Chereads / Aza&Miguel / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

"Oh, bat ang aga mo? Alas onse pa lang? Masama ba pakiramdam mo?" pagkatapos kong ihatid si Aza, parang nawalan ako ng gana na bumiyahe.

"Wala nay, pagod lang siguro."

"Ikaw naman kasi, hindi ka mag day off sa pamamasada. Kumikita naman ang sari sari store natin, hindi mo kailangan pumasada araw araw."

"Para din naman po sainyo yun."

Inabot ko kay Nanay ang isang libong bayad ni Aza pati na din ang kinita ko kahapon na 2000, madami dami akong pasahero kahapon, kaya malaki ang kita.

"Kita ko po yan kahapon at kanina. Yung barya ay binigay ko na kay Michelle, Nay."

Ibinalik ni Nanay ang dalawang libo sa akin.

"O, Nay? Bakit po?"

"Anong bakit? Pera mo yan, pinaghirapan mo yan. Hindi lahat ibibigay mo sa amin. Nagpunta ate mo kanina dito at nagpadala ang asawa niya, nag bigay ng tatlong libo para sa tubig at kuryente natin. Itago mo yan, o kaya mamasyal ka naman, Miguel, bumili ka ng bagong damit."

Bago pa ako makasagot, nagsalita si Tatay.

"Sayang ang pagiging magandang lalaki mo Miguel, kupas na ang kulay ng damit mo at pantalon. Hindi ka nagmana sa akin."

Natawa kami ni Nanay. Si tatay talaga kahit kailan, sabay sabay na kaming kumain ng tanghalian at nanuod ng TV para malibang.

"Mamasyal ka kaya, isama mo si Michelle dahil nung nakaraan pa yun nag-aaya ng malibang ka." sabi ni Tatay habang nanunuod kami. "Atsaka, gagayahin mo ba ang Tito Greg mo? Tumandang binata dahil trabaho, bahay lang ang ginawa."

"Madali lang naman maghanap ng babae tay, ang mahirap makahanap ng tulad ni Nanay."

"Naku, Teresita, nambobola na naman anak mo"

"Pareho lang kayo Dennis. Bolero"

Natutuwa talaga ako sa tuwing nakatambay ako sa bahay, kaya hindi ko rin naiisip na mag asawa pa, gusto ko munang makipag kulitan kanila nanay. Nagpaalam ako na matutulog muna, pagdating ni Michelle, yayain ko na lang siya kumain sa labas.

Alas tres na ako nagising, nasa bahay na din si Michelle at mukhang nakabihis na.

"Musta ang tulog kuya kong pogi? Bihis ka na, sabi ni Nanay at Tatay, mamasyal daw tayong dalawa"

"At nakabihis ka na kaagad? Sige na, maliligo lang ako at aalis tayo."

"Yehey!!" naglulundag si Michelle sa tuwa, at dumiretso na ako sa banyo para maligo. Nag shorts lang ako at Tshirt. Nagpabango na din ng kaunti para hindi ako amoy taxi.

"Ang bango mo kuya ah, pogi pa."

"Bakit ba lahat ng tao dito sa bahay bolero?" tanong ni Tatay habang inaayos ang softdrinks na bagong deliver.

"Sabi ko nga sayo Dennis, nagmana ang mga anak mo sayo." sagot ni Nanay, makukulit talaga ang pamilya ko. Nagpaalam kaming dalawa sa bahay, mga alas siyete na siguro kami makakauwi at mag uuwi na lang kami ng pasalubong.

"Mag taxi tayo kuya?"

"Ayaw mo ba?"

"Gusto, atsaka mainit para mag commute eh. Sa Mall of Asia tayo ah"

Ano daw? Nandun si Aza at yung mestizo, parang ayoko pumunta doon.

"Bakit doon? Madami naman malls sa maynila."

"Sige na Kuya, biyernes ngayon, may fireworks."

Dahil mapilit si Michelle at mabait akong kuya, nagmaneho na ako papunta sa Mall of Asia. Malaki naman yun, hindi magtatagpo landas namin ni Aza. Ipinarada ko ang taxi namin at lumakad na kami papasok sa mall.

"Gusto ko ng milk tea kuya, uso yun ngayon."

"Tsaa? Sus, kayang kayang itimpla sa bahay yun eh."

"Si Kuya talaga, syempre iba ang milk tea at tsaa sa bahay."

"O sige na, saan ba tayo makakabili nun?"

At nag milk tea nga kami ni Michelle habang naglalakad sa MOA. Dahil sabi ni nanay na bumili ako ng bagong damit at bumili nga kami, sinabay ko na din ang bagong short dahil naka sale naman, pati na din sandals para kay Michelle. May ipon naman ako kaya bibilihan ko na si bunso ng bagong sandals.

"Kuya naalala ko lang, naisoli mo yung wallet?"

Ano ba yan, kinakalimutan ko na nga si Aza tapos naalala pa niya.

"Ah, Oo, kaya nga ako may sobrang pera dahil binigyan niya ako ng reward. Nahiya nga ako pero nagpumilit, lahat kasi ng ID at credit card niya nandun sa wallet."

"Talaga? Ang bait naman niya tapos maganda pa."

