Chapter 15 - Getting Drunk

ACOUSTIC NIGHT NG gabing iyon kaya sa halip na dumiretso ng uwi, inimbitahan ni Cass si Ansel na pumunta sa beach. May mga indie artists kasi na tutugtog sa gabing iyon at ilan doon ay minsan lang niya makita na nag-la-live. Sa mga banig sila uupo habang may dumadaan na waiter na may dala dalang mga drinks. May entrance fee lang at willing naman siyang magbayad.

"Nakakadalawang linggo at kalahati na pala tayo rito, ano?" Tanong ni Cass sa binata nang makahanap na sila nang mauupuan. Nagsimula na ang tugtugan at napakasenti ng kanta ngunit maganda naman sa pandinig.

"Buti natagalan natin," nakangiting sabi ni Ansel sa kanya. Kanina pa ito ngumingiti at gusto na niyang tanungin kung ano bang nangyayari rito o kung nagkasakit ba ito bigla.

Napailing na lang siya. "Ang ibig mong sabihin buti natagalan kita."

"Really, now."

May nag-o-offer sa kanila ng drinks at hindi siya nagdalawang isip na kumuha ng isa. Hindi naman siya palainom at hindi niya pa alam kung hanggang kailan siya tatagal. But the night is young, there's good music, at si Ansel lang naman ang nakakakilala sa kanya roon kung sakali. Kumuha rin ng inumin ang binata.

"Totoo naman," pagpapatuloy niya sa nauna nilang usapan. "Buti natagalan kita kasi ang akala ko hindi talaga kita matatagalan."

Saglit na uminom muna ito bago nagsalita. "Well, I'm sorry to disappoint."

"Iyon na nga," tinikman niya ang sariling inumin at naramdaman niya agad ang pait. She didn't like it but she tried not to let that show. Kung napansin man iyon ng binata ay hindi na ito nag-komento pa. "I mean, 'wag kang ma-o-offend, ah," pagpapatuloy niya. "Uulitin ko lang kung ano ang sinabi ko nung asa ferris wheel tayo. You know you used to be cold and unapproachable, right?"

Tumango lang ito at himala namang hindi nagbago ang ekspresyon nito. Sa halip, nanatili itong nakangiti na parang in-e-encourage siya na magkwento at sabihin kung ano ang gusto niyang sabihin.

Mataman niya itong tinignan at umiling na lang siya. Sayang ang gabi kung sisirain niya lang dahil magiging senti na naman siya. Sa halip, iniba na lang niya ang usapan at pinagusapan na lang nila ang mga indie artists na tumutugtog ngayon. And surprisingly, Ansel had a good taste in music dahil nagsimula pa itong mag-suggest ng iba pang mga indie artists na hindi niya pa narinig ang pangalan noon.

"Akala ko mahilig ka sa mga classic na kanta," aniya. "Alam mo na country. Lagi kayang nagrereklamo sa akin si Greta noon kasi ayaw niya ng country."

Tumango ito at kumuha ulit nang maiinom. Samantalang inubos niya muna ang sa kanya bago siya umabot pa ng isa. Unti-unting nasasanay na siya sa lasa nang iniinom niya. "You know, Caz."

"Yes?"

"I think marami tayong maling akala sa isa't isa."

Siya naman ang tumango. Ang bakasyon na iyon ang tumulong sa kanya para maintindihan at masilip kahit kaunti ang buhay ni Ansel. Isang bagay na hindi niya nagawa ng College sila at isang bagay na hindi niya aakalaing magagawa niya na wala si Greta, ang middle man nila. Ngumiti siya rito. "So, what do you think about me? First impression versus ngayon?"

Bago ito nakasagot ay may sumunod ng kanta at romantic iyon. Dahil doon ay nagsimulang magsitayo ang mga tao at kanya kanyang nagpareha. Hindi niya alam kung ano ang nagaganap ngunit napatayo na rin siya.

Umabot iyon hanggang sa lahat na ng mga taong naroroon ay may kapareha. Liningon niya si Ansel na mukhang hindi man lang nag-effort na maghanap nang makakasayaw.

