Chereads / SOON TO BE DELETED / Chapter 21 - ♥ CHAPTER 21 ♥

Chapter 21 - ♥ CHAPTER 21 ♥

▨ Syden's POV ▨

Kung pwede lang ibalik ang nakaraan, hindi ko pipiliin na mapunta dito. Sa pagdaan ng bawat araw, palala ng palala ang nangyayari sa akin at hindi ko na alam kung anong dapat gawin lalo na't nadadamay ang mga taong malapit sa akin. Masisiraan na ako ng ulo habang inaalala ko ang mga nangyari kagabi.

︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻︻

▨ Flashback ▨

Tumingin ako sa relo ko at 9 pm na. Siguradong nag-aalala nanaman sina Icah kung nasaan kami ni Raven. Sa ganitong oras, kumakain pa lang kami ni Raven pero hindi ko maramdamam ang gutom.

Bumukas ang pinto na naging dahilan kaya nagising si Raven. Napatingin kaming dalawa at nakita namin si Clyde at ang dalawa niyang kasama. Bago sila lumapit sa amin, ni-lock muna nila ang pintuan para makasigurong walang makakakita sa amin.

Lumapit sa akin si Clyde at lumuhod para tapatan ako.

"Hindi ko na kayo patatagalin pa dito. Bago ko kayo pakawalan. May kailangan muna akong sabihin sa'yo" pagkasabi niya no'n, tumingin din siya kay Raven.

"It's better kung marinig din ng kakambal mo" tumingin siya sa akin habang ako seryosong nakatingin sa kanya.

"Starting tomorrow... You'll be an official member of Phantom Sinners. So it means, kahit anong sabihin ko gagawin mo. Kapag sinabi kong pahirapan mo, pahirapan mo. Kapag sinabi kong patayin mo, papatayin mo" nakakatakot niyang sabi.

Ano naman ang dahilan ng biglaan niyang pagdedesisyon?!

Umiling ako ng maraming beses,

"Hindi! Hindi totoo 'yan!-" sigaw ko.

"Totoo. Totoo lahat ng sinasabi ko" sarcastic niyang sabi.

"Tingin mo gagawin ko ang lahat ng sasabihin mo? Pwes, hindi!" sagot ko sarcastically as he did.

"Come on Syden! Alam mo, kaya kong gawin lahat para lang mapasunod ka" pahayag niya habang ngumingiti ng masama.

"Hindi lahat ng tao, napapaikot mo!" seryoso kong sabi.

Naglabas siya ng kutsilyo at pinaikut-ikot 'yon sa kamay niya.

"Kahit sino, napapaikot ko sa palad ko" tinigil niya ang pagpapaikot sa kustilyong hawak niya at tumingin siya sa akin.

"Kung gugustuhin ko" sambit niya.

"Paano kung ayaw ko?" sarcastic kong tanong.

"That's a good question. Paano kung ayaw mong sumunod sa akin?" saad niya.

Tumingin siya kay Raven at tumingin siya ulit sa akin.

"Kung ayaw mong sumunod sa akin, mapapasunod pa rin kita" sabi niya.

"Using your friends. Especially, your twin" sambit niya na lalo kong ikinagalit kaya lalo pa siyang natuwa.

"Huwag mo silang idamay dito!" galit kong sabi.

"Hindi naman sila madadamay kung magpapakabait ka" sarcastic niyang sabi.

"Ano ba talagang gusto mo?! Wala naman akong pinagsasabihan ng sikreto mo!" sigaw ko sa kanya.

Tumingin siya ng masama sa akin at hinawakan ang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay.

"Pero bakit ka nilalapitan ng Blood Rebels? Alam mo ba kung bakit?" tanong niya. Hindi ako kumibo at nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

"Dahil may napapansin na ang leader nila" binitawan niya ang pagkakahawak sa pisngi ko at tumayo siya.

"Kilala ko si Carson. Matalino siya at sigurado akong gagawa siya ng paraan para malaman kung bakit may girl member ang Phantom Sinners" nag-umpisa siyang maglakad ng pabalik-balik kaya sinusundan lang namin siya ni Raven gamit ang mata namin.

"Pero hindi ko hahayaang mangyari 'yon" tumingin siya sa akin at huminto sa paglalakad niya.

"Bago pa siya makagawa ng paraan, uunahan ko na siya" sambit niya.

"Kaya simula bukas. Susunod ka sa amin at bawal na bawal kang lumapit kahit kanino, kahit sa mga kaibigan mo at lalo na, sa kakambal mo" seryoso niyang sabi habang nakatingin siya sa akin.

