Chereads / A killer's Step || Tagalog Horror / Chapter 3 - Chapter 2 : Bestfriend

Chapter 3 - Chapter 2 : Bestfriend

A killer's Step

Chapter 2 : Bestfriend

5 Years Later

YEHAN POV

"Bilis" Sabi ni Matheo sa akin sabay hila

"Malapit na sila Mat!" Sigaw ko kaya lalo lang niyang hinigpitan ang kapit niya sa akin

"Wag kang mag alala Andrea ako ang bahala sayo" sabi niya. Patuloy parin kami sa pagtakbo at iniiwasang makita kami ng mga naghahabol sa amin

"Ayun sila! Bilis!" Sigaw ng isa sa mga kasamahan nila. Hala! malapit na nila kaming abutan!

Biglang hinigpitan ni Mat ang hawak niya sa akin saka kami nagtakbo sa gubat. Pareho kaming hingal na hingal at ubos na rin ang lakas namin

Napatingin ako sa kanya at seryoso parin siya sa pagtakbo

Hanggang sa

*bang!

Naramdaman ko ang pagbagsak ni Mat. Nanlaki ang mata ko at agad na lumuhod para saluhin siya.

Nakapatong yung ulo niya sa tuhod Ko. dinig na dinig ko ang pagtakbo ng mga tao. Medyo madilim kaya di kami agad mahahanap ng mga taong naghahabol sa amin

"Mat! Mat! Gumising ka!" Naiiyak na sabi ko. Dahan dahan naman niyang minulat ang mga mata niya. Napangiti siya ang bahagya saka hinawakan yung pisngi ko. Hinawakan ko naman yung kamay niya na nakahawak sa pisngi ko. Kasabaya ng paghikbi ko

Maya maya pa ay naramdaman ko ang pagbagsak ng kamay niya. Di na ako naawat at patuloy sa pagiyak

"Napagisipan mo na ba ang desisyon mo?" Napalingon ako at nakita ko nanaman siya. Nakatayo siya sa harap namin

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Nangingiyak parin ako

"Sabi ko. Napagisipan mo na ba ang Desisyon mo sa gusto ko?" Nakangising saad niya. Alam kong di madali ang pinapasok namin ngayon.

Ewan ko pero biglang nabigyan ako ng pag asa. Di ko kakayaning mawala si Mat

"Pag nilagdaan ko ba yan? Mabubuhay kami ni Mat? Pagkatapos ng isang daang taon?" Umiiyak na tanong ko sa kanya. Napangiti naman siya. Isang nakakalokong ngiti

Agad niyang itinaas ang kamay niya at lumabas mula doon ang isang papel

May ibinigay siya sa aking panulat. Nilagdaan ko yun. Kasabay ang pagsuka ko ng dugo

Nabaril na pala ako

Wag kang mag alala Mat. Magkikuta muli tayo

****

wonhae manhi manhi! 🎶 manhi manhi🎶

wonhae manhi manhi🎶 manhi manhi manhi manhi🎶

Napamulat ang mata ko

Panaginip nanaman? Paulit ulit ko nang napapanaginipan yun! Sino ba si Mat? Sino ba si Andrea? At sino yung babaeng may Powers na yun? Nakakaloka ha!. Walang kwentang panaginip na paulit ulit ko nalang napapanaginipan!

Agad ko namang kinuha yung Cellphone ko sa Lampshade saka ko sinagot

"Hel~" Di ko na nasabi ang sasabihin ko nang sumigaw na siya sa kabilang linya

("Yerin! Ano na?! Di pa ba tayo aalis?! 8:30 na! Shete ka naman!") Nailayo ko yung cellphone ko sa tenga ko. Haist! Si Rica nanaman. Si Rica nga pala ang bestfriend ko. 5 years ko na siyang bestfriend since nag move kami at namatay ang ate ko

"Oo na, oo na! Maghahanda na ako!" Sabi ko sa kanya saka ko binaba yung tawag. Hay! May lakad kasi kami ngayon para sa makabili ng regalo ko sa sarili ko. Bukas na kasi ang 15th birthday ko e. Kaya ayun!

