Chereads / Face The Flame / Chapter 2 - Chapter 1 : The Mission

Chapter 2 - Chapter 1 : The Mission

FIN'S POV

Nagambala ang masarap kong tulog nang marinig ang napakaingay na telebisyon. Kunot-noo akong lumabas ng kwarto at kahit nasa malayo pa ako ay rinig na rinig ko na ang halakhak ng aking nakakatandang kapatid na babae. Kinuha ko ang tsinelas ko at buong lakas na itinapon sa kaniya.

"Nice catch, Superstar," ginaya niya pa 'yong patalastas na kakatapos lang ipinalabas. Well, yeah, she caught my slipper. Hindi na rin naman bago 'yan. Magaling siyang sumalo, pero akala ko kasi matatamaan ko siya dahil hindi niya alam na kanina pa 'ko sa likuran niya. "As if you don't know me, Finna. Narinig ko kayang bumukas ang pinto ng kwarto mo," muling usal niya nang maupo ako sa harap niya.

Tinanggal ko 'yong earpiece sa tenga ko. "Narinig mo talaga ang pagbukas ng pinto o 'yong mga reklamo ko?" tanong ko. Hindi ko man lang naalala na naka-on pala 'yong earpiece na connected sa kaniya kaya talagang narinig niya ang mga reklamo ko kanina. Lagi kaming may dalang gan'to in case of emergency, pero sa totoo lang kaya ko naman 'yong sarili ko. I can take care of myself alone.

"Well, okay. Narinig ko nga," aniya. Inagaw na rin muli ng Dramang pinanapanuod niya ang kaniyang atensyon. "Hero's really so good looking," usal niya pa habang nagniningning talaga ang kaniyang mga mata.

Sumandal ako sa upuan at ipinatong ang dalawa kong paa sa mesa. My arms are crossed and my brows are knitted. "Aren't you get tired of watching that guy? Halos siya na lang nakikita ko sa telebisyon, ha," sabi ko. Kasi kung ako 'yong tatanungin matagal na 'kong nagsawa sa mukha niya. Paano ba naman kasi kapag ang Ate andito puro bitbit niyang CD tapes ay movie ng lalaking 'yan, kaya mas gusgustuhin ko na lang talaga na may duty siya lagi, eh. Tsaka masyado talaga siyang Makabayan, nasa America kami pero puro Philippine Telenovelas ang pinapanuod niya lalo na 'yang kay Hero na 'yan.

"Hero's really a good-looking man and he's acting skill-oh, it's no joke! Kapag dramatic, napapaiyak ka talaga, comedy, matatawa ka nang sobra, romantic, maiinlove ka. And, only Hero can make me feel that!" kilig na kilig niya talagang sabi. Diyos ko!

Dahil pakiramdam ko ay she's still daydreaming, kinuha ko 'yong remote at pinatay ang telebisyon kaya todo reklamo siya. "Samahan mo 'ko," usal ko habang kumukuha ako ng tubig sa ref.

"Saan?" kunot-noong tanong niya.

"Bar," sagot ko. Nakakamiss din pala ang lugar na 'yon. Huling punta ko ro'n ay noong nakaraang Linggo pa.

Umiling siya at muling binuksan ang TV, "magpasama ka sa best friend mo," saad niya.

"He went back to the Philippines," naglakad ako pabalik sa living area at naupong muli, "kaya samahan mo 'ko," sabi ko.

"I'm busy, Finna," aniya habang tutok na tutok pa rin sa Hero niya.

"Fine. Saksak mo sa puso mo 'yang lalaking 'yan," bago pa 'ko umalis ay pinatay ko muna ulit ang telebisyon kaya para siyang batang inagawan ng tsokolate kung ngumawa.

Bumalik ako sa kwarto ko saka nagbihis. Kaya ko namang pumunta nang mag-isa.

I wear a white tube top, black fitted jeans, and my three inches stiletto. I also bring a leather jacket with me and I put a small amount of makeup, but it's all color black. Well, it's my fave color.

Bubuksan ko na sana ang pinto, pero may nauna na sa'kin. Bakit kaya binisita niya ako ngayon? "Where are you going?" tanong niya.

