Chereads / Your Eyes. / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Let Me Know You

Matapos kong mag-impake ay tinapos ko muna ang night routine ko. Tinignan ko muna ang orasan, Ala-una na rin pala ng madaling araw. Natulog na rin ako dahil 10 am ang flight namin bukas at para naman mukha akong fresh pagdating ng Mexico.

Tumunog ang alarm clock ko ng 5:00 am dahil 8 am daw ay kailangan nasa airport na kami. Naligo na ako at sinuot ko ang mga damit na inihanda ko kagabi. Naka skinny jeans, white shirt, and denim jacket ako tapos nag-ayos naman ako ng buhok.

Kumain nalang muna ako ng scrambled egg, fried rice, and coffee for breakfast. Naisip ko kasi na sa airport nalang ako kakain para hindi malate papunta ng airport.

Habang kumakain ako ay nag-ring ang phone ko, "Good Morning, Serena, the company driver will pick you up in 30 minutes, Be ready. By the way, Please read the new attachment sent to your email." Mr. Singleton reminded. "Okay Sir, I'll read the email once I receive it.. I'll be ready in a few minutes. Thank You, Sir" I replied.

Matapos ang tawag na iyon ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at pumasok na sa cr para mag toothbrush. Naglagay rin ako ng makeup sa mukha. Matapos nun ay sinuot ko na ang sapatos ko. Kinuha na ang isang maleta ko at ang handbag ko at bumaba na sa lobby.

Pagtingin ko sa bintana ay isang lalaki ang bumungad sakin, Binuhat niya ang bagahe ko at pinagbuksan ako ng pinto.

"Beautiful Morning, Ms. Williams" He greeted. I gave him a good morning and a smile. I looked at my wrist watch and 6:30 na rin pala in the morning.

Habang nasa biyahe kami papunta ng airport ay biglang nagtanong si Manong Arnel, "Ma'am, Kamusta po kayo ni Sir?". Nagulat ako sa tanong niya, "Nako Manong Arnel, Hindi kami neto ni Mr. Richardson" I replied.

Binalingan ako ng tingin ng katabi ko, at biglang tumunong ang phone ko. "Miss, Please be open to situation like this, You are most likely to ruin this mission."

Ano daw? Hindi ko gets. As in di ko naintindihan kung ano ung pinaparating niya.

"Mr, What do you mean by that?"

I confusingly replied.

After a minute, He replied with an emoji, "💑💍"

Matapos ang ilang minuto ng pag-iisip kung ano ang ibig niyang sabihin, naintindihan ko na rin.

Magkukunwari kaming mag-asawa sa mission na ito. I think tinanong ni Manong yon para makita kung alam ko na ang unang gagawin namin.

Nanahimik muna kami habang nasa sasakyan, Hawak ni Mr. Richardson ang kanyang phone na may casing na pumpkin. Habang ako ay natulog muna.

Matapos ang isa't kalahating oras ay may biglang gumising sa akin, "Ma'am Serenity, Nandito na po tayo" Gising sa akin ni Manong Arnel.

Gumising na ako at kinuha ang bag ko, Paglabas ko ng sasakyan ay kinuha ko ang luggage ko. "Maraming Salamat po, Mang Arnel" Bati ko. Ngumiti ito sakin, "Wala po iyon Ma'am at Sir, Ingat po sa biyahe".

Inantay muna kami ni Mang Arnel makapasok ng airport bago umalis, Kumaway ito kay Mr. Richardson nang paalis na.

Pumila na kami para mag check-in, "Let's go together, Wifey" Pag-aya sakin nito. Nanahimik nalang ako at sumunod rito.

"Good Morning Ma'am and Sir, May I have your tickets and documents?" Tanong ng Airport Staff. Si Mr. Richardson ang may hawak ng tickets and documents namin.

"Ms. Serenity Williams and Mr. Adam Richardson, This is your boarding pass, Your baggage is now checked in. You may stay inside the lounge, Just show your privilege cards." Sabi ng babae.

Ngumisi lang kami, nagpasalamat, at dumiretso na sa waiting area. "Serena, Pumunta muna tayo sa lounge if you want" Pag-aaya nito.

"Kumain muna tayo, gutom na talaga ako" Sagot ko. Tumango lang ito sa akin at ngumiti.

Dinala niya ako sa isang restaurant, Magara ito at napansin ko na marami rin ang kumakain.

"Hello Sir, Table for how many?" Tanong ng waiter. "Table for me and my wifey, Thank You" Sagot ni Mr. Richardson.

Habang naglalakad papunta sa table namin ay siniko ko itong lalaking kasama ko, "Aray! Bat ka naniniko?" Pagtataka nito.

