Chereads / Sa Lugar Ng Mga Pantas / Chapter 13 - Chapter Thirteen

Chapter 13 - Chapter Thirteen

\

\\

...

Isang gabi, sa kastilyo ni Haring Daniel, habang sila ay nagpupulong para sa muling pagsalakay sa kastilyo ni Duke Remingham. Biglang sumulpot na parang kabute sina Reyna Aurora at Monica gamit ang portal na nasa palasyo ni Azkaban.

Nagulat si Haring Daniel nang nakita niya si Reyna Aurora, "Mahabaging langit! Aurora, buhay ka! Sa paniniwala ng karamihan ay patay ka na?"

Tumugon naman si Reyna Aurora, "Buhay ako, Kamahalan. Matagal na akong kinulong sa piitan ng aking asawa dahil sa pagaakala niya pinagtataksilan ko siya. Hindi niya kasi matangap na babae ang isinilang ko."

Nalungkot si Monica sa nalaman niyang katotohanan sa kanyang ina.

Tumingin si Haring Daniel kay Monica, "Ang estranghera na ito na magaling sa pakikipaglaban ang siyang nagligtas sa Duke. Bakit mo siya sinama rito?"

Sagot naman ni Reyna Aurora, "Siya ang aking kaisa-isang anak kay Felipe. Nandidito kami para humingi sa iyo ng tulong upang mabawi namin ang aming kaharian."

Dagdag pa ni Monica, "Kayo ang nagutos kay Ceith na patamaan ng nakakalason na palaso si Prinsesa Nayadah, hindi ba?"

Nagulat naman si Haring Daniel sa sinabi niya, "Paano mo nalaman ang tungkol dito?"

Nagsalita naman si Ceith, "Ako po ang nagsabi sa kanya. Batid ko pong ang estranghera na tinutukoy niyo ay walang iba kundi ang kaibigan kong si Luntian. Sinabi na rin sa akin ito ng pantas na si Hermanio."

At maya-maya pa, nakarinig sila ng putok ng mga baril.

Nagulat silang lahat. Sabi ni Haring Daniel, "Sinalakay tayo ng kalaban! Magsihanda ang lahat!"

At sila ay nakikipaglaban sa sumasalakay na kalaban na walang iba kundi ang kampo ni Duke

Remingham. Sa kabutihang palad, nadepensa nila ang Kastilyo at napatay naman si Duke at ang mga kasama niya, at ang mga ibang kawal naman ay nasugatan.

Nagkasayahan ang lahat sa nakamit nilang tagumpay.

Sigaw ni Ceith, "Mabuhay ang Kaharian ng Barbanya!"

"Mabuhay!" sigaw ng lahat.

Sumigaw din si Haring Daniel, "Mabuhay si Reyna Aurora at ang anak niyang si Prinsesa Monica!"

"Mabuhay!" sigaw din ng lahat.

\

\\

...

-END-