Chereads / Your Eyes. / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Panaginip

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit habang sinasabi niya iyon ay kumakalabog ang dibdib ko?

Kakakilala palang naman namin pero, Bakit gusto ko siyang hayaan kilalanin ako?

"Serena, Nagugutom ka na ba? Ala-una na rin" Pagbasag niya sa pansamantalang katahimikan sa pagitan namin.

"Hala, Oo nga, Sige kunin na natin yung pagkain na kasama sa flight natin" Pagsagot ko

Lumapit sa amin ang isang flight attendant, "Good day, Ma'am and Sir, Do you have your food coupon?" Tanong nito.

Binigay ni Adam ang food coupon namin at iniabot naman ng F.A ang pagkain namin.

Ang pagkain ko ay Chicken Curry with Rice and Bottled Juice, gayundin kay Adam.

Matapos kong kumain ay kinuha ko ang gamot ko at ininom ito.

Nakatingin ang katabi ko sa akin, at halata sa kanyang mukha na nagtataka ito.

"Serena, I hope you don't mind asking me this question, Para saan yung gamot mo?" Tanong nito sa akin.

"It's okay, Anti-Depressants ito, I've been taking these for 2 years already" I replied and smiled.

Alam ko weird ang dating ko sa mga tao dahil una, Hindi ko alam ang tungkol sa buhay ko, Pangalawa, Umiinom ako ng gamot dahil sinabi lang ng doktor.

"Adam, Ilang oras pala ung flight natin papuntang Mexico?" Pagtataka ko.

"May 2 stops pa tayo, 27 hours pa bago makarating sa Mexico" Pagsagot nito.

Nagulat ako dun ah, 27 hours? Kaloka, Ang sakit na ng balakang ko. Pakiramdam ko kahit anong oras magwawala na ako dito sa sobrang bored.

"Alam mo, Batong-bato na ako dito.. Wala ba tayong pwedeng gawin?" Pangungulit ko.

"Sige, Alam mo ba ung larong Never Have I Ever?" Tanong nito.

"Aba! Mukhang masaya ito ah, Sige kahit anong laro basta wag lang ako ma-bored" Masayang sagot ko.

"Never Have I Ever, Shouted my crush's name" Pagsisimula nito.

"Weh? Hindi nga? HAHAHAHA" Pagsagot ko sakanya.

" Oo nga! Ikaw sige nga?"

"I Have HAHAHAHA"

"Sige ako naman, Never Have I Ever, Peed in a Swimming Pool"

Pagsabi ko na may halo pang halakhak.

Mula hapon hanggang gabi, Wala kaming ginawa kundi ang magtawanan. Hindi ko napansin ang oras, 4:30 pm na pala.

Kumain na rin kami ng hapunan at mga ilang oras ang nakalipas, Nakaramdam na ako ng antok.

Kinuha ko muna ang phone ko at earphones, Pinatugtog ko ang kantang "Killing Me Softly with His Song".. Tinignan ko ang oras at 9:15 na pala ng gabi. Umidlip muna ako.

"Serena, Lalapag na tayo in 30 minutes.. Stop-over natin sa Los Angeles" Pag gising sa akin nito.

Nag-paalam muna ako na pupunta ng CR, Para mag-ayos ng mukha tsaka ihing-ihi na talaga ako.

Naglagay ako ng lipstick kasi namumutla na ako.

Habang nagsasalamin ay bigla gumalaw ang eroplanong sinasakyan namin, Nagmadali ako sa paglabas ng lavatory.

Sa pagmamadali ko ay hindi ko sinasadyang matulak ang nasa harapan ko. "Sorry Sir, I didn't mean to push you" Paghingi ko ng dispensa. Tumigil na rin ang pag-galaw ng eroplano pero mukhang galit ang lalaking nasa harapan ko.

"Why aren't you looking at the way?! You should be careful at all times!!" Pagsigaw nito na may halong pagduro.

Magsasalita sana ako, "Stupid, Uneducated Woman" Pagsingit nito. Ang pag-sigaw niya sakin ay tumawag ng atensyon mula sa mga tao sa paligid namin.

