Chapter 6 - Vacant Expression

ANG LAST DAY ng Spyware at Anti-virus convention ng Google na pinupuntahan ni Ansel ng mga nakaraang araw ang kinailangan niyang ikansela para kay Caz. Maaga siyang lumalabas para sa convention dahil mga dalawang oras ang layo niyon mula sa Villa, ngunit ngayon naroroon siya boredly scrolling through his social media feed.

Kanina pa kasi nasa CR ang dalaga at kung hindi lang siya sanay kay Greta ay baka iniwan na niya ito. Speaking of that twin sister of his, kinuha naman nito in exchange ang plano niyang kuning trip sa Palawan. Ngayon nga ang flight nito at ng nobyo nito. Okay lang sa kanya iyon dahil ilang beses naman na siyang pumunta sa Palawan.

He sighs.

It's not like he didn't want to be there. The Villa was promising. Hindi niya pa naman naikot iyon ngunit kinabisado niya ang guidebook at alam niyang maganda ang makikita niya. May mga aktibidades din siyang gustong subukan basta lumabas lang ang dalaga sa CR nila.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa dalaga. Malaki na rin kasi ang ipinagbago nito. Noon, ni hindi siya nito matignan ng hindi namumula ang kanyang mukha. Hindi rin niya ito makausap dahil hindi niya alam kung ano man ang maari niyang masabi rito. Kahit naman hindi niya subukan ay para itong robot na biglang binuhusan ng tubig makaisang kataga lang siya.

Surprisingly, she's more confident now. Hindi na ito hesitant na tignan siya at kausapin siya. Inaaway pa nga siya nito.

Kung magiging totoo siya sa sarili, mas gusto niya ang bersyon na ito ng dalaga kaysa sa kung sino ito noon. He liked the fact that she was being confident and that she can talk to him without the barrier of being her crush.

Napailing na lang siya. Napagusapan naman na nila kahapon, hindi na niya kailangan pang isipin pa.

Sakto namang lumabas na ng CR ang dalaga. Naka-shorts ito at may suot na simpleng flowery white shirt, which was an interesting and still surprising sight to him. Never niya pa itong nakitang mag-suot ng damit na hindi lampas ankles nito.

Tumayo na siya. "Kanina ko pa iniisip na mag-barge in at ang tagal tagal mo sa loob."

Mukhang nag-effort ito kahit hindi nito gustong ipahalata. Nadagdagan kasi ng glow ang mukha nito kung ikukumpara niya ito sa oras na nakita niya ito ng mga nakaraang araw. Well, technically, hapon na niya ito nakikita, malamang hindi na fresh ang makeup nito. Mukhang hindi naman ito nag-e-efort na mag-retouch, hindi katulad ng kakambal niya na kada tatlong oras ay nag-re-retouch ng makeup nito.

Napasimangot ito. "Well, excuse me."

Binigyan niya lang ito ng tipid na ngiti. "Anong plano natin ngayong araw?"

Malawak ang ngiting nilampasan siya nito para kunin ang guidebook. Itinuro nito ang lahat ng activities na gusto nitong gawin ngayong araw. Isang beses niya lang tinignan ang mga iyon at pakiramdam niya mababagot na siya.

Sa halip na magkomento, ngumiti na lang siya. Siya naman ang nag-offer na samahan na ito. "Okay, looks exciting."

"Ows?"

Tinignan niya ito. Hindi ba siya convincing? "Of course not," nasabi na lang niya at mukhang hindi naman siya makakapagsinungaling dito. "Pero kung iyan talaga ang gusto mong gawin ngayon, alangan naman pigilan pa kita. Sasama lang naman ako."

"Alright, good one," tinapik nito ang balikat niya. "Tara na?"

GUSTO NANG BAWIIN ni Ansel ang sinabi niya rito. Bagot na bagot na kasi siya at kailangan na niya ng adrenaline rush. Kailangan niya lagi ng brain activity lalo na kung wala siya sa trabaho. Sanay siyang laging may brain activity. Kung wala, mamamatay siya sa boredom.

Mukha namang nag-e-enjoy ang dalaga sa ginagawa nito. Ang role na nga niya siguro ng araw na iyon ay maging photographer nito. Maniningil na siya mamaya para lang mawala ang boredom niya.

Hindi naman sa hindi niya na-appreciate ang mga pinupuntahan nito. Sobrang kalmado lang.

Ngayon nga ay nakaupo sila habang nakababad ang mga paa nila sa tub. May mga maliliit na isdang paroo't parito sa mga paa nila. It was nice and relaxing, he can give it that.

"Hindi ka rin nagaaksaya ng panahon para maging expressive ano," komento ni Caz sa kanya. Kahit anong sabihin nito, sa loob loob niya, Caz pa rin ang tawag niya rito. It was a name that he held some meaning to.

Hinarap niya ito at nginitian. "Well, I'm still here, aren't I?" tanong niya. "Kung bored na bored ako dapat iniwan na kita kanina pa."

