Alas sais pa lang ng umaga ay nasa unit na kami ni Aza. Inaayusan niya si Michelle at ako naman ay naghahanda ng almusal namin. Sobrang bilis ng mga pangyayari, parang ang tagal na naming magkakilala ni Aza dahil pinagkakatiwalaan na niya ako sa kusina.
"There you go, you look so radiant baby girl."
Sabay sabay kaming nag almusal bago bumiyahe pa tagaytay. Tinulungan ko siya sa camerang dala niya pati na din sa tripod, ako ang assistant at driver nila ngayon.
"Sorry mabigat yung tripod, Migs."
"Ayos lang, ano ka ba. Sige na magpahinga muna kayo, ako na bahala."
Dahil mahaba haba ang biyahe namin, ang dami naming napagkwentuhan, pati na din ang kursong hindi ko tinapos.
"Sayang naman, architecture? I bet you're very good at drawing and math. Nag do-draw ka din ba ng tao o buildings lang?" tanong ni Aza sa akin.
"Marunong din naman ako mag drawing ng tao, nagpipinta din ako dati, medyo wala lang practice, busy sa pagmamaneho eh."
"Bakit naman hindi mo pinagpatuloy?"
"Financial problem eh, kaya ginawa ko nung na stroke si Papa, ako na nagpatuloy ng pagiging driver niya, okay naman ang kita kaya pinagpatuloy ko na."
"I see, I hope you can continue your course. I bet magiging isa kang magaling na architect."
"Salamat, kung papalarin, ipagpapatuloy ko naman yun. Hindi pa nga lang ngayon, pinapaaral ko pa itong si Michelle."
Pagkatapos namin mag usap tungkol kursong hindi ko natapos ay nagkwento naman si Aza tungkol sa buhay niya.
"My parents are in California right now. Mag isa lang ako ngayon sa Philippines, though may mga relatives ako in Cavite, but I rarely go there. I love living alone and exploring philipines alone until I met Franco, he's my travel buddy."
Tumango na lang ako kahit na ayaw ko talaga marinig ang pangalan ni Franco.
"Pero lately medyo naguguluhan na ako kay Franco. Sometimes he's happy to see me, pero madalas, ayaw niya akong kasama. I even caught him cheating on me, naalala mo yung umiiyak ako sa Ayala, nahuli ko siyang may ka date na iba."
Biglang nag init ang ulo ko sa mga sinabi ni Aza. Kaya talaga hindi ko gusto mukha ng mestizo na yun eh, mukha talagang manloloko.
"Pero makulit din ako, tinanggap ko ulit. Maybe that's how it works no? Love. By the way, do you have a girlfriend?"
"Ha, wala."
"Wala na or wala pa?"
"Wala talaga, may mga na date ako dati nung college pero hindi naman seryoso, tapos nung nagsimula na akong pumasada, wala na. Hindi ko na naisip."
"Feeling ko swerte ang babaeng magugustuhan mo. You're very charming and kind. In another life, kung wala si Franco, baka pwedeng maging tayo, because I like you."
Buti na lang at tulog si Michelle at walang mang aasar. Nag init ang mukha ko, nakakahiya.
"You're blushing, Migs, ang cute."
Diyos ko, ano bang gagawin ko sa babaeng ito? Alam ko naman na wala siyang intensyon na magpa ibig sa akin pero unti unti na akong nahuhulog eh.
"Nakakahiya kasi, Aza. Tignan mo naman ako."
"And what about you? You're a good man, it's not impossible na may magkagusto sayo ano."
Buti na lang at nasa Tagaytay na kami, naiihi na ako sa kaba sa mga sinasabi ni Aza. Ginising namin si Michelle at kumain muna ng tanghalian. Nilibre kami ni Aza sa isang sosyal sa restaurant sa Tagaytay, umorder siya ng bulalo, tawilis at beef steak para sa aming tatlo. Habang kumakain ay tinuturuan ni Aza si Michelle kung paano ang mga posing na gusto niya, buti na lang at maarte itong kapatid ko, mabilis niyang nakuha ang gustong anggulo ni Aza. Pagkatapos mananghalian ay sinimulan na ni Aza ang trabaho, pinapanuod ko lang sila ni Michelle. Kitang kita ko kung gaano kagusto ni Aza ang ginagawa niya, namamangha ako. Bakit nagagawang lokohin ni Franco ang isang anghel na tulad niya? Kung ako si Franco, pinakasalan ko na ito.
Dahil sa sobrang tulala ko kay Aza, hindi ko namalayan na kinukuhaan na pala niya ako ng litrato. Nakakahiya!
"Smile" sabi ni Aza, ngiti naman ako. Naku Miguel, malala ka na. Natatawa si Michelle sa akin, mapupuno na naman ako ng pang aasar nito mamaya sa bahay. Pagkatapos ng photoshoot nila ay tumambay muna kami sa Palace in the sky at nagpalamig. Nakahawak sa mga braso ko si Aza habang paakyat kami, nasa likod naman namin si Michelle, sigurado may kuha na ako sa cellphone niya.
"I always love going to Tagaytay, gusto ko din sa Baguio, lalo na sa Benguet. Nakarating ka na dun?" tanong sa akin ni Aza habang naglalakad kami at sinasalubong ang malamig na hangin.
"Hindi pa, pero gusto ko. Wala lang oras, puro trabaho eh, hindi ko maiwan."
"Really? Alam mo, you need to go there. If ever na free ka next week, we can go there together."
"Huh? Hindi ba magagalit si Franco sayo?"
"Franco wouldn't mind."
Nagtataka talaga ako kung anong relasyon meron silang dalawa pero sumasang ayon na lang ako. Siguro kasi laki sa ibang bansa pareho kaya medyo liberated ang takbo ng relasyon nila. Nakakita kami ng bench sa may tuktok, doon kami umupo, ang ganda ng tanawin, bonus pa yung katabi kong maganda.
"You need to travel din paminsan minsan, hindi yung nagtatravel ka lang kung saan pupunta ang pasahero mo. You deserve to live your life to the fullest. That's my motto in life."
Matalinong babae si Aza, alam niya kung ano ang gusto niya sa buhay. Hinayaan kong sumandal si Aza sa aking balikat habang nakapulupot ang kamay niya sa braso ko. Kahit malamig sa tagaytay, pinaiinit niya ang puso ko, binubuhay niya lalo. Hay Aza, may pag-asa ba ako sayo?
"Alis tayo next week ah? I'm sure naman papayagan ka ng parents mo, you're matured enough to travel. Baka lang hindi natin masama si Michelle kasi pumapasok siya hindi ba?"
Sasama kaya ako kay Aza? Parang awkward naman kasi may nobyo na siya.
"Uy, Ano? Please, let's go to Baguio next week. Iinom lang tayo ng strawberry taho."
"Sige ba, ipapaalam ko yan."
"Yay, alam ko naman na hindi mo ako matatanggihan eh."
Buti alam mo, Aza at alam mo din na kahit anong sabihin mo basta kaya ko, gagawin ko.