Nang marinig ko ang mga salitang iyon ay nagpintig ang dalawang tainga ko. "Sir, I already said that I'm sorry, Will you please calm down?"

Hindi pa ito nakuntento sa pag sigaw niya sakin, at Itinulak pa ako nito na naging dahilan ng pagkalaglag ko.

"You don't know who you're messing with, Sir, If I were you, I would go back to my seat and shut my mouth this instant" Pagbabanta ko.

Pabalik na siya at sinikuhan ako, Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinatak ko ang kaliwang braso niya at inilagay ito sa likod niya. Nagkakagulo na kami kaya dumating na rin ang mga Flight Attendant.

"Ma'am, We'll take it from here, Please we'll just make him go to his seat" Sabi ng F.A

Hindi ako pumayag bagkus sinipa ko ito sa kanyang binti. Ginawa ko sakanya ang sleeper hold. Habang naka-lock pa ang mga braso ko sakanya ay dumating na rin si Adam.

"Serena, Let him go, I'll be the one to teach him a lesson" Bungad niya sakin.

"No, Adam, I can handle myself, I can make him go to sleep" Nakangisi kong sagot.

Ngumiti ito sa akin at tumango habang pinapanood niya ang lalaking nambastos sakin na halos hindi na makagalaw.

"The next time you try to make a scene with me, Be sure to have my background checked" Bulong ko rito bago ko siya pinakawalan.

Sumigaw ang mga tao sa paligid namin, Akala siguro nila napatay ko itong lalaking to. "Don't worry, I didn't kill him, I forced him to go to bed" Pagpapaalala ko bago kami bumalik ni Adam sa upuan namin.

"Akala niya siguro porke't babae ako, hindi ko siya papatulan"

"You are amazing back there, Napabilib mo ako" Puri sa akin ni Adam.

Hmm, Kaya nga ako tinanggap bilang isang Intelligence Agent eh, Dahil may kakayahan ako.

Nginitian ko lang ito at umupo na rin kami sa pwesto namin dahil malapit na raw lumapag ang eroplano. Kaya sinuot ko na muli ang seatbelt ko.

"Ladies and Gentlemen, We are now landing in Los Angeles, Please wear your seatbelt, Straighten your seat, and put your bags under your seat" Pagpapaalala ng Captain.

Pinikit ko uli ang mata ko at huminga ng malalim dahil lumalapag na ang eroplano.

Makalipas ang ilang minuto ay naka-land na kami ng maayos at ligtas. Kaya tumayo na ako at kinuha ang bag ko.

Pagbaba namin ng eroplano ay hinatak ako ni Adam.

"Ms. Williams, We will meet someone here, He will give us the information about the suspect we will investigate in Mexico"

May lalaking sumenyas kay Adam at dinala kami nito sa isang opisina sa airport. Isa itong Amerikano at mukhang kasama namin siya sa kumpanya na pinagtatrabahuhan namin, pero dito siguro siya naka-assign.

"Please, Have a seat, I am Charles Dixon, One of our company's Intelligence Agent, I was assigned here in Los Angeles to make sure your safety once you arrive in Mexico"

"I am Serenity Williams and this is Adam Richardson, my partner for this mission" Pagpapakilala ko.

Mukhang bigtime ung lalaking to ah. Marami siguro itong connection dito tsaka sa Mexico.

"Alright, This is the envelope containing the proofs, location, and the information about the man you'll encounter in Mexico. Make sure that you will work clean and safe. I am warning you about this person, He is one of the notorious criminals in the country" Pagpapaalala nito.

"Thank You, Mr. Dixon, We will take that seriously. We will now go to our flight gate" Pagpapasalamat ni Adam.

Kinuha ko na ang bag ko at binuksan na ang pintuan ng tawagin kaming muli ni Mr. Dixon.

"Sorry, Before I forget, The things that you'll be using on this mission is already prepared, Use these to protect yourselves and to capture that criminal. You will receive that luggage once you arrive in Mexico"

Dagdag pa nito.

