PAGKATAPOS NILANG KUMAIN, sa Waterworks nila napagpasyahang pumunta. Feel kasi ng binatang pumunta at nakisakay na lang si Cass. Wala rin naman siyang planong gawin kaya okay na sa kanya ang mag-swimming habang gagawa na naman ito ng extreme na aktibidades.
Nasa dugo na siguro iyon ng binata. Ang alam naman niya ay hindi naman ganoon ang kapatid nito. Naghahabol din ng adrenaline si Greta ngunit ni minsan hindi ito umaabot sa extreme at mas lalong hindi ito namimilit na gawin niya ang mga iyon kasama nito.
Kung tutuusin na-survive naman niya ang lahat ng pinagawa sa kanya ng binata at hindi hamak na ma-su-survive niya rin kung sasamahan niya ito sa waterslides. Ngunit, nagpahinga kasi sila ng ilang araw sa kaka-extreme, kaya syempre takot na naman siyang gawin ang gusto nito.
He didn't bother to ask her to join him this time though. Ang tanging hiling lang nito ay makita siya nito 'pag umabot na ito sa tubig. He's actually acting cute. Ngayon niya lang na-realize.
May mga panahon na parang cute nga ang binata ngunit ngayon niya lang napansin na deliberate itong nagmumukhang cute sa harapan niya. Hindi niya lang alam kung normal ba iyon dito.
Napailing na lang siya at tumingin sa waterslide. Medyo may pagkalayo siya sa babagsakan ng kung sinumang may planong mag-waterslide. Ang alam niya malapit na ang binata dahil kanina pa ito umakyat ngunit hanggang ngayon 'di niya pa rin ito nakikita roon. Mahaba kasi ang naturang water slide kaya hindi na rin siya nagulat. Kaya naman naghintay pa siya nang kauti ngunit hanggang ngayon wala pa ring Ansel na nag-sla-slide pababa.
Inatake ba 'yun ng pagkaduwag? Naisaisip niya. Tinapunan niya ulit ng tingin ang slide. Wala pa ring mukhang bababa roon. Napailing na lang siya at umalis na sa tubig.
Dala dala ang tuwalya na isinampay niya muna sa golden bush, nagsimula siyang maglakad papunta sa tuktok ng water slide. May hagdan na gawa sa bato na kailangan niyang tahakin. Huminga siya nang malalim bago nagsimulang maglakad
Hindi rin nakakasakit ng hita ito, ah, komento niya sa isip dahil sa kalahati pa lang ay pagod na siya. Sinilip niya ulit ang waterslide at may nag-slide na roon pero hindi si Ansel. She would recognize him anywhere, kahit pa medyo may pagka-near sighted siya.
Nagpatuloy siya sa pag-akyat at minabuti niya pang mas bilisan na lang at para maabutan niya ito. Nakaramdam na kasi siya nang pag-alala na baka may nangyaring masama sa binata. Ang alam niya naman ay may taong mag-ga-guide sa mga mag-wa-waterslide kaya imposibleng walang makakita roon. Pero, malay lang niya. Baka lang.
Nang naabutan niya na ang waterslide ay hingal na hingal na siya. Ngunit nang igala niya ang paningin sa paligid ay mukhang wala naman dapat pala siyang ikabahala.
Ang magaling na lalaki ay pinalilibutan naman pala ng mga seksi. Tatlong matatangkad, makikinis, mapuputi, at mukhang mga foreigners na babae ang kumakausap dito. At ang mokong naman ay in-e-entertain ang mga ito. May panaka-naka pang ngiti siyang nakikita.
Basa na siya dahil sa pool pero pakiramdam niya isinali siya sa Ice Bucket challenge at pinaliguan ng yelo. Of course. Hindi dapat siya magulat. Ansel is an eligible bachelor. Alam na niyang gwapo ito at bagay maging model kaysa sa kasalukuyan nitong propesyon. Simula ng College sila ay marami nang nagkakandarapa rito. May sarili nga itong Fans Club noon e.
