Nagising ako sa mga ingay na nagmumula sa sala. Kanina pa ako gising pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob na tumayo at silipin sila. Simula kagabi hindi pa ako ulit lumalabas ng kwarto. Hindi ko alam kung kumusta na sila mommy wala akong balita kung maayis ba sila. I tried to call my moms phone but its unattended now same as to my dad's phone.
Bigla nalang tumulo ang mga luha ko habang nakaupo sa gilid ng kama at hawak ang phone ko. Ngayon palang sakin nagsisink in lahat ng nangyari kahapon. Parang isang masamang panaginip no its not a dream its actually a nightmare. Being left by the people you love, being alone and no ones their for you is really a nightmare.
"Mommy...m-mommy. Daddy..-daddy bakit kayo ganyan? Ginawa ko naman lahat para maging mabait na anak pero bat ganon? Bat parang walang epekto iniwan nyo padin ako?"-usal ko habang hilam ng luha ang mga pisngi.
Parang naninikip ang dibdib ko at hindi makahinga sa pagiyak na ginagawa ko. Isa lang naman ang gusto ko ang pamilya ko habang buhay sa tabi ko. Pero bakit parang ang hirap ibigay kinuha nya pa ng tuluyan.
"Iha..Shhh tama na. Andito lang kami hindi matutuwa ang mommy mo pag ganyan ka. Ikaw nalang ang ala-alang meron sila so please iha lakasan mo ang loob mo."-pakiusap ni Tita Tanya habang yakap ako. Ang mga mabagal na paghaplos nya sa likod ko ang lalong nagpalakas ng hagulhol ko.
"Tita bat ang unfair nila sakin? Diba nila alam kailangan ko pa sila. Hindi pa ako handang maiwang magisa sana naisip nila yun diba. I never wanted to be rich i just wanted a complete and a happy family."
"Hindi nila ginustong mangyari yun kung meron mang may hawak ng buhay nating lahat ay ang diyos yun. Be thankfull dahil binigyan ka pa ng sapat na oras at panahon na makasama sila. Di man ganoon katagal pero sapat na para maranasan mong lumaking kasama sila. Hindi gaya ng ibang bata dyan na simula sanggol ay wala ng kagigisnang magulang."-paliwanag ni Tita Tanya habang yakap ako.
"Nandito lang kami tandaan mo yan. Marami pang nagmamahal at nagmamalasakit sayo buksan mo ang puso mo. Hindi lahat ng pangyayari ay katapusan minsan ito pa ang nagiging daan para sa bagong pahina. Bumaba kana pag ayos kana huh!"-dagdag nya habang pinupunasan ang mga luha ko.
Tanging ngiti at pagtango lang ang isinagot ko sa kanya. Bumalik ako sa paghiga ng tumayo sya narinig ko nalang ang pagbukas at sara ng pinto hudyat na lumabas na nga sya.
Siguro nga may mga bagay sa buhay nating hindi natin hawak kahit gaano mo pang iplano ang lahat meron paring maiiba. Ilang minuto pa akong nakatitig sa kisame ng hindi alam kung ano ang iniisip. Hanggan sa mapagpasyahan ko ng bumangon nalang at ayusin ang sarili ko para makita ang mga taong nasa labas ng pinto at nagaantay sa akin.
"Luto naba yung mga pagkain? Kailangan na nating madala yan sa chapel baka nagaantay na sila dun."-naririnig kung sigaw ni Tito Winston ang kapatid ni Papa.
Napangiti tuloy ako ng nasa bungad na ako ng hagdan. Busy silang lahat sa kanya-kanyang gawain parang walang nangyaring masamang balita. Nagtutulong-tulong silang lahat para kila Mama at Papa samantalang ako todo luksa akala mo ako lang ang nawalan ng minamahal.
"Hey... Tita Ganda is here.."-dinig kung tawag mula sa likod ko. Nalingunan ko doon si Kuya Mart kasama ang anak nitong cute na cute sa suot nitong bee overall.
"Owww.. The little bee is here. I miss you baby Zet.."-nakangiti kung lapit sa kanila at sinalubong ng mainit na yakap ang batang mukhang tuwang tuwa ring makita ako. This are my family indeed i may lost my parents but i don't lost them my family.
"Hey everybody baby zet makes Tita Ganda smile.."-sigaw ni Kuya Mart sa mga nasa baba. Nakangiti lang silang nakatingin sa amin kaya napangiti din ako lalo habang kinakaway ang mga maliliit na kamay ng batang nasa mga bisig ko.