Pinayagan na ako ni Daddy. Si kuya Cjay lang naman ang mahirap papayagin -_- masyadong OP. Daig pa si Daddy

Ginawa ko na yung Morning routine ko naligo na rin ako. Nag suot lang ako ng simpleng jeans at White shirt na hanging at Jacket na blue. Wala ako sa mood mag ayos ngayon kaya tinali ko lang paitaas yung buhok ko

"Aalis kana lil sis?" Bungad ni kuya Cjay sa akin pagbaba ko. Obvious ba? Alangan namang dito lang ako sa bahay e naka ayos nga ako diba?

"Oo big bro. Pasalubungan nalang kita. Sige na! Pagbiyan mo na akong gumala ngayon! Birthday ko naman bukas e!" Pagpupumilit ko sa kanya sabay pout. Haha ganun lang naman e! Mabilis lang kasi siyang mafall sa charm ko. Cute ko kasi! Tsk!

Napabuntong hininga siya

Yes! Yes! Yes!

"Sige na nga. Basta mag iingat ka ha?" Sabi niya. Yes! Yez! Yezzzz!

"Yey! Thank you big bro!" Sigaw ko sabay yakap sa kanya. Wahhh! Ang swerte ko sa big bro ko! Kahit na OP yan Minsan, di siya nagsawa sa pagpapakita kung gaano niya ako kamahal! Ang swerte ko nga kasi may Big bro akong ganito e hehehe

Maya maya pa ay may nagdoor bell na

"Ayan na siguro si Rica tsk!" Inis na sambit ni Big bro. Hahaha may crush kasi yang si Rica kay Big bro e. Alam yun ni big bro kaya naiinis siya haha. Ewan ko nga diyan e! Naiinis siya pag may nagkakagusto sa kanya. Ayaw pa niya yun? Atleast gwapo siya

Binuksan ko nalang yung pinto. At tumambad siya na naka white shirt din at naka black pants. Ang ganda niya! Best friend ko yan!

"Beh! Ang tagal mo!" Sabi niya. Sakin sabay hawi sa akin at agad na pumasok

Sabi na nga ba gagawin niya yun e -_-. Lagi naman

"Hi kuya Cjay!" Sabi niya sabay takbo kay bigbro

Hinarang naman ni Big bro yung kamay niya para pigilang yumakap yan si Rica

"Oa mo naman kuya Cjay. Minsan lang naman ako yayakap e hihi" malanding sabi niya. Kaibigan ko ba yan?

"Minsan? E halos araw araw ka ngang pumupunta dito e" sabi ni big bro saka siya umupo sa sofa at nagkape

"Big bro alis na kami ha?" Nakangiting sabi ko at kapit kay Rica. Nanganganib na si big bro sa kanya potek

"Sige na. Ilayo mo na yang Lintang yan" cold na sabi niya. Ang cold niya talaga pag dating sa ibang girls. Sakin lang ata siya mabait e

"Tara na!" Sabi ko sabay hila kay Rica. Ayaw paawat e -_-

"Babye kuya Cjay! Labyu! Misyu! Lablats! Muah muah tsup stup!" Sigaw pa niya

"Ang daldal mo!" Ngiwi ko sabay hila sa kanya palabas ng bahay

***

"Kainis ka naman Yerin e! Yayakapin ko pa sana siya!" Maktol ni Rica sa akin sabay higop nung float niya. Nasa Mcdo kasi kami ngayon e. Nagpapalipas iras. Hay! Nakakagutom kaai e. Yerin? Oo tama yun ang tawag niya sa akin. Kasi YEhan RINee. Ewan ko nga kung saan niya napulot ang palusot na yun. Pero gusto ko naman kaya go lang

"OA mo kasi Rica e. Masyado kang head over heels sa kapatid ko" sabi ko sa kanya sabay kagat sa burger ko

"Crush ko lang naman ah! Saka bat kasi ang cute niya hihi" pinalo ko naman siya ng kutsara

"Lande mo uy" sabi ko sa kanya

Pagkatapos nun di na ako nagsalita

Iniisip ko yung panaginip ko kagabi

Bakit lagi kong napapanaginipan yun? May koneksyon ba yun sa buhay ko? Sino yung lalaking kasama ko habang tumatakbo? At sino yung babaeng may powers?

Anong klaseng panaginip yun?