"Bar," walang kagana-gana kong sagot.

"Are you really this bored, Finna? You've been in that place these days," aniya.

"Wala naman ho akong magagawa rito, eh. I'm so bored staying here for the whole day! Kailangan ko pang maghintay ng tatlong taon para itake ang SAEE at APAT," sabi ko. Tapos na kasi akong mag-aral. I just graduated recently, at the age of 18 may degree na ako, Criminal Justice. Nag-accelerate kasi ako dahil nakakapagod mag-aral, iyon pala mas nakakapagod manatili lang sa bahay. I've been wanting to take the Secret Agent Entrance Exam (SAEE) and the Applicant Physical Abilities Test (APAT), pero hindi pa pwede dahil ang bata ko pa raw. Tsk!

Ngumiti si Mama at ibinigay sa'kin ang isang napakaimportanteng badge na matagal ko nang gustong makuha! "This is the secret service agent badge, Finna, and I'm giving it to you," nakangiting sabi niya.

"Ma, pero 'di ba hindi pa ako 21, hindi pa pwede?" takang tanong ko. Napatingin ako kay Ate Star at ngumiti lang siya.

"I am a Director of the Secret Service, Finna, alam mo 'yan. I can let you enter in the team easily, pero wala ka pa talaga sa tamang edad. But, I have the power to persuade everyone, from Head agents down to Junior agents na isali ka sa team though you're not yet in the right age and they all agreed. Besides, every one of us saw your potential, bata ka pa lang nakita na namin 'yon," aniya.

Sobrang natuwa talaga ako! At last, magiging isang Secret service agent na rin ako!

"And, you already have a mission, Finna," nawala ang ngiti ko nang tuluyang pumasok si Mama sa kwarto. Binuksan niya ang laptop ko at may kung anong kinalkal doon. Gumamit na rin siya ng projector at bunungad sa'min ang mapa ng Pilipinas. "Filipinos finally realized that they needed a change..." may pinindot siya at lumabas ang isang larawan ng lalaking may katandaan na talaga, "...Jack Williams, he is the forgotten King of New Zealand who lived in the Philippines for 40 years and was married to a Filipina. Three years ago, ipinakalat niya sa buong bansa ang mangyayari kapag ibinalik ang Monarchy. Ipinagpatuloy niya ang panghihikayat sa mga Pilipino sa pagbabalik nito, but unfortunately, he died a year ago and his son, Mason Williams, continued his desire," lumabas naman ang panibagong litrato, isang lalaking nasa mids '50s siguro, "King Mason is currently the prime minister of the Philippines-"

"Nanalo siya? Naging Monarchy na ba ang Pinas?" I interfered.

"Just like the United Kingdom, the Philippines is now a unitary state with devolution. It is governed by parliamentary democracy under a constitutional monarch," sagot niya at sabay lang kaming napatango ni Ate Star. "Now, King Mason asked for the US Secret Service Agents to help them in securing their safety. May pagbabanta silang natatanggap at hindi na ito maganda. At ikaw, Finna, ikaw ang magiging Head agent ng ipapadala kong members ng Counter-Assault Team sa Pilipinas. You'll bear the biggest responsibility, Finna, don't fail me," tumango ako agad sa kaniya. I've been dreaming for this and now that I finally attained it, hinding-hindi ko 'to sasayangin.

"Can I come with her, Mom?" tanong ni Ate Star.

"Yes, Star, you'll come with your sister together with the other members," sagot nito. "You will fly tonight, so get ready now," akmang aalis na siya, pero muli niya akong nilingon, "I trust you, Finna Joy," aniya kaya agad akong tumango.

"Thank you for giving me the opportunity, Mama," nakangiting sabi ko at bahagya lang siyang tumango saka na siya tuluyang unalis. She's busy as well as my Papa, pero naiintindihan naman namin 'yong trabaho nila.

Pero, ang saya-saya ko talaga! Finally, I am now a Secret service agent and here I come, King Mason, I'll protect your family at all cost. Kahit humantong pa sa patayan, hinding-hindi ko 'yan aatrasan.