"Oo mabait talaga kasi pinag almusal pa niya ako kaninang umaga, dun kami sa unit niya."

"Ayyiee, ang kuya ko binata na!"

"Huwag ka ngang maingay dyan, last na yun, di na kami magkikita."

"Ano ba yan..feeling ko destiny kayo eh." pang aasar ni Michelle, sinakyan ko na lang. Dahil gusto ko ng Pizza, pumasok kami sa isang restaurant para mag merienda. Si Michelle ang pinaorder ko at umupo na ako sa bandang harapan ng restaurant. Naglalaro ako ng mobile games ng biglang may tumawag sa akin.

"Miguel, what a small world."

Talaga naman Lord, inaalis ko na nga sa isipan ko eh tapos ganito? Nananadya naman po kayo eh.

"Aza, uy, upo ka."

"Sure. Ang saya naman nagkita tayo ulit."

"Oo nga eh..kasama mo si?"

"Si Franco? No, umuwi na siya, nagpaiwan ako. Ikaw? Sino ka date mo?" umupo si Aza sa upuan na katapat ko. "Baka magalit at nandito ako."

"Naku, kapatid lang, nag aya lang mamasyal."

"Ah, hindi ka bumiyahe?"

"Oo, pahinga din minsan."

"Tama naman. You need some rest, Migs."

Aba may palayaw na ako sa kanya, ang sarap sa tenga. Migs? Ang sosyal lalo na galing sa kanya. Maya maya lang dumating na si Michelle, umupo siya sa tabi ko at pinakilala ko siya kay Aza.

"Aza, si Michelle, bunsong kapatid ko."

"Hi, Michelle."

Nakipag kamay si Aza kay Michelle at nagkwentuhan silang dalawa. Alam kong mang aasar itong si Michelle mamayang pag uwi namin, ireready ko na sarili ko ngayon pa lang. Mabait talaga si Aza dahil marunong siyang makisama.

"Alam mo Michelle, kung okay lang sayo, gagawa kasi ako ng portfolio, I need a model. Medyo mystic ang theme, so sa forest ang settings. Baka pwedeng kunin kita as model? Magbabayad ako."

Naku, sigurado akong tuwang tuwa si Michelle sa narinig niya.

"Yung aura mo kasi, I think bagay sa theme."

Tumingin si Michelle sa akin, pigil na pigil ang ngiti niya, natatawa ako.

"O bakit ka tumingin ka sa kuya mo?"

"Kuya..."

"Naku, sa akin ayos lang. Ang itanong mo si Nanay at tatay." natawa si Aza sa biglang pagyakap sa akin ni Michelle, muntik na akong mahulog sa upuan. Nakakatuwa naman at tumatawa si Aza, ang saya pagmasdan ng mukha ni Aza habang tumatawa, Mukhang love at first sight yata itong tumama sa akin.

"Thank you, Kuya. Kapag pumayag po kasi si Kuya. Ate Aza, pumapayag na din sila nanay."

"Ang sweet niyo namang magkapatid. I wish may kapatid din ako but I'm an only child, so I grew up alone and independent. Anyway, pwede ba kitang kuhaan ng picture? I want to check your register on camera. Sama ka na Migs."

Ano pa nga ba ang magagawa ko? Ngumiti na lang ako sa camera. Pinakita ni Aza ang kuha niya gamit lang ang kanyang cellphone.

"You're so beautiful, Michelle. I think I got my model."

"Hala, thank you po."

"You're welcome..yung kuya mo din oh, he looks good. Mag ayos ka lang ng kaunti Migs, hahabulin ka na ng kababaihan."

Ngumiti lang ako, ano ba naman itong si Aza, pinapaasa talaga ako.

"Naku sabi sayo kuya eh, pogi ka nga. Hindi ako nagbibiro."

Sumama na sa amin si Aza para manuod ng fireworks dahil gusto niya din itong kuhaan ng litrato. Feeling ko talaga ay date namin ito ni Aza, thank you lord ah! Pinapasaya niyo ako. Habang nagkekwentuhan ang dalawa, pasimple akong tumititig sa mukha ni Aza, sana ako na lang si Franco para masabi kong akin siya.

Pagkatapos ng fireworks ay nagpaalam na si Aza, dahil pauwi na din kami ni Michelle ay hinatid na namin siya sa Vito Cruz. Binigay niya ang number niya sa akin at kinuha niya ang akin para kung libre na si Michelle ay dadalhin niya ito sa Tagaytay para makuhaan ng litrato.

"Thank you for this day guys, see you soon"

"Ingat ka, Aza."

"Ikaw din, Migs. Bye Michelle." bago siya bumaba ay hinalikan niya ako sa pisngi, mabilis lang sabay ngiti at baba ng taxi. Nagulat ako, nagulat din si Michelle. Nang makapasok na siya sa condo, biglang sumigaw si Michelle na nakaupo sa likod ng taxi.

"OMG! Kiniss ka niya!!"

Hindi ako makasagot, ramdam ko pa din yung dampi ng labi ni Aza sa pisngi ko. Hindi ako handa dun ah, parang nanghina ako bigla.

"Kiniss ka ng crush mo kuya!!!"