Chereads / SOON TO BE DELETED / Chapter 9 - ♥ CHAPTER 9 ♥

Chapter 9 - ♥ CHAPTER 9 ♥

Icah's POV

Kinaladkad kami palabas ng building ng mga member ni Clyde. Habang si Syden naman naiwan doon sa loob duguan, maraming sugat at naghihirap.

"Bitawan niyo kami!! Anong gagawin niyo sa kapatid ko ha?!" pagwawala ni Raven.

Halatang galit na galit siya at nakikita namin iyon sa itsura niya.

Hindi na lang siya pinansin ng mga Phantom Sinners at ni-lock nila ang gate para siguraduhing hindi na kami makakapasok.

"A-ano bang nangyayari?! Bakit hawak nila si Syden?! Ano bang kasalanan ang nagawa niya?!" nagpapanic na tanong ni Hadlee.

Lumapit si Raven doon sa gate at pinagsisipa niya na animo'y gusto niyang sirain. Nagwawala siya at pulang-pula na ang mukha niya sa galit.

"Raven! Pwede ba tumigil ka muna?!" pakiusap ni Maureen.

Tumingin siya ng masama kay Maureen, "Paano ako titigil kung nasa loob ang kapatid ko at naghihirap?! Sabihin niyo nga sa akin" sigaw niya.

"Makinig ka Raven. Lahat tayo gusto natin siyang iligtas dahil nakita natin ang kalagayan niya. Pero hindi sa ganitong paraan. Malakas ang Phantom Sinners at hindi mo sila matatalo. Kaya umayos ka para makapag-isip tayo ng magandang paraan kung paano ililigtas ang kapatid mo ng walang napapahamak ni isa sa atin" galit kong sabi sa kanya.

Hinawakan niya ang ulo niya na para bang nadedepress sa nangyayari.

"Kasalanan ko 'to!!" sisi niya sa sarili niya.

Bigla siyang umiyak sa harapan namin.

"Bakit niya kailangan sumali sa grupong 'yon?!" dagdag pa niya

Nilapitan siya ni Maureen para kausapin dahil hindi niya matanggap ang nangyari kay Syden. Habang kaming lahat nag-aalala, kahit gusto namin siyang matulungan hindi namin alam kung paano.

Pero kailangan muna naming tulungan si Raven dahil baka may gawin din siyang hindi maganda at mapahamak siya.

"Raven? Isipin mo ang kalagayan ni Syden sa grupong 'yon. Ginusto niyang umanib sa kanila hindi dahil gusto niya. Sumali siya sa kanila para mailigtas tayo.. Ikaw" sabi sa kanya ni Maureen.

"Pero papahirapan nila siya!" wika ni Raven.

"Mas papahirapan nila siya kapag basta basta na lang tayong pumasok sa loob" saad naman ni Maureen.

Ilang segundo ang lumipas, tahimik lang lahat kami sa harapan ng building. Nag-iisip ng malalim kung ano ang nararapat na gawin.

Sana okay lang si Sy sa loob.

Pero dahil kasama namin siya araw-araw, alam naming hindi siya susuko sa kahit na anong laban.

Maliligtas ka rin namin Sy, maghintay ka lang at huwag kang mawalan ng pag-asa.

Tumingin ako kay Raven na sobrang tahimik at lumuluha pa rin, dumudugo pa rin ang leeg niya dahil sa kutsilyong ginamit sa kanya ni Clyde kanina laban kay Syden.

"Gamutin muna natin ang sugat mo Raven?" sambit ko sa kanya.

Hinawakan niya ang leeg niya at nakita sa kamay niyang may dugo. Si Hadlee at Maureen nakatingin din sa kanya.

"Wala 'to. Okay lang ako"

Nilapitan ko siya at hinatak palayo sa building para pumunta sa school building.

Si Maureen naman at Hadlee, sumunod sa amin.

"Icah? Saan tayo pupunta?" tanong Hadlee.

Tumingin muna ako sa paligid, habang nasa likuran ko sila.

"Gabi na, kaya walang makakakita sa atin" sambit ko.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" inis niyang tanong.

"Subukan nating pumasok sa clinic para magamot si Raven" sabi ko.

Tumigil si Raven sa paglalakad namin at tumingin kami lahat sa kanya,

"Okay lang ako" pagpupumilit niya.

"Tumigil ka Raven!! Kailangan nating magamot ang sugat mo? Tingin mo ba masisiyahan si Syden na makita kang ganyan?!" tanong ko sa kanya.

