\
\\
...
Dumaan ang maraming araw. Inaalala pa rin ni Ceith kung paano siya makakauwi sa kanila. Dahil dumating siya sa lugar na ito na hindi naman niya malaman kung paano nangyari. Parang may mahika ang kuwintas kaya napapad siya sa kagubatan na iyon na tila malaparaiso. Ika ng ng iba, para lang siyang isang kabute na biglang sumulpot.
Habang nagmumunimuni itong si Ceith, nilapitan naman siya ni Luntian. Nakaupo sila sa ilalim ng puno. Sabi ni Luntian, "Iniisip mo na naman ba kung paano ka makakauwi sa inyo, Ceith?"
Nagulat naman itong si Ceith. Sa inaakala ni Ceith na tila nababasa ni Luntian ang iniisip niya.
"Halika, sumama ka sa akin sa kagubatan? Ituro mo sa akin kung saan ka talaga nangaling. Para malusutan natin ang iyong problema." paanyaya niya.
At sinamahan ni Ceith si Luntian sa may ilog na pinaliligiran ng matatayog na puno. Doon siya unang napapadpad bago siya hinuli ng kanilang mga katribo.
Sabi naman ni Luntian, "Alam ko na kung bakit ka napadpad dito. Dito sa lugar na ito na napaligiran ng mga puno, at ang ilog na yan ay isang portal, kung saan dumadaan ang isang pantas papunta sa inyong daigdig."
At pinakita ni Ceith ang suot niyang kuwintas, "Marahil isang pantas yung ermitanyong nakilala ko. Siya ang nagbigay sa akin ng mahiwagang kuwintas na ito na siyang nagdala sa akin sa lugar ninyo."
Nagulat naman si Luntian sa pagkakita niya sa kuwintas. Dahil kawangis ng kuwintas na iyon ang suot-suot niyang kuwintas.
Sabi pa niya, "Kaparehas ng kuwintas na iyan ang kuwintas ko!"
\
\\
...
-END-