"Hindi ka sasayaw?" Tanong niya rito at sa halip na sagutin siya ay inilahad nito ang kamay sa kanya. "Don't worry. Hindi ako magrereklamo kahit na matapakan mo pa ako."

Flattered naman siya kaya tinaggap niya ang kamay nito. Nagulat naman siya nang gumalaw na sila. Magaling pala itong sumayaw, sumusunod lang siya at sinubukang 'wag tapakan ang paa nito. Hindi siya successful. Dahil sa pangalawang ikot nila, natapakan niya ang paa nito. "Oh gosh, sorry," mabilis niyang sabi ngunit nakangiti lang ang binata. Sa halip, hinapit lang siya nito palapit.

She felt his hand on the small of her back and his warm breathing on her nape. Nagsimula na naman siyang kilabutan... but right now, ayos na iyon sa kanya.

Maybe dahil nakainom siya, maybe dahil malamig ang hangin, maybe dahil maganda ang kanta. But this time, hindi siya takot na maging napakalapit rito. She's even willing to welcome the feeling at ang mabagal na pagpintig ng kanyang puso.

"Caz," mahinang bulong nito sa tenga niya. "You're beautiful, you're smart, and you're brave. Iyan na ang tingin ko sa iyo ngayon and I'm proud of the person you've become. Medyo safe kid ka rin pero ayos lang sa akin iyon, ako na ang bahala kung kailangan mong makaranas ng mga extreme activities. Sasamahan pa kita kung gusto mo."

Hindi niya napigilang mapangiti. "Bolero ka naman."

"Sa iyo lang."

"Che. Mamaya maningil ka riyan. Wala akong pambayad."

"You don't believe me?"

Ipinatong niya ang kanyang ulo sa dibdib nito at pinakinggan ang pintig ng puso ng binata. His heartbeats are slow and steady. It's nice hearing someone else compliment her on things that she didn't think was true before. Especially, when it comes from this guy. "Maybe."

BUTI NA LANG at naroroon sila sa cabin, iyon ang naisaisip ni Ansel nang subukan niyang kunin ang baso sa dalaga na mabilis namang iniwas nito sa kanya.

"Lasing ka na," nag-aalalang sabi niya rito. Bago kasi sila bumalik sa cabin ay kumuha pa ito ng dalawang bote ng alak. Kaunti lang ang nainom nito mula sa Acoustic Night ngunit nakakatatlong baso pa lang ito ngayon ay lasing na ito. Kung alam lang niyang mababa ang alcohol tolerance ni Caz ay kanina pa niya ito pinigilang uminom.

Ngiting-ngiti naman ang dalaga at uminom na naman. "Jusst let me be..." sabi nito sa boses na parang bata. "Ngayoon lang ako uminoom, Ansel... anddd I feel so dizzy."

"Ang baba ng alcohol tolerance mo, Caz. Tama na," kinuha na niya rito ang susunod na baso at siya na ang uminom doon. Kumpara rito, mataas ang alcohol tolerance niya, kailangan maghapon siya uminom para lang malasing. Greta complimented him on that and had jokingly asked if she can learn his ways.

"Hmm... ang KJ mooo namaaan," reklamo ng dalaga ngunit hindi naman ito kumuha muli ng baso, sumandal lang ito sa pader.

Uminom ulit siya and boy, does he need a drink. Matagal din siyang hindi nakahawak ng bote ng alak dahil hindi niya alam kung gusto bang uminom ng dalaga. Hindi naman siya palainom, every two weeks lang para maka-unwind naman siya.

"Anseeel."

"Yes?"

Inayos nito ang upo at umabot na naman ng inumin. Hindi na niya ito pinigilan. Uminom muna ito bago nagsalita. "Alaam mo, ang gwaapoo moo."

Napailing lang siya sa sinabi nito. Ang cute nitong malasing. Bukod sa umiba ang speech pattern nito ay para itong batang tuwang tuwa dahil binigyan ng kendi.

Inabot siya nito at sumandal sa kanyang balikat. "Ang gwaapoo mooo peroo ang sungit mo," dugtong nito.

"Lasing ka na nga, paulit ulit ka na e."

"Nooo.... this isss something elshh."

"Okay. Anong bago?"