Pagkatapos noon, nanahimik na lang sila at sumunod sila sa akin, bukas ang school building kaya nakapasok kami.

Hinanap namin ang clinic. As usual, naka-lock ito. Sinubukan kong kalkalin ang kandado gamit ang pin na gamit ni Maureen sa buhok niya pero ayaw talagang mabuksan.

Sinubukan naming lahat pero ayaw talaga.

"Ano kayang pwede nating puntahan para makakuha ng gamot?" tanong ko sa sarili ko.

"Ang sugat...hindi dapat pinapatagal" may nagsalita sa likuran namin.

Akala namin, teacher o kung sinuman. Noong nakita namin, isang lalaki, medyo matangkad, nakasalamin at may hawak na libro.

"At sino ka naman?" tanong ko.

Lahat kami nabigla dahil biglaan na lang lumitaw sa kung saan.

"Come with me" seryoso niyang sabi.

Tinalikuran niya na kami at nag-umpisa na siyang maglakad. Nagtinginan muna kami sa pagdadalawang-isip kung susunod ba kami sa kanya o hindi.

Tumango si Maureen na parang sinasabing sumunod na kami kaya sinundan namin yung lalaki.

Sinundan namin siya papasok sa isang classroom. Ang classroom na punung-puno ng libro. Binuksan niya ang ilaw at ni-lock ang pintuan.

May binuksan siyang locker at may kinuhang first aid kit mula doon. He handed the first aid kit to us.

"Gamutin niyo na ang kasama niyo. Baka mamatay pa 'yan" diretso niyang sabi.

Seryoso at cold din ang mukha niya at higit sa lahat palagi niyang inaayos ang salamin niya.

"Patay agad?" patawang sinabi nina Maureen at Hadlee.

Tumingin lang siya sa kanila at binuksan niya ang hawak niyang libro para magbasa.

Ako naman, binuksan ang 1st aid kit para gamutin si Raven.

"Gabi na ah. Hindi ka ba babalik sa dorm niyo para magpahinga" tanong ni Hadlee sa kanya.

Tumingin siya kay Hadlee,

"Magpapahinga ako kapag nagamot na ang kasama niyo at isa pa...wala akong dorm na tinitirhan dahil dito ako nagpapahinga buong araw"

Nagtinginan kaming lahat sa kanya dahil sa pagkabigla.

Seryoso ba siya? Baka naman nagbibiro lang? Pero kung totoo man 'yon, kawawa siya.

"Ano bang nangyari sa inyo? Bakit duguan ang kasama niyo?" tanong niya.

"A-ah mahabang kwento...may kinalaman sa Phantom Sinners" sagot ni Maureen.

Yumuko na lang kaming lahat dahil baka palabasin niya kami sa takot dahil involve kami sa Phantom Sinners.

"Buti naman, buhay pa kayo?" sarcastic niyang tanong sa amin.

Loko din itong isa na'to. Buti naman buhay pa daw kami. May tinatago rin siyang budhi pero hindi lang halata.

"Buhay pa kami dahil may nagsakripisyo para sa amin" malungkot na sagot ni Raven.

Tumingin sa kanya yung lalaki bago ako tinignan, umiling na ako para sabihin na huwag na siyang magtanong pa at mukhang namang nakuha niya ang ibig kong sabihin.

"Bakit mo kami tinulungan?" tanong ni Hadlee.

"Hindi ko kayo tinulungan. Sadyang nagkataon lang na napadaan ako sa clinic at nakita kong kailangan niyo ng panggamot. Dahil mayroon akong natago, kaya dinala ko kayo rito" sabi niya.

"Thank you pa din" wika ni Hadlee.

"Pero ano nga palang pangalan mo?" tanong naman ni Maureen.

Inayos niya ulit ang salamin niya,

"I'm Julez" wika niya.

After that, pinakilala rin naman sa kanya ang mga sarili namin.

Buti naman at natapos ko ng gamutin si Raven pero tahimik pa din siya at hindi kumikibo.

"Bakit wala kang dorm?" tanong ko kay Julez.

"Hindi ko na kailangan ng dorm dahil siguradong puno ng libro and dorm ko at kung ano ang mayroon sa room na ito, ganoon rin ang daratnan ko sa dorm ko. Kaya minabuti kong mag-stay na lang dito" wika niya.

Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa may binata na parang may hinahanap.

"Madilim na at hindi na safe na lumabas pa kayo. Dito na muna kayo magpalipas ng gabi" humarap siya sa amin.

"Wala namang mangyayari sa amin kaya okay lang na lumabas na kami" sambit ko.

Tumayo na kaming lahat para umalis pero pinigilan niya kami.

"Paano naman kayo makakatakas kung maabutan kayo ng Blood Rebels?"

Napatigil kami sa pag-alis dahil sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Hadlee.

"Hindi ba kayo nagtataka kung bakit nananahimik ang Blood Rebels?"

Kinakabahan kami sa kanya kaya hindi namin alam kung dapat ba naming ituloy ang pag-alis sa building o dito na lang magpalipas ng gabi.

Pero bakit nga ba nananahimik ang Blood Rebels? Nakakatakot sila sa ganitong klasing sitwasyon.

Napaisip kaming lahat sa sinabi ni Julez. Kaya napaupo kami ng wala sa oras at nagtitinginan lang kami.

"Ikaw ba? May idea ka ba kung bakit sila nananahimik?" pahayag ni Maureen. Ito ang unang beses sa Prison School na nakita ko ang mukha niya na nakakatakot, sobrang seryoso.

Tumingin siya sa amin si Julez habang nag-iisip.

"Naaalala niyo pa ba ang Chained School?"

Nanginig ako sa sinabi niya at halatang kaming lahat natakot. Hindi biro ang mga tanong niya at hindi dapat bumalik ang nangyari 4 years ago.

☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸

Maureen's POV

4 years ago, Chained School pa ang pangalan ng Prison School. That time, makapangyarihan ang Blood Rebels because they could kill whenever they want. No such punishment existed para parusahan ang kung sinumang pumapatay.

You couldn't also trust someone, no one is a friend and no one must be a friend. Because that friend might be the one to kill you behind.

Pero naging Prison School 'to at pinagbawal ang pagpatay kaya natakot lahat dahil may punishment ang kung sinuman na lumabag sa 1st rule and that is not to kill.

Nakakatakot pa rin ang Blood Rebels dahil sa torture na ginagawa nila pero hindi na gano'n katindi ang pagkatakot namin sa kanila because we know they can't kill students.

Pero kahit sa pag-totorture, walang balita tungkol sa kanila. Nananahimik sila at iyon ang dapat na mas katakutan.

Phantom Sinners became powerful dahil hindi na magawa ng Blood Rebels ang gusto nila. Once na mapalitan ulit ang Prison School, Blood Rebels would be the most powerful group again yet dangerous dahil mas grabe sila sa Phantom Sinners.

"Hindi na dapat bumalik ang Chained School. Past is past. That's where it should be!" sagot ko kay Julez.

Hindi ko mapigilang magalit at matakot sa mga sinabi niya. Lahat kami nag-iba ang paningin. Nabalutan ng katahimikan ang buong classroom.

"Hindi na babalik ang impyernong pinagmulan at naranasan natin!" pahayag ni Icah. Seryoso rin ang itsura niya na parang galit.

"Sana nga" sambit ni Julez.

Past is past. Hindi na dapat ibalik ang nakaraan.

"Paano mo naman natanong ang about sa Chained School?" tanong ni Icah.

Seryoso silang nagtinginan bago sinagot ni Julez ang tanong niya.

"Tahimik ang Blood Rebels" maiksing sagot niya.

"Dahil lang tahimik sila kaya mo nasabing baka mapalitan ang Prison School? That's absurd" sarcastic na sabi ni Icah.

"Walang nakakaalam sa atin kung ano ang mangyayari. I'm not saying na isipin niyo kung ano ang naiisip ko, it's just my prediction. You don't have to believe me" wika ni Julez.

"We'll just stay here para magpalipas ng gabi" sabi ni Icah. She changed the topic para hindi na rin kami mag-isip ng malalim.

"Sure" saad naman ni Julez at itinuloy na niya ang pagbabasa

Mas mabuti nga siguro na huwag na naming isipin kung ano ang sinabi ni Julez. Malayo ng mangyari ang prediction niya. Hindi na mauulit 'yon in the future.

☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸☸

Someone's POV

Pumasok ako sa club para sabihin ang nalaman ko. Hindi ko man sigurado kung ano ang magiging reaksyon niya pero sasabihin ko pa rin sa kanya.

