Chereads / Sa Lugar Ng Mga Pantas / Chapter 8 - Chapter Eight

Chapter 8 - Chapter Eight

\

\\

...

FLASHBACK

Isinalaysay ng pantas kina Ceith at Luntian tungkol sa nakaraan ng Kaharian ng Alemanya. Sina Ceith at Luntian naman ay tahimik na nakikinig.

"Ang kaharian ng Alemanya ay pinamumunuan ng matalinong hari na si Haring Felipe. Meron siyang nagiisang anak na pinangalanan niyang Monica. Si Duke Remingham at ang asawa niyang si Prinsesa Nayadah ay matagal ng naiingit sa hari. Kaya pinagpalanuhan nila itong sakupin ang kanyang kastilyo. Napaslang ang hari. Pero, ang prinsesa ay nawawala. Sabi itinakas daw ng isa sa mga tauhan ng hari. Pero, pinaghahanap siya nina Duke Remingham at Prinsesa Nayadah, at hindi pa nila nahahanap hangang ngayon. Kaya sa madaling salita, malalamang namatay na rin ang napakabatang prinsesa. Apat na taon palang siya kung nabubuhay pa noon."

Nagulat naman si Ceith sa nalaman niya, at tinanong niya si Luntian, "Hindi ba apat na taon ka rin noon nang nakita ka ng mga taga tribo sa kagubatan?"

Sagot naman ni Luntian, "Hindi ko mawari ang ibig mong ipahiwatig."

Hindi na rin nakakibo si Ceith. Inisip niya na baka mali ang akala niya na si Prinsesa Monica at si Luntian ay iisa lang.

Pinagpatuloy pa ang kuwento ng panta, "Si Haring Daniel, mula sa karatig na kaharian, ay pinsan ni Haring Felipe. Malapit sila sa isa't isa na parang magkapatid ang turingan. Nang nalaman niya na pinaslang nina Duke Remingham at Prinsesa Nayadah ang hari, at nagplano siya paano sakupin ang kaharian ng Alemanya at patayin ang mag-asawa nang sa ganun ay maipaghiganti niya ang pagkamatay ng kanyang kaibigan."

Sagot naman ni Ceith, "Napakabuti pala ni Haring Daniel kung ganun."

Ngunit, ang sinabi ni Luntian, "Mga taksil sila! Pare-pareho silang mga taksil!"

Nagulat silang dalawa sa reaksyon ni Luntian. Tinanong ng pantas si Luntian, "Ano ang ibig mong sabihin, Luntian?"

Umiling lang si Luntian, tila yata nalilito, "Paumanhin. Hindi ko alam kung ano ang nasabi ko kanina. Naguguluhan ako. May naalala lang ako sa aking nakaraan, pero mukhang malabo. Nalilito pa rin ako."

Sagot naman ng pantas, "Maalala mo rin yan pagnagkataon. Dadating din tayo diyan."

At nung gabi iyon, nanaginip si Luntian. Napanaginapan niya kung paano pinaslang ng duke si Haring Felipe. At ang batang tinutukoy na Prinsesa Monica ay walang iba pala kundi siya.

Nagising siya sa bangungot na iyon, "Monica! Naalala ko na ang pinagmulan ko. Ako si Prinsesa Monica."

Sabi naman na naalimpungatan na si Ceith, "Matulog ka na. Panaginip lang yan. Istorbo!"

Nagising din ang pantas, nilapitan niya si Luntian, "Halika, may sasabihin ako sa iyo."

At doon sila nagusap na malayo kay Ceith para hindi sila marinig.

Sabi ng pantas, "Ngayon alam mo na ang iyong nakaraan. Ano na ang binabalak mo?"

Sagot naman ni Luntian, "Gusto kong maghiganti sa pagkamatay ng aking ama."

Payo naman ng pantas, "Huwag sana ang galit ang mangibabaw sa iyong puso. Hayaan mo, sasamahan kita sa isang lugar, na silang makakatulong sa iyo. Ito ang tirahan ng mga pantas. At ang pinuno na si Azkaban, na siyang magproprotekta sa iyo. At makikinig ka sa sasabihin niya."

Sumangayon naman si Luntian.

\

\\

...

-END-