Tumango kami ni Adam at lumabas na ng opisina. Hinanap namin ang gate ng aming sasakyang eroplano. Medyo kumakalam na rin ang tiyan ko kaya inaya ko itong si Adam na kumain.

"Adam, Pwede bang pumunta muna tayo sa palitan ng currency dito? Kailangan natin ng cash para sa food natin."

"Sige, Magtanong nalang tayo sa mga staff dito"

Lumapit siya sa isang lalaki sa airport, Naka uniporme ito ng pang-gwardya. Tinuro niya ang isang istasyon sa airport. Kaya pumunta na rin kami rito.

"Hi, I would like to get my cash converted to dollars"

"Okay Ma'am, May I see your passport?"

Pinakita ko ang passport ko sa babae, at kinuha naman niya ito.

Binigay ko ang pera at pinalitan na rin niya ito ng dolyar. Umalis na rin kami pagkatapos.

"Adam, Let's eat, My treat" I offered.

"Sure, I'll show you the restaurant I saw a while ago, I think they have the best food here at the airport."

Dinala niya ako sa isang Japanese Restaurant, Mukhang sosyal at kakaiba ang pagkain dito. Pumayag ako at pumasok na kami sa loob.

"Adam, You can order what you want" I smiled.

Nag order siya ng California Maki, Yasai Itame, at Beef Ramen. Habang ako ay nag order ng Kani Salad, Gyudon, at Shake Sashimi.

"Alright, I'll get your orders started, Thank you!" Sabi ng waiter.

May kagwapuhan ito at matangkad ah. Type ko siya HAHAHA. Ngumiti siya sa akin at ngumiti rin ako sa kanya.

"Hey! Serena, What's happening to you?" Gulat sa akin ni Adam.

"Why? What's your problem?" Inis na tanong ko sakanya.

"Ngumingiti ka na parang aso sa lalaking yan.. Baka nakakalimutan mo na mag-asawa tayo"

Mag-asawa? Ano daw?

"Buang ka ba? Anong mag-asawa?"

"Yes! Mag-asawa tayo, Honey, Remember?"

Mag-asawa? Ahhhh. Oo nga pala, Pagdating na pagdating pala namin sa ibang bansa ay sisimulan na namin ang actingan bilang mag-asawa.

"Ah Yes, I remember, I'm sorry" Pagsagot ko para hindi mapansin ng mga tao sa paligid namin na hindi kami mag-asawa.

"Sa tingin ko, Kailangan natin ng name to call each other." Pag-suggest niya.

"So, Ano? Babe? Honey? Darling?"

Pagsagot ko.

"Not really. Let's talk about it nalang later"

Dumating na yung pagkain at nakakatakam ito kahit tignan mo lang. Mas tuwa ako nung nakita ko na naman yung wait na gwapo HAHAHAHA. Biglang sumitsit si Adam at minatahan ako. Kaya kumain nalang ako.

"Shit! Ang sarap ng pagkain dito, I could totally eat this all day" Pagsabi ko habang kumakain.

"Hey! Dahan dahan lang baka mabilaukan ka, Pag nabilaukan ka at namatay ka, Walang magbabayad ng kinain natin" Biro ni Adam.

"Ay grabe! Bahala ka dyan basta ako kakain ako dahil ang haba na naman ng aantayin natin dahil sa stop over" Pagsagot ko sakanya.

Makangisi itong lalaking ito kala niya di ko nakikita. Siguro nasa isip niya ang takaw ko. Eh, Atleast sexy ako kahit marami kumain.

Isang oras na rin ang lumipas at natapos na rin kami kumain. Kaya tinawag ko na ang waiter.

"Hi! The bill please, Thank You"

Sabi ko sa waiter.

"So saan tayo pagkatapos nito?" Tanong ko kay Adam.

"Pwede pa tayo mag-ikot kasi may 2 hours pa tayo till our next flight"

Sagot niya.

Dumating na yung bill at yung nagbigay nito sa akin ay isang babaeng iba ang suot sa mga staff dito. Baka siya yung manager rito.

Nilagay ko sa loob ng bill ang pambayad, Omeghed! 60 dollars ang nagastos ko dito.

