\
\\
...
Nagdaan ang mga araw, tinuruan ng pantas kung paano makikipaglaban sina Ceith at Luntian. Para sa gayon, kaya na nila harapin si Duke Remingham at ang mga tauhan niya. At gaya ng inaasahan, naging magaling sa pakikipaglaban sina Ceith at Luntian. At nais atasan ng pantas si Ceith maging espiya sa kastilyo ng Duke.
Binigyan siya ng pantas ng isang kabayo ng kanyang masasakyan at isang kasuotan na sinusuot ng mga kabalyero.
Utos niya, "Isuot mo ito at gamitin mo itong kabayo papunta sa kastilyo ng Duke."
Nagulat naman si Ceith, "Ha? Akala ko ba tutulungan niyo kami ni Luntian paano makabalik sa amin? Bakit ako pupunta sa kastilyo ng Duke?"
Paliwanag ng pantas, "Sapagkat, iyon ang paraan kung paano natin mapapabagsak ang Duke. Sa inyo ni Luntian, nakikita ko sa iyo na isa kang mabuting mandirigma. At puso ang iyong pinaiiral. At isa pa, sundin mo muna ang pinaguutos ko, bago ko kayo matulungan ni Luntian na makabalik sa inyong mga tahanan."
At walang magawa si Ceith kundi sundin na lang ang kanyang sinabi. Pagaalis niya, nagtungo siya kay Heneral Olantre. Dahil si Heneral Olantre ang siyang magsusuri kung sino karapatdapat na magsilbe sa hari bilang kabalyero.
Samantala, sa kagubatan naman, pinakilala ni Heneral Olantre ang isang bagitong kabalyero kay Haring Daniel. Pero, nang nakita ni Haring Daniel ang nirekomenda ni Heneral Olantre, medyo nagaalangin siya sa kakayahan nito.
Tinanong niya, "Marunong ka bang gumamit ng iba't ibang armas?"
Sagot naman niya, "Kamahalan, kung iyon nanaisin, ipahiram niyo sa akin ang armas at ipapakita ko sa inyo kung gaano ako kahusay gumamit nito."
At pinahiram ni Heneral Olantre ang kanyang baril. At itong kabalyero naman, nakakita ng isang ibon, at ito ay kanyang pinatamaan. At ang ibon na ito ay bumagsak sa lupa.
Natuwa si Haring Daniel, "Magaling! Maging sa malayo man ang kalaban, kaya mo siya patamain."
Sabi naman ng kabalyero, "At mukhang meron na kayong masarap na tanghalian."
Ngumiti sa kanya si Haring Daniel, "Mahusay. Palabiro ka rin, Kabalyero."
Tinanong ni Haring Daniel si Heneral Olantre, "Saan mo nakilala ang binata na ito?"
Sagot naman ni Heneral Olantre, "Anak siya ng aking kaibigan. Pangarap na niya magsilbe sa inyo."
***************'
Dumating ang araw na inatake ni Haring Daniel at ang kanyang mga tauhan ang kuta ng mga kalaban na siyang tinuro ng isang espiya na nagpapangap na kabilang sa kanila, na walang iba kundi si Ceith. At nang nalaman nila na sila ay nalinlang, nabahala sila. Higit pa roon, sila ay napapaligiran.
Nagkaharap sina Ceith at ang bagong kabalyero ni Haring Daniel.
Sabi niya, "Sinungaling! Pinaniniwalaan mo ako sa iyong sinasabi. Isa ka palang espiya!"
Patatamain na sana siya ng kanyang espada, pero umilag si Ceith. Siya ay nakipaglaban sa kabalyero na iyon. At nasawi ang kabalyero.
At nagulat na lang si Ceith nang may paparating na mga sundalo na siyang tutulong sa kampo ni Haring Daniel. At nagulat na lang siya kung bakit napapad sa lugar na iyon si Luntian.
Nakita siya ni Luntian at hinila niya ito sa tabi, sa hindi nila makikita o marinig ang kanilang paguusap.
Tanong ni Luntian, "Ano ang ginagawa mo rito?"
Sagot naman ni Ceith, "Umalis ka na rito. Malalagay sa panganib ang buhay mo."
Sabi naman ni Luntian, "Tila nagkakagulo sila. Teka, bakit ka naging kabilang sa mga kabalyero ni Haring Daniel?"
Paliwanag naman ni Ceith, "Dahil ito lang ang paraan para maisagawa ko ang payo ng pantas. Para sa ganun, makakauwi na ako sa amin. Kaya umalis ka na dito. Mapapahamak ka lang."
Sinunod nga ni Luntian ang payo ni Ceith sa kanya.
Natapos ang pakikipagsagupaan, maraming kabalyero ang nasaktan at nasawi. Natalo ang kanilang kalaban. At sila ay umuwi na. Nakamit nila ang tagumpay na sugpuin ang kuta ng kalaban. Kaya sila nagdiriwang sa kastilyo ni Haring Daniel.
Habang ginagamot ang sugat ni Ceith, lumapit sa kanya si Haring Daniel. "
"Magaling ang nakuha mong impormasyon. Isa kang mahusay na espiya."
Ngumiti si Ceith, "Maraming salamat, Kamahalan."
\
\\
...
-END-