Gusto niyang putulin ang anumang koneksyon ko para makasiguro siyang safe and sikreto niya.

"A-anong sabi mo? Lalayuan ko ang mga kaibigan ko pati ang kapatid ko?" mahinahon kong tanong sa kanya habang nanginginig ako.

"Oo. At kapag nalaman kong may kausap ka bukod sa Phantom Sinners. Paparusahan namin ang taong 'yon" nilapitan niya ako ulit.

"Kaya kung ayaw mong maraming madamay. Putulin mo na lahat ng koneksyon mo" pagkatapos niyang sabihin 'yon, umalis na siya pero naiwan ang dalawa niyang kasama.

Tinanggal nila ang pagka-kadena sa amin at iniwan na nila kami dahil hindi kami kaagad umalis. Naiwan pa rin kaming nakaupo at hindi kumikibo.

"Sy? Paano na?" nag-aalalang tanong ni Raven.

"Hindi ko rin alam" sagot ko habang tulala ako.

Tumingin ako sa kanya para kausapin siya,

"Mas mabuti sigurong, layuan ko muna kayo mag-umpisa bukas" pahayag ko sa kanya.

Alam kong hindi makapaniwala si Raven sa sinabi ko kaya lumapit siya sa akin.

"H-ha?! B-bakit naman? Okay lang naman kami" saad niya habang nag-aalala siyang nakatingin sa akin.

"Hindi. Hindi kayo okay. Narinig mo naman si Clyde d'ba? Mag-umpisa bukas idadamay niya lahat ng taong kakausapin ko maliban sa Phantom Sinners. Nahihirapan ako pero mas mahihirapan ako kung may mangyaring masama sa inyo" sambit ko.

"Hindi lang naman ikaw ang dapat magtiis d'ba? Kung magtitiis ka dapat pati ako, kasi magkapatid tayo" sambit niya.

"Kaya nga ako nagtitiis para sa'yo d'ba? Tapos sasabihin mo dapat magtiis ka rin. Mababalewala lahat ng pinaghirapan ko para sa'yo, para maligtas ka, kung isasama mo ang sarili mo sa pagtitiis ko!"

galit kong sabi.

"Kaya nga! Ikaw na lang lagi yung nagtitiis sa ating dalawa!" sigaw niya.

"Kasi mas kaya ko kumpara sa'yo" seryoso kong sabi.

Mas malakas ang loob ko sa kanya kaya ako lagi ang nagsasakripisyo sa aming dalawa. Pero hindi ko siya sinisisi, I'm just glad na isakripisyo ko ang sarili ko para mailigtas ko siya.

Pagkatapos naming magkasagutan, napagpasyahan na naming bumalik dahil alam naming may naghihintay at naghahanap sa amin.

▨ End of  Flashback ▨

︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼︼

Nakaupo ako ngayon sa kama ko. Pinauna ko na sila Icah at Raven. Sigurado namang alam ni Raven ang reason kung bakit. Hindi kami nag-away pero alam kong nagtampo siya dahil sa sinabi ko. Pero maiintindihan niya rin ako balang araw.

Tumayo na'ko at kinuha ang bag ko para pumasok. Naglakad ako ng sobrang bagal dahil ayaw kong pumasok sa classroom na 'yon pero no choice ako.

Pagkapasok ko, maingay pa din at magulo. Nakita kong magkatabi si Roxanne at Carson sa pinakadulo, si Clyde naman kasama ang mga member niya sa likod.

Naghanap ako ng bakanteng upuan at nakakita ako sa bandang harap, kaya pumunta ako doon para umupo.

Tumingin ako sa paligid pero hindi ko mahanap si Nash.

Papasok pa ba siya?

Sana okay lang talaga siya. Ilang days na rin siyang hindi nagpapakita at hindi pumapasok.

Ano na kayang nangyari sa kanya?

Nakita kong lumabas ang mga member ni Clyde kaya tumingin ako sa kanya. Sinenyasan niya ako na sundan ko sila kaya kahit sa ayaw at gusto ko, kinailangan kong sumunod.

Tumayo na 'ko at iniwan ang bag ko para sundan sila. Pagdating ko sa tapat nila Roxanne, muntik na akong masubsob dahil iniharang niya ang paanan niya sa daraanan ko kaya hindi ko agad napansin.

Tinignan ko siya ng masama at nakaupo lang siya na parang wala siyang ginawa at inosente siya.

Tinuloy ko na lang ang pag-alis para sundan sina Clyde.