May mga bagay pala talaga tayong nakakalimutan natin sa araw-araw na pamumuhay natin. Pero sa oras na kailangan mo sila saka mo makikitang andyan pala sila hindi ka iniiwan sadyang sarado lang ang mga isip at puso mo sa lahat. Family really matters than anything in this world.
"Iha tara na.. Baka marami ng tao doon at naghihintay na ang mommy at daddy mo."-nakangiting tawag ni Tita Ynes bago sumakay ng Van na magdadala sa amin sa Chapel.
Doon nakaburol sila Mommy napagpasyahan ko kanina habang kumakain na itatagal lamang sila ng tatlong araw. Gusto kuna silang magpahinga kahit gusto ko pa silang makasama ng matagal wag nalang. Dahil alam kung sa dami ng pinagdaanan nila mas gusto na nilang magpahinga na lamang. Hindi naman porket nasasaktan dapat lahat ng tao sa paligid mo masaktan din. Minsan sapat na ang isa para sumalo ng para sa lahat.
Sobrang ingay ng buong Van dahil sa kwentohan at tawanan nilang lahat. Parang walang namatayan o namatay kung titingnan mo sila . Ngunit kung kilala mo sila sobra silang nagluluksa para sa pagkawala ng dalawang parte ng buhay nila. At ang dalawang bumubuhay sa pagkatao ko noon.
Magisa akong pumasok sa silid kung nasaan sila. May musika kang maririnig mula sa labas konting tao na nakatayo sa labas ng chapel at iilang kakilala na bumabati sa akin habang papasok ako doon.
Noon ang dahilan ng pagpunta nila ay kasiyahan ngayon naman ay pakikiramay. Sadyang mapaglaro ang panahon hindi mo alam kung ano ang mangyayari. Hindi mo hawak ang mga bagay-bagay sa mundo. Kahit gaano ka maghirap o magtrabaho lahat yun hindi mo madadala sa oras na mawala ka. Magiging isang ala-ala at pamana na lamang iyong sa mga taong maiiwan mo.
"Kawawa naman sya napakabata nya pa."
"Sayang yung pamilya nila napakabuti at matulungin pa naman nila."
"Napakaswerte nya dahil maraming naiwang kayamanan ang mga magulang nya."
Yun ang mga naririnig ko habang papalapit ako sa gitna ng chapel na may nakalagay na dalawang parihaba sa gitna. Ang noon na osang malambot na higaan nila ngayon ay isang kahoy na lamang ang kanilang kinalalagyan.
Naramdaman ko nalang ang mahinang paghagod at pagyakap sa akin. Umiiyak na pala habang nakatingin lamang sa kanila. Wala akong ginawa doon sa harap nila kundi ang umiyak naririnig ko na lamang din ang mahihinang hikbi galing sa paligid ko.
"You want coffee?"-tanong ni Xavier ng tumabi sya sakin pero hindi naman sakin nakatingin.
"Masarap ka bang magtimpla ng kape?"-sagot ko din ng nakatingin parin sa hinihimlayan ng mga magulang ko.
Napangiti ako ng bigla syang napalingon sakin at kumamot sa batok nya. Xavier is my cousin from the father side pareho sila ni Kuya Mart. Si Kuya Mart ang eldest saming walong magpipinsan ako naman ang pangatlo sa bunso on both side. At take note halos karamihan sa kanila lalaki kaya no boys allowed saming mga girls.
"Yan tayo ei.. Ikaw na ipagtitimpla choosy kapa huh?"-ingos nya sakin kaya napatawa ako sa itsura nya.
"Hindi pwedeng nagtatanong lang? Sige one caffucino please. "-dagdag request ko pa with puppy eyes pero bigla yung nawala ng makita ko syang nakangiti habang umiiyak sa harap ko.
"I miss you baby.. Were so proud of you pahug nga."-sabi nya sabay lahat ng mga kamay sa akin.
This is all I need a hug,comfort and love from the people that really means a lot to me. Iniwan man ako nila mummy alam kung nasa tamang mga pamilya naman ako. I love them despite of differences we have in life.
"Iwan ka man ng lahat nandito lang kami baby. You have us in every way kahit malayo kami isang tawag lang yan uuwian ka namin dito."-paalala nya habang nakayakap parin sakin at sinusuklay ang buhok ko.
"I know Kuya.. I miss all of you too and thank you for staying with me. Wag ka ng magdrama hindi bagay sayo."