"Hi, Ma'am, I am Carrie, The manager of this restaurant, May I take a photo of the two of you?" Tanong ng babae.

"Yeah, Sure, Just don't post it on social media"

Tumango ang babae at kinuhanan na kami ng litrato. Ipinakita pa niya ito sa amin. Aba! Naka polaroid siya ah.

"Here is your copy, Ma'am. By the way, You look good together, Stay in love! Thank You again."

Ngumiti ako rito. Tinignan ko ang litrato and I must say that She takes good photos.

"Ang ganda ko dito grabe!" Malakas kong pagkasabi.

"Maganda ka dahil kasama mo ako" Pagsingit ng lalaking nasa tapat ko.

"Hoy! $60 ang nagastos ko dito noh! Kaya magpakabait ka sakin, Okay?" Pabiro kong sagot rito.

"Tara na, Para makapag-ikot pa tayo" Yaya nito sa akin.

Pag-labas ng restaurant ay tinignan ko ang oras 2:00 am na pala. Pumunta muna kami sa mga store. Tumingin kami ng kung ano-ano lang. Pero isang bagay ang tumawag ng akin atensyon.

"This is beautiful, I love this."

Puri ko sa isang bracelet na nakita ko.

Ito ay napaka elegante, Sobrang ganda nito. May mga bato ito na kulay pula at pinalilibutan ng mga nagniningning na dyamante. Lumapit ang isang staff.

"Yes Ma'am? How may I help you?" Tanong nito sa akin.

"Can I see this bracelet?" Turo ko.

Inilabas niya ito at ipinakita sa akin.

"The red stone is actually made of ruby and it is made and covered with white gold. This is perfect for you if you were born in July because this is your birthstone"

Pagpapaliwanag nito sa akin.

"Wow! It really is elegant and how much is it?" Tanong ko.

"This bracelet is worth $2500, But this is actually for pre-order. It'll only be available in a week"

"Oh, Too bad that I'll be leaving today, Can I just buy this dislay you have?" Pagpupumilit ko.

"That would be impossible Ma'am, But you can leave your contact number or email so that We can inform you"

Binigay ko ang email ko at nagpasalamat bago umalis. Paglabas ko ay walang Adam na tumambad sa akin. Tumingin ako sa paligid at nakita ko siya sa loob na kausap ang lalaking nagbebenta ng alahas sa jewelry store.

"Balik na tayo, 1 hour nalang flight na natin at tsaka para maaga tayo makapasok sa eroplano" Yaya ko rito paglabas niya.

Tumango ito at naglakad na kami papunta sa flight gate. Habang naglalakad ay naisip ko ang bracelet na nakita ko kanina, Sayang! Gustong gusto ko talaga yung bracelet na iyon.

Pagkarating namin sa flight gate ay saktong nagtatawag na ng mga pasahero na naka online check-in.

"Mr. Adam Richardson and Mrs. Serenity Williams- Richardson"

Biglang tawag ng F.A sa amin.

Mrs.? HAHA. Hindi bagay.

Lumapit agad kami at pumasok na sa loob ng eroplano. Hayy! Naka-upo na naman ako ng ilang oras.

Kinuha ko ang earphones ko at tinugtog ang Fix You by Coldplay.

Nakaka- relax ito kaya bago ako pumikit ay may sinabi muna ako kay Adam.

"Adam, I still have 3 hours and 45 minutes to take a nap, Please wake me up when we are landing in Mexico." Bilin ko rito bago umidlip.

Maganda ang idlip ko pero bigla akong tinapik ng katabi ko.

"Serenity, You're dreaming, Look at you, You are covered in sweat" Pag-aalala nito.

Natulala ako sa sinabi niya at pinunasan niya ang pawis sa mukha ko gamit ang kanyang panyo.

"What is your dream about?"

Tanong nito.

Napaka-samang panaginip. Nakita ko ang isang bracelet, Kamukha nito ang nakita ko kanina. Pero balot ito ng dugo.

Ano ang ibig sabihin non?

Anong koneksyon ko sa panaginip na iyon?