Chereads / Unpredicted Stories / Chapter 30 - DEBATE

Chapter 30 - DEBATE

"OH CLASS DEBATE TAYO" Sabi ng teacher namin dahilan para mapatahimik kami.

'Sige!'

'sinong pambato natin?'

'exciting' to!'

' Ilan ba daw? '

Napairap nalang ako. Akala mo naman talaga sasali sila e hindi naman.

"Girls Vs. Boys ba ma'am?" tanong ng kaibigan ko.

Tumango ang teacher namin.

"1 pambato sa babae at lalaki" dugtong ng teacher

"Oh boys! Sinong pambato nyo?" Tanong ng bida bida na si nicaela

"Tss. Bat sa kanila ka concern? Wala pa nga tayong pambato tapos sila tinatanong mo?" Sabat ko

Napairap siya. "E sino ka ba kasi?"

Nagkibit balikat ako.

"Si russel daw pambato nila" Sabi ni teacher

"Bilisan nyo na pumili!" sigaw ni nicaela

"Kung makasigaw ka naman e kung ikaw kaya ipambato namin jan?" Asar kong sabi.

"Ayoko nga! Ikaw nalang!" angil niya

Apaka arte naman ng babaeng 'to.

Tumayo nalang ako at lumunta sa isang side ng table ni ma'am at gano' n din ang ginawa ni Russel.

"Sige ganto Boys and Girls ipagtanggol nyo lahi n'yo gets?"

Huh? Panong lahi?

"I mean Boys ipagtanggol nyo sarili nyo ganon din sa girls" Pagkakaklaro ng teacher

Napa tango naman kami.

"Ba't ganon boys? Nagrereklamo kayo kapag antagal namin mag-ayos pero kapag di naman kami mag-ayos maghahanap at titingin kayo sa iba."Simula ko

'Woooooooooooohhhhh'

'tAmaaaaaaa'

'Palibhasa hanap nyo lang maganda'

" Di naman sa nagrereklamo kami pag matagal kayo mag-ayos basta ba e paglabas nyo ay maganda kayo hindi yung ang tagal tagal nyo na sa kwarto kakakaayos tapos paglabas nyo ampanget nyo paren!" Sagot niya

Napaawang na kaunti ang labi ko

'Boom'

'Tama!'

'Ahh panget'

Edi wow.