niyo mangyari? Kung kailan unti unti ko na siyang kinakalimutan, bigla niyo siyang ibabalik sa buhay ko.

"Mukhang busy pa siya eh. Halika, maglibot muna tayo. Papakita ko sayo kung gaano siya kagaling." hindi pa din ako makapaniwala, para akong pinaglalaruan ng tadhana. Yung babaeng mahal ko, hinahangaan yung babaeng akala ko ay habangbuhay ko ng mamahalin.

Ang ganda ng mga kuha ni Aza, may talento talaga siya sa likod ng lente, tama si Klarisse, lahat ng kuha niya may kwenta, may kwento. Sabi ni Klarisse sa akin na ang tema daw ng exhibit ni Aza ay mga public drivers tulad ko dahil gusto niyang iparating sa tao na hindi lang kami basta driver, kaibigan din kami at mahal sa buhay.

"Halika, tignan natin yung malaking yun. Mukhang ayun ang star ng exhibit niya, ang laki kasi eh." habang lumalapit kami sa lugar kung saan nakasabit ang isang malaking frame, hindi ko maiwasang isipin kung naalala pa ba ako ni Aza? Bakit isang taxi driver ang naisip niyang gawing bida? Isa ba ako sa naging inspirasyon niya? Totoo bang minahal din ako ni Aza?

"Ang ganda no? Sana maging katulad niya din ako. Ikaw, driver ka, pwede kita kuhaan, hindi ba? Iba talaga si Ms. Aza, one of a kind siya."

"Aw, thanks for that." bigla akong napahinto sa narinig ko. Hindi ako makalingon, kilala ko ang boses na iyon, kilalang kilala ko. Agad namang lumingon si Klarisse at para siyang batang hello ng hello.

"Sobrang fan niyo po ako. I love photography din Ms. Aza, isa kayong inspiration sa akin." ramdam ko ang saya ni Klarisse.

"I'm so happy at naiinspire ka sa mga gawa ko. I'm sure you'll be a good photographer din." walang kupas, ang ganda pa din ng boses ni Aza.

"Sobrang nakakataba naman po iyon ng puso. Pwede po ba magpapicture Ms. Aza?"

"Sure, why not?"

Bigla naman akong tinawag ni Klarisse. Nangako ako sa kanya na kukuhaan ko sila ng litrato, paano na? Kailangan ko ulit harapin si Aza dahil matagal na panahon naman na ang lumipas. May kanya kanya na kaming buhay, hindi na dapat ako kinakabahan.

"Mahal, kuhaan mo na kami ni Ms. Aza."

Paglingon ko ay nakaakbay na si Aza kay Klarisse. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat.

"Miguel?" mahina niyang sabi. Napatingin naman sa kanya si Klarisse, sabay tingin sa akin.

"Hello...Aza."

Tulad ng pinangako ko kay Klarisse, kinuhaan ko sila ng litrato. Agad naman kaming inaya ni Aza sa may table para kumain.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Klarisse sa akin. Napansin siguro ni Aza na hindi ako makasagot agad kaya siya na ang sumagot sa akin.

"Ah yes, Miguel is an old friend. Kumusta ka na?"

"Ayos lang naman ako. Ikaw..kumusta na kayo ni Franco?" napansin ko ang biglang pagkawala ng ngiti ni Aza sa pagkakabanggit ko sa pangalan ng lalaking pinili niyang mahalin.

"Oh, si Franco? Last time I heard nag asawa na siya sa Singapore, hindi na din siya umuwi." Ano? Ibig sabihin hindi natuloy ang kasal nila?

"Akala ko, ikakasal na kayo?"

"Akala ko din pero, life happens you know? It didnt work. Siguro hindi talaga kami meant to be." Hindi pa maproseso ng utak ko ang mga sinabi ni Aza. Buong akala ko ay kasal na siya kay Franco.

"Ikaw, kumusta na? I'm so happy na nagkita tayo ulit. It's been what, 3 years? Buti na lang itong girlfriend mo photo enthusiast, nagkita tayo ulit."

Tumango lang ako at ngumiti. Si Klarisse naman nagsimulang makipag kwentuhan kay Aza. Hindi nagbago ang mukha ni Aza, mas lalo pa siyang gumanda pero yung mga mata niya, hindi na tulad ng dati, parang puno ng pait at sakit. Anong nangyari sa kanila ni Franco? Anong nangyari sa babaeng minsan ay naghari sa puso ko?

"Anyway, it's nice meeting you Klarisse. If you want, we can see each other again. Ito ang card ko." agad naman tinanggap ni Klarisse ang calling card ni Aza. "I hope you can say hi to Michelle for me. Kung hindi dahil sa kanya, wala ako dito."

"Oo naman, sasabihin ko kay Michelle. Sige Aza, mauna na kami. Ihahatid ko pa kasi sa bahay itong si Klarisse."

"Of course, bye Miguel."

"Bye."

Habang nasa biyahe kami pauwi ni Klarisse, napansin ko ang pagiging tahimik niya.

"Ayos ka lang?"

"Bakit hindi mo sinabi sa akin yung tungkol kay Aza?"

"Hindi naman kasi importante."

"Sigurado ka?"

"Oo, sigurado ako." sigurado nga ba ako?