Sinigurado kong walang makakakita at makakakilala sa akin kaya nagsuot ako ng black mask para matakpan ang mukha ko, ang mata ko lang ang makikita nila at for sure walang makakakilala sa akin.

As usual, maraming tao at maingay. Kinailangan kong makipagsiksikan sa loob para lang makapunta sa pinakadulo dahil naroroon siya lagi.

Buti na lang walang nakakilala sa akin.

Sa pinakadulo ng club na 'to, may kwarto. Binuksan ko ang pinto. Nakita ko siya, nakaupo as usual, umiinom at nagbibisyo.

Tumingin lang siya sa akin habang nagyoyosi siya,

"Anong balita?" tanong niya.

"Nakuha siya ng Phantom Sinners...pati ang mga kasama niya" pahayag ko.

Umupo ako sa harapan niya at hindi na lang pinansin ang alak dahil pinipigilan ko talaga ang sarili ko na mag-bisyo ulit.

Ibinaba niya ang hawak niyang yosi at tinignan ako,

"May nangyari bang masama sa kanila?" kahit seryoso ang mukha niya, mahahalata sa boses niya na nag-aalala siya.

"Tinorture nila yung babae pero ang mga kasama niya, safe naman. Dumudugo lang ang leeg nung lalaki, parang tinapatan ng kutsilyo" sinabi ko sa kanya with a normal voice.

"Tell me. Buhay pa naman sila d'ba?" tanong niya.

Kakasabi ko pa nga lang na safe sila.

Tumango ako para manatili siyang kalmado.

"Yung babae hindi nila kasama" sambit ko.

Nanlaki ang mata niya na para bang gulat na gulat.

"Bakit hindi nila kasama?! Nasaan?!"

Kaya ayaw kong sabihin sa kanya ang tungkol sa babaeng 'yon. Dahil baka hindi niya mapigil ang sarili niya at lumabas siya at makilala nila siya.

"Hindi ko alam basta ang alam ko hindi nila kasama" sabi ko sa kanya in a nice way para manatili siyang kalmado.

Tumayo siya bigla at aktong lalabas pero pinigilan ko, "Kumalma ka muna pwede?!" pinaupo ko siya ulit.

Nakatingin lang siya sa akin na parang

nag-iinit at naiinis.

"Huwag kang mag-alala, hindi nila siya papatayin" sambit ko.

"At paano ka naman nakakasigurong hindi nga siya mamamatay sa kamay nila?!" galit niyang tanong.

"Number 1 rule dito sa Prison School, bawal pumatay. They won't kill her because they are afraid to experience the Carnival Game. Kung ayaw mong maranasan 'yon, mag-isip ka muna bago ka magdesisyon. At kapag sigurado ka na sa desisyon mo, call your members, since you are the one providing their needs, susunod sila sa utos mo" sabi ko.

"Alamin mo kung okay lang siya...para naman hindi na ako mag-isip" nag-aalala niyang sabi.

"Lagi ko naman siyang sinusubaybayan. Mahal na mahal niya ang kakambal niya, hindi ba?" tanong ko, para naman hindi niya isipin na hindi ko ginagawa ang part ko at para hindi niya rin isipin na nagsisinungaling ako.

"Oo" sagot niya.

"Aalis na ako. Pupuntahan ulit kita kapag may balita na ako sa kanila" tumayo na ako para umalis, total nasabi ko na sa kanya ang nalalaman ko.

Binuksan ko na ang pinto pero may bigla akong naalala kaya hinarapan ko ulit siya,

"Kung ready ka ng magpakilala, sabihan mo lang ako. Baka kasi napipilitan ka na lang na magkulong dito" sabi ko.

Ngumiti siya at kinuha ulit ang sigarilyong ibinaba niya kanina, "Sa nakikita mo mukha ba akong nagsasawa? Kung nagsasawa ka ng mag-sight seeing sa buong campus, sabihan mo rin ako. Para mabalik ko na sa'yo ang trono mo"

Ngumiti na lang ako at lumabas na sa kwartong 'yon. Nilisan ko na din ang club dahil baka may makakita sa akin.

Sa ngayon, kailangan ko munang magpakasaya habang nakakalabas pa ako, dahil kapag nagsawa na siya, siguradong kailangan ko nanamang bumalik sa kinauupuan niya.

At sana rin pagkalabas niya rito, hindi na niya sisihin ang sarili niya sa mga nangyari sa kaibigan niya.

To be continued...