Chereads / A Kiss For Sky / Chapter 77 - Chapter 76

Chapter 77 - Chapter 76

Hillary's POV

Ipinatigil ko agad ang Party. Nawala na ako sa mood para ipagpatuloy pa 'yon. Dumiretso ako sa kwarto at agad na nagkulong. Bakit kinakailangan niya pang bumalik kung saan okay na ang lahat?!

"Mi Stella, open the door," patuloy pa rin na kinakatok ni Sky ang pinto, pero hindi ko binubuksan. Natatakot ako na baka kapag nag-usap kami ngayon ay iyon na ang huli. "Hillary, please," nang marinig siyang muling nagsalita at halata talaga ang pagmamakaawa sa boses niya ay tumayo ako at binuksan ang pinto. Nagulat ako nang yakapin niya ako bigla. "Bakit ka ba umiiyak?" nag-aalalang tanong niya.

Kumalas ako sa pagkakayap niya at napaupo sa kama ko. "Aren't you mad at me, Sky? Itinago ko sa'yo 'yong katotohanan na magkapatid kami ni Veia," usal ko at muli na namang napaluha. Three years ago nang tuluyan naming nalaman na si Veia ang nawawala kong kapatid. Mama had been searching for her at nalaman na rin namin na ibinigay siya ng Tita ko sa isang kaibigan niya bilang kabayaran sa utang nito kaya lang ay ibinigay rin si Veia sa iba makalipas ang isang Linggo dahil kinakailangan nitong magtrabaho abroad at kay Tita Isabel na siya tuluyang nanirahan at lumaki. Thinking about her past really makes me feel sad for her. Sana 'di na lang siya nawala siguro hindi gan'to ang mga pangyayari sa buhay namin.

Natinag ako nang tumabi sa'kin si Sky, "I'm not mad, Mi Stella, I'm surprised and I'm somehow disappointed," I looked at him and I didn't know he's looking at me, too, "you promised me, Hillary, na sa lahat ng kaibigan mo ako ang unang makakaalam kapag nahanap mo na 'yong kapatid mo," oo nga pala, sinabi ko 'yan sa kaniya noon, pero hindi ko na 'yon naisip pa. Naunahan ako ng kaba at takot. "Nagtataka ako, Hillary, kung bakit kinakailangan mong itago 'yon," muling usal niya.

Napatayo ako at hindi ko alam kung saan ko ibubuntong 'tong nararamdaman kong hindi ko talaga maintindihan! "Sky, sa lahat ng babaeng lumapit sa'yo, wala akong pinagselosan," nanatili akong nakatalikod sa kaniya habang patuloy na nagsasalita, "pero, siya, Sky, niisang beses hindi ko ibinanggit ang pangalan niya!" humarap ako sa kaniya at patuloy pa rin na umaagos ang mga luha ko, "sa kaniya lang ako tumataob, Sky! Kaya hindi ko sinabi sa'yo kasi natatakot ako! Kapag nalaman mo na 'yong tungkol sa kaniya saka lang siya pababalikin nina Mama rito at ayokong mangyari 'yon. Natatakot talaga ako," muntik na akong matumba dahil sa panlalambot ng tuhod ko mabuti na lang at nahawakan ako agad ni Sky.

He let me sits back in the bed as he's caressing my back, "why are you so scared, Mi Stella?" tanong niya, pero hindi ko na kinayang sumagot dahil sa humihikbi na ako. "Natatakot ka ba na kapag nagkita kami ulit makakalimutan kita? No, Mi Stella, there's nothing you should be afraid of because I love you. At kahit nakita ko na siya muli ngayon hindi 'yan magbabago. Mahal na mahal kita, Hillary. Ipinapangako ko sa'yo hinding-hindi kita iiwan," lumapit siya sa'kin at muli akong niyakap.

Ba't nga ba nakalimutan ko na isang Sky Abellera ang lalaking minahal ko? He's a man of his words. I really am so selfish. Sarili ko lang 'yong iniisip ko! I never thought of him and even Veia. Hindi ko man lang naisip kung ano 'yong naramdaman niya nang sabihing hindi namin siya maipapakilala dahil ayaw ko pa. Sh*t! I'm so damn insensitive!

Veia's POV

Tumulo ang luha ko nang hindi ko namamalayan. Seeing Sky and Hillary kissing is really an eyesore. Nagpunta ako sa kwarto ko at napahinto ako sa isang malaking salamin. I look at my own reflection. I changed a lot. From looks to my attitude, perspectives in life, it all changes! It's because of my dearest sister, the reason why I experienced to be bullied again in my school in Austria! Kung hindi lang ako sumapi sa mga bad-as* women doon siguro lasog-lasog na ako ngayon.