Agad siyang uminom ng isa pang baso dahil nahihimigan na niya ang gustong sabihin nito. It's the one thing that he didn't want her to bring up and hopes they can both forget. Especially, with what he feels for her right now.

"Ang shungit mo noon, ang drama mo pa. Makahpunit ka ng love letter, wagash. Do you know how mush that hurt? Ang epic mo pah, 'di ka marunong magpunit," dinuro pa siya ng dalaga sa dibdib bago tumawa at pinagpag ang kamay sa kanyang balikat. "Ang hirap mag-move on shayo, alahm mo bah..."

Kumuha na naman ang dalaga ng isang baso at dahil medyo distracted siya sa sinasabi nito, hindi na naman niya ito pinigilang gawin iyon. Instead, he watched her, checking her expression. She looked hurt as she looked at him and he didn't know what to do.

Pinalis naman ng dalaga ang malungkot na ekspresyon at ngumiti muli, "Who am I kidding? Syempre 'di ako maka-move on kashi... dalawang taon rin iyon, Anshell... I liked you so much for two long yearshhh."

Uminom muna siya mula sa isa pang baso bago siya nagsalita at pinagsisihan niya ang sariling tanong matapos niyang banggitin iyon. "Why did you like me so much, Cassidy?"

Itinaas nito ang ulo para tignan siya at hindi siya nagpakita ng kahit anong ekspresyon. Tinignan niya lang ito nang mabuti at chi-ne-check ang maaring pagbabago ng ekspresyon nito.

"Kashi ang pogi mo nga," natatawang umiling lang ito. "Nah... I'm just kiddinggg, hindi ako mababaw, Anshelll. I liked you becaushe you can shtand up for what you believe in. I liked how you don't let anythiiing affeeect youu. Alahm mohhh 'yunn, cool ka lang. E, ako hindi... Ang baba ng shelf-eshteem ko... wala akong braveneshh... wala..." She dropped her gaze and lightly pressed his arm. "Liking you gave me confidenceshh... and shtrength kashoo ni-reject mo ako... So syempre nahiraapaan akoo... Ilahhngg araaw rin ako umiyaakk, itaataakwill na ngaaa akoo ni Gretaa noon."

"Caz," his expression hardened and he felt the strong urge to apologize "I'm--

Itinaas ulit nito ang ulo at inilapat ang daliri sa kanyang mga labi. "Bakhitt moo baa ako tinatawag na Caz? Pausho bah yan? What doesh that even mean?"

He smiles lightly. He never told anyone what that meant. Noong una, it means something negative, pero nang lumaon, iyon na ang pinaka-positive na meaning ng nickname na ibinigay niya rito. "It meant destroyer of peace."

Napakurap ito at kahit lasing naintindihan nito ang sinabi niya kaya nakatanggap agad siya ng palo sa balikat. "Ano ka baa? Ang shama mo. Bakit naman 'yan ang nickname koh?"

"Saka ko na i-e-explain. Secret na lang muna."

"Shekret ka naman ng shekret," kukuha ulit ito ng baso ngunit pinigilan na niya ito at liningon siya ng dalaga. She narrowed her eyes at him.

"KJ..." And with unbelievable strength, itinulak siya nito. Dahil sa ginawa nito ay napahiga siya at napadagan naman ito sa kanya. Sinubukan niyang gumalaw at akma sanang ibabalik niya ang dalaga sa kinauupuan nito ngunit hindi niya nagawa. Nakatingin kasi sa kanya ang dalaga, especifically sa mga labi niya.

He suddenly felt very conscious of everything. Her breathing. His breathing. The sound of the aircon in their room. The sound of the wind outside.

"Ansel," nagawa nitong sabihin ng diretso. Hindi na siya nakasagot dahil dahan dahan nitong pinutol ang distansya sa kanilang dalawa at hindi siya pumikit. Ngunit bago pa mas nakalapit ito, mabilis niyang tinakpan ang bunganga nito. And smiling slightly, he shakes his head. "Not when you're drunk, Caz."

Mataman naman siyang tinignan nito bago ito tumango. Umalis na rin ito sa pagkakadagan sa kanya at humiga na lang sa kanyang tabi.

Kinumutan niya ang dalaga at hinintay na makatulog ito bago akay akay ang huling bote, lumabas siya ng cabin.