Ngayon nga lang niya nalaman na hindi siya espesyal. Siya nga lang pala ang babaeng sinamahan nito kasi nga sinuhulan kuno ng kakambal na kapatid. Ngali-ngaling sampalin niya ang sarili. Just when she was starting to think that he's nicer than ever and that he's acting cute for her... this happens.
Bakit naman nagseselos ka? May crush ka ba ulit? Tanong ng lohikal na parte ng kanyang utak. Napailing na lang siya. Ako may crush? Imposible! Depensa niya. Wala siyang crush dito, hindi niya nga alam kung bakit siya nakakaramdam ng selos. Kaya pala ayaw ka niyang sumama.
Napailing ulit siya at out of impulse and whatnot, nag-martsa siya papunta sa waterslide. Hindi niya alam kung nakita siya nito, basta linapitan niya lang ang staff na naroroon.
"Hi, Miss. Mag-wa-waterslide ka ba?" Tanong ng staff sa kanya.
Ngumiti siya nang pagkatamis tamis rito. "Sure, Kuya. Kailangan ba ng swim vest?"
"Pwede, Miss. Gusto mo ba?"
Tinitigan niya ang water slide at napalunok. Mahaba ang lalakbayin niya at kung wala pa siyang vest, hindi na siya magtataka kung sakaling malunod man siya. Sa halip na paunlakan si Kuya Staff sa alok nito, umiling na lang siya.
"Live and learn," bulong niya sa sarili at pasimpleng sinilip ulit ang binata. Hindi pa rin nito napapansin na nandoon siya. Pinagtaasan siya nito ng kilay. Hmph!
"Miss?"
"Ah, wait lang, Kuya. Nakikita mo ba 'yung mestisong kulot na 'yun?"
Itinuro niya si Ansel at tumango naman ang staff. "Bakit Miss?"
"Pag asa slide na ako at medyo napababa na, pasabi sa kanyang walang naghihintay sa kanya sa pool area, okay?"
Hindi man nito naintindihan ay tumango pa rin ito saka siya iginaya sa slide. Nang nagsimula na siyang madulas, nag-ti-tili agad siya dahil mabilis pala iyon. Pakiramdam niya mananakawan na siya ng hininga sa kakasigaw habang paikot-ikot siya sa slide. Magkakasakit na ata siya kapag naabot niya pa ang pool area ng buhay.
ALAM NI ANSEL kung kanino nanggaling ang sigaw na iyon. Ilang beses na niyang narinig iyon simula nang dalhin niya ang dalaga sa mga gusto niyang puntahan. Kung naririnig niya iyon ngayon ay isa lang ang ibig sabihin noon.
Hindi na siya nag-paalam sa mga kausap, sa halip nagmamadaling tinakbo niya ang batong hagdan para maabutan niya ito bago ito umabot sa pool. Dahil walang katangkaran at hindi confident sa malalim na lugar, hindi siya sigurado kung kakayanin ng dalaga ang bumagsak mula sa waterslide. Ang babagsakan kasi nito ay 6 feet. At kung siya iyon ayos lang sana dahil marunong naman siyang lumangoy.
What the hell did that woman do? Naiinis na naisaisip niya nang maabot na niya ang pool, tumitili pa rin ito at mukhang malapit na itong mahulog.
Without thinking twice, tumalon siya at lumangoy papunta sa direksyong maaring mahulugan ng dalaga. Saktong nahulog ito roon nang makaabot siya at mukhang nahihirapan agad itong umahon. Agad niyang nilapitan ang dalaga at inalalayaan papunta muli sa itaas. Kumapit sa kanya ang dalaga at inihit agad ito ng ubo. Inalo niya ito sa pamamagitan ng mahina niyang pagpalo sa likod nito.
Hindi nagtagal ay nakahinga na rin nang maayos si Cass at nang makita siya nito, nagsimula itong magpumiglas. "Let me go!"
"Hey, stop pushing me or I'll drop you!"
"I don't care, let me go!"
Nakakunot noong binitawan niya nga ang dalaga at dahil hindi nito kaya ang lalim ng pool ay unimpressed na inalalayaan niya ulit ito pabalik. "Ano? Gusto mo pa ring bitawan kita?" Nababagot na tanong niya rito. Umiling na ito at sa halip ay humawak na lang sa mga braso niya. "P-Pwede bang ibalik mo ako sa four feet?"
