HEART FOR RANSOM
Part 4
"Pilitin mo muna ako," pang-aasar ko kay Cassius. Nagpapasama kasi ito sa akin pumunta sa mall.
"Gaga ka! Ang arte mo," sagot niya at inirapan ako. Naningkit ang mga mata ko.
"Anong sabi mo babe? Hindi ko yata narinig. Doon kaya tayo sa harap ng daddy mo para marinig ko?," tanong ko.
Umayos naman siya at nginitian ko.
"Sabi ko date tayo. Hintayin kita sa baba, babe," sabi niya at mabilis na umalis. Baklang 'to.
Syempre wala akong nagawa kundi sumama. Nahiya pa nga ako sa hitsura ko kasi parang secretary lang ako nitong kasama ko. Muntikan pa akong nalaglag sa hagdan kaninang pagbaba ko nang makita ko siya. Kung hindi ko nga lang alam na bakla 'to, haysss.
"Ano bang bibilhin mo sa mall?," tanong ko habang nasa biyahe.
"Beauty products," simpleng sagot niya.
Napatingin ako sa kanya. "Ano?! Beauty products?!"
Hindi siya sumagot. Kaya naman pagpasok niya ng mall, todo sunod na ako.
"Hoy! Beauty products talaga? Ibubulgar mo na ba yung kabaklaan mo?," tanong ko.
Napahinto siya sa paglalakad at tumingin sa akin. Inilagay niya ang isang kamay sa bandang bibig at umaktong ziniziper ito.
Tumango ako at hindi na nagsalita.
"Pinakaba mo ako!," gigil na sigaw ko nang makapasok sa isang store. Panlalaking store naman pala.
"Para saan yan? Para clear skin?," tanong ko nang damputin niya ang isang beauty product.
Hindi niya ako pinansin.
"Para saan yan? Para makinis yung skin?," gagad ko ulit.
Hindi niya ako pinansin.
"Para saan yan? Para malambot yung skin?," ako ulit.
Sa wakas huminto na siya kakadampot. May binigay siya sa akin na bote.
"Ano 'to? Para saan?"
"Para sa'yo. Pamatay skin," sagot niya at naglakad papunta sa counter.
Masama ang tingin na sinundan ko siya. Syempre, ang bakla, patay-malisya.
Sunod kaming pumunta sa isang pambabaeng store.
"Go ahead. Kunin mo lahat ng gusto mo," sabi niya nang makitang nagtataka ako.
Napatanga ako. Hindi naman kasi ako gumagamit ng ganyan.
"Para saan yan? Para sa skin?," tanong ko.
Nanggigigil niya akong binalingan.
"Konti nalang talaga. I will skin you!," sagot niya at hinila na ako papasok.
"Heto, use this blah blah," tuloy-tuloy na sabi niya. Hindi ko na masundan lahat.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang saleslady na nakasunod sa amin.
"Bakla?," hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
Umiling ako at iwinagayway pa sa ere ang mga kamay.
"Hindi po. Cassius babe!," tawag ko kay bakla.
Napahinto na rin ito at humarap sa aming dalawa ng saleslady.
"Yes?," lalaki ang boses.
Mukhang hindi naman kumbinsido ang babae.
"Haysss, take two! Take two!," kunwaring sigaw ko at inilabas ang camera habang hinihila siya palabas ng store.
Sinamaan ko siya ng tingin. Naglakad na at dumiretso sa isang ice cream parlor.
"Muntikan kana doon!," angil ko sa kanya habang kumakain kami ng ice cream.
Nagkibit-balikat siya.
"I don't care," simpleng sagot niya.
"Aba!," nasabi ko nalang at hinilot ang sintido. Bahala siya.
"Cassius, may dumi ka sa labi," sabi ko at tinuro ang labi niya.
Pinunasan niya naman ito ng tissue pero hindi natanggal.
"Sa kabila kasi"
Pinunasan niya ulit.
"Ako na nga!," umuklo ako palapit sa kanya.
Napatingin ako sa labi niya.
"Ang red pala ng lips mo 'no?," biglang nasabi ko.
Tinulak niya ako kaya napaupo ulit ako. Napanguso ako.
"Ikaw din meron," siya.
"Huh? Asan?," tanong ko.
Umuklo siya palapit sa akin.
"Aray!," sigaw ko ng pitikin niya ang noo ko.
"Walang ice cream, gaga! Alam mo kung anong meron?," tanong niya.
Hindi ako sumagot pero tinuloy niya pa rin.
"Kaharutan! Mandiri ka nga!," siya.
--------
Update every Saturday