"Paano kasi sinasamantala mo yung misyon na to kahit wala pa tayo sa pupuntahan natin" Bulong ko. Nanahimik na siya at umupo na kami sa aming table. Tinignan ko ang menu at mukhang masasarap nga talaga ang pagkain dito.

"Ms. Williams, What do you want?" Mr. Richardson asked.

"I'll get Strawberry French Toast, Spicy Seafood Pasta, and One Hot Caramel Macchiato" I ordered.

Biglang ngumisi si Mr. Richardson, Ewan ko ba kung bakit. Nag order naman siya ng Beef Salpicao, Hot Cafe Americano, and Pumpkin Soup.

"Pumpkin huh? Your favorite?" I asked. Tumaas ang kilay nito, "How did you say so?" He replied.

"Wala, Napansin ko kasi ung casing mo ay may pumpkin sa likod, and You ordered Pumpkin Soup" I answered.

Sabi nung waiter ay 15-20 minutes bago dumating ang order namin. Biglang nagsalita itong nasa tapat ko, "Ms. Williams, Pwede mo ba akong tawagin as Adam? Let's not be too formal" He smiled.

"Alright, So Adam, how did you get here?" I asked.

"Well, I was actually born here in our country, but my family and I migrated to US when I was 10

years old. I studied there until I finished college. I also served in the military for 3 years and resigned after, Then I was hired in this company." He shared.

"So, ilang taon ka na?" Tanong ko.

"I was born on April 7, 1994, and I am 23 years old. How about you, Ms. Serenity, What is your story?" He asked

"I don't know." Yun lang ang nasagot ko. Totoo naman wala akong alam. Natahimik siya, natahimik din ako. Dumating na ang pagkain namin, pero wala pa rin kaming imik.

Tinignan ko ang orasan ko, 8:45 am na pala, Kailangan na namin bumalik sa waiting area. Dumating na rin yung bill namin, and nagbigay ako ng share ko but he said no and he insisted to pay for food.

Nagpunta muna ako ng toilet para ayusin ang sarili ko. Naglagay ako ng lipstick, powder, at blush-on. Pagkalabas ko ay nakita ko si Adam na nasa labas na rin ng restaurant nag-aantay.

Tahimik parin kami habang naglalakad papunta sa waiting area namin. Siguro nagulat siya sa sinabi ko na di ko alam ang istorya ko. Hanggang sa una siyang nagsalita at binasag ang katahimikan na bumaling sa amin dalawa.

"Serena, What do you mean when you said You don't know your story? I'm sorry pero hindi ko masyadong naintindihan" He confusingly asked me.

"Literally, Yes. I don't know anything about my past. It was all black and less white" I answered.

Natahimik na naman kami hanggang sa marating namin ang Gate Waiting Area. Pagkarating namin ay nagsasalita na ang mga Flight Staff dahil binuksan na nila ang gate papasok ng eroplano.

Binigay namin ang aming ticket at nakapasok na sa loob ng eroplano.

Malaki ito kumpara sa mga local airlines natin. Hinanap namin ang aming upuan. "Serenity, This is our seat." Pagtawag nito. Sinundan ko siya at umupo na rin ako.

Pagka-upo ko ay naalala kong tawagan ang pamilya ko, "Mom, We are now boarding papunta po ng Mexico" Bungad ko.

"We? Anak, Sinong kasama mo?" Tanong ni Mommy. "Yung Partner ko po mommy, Si Mr. Adam Richardson." Halata sa boses nito ang pagkagulat.

"Mommy, Bakit po?" Pagtataka ko.

Bakit kaya siya nagulat? Kilala ba niya iyon?. "Wala naman anak, Sige mag iingat kayo diyan. Balitaan mo nalang ako ah, I love you nak!" Pagpapaalam nito.

Pagkababa ng tawag na iyon ay nag-text muna ako kay Samantha para ipaalam na aalis na kami.

Ikinabit ko na rin ang aking seatbelt, Inilagay ang bag ko sa ibaba ng upuan ko, at huminga ng malalim nang nagsimula na gumalaw ang eroplano.

Alam ko hindi ito ang unang beses na sasakay ako sa eroplano, pero tuwing palipad na ang eroplano, kinakabahan talaga ako.

Naramdaman ko ang init at higpit noong may humawak sa kamay ko. Mahigpit ang hawak nito at sa tulong nito ay nabawasan ang kabang nararamdaman ko.

"Serena, Calm down, Nandito ako" Dinig kong sabi niya.

Tumango ako at ipinikit ang mata ko. Mabilis na ang takbo ng eroplano hanggang sa umakyat na ito sa himpapawid.

"Serena, I want to know more about you, Let me know you."