Tumango siya at inilangoy ito sa four feet. Agad itong lumangoy palayo sa kanya nang makarating na sila roon na ipinagtaka naman niya. Sa pagkakaalam niya wala naman siyang ginawang masama rito. He even asked her to just wait here instead of pushing her to the water slides. Napahalukipkip siya.
"Anong ginawa ko at bigla kang nag-waterslide?" Seryosong tanong niya rito. "If I didn't hear you back there, baka nalunod ka na ng wala sa oras."
"May lifeguard naman," sagot nito at may nahihimigan siyang inis sa boses nito. Well, pasensya na lang ito dahil two can play that game. If she's going to be this sarcastic ay hindi niya ito uurungan.
"Bullshit," wala sa mood na sabi niya. "Just tell me, Caz. Hindi ka gagawa ng bagay na alam mong hindi safe. I know that, you know that. So, what brought this on?"
"Wala, bakit ba worried ka? Ano ngayon kung gusto kong mag-waterslide?"
Gusto niya ulit magmura, hindi niya alam kung bakit naiinis ito at gusto niyang kumalma. Huminga siya nang malalim at nagsimulang magbilang pabaliktad simula sa lima bago niya ulit ito kinausap. "Hindi naman kita pinipigilang mag-waterslide, Caz. Sasamahan pa kita kung sinabi mo sa akin. Just... why did you do something so reckless?"
"Hindi mo sinasagot ang tanong ko, Ansel," matalim na sabi nito. "I'm asking you why you're worried. Nang nakita kita roon, you don't look worried to me."
"What do you mean?"
"Atsaka bakit ba andito ka? Bakit ako ang hinahanap mo e andami mong girlalu kanina? Ano 'yun, feel mo magagalit sa'yo si Greta kung hindi ka mamansin ng ibang babae?"
Parang may sumuntok sa kanya sa narinig. He looks at her and it's clear that she's jealous. Hindi man nito iyon inaamin sa sarili pero klarong klaro ito sa hitsura ng dalaga. Parang bula na nawala ang inis niya at sa halip, natawa na lang siya na mas lalong ikinainis naman nito.
"Aba, akala mo joke 'yun, ah. Pwes, manigas ka riyan. Marami namang gwapo rito, akala mo ikaw lang," sabi nito at akmang mag-wa-walkout pa ito ngunit agad niya itong pinigilan. He holds her at arms' length and gazes at her fierce beautiful brown eyes.
"You're so cute, Caz," mahinang usal niya. Nakangiti pa rin siya na parang nanalo siya sa lotto.
Hindi pa rin maganda ang timpla ng mukha ng dalaga at inirapan lang siya nito. "Alam kong cute ako, kaya nga maghahanap ako nang makaka-appreciate di'ba? Kaya bitawan mo nga ako, Ansel."
"Look, Cassidy. Co-workers ko ang mga iyon," paliwanag niya. "Kakabakasyon lang rin nila at gusto nilang malaman kung saan ang magagandang spot rito sa Villa. And, bago ka humirit diyan, may boyfriend na ang dalawa sa mga nakita mo at may asawa na yung isa."
Bigla namang nagbago ang ekspresyon nito at agad itong namula sa hiya. Ngingiti-ngiti lang naman siya rito. Hindi niya alam kung bakit ngunit malaman lang na nagseselos ito ay natuwa na siya.
"A-Ah, ganon ba? Bakit hindi mo sinabi kaagad?" Tanong nito na nautal pa bago nakapagsalita nang maayos.
Napailing lang siya. "Caz, are you seriously jealous?"
Mas namula ang mukha nito. Na-tempt siyang yakapin ito ngunit hindi niya nagawa dahil mabilis na tinanggal ng dalaga ang mga kamay niya sa braso nito. "H-Hindi ah, sabi ko nga hindi lang ikaw ang gwapo rito."
Nagmadali pa itong umakyat sa pool at dali-daling umalis. Sinundan niya lang ito ng tingin at saka lang niya napansin na parang hindi na siya mawawalan ng bukas sa kakangiti. Oh, Caz.