"Nagiging bully kana naman ah! Sige na bibilhan nalang kita ng kape nakakahiya naman sayo."-paalam nya bago tumayo sa tabi ko. Sinundan ko lang ng tingin sya bago umalis kasama yung isa pa naming pinsan.
Natanawan ko sila Tita Ynes sa kabilang side ng chapel na nakatingin sa akin at nakangiti. Isang matamis na ngiti lang din ang isunukli ko sa kaanila. Pasasalamat sa pananatili nila sa tabi ko hindi man ako magsalita alam na nila kung anong pasasalamat ang nararamdaman kung nandito sila sa tabi ko.
"Malakas ako Dad.. Kakayanin ko ito basta lagi nyo akong babantayan ni Mommy ah!"-nakangiti kung bulong habang nakatitig sa mga kabaong na nasa harap ko.
Simula ng dumating ako dito wala akong kinausap o ginawa man lang. Bukod tangi kay Kuya Xavier na syang nangulit sa akin sa paraang mapapangiti kana lamang.
Natakpan ang paningin ko ng isang malaking bulto na nakatalikod sa akin at nakaharap kila Mommy at Daddy. Hindi ko makita ang mukha nito mula sa likod ng kinatatayuan nya. Pero mukhang seryoso nitong sinusuri ang kinahihimlayan ng mga magulang ko.
"Bud.. Buddy.."-dinig kung tawag ni Kuya Mart sa lalaking nakatalikod sa harap ko. Nakalapit na pala c Kuya sa akin hindi ko man lang namalayan.
"Iha kumain ka muna.. You haven't eaten anything."-agaw ni Tita Ynes sa atensyon ko. Pero hindi naman ako naguggutom kahit kahapon pang walang laman ang tyan ko. Parang hindi ako napapagod inaantok o nagugutom hindi ko rin alam kung bakit basta hindi ko sila nararamdaman ng mga oras na yun.
"Mom.. Dad... Tingnan nyo kung sinong kasama ko."-dinig kung tawag ni Kuya Mart na papalapit na sa amin nila Tita Tanya na nasa likuran ko. Mukhang tuwang tuwa sya sa ipapakilala nya. Kasunod nya ang isang lalaking ngayon ko lang nakita.
Seryosong mukha malamlam na mga mata matangos na ilong at mapululang labi. Iyon ang bumungad sa akin ng lingunin ko ang lalaking nasa harap ko ngayon. Isang tipid na ngiti ang ginagawad nya sa bawat taong pinapakilala sa kanya ng pinsan ko. Pero sa bawat ngiti nya ay tinatapunan nya ako ng mga sulyap na hindi ko malaman kung para saan.
"And last but not the least.. You here already diba? Pero bata pa sya nun anyway our little princess Saffy. Baby this is Zil my long lost best buddy ever."-nakangiting pakilala ni Kuya.
Mukha ngang tuwang-tuwa sya makitang muli ang lalaking ito. Siguro sobrang close sila noon pati narin nila Tita Tanya dahil makikita mo ang kasabikan sa kanila.
Pero halos tumaas lahat ng balahibo ko ng bumaling sya sa akin at ngumiti. Ngiting nagagalak ngunit mapanganib iyon ang ngiting bumongad sa akin bago sya naglahat ng kamay at nagsalita.
"We meet again my future wife."-nakangisi nyang saad bago kinuha ang kamay ko at hinalikan.
Nanlamig ako sa buo at seryosong boses nya pero halos ubuhin naman sa gulat ang mga taong nasa paligid ko.
"Woahh.. What the hell Santiniego?"-sigaw na tanong ni Kuya Mart sa kanya. Tinulak pa nito ang balikat nya hudyat na hindi ito nagbibiro.
"Baliw kaba?"-tanging nasabi ko ng makabawi ako sa pagkabigla at iwinaksi ang kamay nyang nakahawak parin sa kamay ko. Imber na mainis ay ngumit lamang sya wala ring bakas ng pagsisisi o pagbawi ng birong ginawa nya.
"Im not joking Buddy.. Im claiming my Collateral Wife, but for now i need to leave. See you again wife!"-nakangiti nyang paalam bago tumalikod at naglakad palabas.
"What the hell.."-ang tanging naibulong ko ng makaalis ang lalaking nasa harap ko... At biglang nagsink in sa akin ang mga sinabi nya ngayon lang.
Wooaaahh... Loading my parents died yesterday and now im somebody's wife. Just wow!