And now that I'm back, I'll never be failed to let Hillary experience the hell I've been through.

***

I was done changing my clothes, then I'd decided to go downstairs. Sakto namang pagbukas ko ng pinto ay kakalabas lang din ni Sky sa kwarto ni Hillary. Agad ko siyang sinundan at pumunta siyang garahe para kunin ang sasakyan niya. He was about to open the car's door, pero humarang ako agad. He's very surprised, no doubt!

"Hi, Sky," I greeted him with my b*tchy tone. Sorry, I get used to it.

"Move. I need to go," hindi ko alam kung bakit kinakailangang maging malamig ang pakikitungo niya sa'kin. Does my Dearest Sister tell him to stay away from me? Oh, damn! I'm not yet starting, but she's now totally triggered. Tsk, tsk.

I was about to touch Sky's hand, pero inilayo niya 'yon agad. Ngumiti ako, ngiting hindi niya pa nakita noon—an evil smile. Well, the Veia he used to know doesn't know that. "Didn't you miss me?" I attempted touching him again, but I failed.

"I missed the old you," sagot niya.

"She's dead, Sky," natawa pa ako matapos sabihin 'yan.

"Then, our friendship died, too," natahimik ako at mariin siyang tinitigan, "now, move. Stop wasting my time because you don't deserve it," dagdag pa niya.

"You're hurting my feelings, Sky," I may sound joking, but sh*t, it was real! "Kailan ka pa natuto niyan? Did Hillary teach you?" tanong ko.

"Shut the hell up," medyo naiinis na talaga siya, "I'm happy seeing you again, Veia, but after knowing that you change this much, mas gugustuhin ko na lang na 'di na tayo muling nagkita—"

"A kiss to shut you up," I showed him my sweetest smile while he's still so surprised.

"Damn, Veia!" pinipigalan niya pa rin 'yong galit niya. Ngumiti akong muli at umalis na sa pagkakaharang sa sasakyan niya. "Never do it again or else...tuluyan na talaga kitang masasaktan," he then went inside his car. I looked above to hold my damn tears. I admit I am so hurt hearing those words from him.

Hindi ko alam kung bakit nang malaman kong sila na ni Hillary ay hindi ko talaga matanggap! Siguro mahal ko talaga si Sky, pero 'di ko lang matanggap noon. For the past seven years, I've been in a numerous relationship, pero wala akong sineryoso. Hindi ko kasi malimot-limot si Sky. Tsk!

Nang tuluyan siyang makaalis ay papasok na sana ako nang may ngiti sa labi, pero isang malakas na sampal ang natanggap ko. "Do it again, hindi lang 'yan ang gagawin ko," her eyes are really on the flame as she uttered that.

I chuckled, "ano pa?" tanong ko.

"This," sinampal niya ako ulit at bigla niyang hinila ang buhok ko.

"A-aray, Hillary! A-ano ba?!" pagrereklamo ko, pero mas lalo niya lang itong hinila. Mas matangkad siya sa'kin kaya nahihirapan akong abutin 'yong buhok niya! Damn sh*t!

"Kapag hindi ka titigil, Veia, ingungudngod ko 'yang labi mo sa sahig," seryoso niya talagang sabi. Natakot ako nang konti, pero hindi ako magpapatalo. Nang marinig niya ang busina ng isang sasakyan ay binitawan niya na ako. "Our parents are here, plano mong magsumbong?" nakangiting tanong niya.

"No. Hindi ako ganiyan, Hillary," sagot ko naman. "Kung ngayon ay nanalo ka, pwes sa susunod hindi mo na 'ko mahahawakan kahit dulo pa ng buhok ko," seryoso ko ring sabi sa kaniya, pero ngumisi lang siya.

"Let's see, Viea, let's see who will win in this trashy sh*t game you started," tumalikod na siya at tuluyang umalis. Inayos ko na rin 'yonh sarili ko at bumalik na sa kwarto ko.

Sa sobrang inis ko ay napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok!

Kahit kailan ay hindi siya mananalo! Sabihin na nating Fiancée niya na si Sky, pero alam ko na ako pa rin ang mahal niya! I'm his first love at si Hillary nakita lang ni Sky no'ng wala ako. She's nothing but a mere rebound!

Humanda siya sa susunod dahil tuluyan ko na silang paghihiwalayin.