Pumasok lahat sila sa isang classroom at sinara ang pinto. Pagkalapit ko doon, feeling ko may mangyayari nanamang hindi maganda. Pero alam ko naman na talagang may hindi magandang mangyayari. Hinawakan ko ang door knob at binuksan ng dahan-dahan ang pinto.

Pumasok ako sa loob at nakapalibot lahat sila sa likuran ni Clyde, kaya pagkapasok ko nakatingin lahat sila sa akin.

Sinenyasan ako ni Clyde na isara at i-lock ang pinto kaya ginawa ko ang sinabi niya.

Pagkatapos no'n, dire-diretso lang ako para lumapit sa kanila. Habang naglakakad ako, nanginginig ang tuhod ko at nakayuko ako hanggang sa marating ko ang pinakagilid at doon ako tumigil.

Nakatayo lang kaming lahat na parang may hinihintay, tumingin-tingin din ako sa mga members sa paligid ko at parang may hinihintay nga sila.

Pagkatapos ng ilang minuto, biglang nagbukas ang pinto kaya napatingin kaming lahat doon. May iba pang member ni Clyde na pumasok, pero sa pinakalikod nila, may hawak silang isang lalaki na nakatakip ng itim ang mukha. Isinara nila ang pinto at itinulak ang lalaking hawak hawak nila kaya napaluhod ito sa harapan ni Clyde.

"Boss. Masisiyahan ka kapag nalaman mo kung sino 'to" sambit ng member ni Clyde sa kanya.

"Bakit naman?" seryosong sabi ni Clyde.

"Hindi siya basta-basta estudyante ng Prison School" sambit ng member niya.

"Alam niyo? Mas magiging masaya ako kapag nakita ko kung sino siya" masamang sabi ni Clyde.

Hinawakan nila yung lalaki at tinanggal nila ang takip niya sa mukha. Nang makita nila kung sino siya, mukhang nagulat sila pati si Clyde. Nag-umpisang magbulungan at magtaka ang mga member niya.

"Dustin?!" nabigla at ngumiti ng masama si  Clyde habang tinitignan niya ang mga member niya na humuli sa lalaking 'yon.

"Nahuli namin boss. Mag-isa lang kasi siya" sambit ng member ni Clyde.

"That's good" sambit ni Clyde sa kanya. Halatang nasisiyahan siya sa taong nasa harapan niya ngayon at nakaluhod.

"Dustin" sambit ni Clyde sa pangalan ng lalaki, habang nginingitian lang siya na parang hindi natatakot kay Clyde.

"Welcome to Phantom Sinners" malakas na sabi ni Clyde.

"Useless Phantoms" patawang sabi ng lalaki sa harapan ni Clyde. Kaya napatingin sa kanya si Clyde.

"Useless? Sinong useless ngayon sa atin? Hindi ba ikaw?" sarcastic na tanong ni Clyde.

Tumingin siya kay Clyde at nakangiti siya ng masama,

"Never akong naging useless sa Blood Rebels" sagot sa kanya ng lalaki na lalo pang kinainis ni Clyde.

"Kung dati, kayo ang niluluhuran ng mga estudyante...now, kayo naman ang luluhod para maawa kami sa inyong Blood Rebels" galit na sabi ni Clyde.

"Really? Sige. Hihintayin ko ang araw na 'yan" sarcastic na sagot ng lalaki kay Clyde.

"Nasaan ang leader niyo? Hindi ka ba niya ililigtas o hindi niya alam? Or baka naman, hinayaan ka na lang niya?" sarcastic na tanong ni Clyde.

"Never. Never nakalimutan ni Carson ang mga members niya. Hindi siya tulad mo na walang pakielam sa mga members niya!" sigaw ng lalaki.

Hindi na nakapagtimpi si Clyde kaya sinuntok niya ang lalaking nasa harapan niya. Nasubsob ang lalaki sa sahig pero tumayo din siya agad. Hahawakan sana nila siya para paluhurin pero sinenyasan sila ni Clyde na huwag na kaya hinayaan nila siyang nakatayo.

"Siguro nga hindi niya kinakalimutan ang mga members niya. Pero nakakasiguro ka bang hindi siya kakalimutan at tatalikuran ng mga members na sinasabi mo?" tanong ni Clyde.

Hindi umimik ang lalaki at nanatili lang siyang nakatingin ng walang takot kay Clyde.

"Soon, those members will join me. And Phantom Sinners will be the most powerful here in PS" sarcastic niyang sabi.

