Chereads / Sa Lugar Ng Mga Pantas / Chapter 9 - Chapter Nine

Chapter 9 - Chapter Nine

\

\\

...

FLASHBACK

Nagbihis lalake si Luntian para hindi siya makilala ng mga tao gustong humuli sa kanya. Simula nang naghatid siya ng mensahe kay Ceith tungkol sa pangitain ng pantas na mapapahamak si

Haring Daniel, marami nang gustong tumangka sa kanyang buhay.

Sila ngayon ay nasa kagubatan, nilalakbay nila ng pantas ang daan patungo sa lugar ng mga tirahan ng pantas. At ang portal na tinutukoy niya ay walang iba kundi sa lugar na napapaligiran ng mga puno ang ilog. Naalala rin ni Luntian na dito nangagaling si Ceith bago pa siya nakita ng mga taga tribo.

Tanong ni Luntian, "Dito rin naman pala tayo pupunta. Alam ko ang lugar na ito. Dito nangagaling si Ceith. Gamit ang kuwintas, napadpad siya sa ating daigdig."

Sabi naman ni pantas, "At ito rin ang daan papunta sa tirahan ng mga pantas."

Meron din siyang suot na makapangyarihan na kuwintas at nagbigkas siya ng encantasyon, "Porta autem caeli aperta."

Nagbukas nga ang portal at silang dalaway ay nakapasok na sa kabilang daigdig na walang iba kundi ang tirahan ng mga pantas.

Napadpad sila sa isang malaking palasyo. Iyon ang palasyo ng pinuno na si Azkaban.

Binati siya nito, "Binabati kita, Hermanio."

At pinakilala ng pantas si Luntian, "May ipapakilala ako sa iyo na matagal mo ng hinahanap."

Tinangal ni Luntian ang kanyang talukbong sa ulo. At nagulat si Azakaban na siya pala ay isang babae na nagdamit lang ng panlalaki.

Sabi niya, "Napakaganda mo, Binibini. Pero, kakatwa ang iyong sinusuot."

Sabi pa ni Hermanio, "Siya si Prinsesa Monica, ang kaisa-isang anak ni Haring Felipe. Nandirito siya para hingan ka ng pabor."

Nagulat si Azkaban, "Kinagagalak kitang makilala, Kamahalan."

Sagot naman ni Luntian, "Ako man din ay nasisiyahan na makita kita muli, kaibigan."

At naalala ni Luntian na si Azkaban ang tumulong sa kanya noon makatakas sa mga kamay ni Duke Remingham.

***************

Pinatira na si Monica sa palasyo. Maayos at komportable ang kanyang pamumuhay. Parang tinuring na rin siyang anak ni Azkaban. Nagdaan ang labin - dalawang taon, nasa hustong gulang na si

Monica. Marami siyang natutunan kay Azkaban. At isa na rin doon kung paano gumamit ng mahika. Hangang sa naging ganap na siyang pantas.

Isang beses, lumapit si Monica kay Azkaban, "Meron lang sana akong isang kahilingan, aking mahal na tiyo."

Tinanong naman siya ni Azkaban, "Natapos mo na ba gawin ang pagsusulit na binigay ko sa iyo?"

At binigay ni Monica ang kapirasong papel na naglalaman ng pagsusulit tungkol sa geograpiya.

Napansin ni Azkaban na tama lahat ang mga sagot ni Monica, "Isa kang mahusay, Monica. Binabati kita."

Pero, natigilan siya dahil alam na niya ang gustong hilingin ni Monica at sinabi niya, "Kung ninanais mong bumalik sa kaharian ng Alemanya, huwag mo ng itutuloy. Mapapahamak ka lang."

Sabi naman ni Monica, "Kaya ko na ang sarili ko. Naituro niyo na sa akin kung ano ang mga dapat gawin. Gusto ko ipaghiganti ang aking ama."

Sagot naman ni Azkaban, "Huwag galit ang ipapaiiral sa iyong puso. Gamitin mo rin ang iyong utak. Baka maging sanhi rin ito ng iyong kamatayan."

At umalis na si Monica. Sa mga sandali iyon, iniisip na rin niya na tumakas sa palasyo at pumunta sa kaharian ng Alemanya. Para sa ganun, magampanan ang kanyang mga plano.

\

\\

...

-END-