Napapailing na lang ito. "Bored ka sa relaxing events? Bakit naman?"

"Masyadong kalmado, hindi ako makapag-isip."

"Ah... Ano 'yan, special exercise ng mga matatalino?"

"Yes."

Natatawa ito at saglit na pinalo siya sa braso. Her hands are small and a little chubby kaya para siyang pinapalo ng bata. "Ewan ko sa'yo. Kung bored ka bakit ka pa sumama sa akin?" Bago niya masagot ito ay nagsalita na naman ang dalaga. "Bored ba akong kasama? I mean, never pa naman tayong nagsama for more than thirty minutes at ngayon lang tayo nag-hang out talaga. Pero 'di ka naman boring kasama kahit nakabusangot ka the whole day."

Tinignan niya ito. Hindi niya pa naisip kung nakaka-boring ba itong kasama. Mas nag-focus kasi siya sa boredom na nararamdaman niya sa pagsama sa mga aktibidades nito. "Pag-iisipan ko pa."

"Huwaw naman. Lahat ba ng bagay pag-iisipan mo pa? Relax ka naman sa pag-iisip, Kuya."

"Ako ba? Bored ka na ba sa akin?"

"Ang cute niyo namang dalawa," komento ng isang Ale na isa sa mga staff doon. Sila na lang kasing dalawa ang naroroon at hindi na milagro kung naririnig ng mga ibang taong naroroon ang pinaguusapan nila. "First time niyo lang ba rito ng boyfriend niyo, Ma'am?" Tanong nito kay Caz na agad namang umiling bilang sagot.

"Ay, hindi ko po siya boyfriend," pagklaklaro nito.

Tinignan niya ito nang mabuti at may naisip siyang ideya. Ipinatong niya ang kamay sa kamay nito. Pinandilatan siya ni Caz at hindi niya pinansin iyon. Ngumiti lang siya sa Ale.

"Sus, nahiya ka pa, Caz," malawak ang ngiting inusal niya. "Opo, first time lang po namin ng girlfriend ko rito."

Natuwa naman ang Ale at nagsimula na itong makipagkwentuhan sa kanila. The whole time, hindi niya inalis ang kamay sa kamay nito at hindi naman nito tinanggal iyon. And despite how small her hand felt on his, it felt warm.

AGAD NA HINILA ni Cass ang kamay mula kay Ansel ng makalabas na sila sa Fish Spa na iyon. Nakisakay na rin kasi siya sa ginawa nito para naman hindi na siya makagawa ng eksena roon. Ngunit, ang magaling na lalaki ay plinano pang makipag-holding hands sa kanya paglabas nila ng spa.

"Hindi ka rin bored na bored ano?" tanong niya rito.

Ngumiti ito. "Yep."

Napailing na lang siya. It didn't feel nice being labeled as his girlfriend kahit pa joke lang iyon. Hindi niya alam pero nakaramdam lang siya nang kakaibang nerbyos simula nang hawakan nito ang kamay niya. Kung mabilis lang makaalis kanina, baka w-in-alk out-an na niya ito. "Wag mo ulit gagawin iyon, ha?"

"Why not?" Amused na tanong naman nito. "Ayaw mo ba ng gwapong boyfriend?"

Pinalo niya ang braso nito. "Che. Ano ngayon kung gwapo ka?"

"Hmm?" isang nakakalokang ngiti ang gumuhit sa mga labi nito. "Really? Ang pagkakaalala ko'y medyo natagalan kang tumitig sa akin kagabi."

Oh God. Mabilis niyang tinakpan ang bibig nito. "Ano ba? Napaka-misleading nang sinasabi mo, ah. Baka isipin nila may ginawa tayong masama. Ikaw--"

Napatili siya nang kunin nito ang kamay niya at pinutol nito ang distansya ng mga mukha nila. Sobrang lapit nito na nararamdaman niya ang paghinga nito. Napabuka siya ng bibig ngunit tinakasan siya ng mga salita. Sa halip, napatitig lang siya rito. At oo, hindi naman niya tinatanggi na gwapo talaga ito. He had always been handsome.

"So, ano, hindi pa rin papasa?" Nakangising tanong nito. "Ang ganda mong tumitig e."

Itinulak niya ito at naiinis na naglakad palayo. "Ang sama mo, Ansel."

Natatawang sumunod naman ito sa kanya at sabay na itong nakikilakad. Hindi na ito gumawa ng kahit ano na lihim na ipinasalamat niya sa Diyos.

"Ang ewan mo rin ma-bored ah, kung anu anong ginagawa mo," komento niya nang malapit na silang makabalik sa cabin. "Ano bang gusto mong gawin sa buhay?"

"Pagbibigyan mo ba ako?"

Tinitigan niya ito at nagkibit balikat siya. "Sure, para naman hindi ka na bored na bored sumama sa akin," sabi niya. "Nakakainis ka kayang tignan."

Ngumiti ito at tinapik siya sa balikat. "Don't worry, pasasalamatan mo pa ako bukas."