"You are too desperate na makuha ang lahat. Kailangan mong paghirapan lahat ng bagay na gusto mong makuha, hindi katulad ni Carson, kusang dumadating sa kanya kahit hindi niya pinaghihirapan, Kaya ang sabihin mo, desperado kang maging tulad niya!" sigaw ng lalaki.

Binugbog nila siya at lumaban siya, pero dahil marami sila, hindi na niya kinaya at nanghina siya. Tumayo siya mula sa sahig at pinunasan niya ang labi niyang dumudugo. Sinuntok ulit siya ni Clyde kaya natumba nanaman siya sa sahig.

Hinawakan nila siya at iniluhod ulit sa harapan ni Clyde. Nanghihina siya at duguan na rin.

"What about kiling you?" naglabas si Clyde ng kutsilyo mula sa bulsa niya at nakita iyon ng lalaki pero makikita sa mata niya na hindi pa rin siya takot kay Clyde.

"Then kill me" paghahamon sa kanya ng lalaki.

"No. I won't kill you" sambit ni Clyde habang tinititigan ang kutsilyong hawak niya.

Nanatili lang na nakatingin sa kanya ang lalaki. Tumingin sa akin si Clyde gamit ang mapanloko niyang ngiti kaya napatingin lahat sila sa akin.

"Let's try the new member para malaman natin kung gaano siya ka-faithful sa Phantom Sinners" sarcastic na sabi ni Clyde habang nakatingin siya sa akin.

"H-ha?!" gulat kong tanong.

Tinulak nila ako papunta kay Clyde habang nanginginig ang katawan ko. Inihagis sa akin ni Clyde ang kutsilyong hawak niya at tumingin ako sa kanya.

"P-para saan 'to?" natatakot kong tanong sa kanya.

Itinuro niya ang lalaking nasa harapan niya kaya napatingin ako dito at seryosong nakatingin din sa akin yung lalaki.

"Before you kill him, ipapakilala ko muna siya sa'yo" sambit ni Clyde.

Nilapitan niya yung lalaki at inikutan niya ito habang nagsasalita siya.

"This is Dustin. An important member of Blood Rebels. Kung tatanungin mo bakit importante siya, well...Dustin is the right hand of Blood Rebels' leader, Carson. Pero dahil nandito siya sa teritoryo ko, I have the rights to punish him. Pwede mo siyang patayin at papalabasin kong nag-suicide siya. Kaya don't worry Syden, hindi ka mapapahamak kahit patayin mo siya" seryosong sabi ni Clyde.

Nakatayo ako at nasa harapan ko si Dustin, duguan. Habang si Clyde naman, nasa likuran niya.

"What are you waiting for? Kill him" sambit ni Clyde.

Inuutusan niya akong patayin ang lalaking 'to using this knife.

Hindi ko kaya. Hindi ko kayang pumatay.

Nanginginig ang buong katawan ko at tumutulo ang luha ko habang tinitignan ko si Clyde.

"H-hindi ko kaya" nanginginig kong sabi.

"Hindi mo kaya? Pwes, kayanin mo dahil inuutusan kita" seryoso niyang sabi habang lahat ng members niya nakatingin sa akin.

Tumingin ako sa paligid at lahat sila masamang nakatingin sa akin.

"Kung talagang wala kang balak na ibunyag ang sikretong itinatago ko, then prove it!" galit niyang sabi.

Tumingin lang ulit ako sa kanya habang nanginginig ang mga kamay kong hawak ang kutsilyo. Tumingin ako sa hawak kong kutsilyo at tinignan ko ulit ang lalaking nasa harapan ko. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"H-hindi ko kaya" sambit ko habang tumutulo ang luha ko.

Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Clyde at lumapit siya sa akin. Nakita kong galit na galit siya dahil sa hindi ko pagsunod sa kanya.

"Kung hindi mo kayang gawin sa kanya. Gawin mo sa sarili mo!" galit niyang sabi sa akin.

"A-ano?!" lalong nanghina ang tuhod ko na kulang nalang bumagsak ako sa sahig dahil sa sinabi ni Clyde.

"Ngayon, mamili ka. Siya ba ang mamamatay o ikaw?" sigaw niya sa harapan ko.

Tinignan ko si Clyde ng ilang segundo habang tumutulo ang luha ko. Dahan-dahan akong lumapit sa lalaki at lumuhod ako sa harapan niya. Lahat sila nakatingin sa akin. Tinignan ko ang hawak kong kutsilyo habang nanginginig ng sobra ang mga kamay ko dahil kinailangan kong pumili kung sino sa aming dalawa.

Alam kong hindi ko kaya, pero dapat kong kayanin.

To be continued..