At bakit mabubuhay kami pagkatapos ng 100 years?

Sa lugar na iyon. Para siyang decades ago. Masyadong luma ang damit namin at yung mga guns nila luma rin

Anong ibig sabihin nun?

"Yerin girl! " nabalik ako sa realidad nung pumitik na si Rica sa mukha ko

"Problema mo girl?" Sabi niya sabay subo nung fries

"W-wala" umayos naman siya ng upo saka ako tinitigan

"Napanaginipan mo nanaman yun no?" Sabi niya. Oo nga pala. Matagal ko na kasing napapanaginipan yun e. Kaya sinabi ko na sa kanya

"Ah-eh oo eh" sabi ko sabay yuko at buntong hininga. Hanggang ngayon di ko parin maintindihan kung anong meron sa panaginip kong yun. Feeling ko parang conectado talaga siya e

"Kalimutan mo na kasi yung creepy dreams na yan! Wag mo nang asahang dadating si Boy Mat" sabi niya sabay higop ulet sa float niya

"Gaga! Di kaya ako umaasang dadating yun!" Angal ko sa kanya sabay ngiwi. Napabagsak naman sa lamesa yung float niyang wala nang laman

"Tara na ghurl! Gora na tayo!" Sabi niya sabay hila sa akin. Di ko pa ubos fries ko -_-

"Kainis ka naman Rica e! Di pa ubos fries ko!" Maktol ko sa kanya.

"Yaan mo nalang yun! Late na tayo oh! Mamaya di na tayo makabili ng things mo!" Sabi niya kaya nagkibit balikat nalang ako

"Aw!" Daing ko nang mabangga ako. Nalaglag yung mga dala ko T^T. Di ko alam kung paano. Kasi medyo open yung bag ko e. Kaya ayun! Lumuhod ako para kunin ko yung mga nalaglag

"Sorry po!" Sabi nung boy na nakabanggaan ko

Lumuhod din siya para tulungan ako. Bait naman niya ^_^

"Sorry" sabi niya sabay bigay sa akin yung mga napulot niya. Napa angat naman ako ng ulo para makita siya

*dug dug dug

Napahawak ako sa heart ko

Anong meron dito?

Bakit parang parang nakita ko na siya?

Nagbow siya at aalis na sana pero hinawakan ko muna siya sa wrist niya

"Teka. Na-nagkita na ba tayo?" Tanong ko napakunot naman yung noo niya

"What are talking about miss? Pasensya na pero nagmamadali ako" sabi niya sabay alis ng kamay ko sa wrist niya saka alis

*dug dug dug

"Ghurl! Ano pang ginagawa mo diyan? Tara na!" Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya saka dahan dahang tumango

***

"Babye Yerin!" Sigaw niya kaya napakaway nalang ako. Nasa bahay na ako

Tinignan ko yung wristwatch ko at 4:30pm palang. Medyo maaga pa

"Oh nandito kana pala lil sis" bungad ni kuya pagkapasok ko. Nakasout siya ngayon ng orange na apron. Nakaluto na pala siya

"Opo big bro" sabi ko sabay punta sa kanya saka ko siya kiniss sa cheeks. Sweet namin no? Haha ganyan kasi kami e

"Oh umalis na si Linta?" Sabi niya kaya napangisi ako

"Bakit? Miss mo na si Rica no?" Nakangising tanong ko sabay sundot sa tagiliran niya

"Like hell! Di kaya!" Deny niya sabay upo. Napatawa nalang ako sabay upo na rin

"Asan pala si Daddy?" tanong ko sa kanya

"Overtime nanaman daw siya e" sabi niya kaya lumungkot ang mukha ko

"Ok lang yan Lil sis! Uuwi din siya bago ang birthday mo. Kain na tayo" sabi niya kaya napatango nalang ko

AUTHOR'S POV

"Rica" napamulat ang dalaga nang marinig niya ang pangalan niya.

"Sino yan?" Sigaw ng bata pero wala siyang narinig na response. Bumalik nalang aiya sa pagtulog. Pero bago yun. Nasilip niya ang orasan

"11:50pm" bulong niya sa sarili sabay tulog ulet.

Maya maya ay wala sariling napatayo ang dalaga. Isinoot niya ang tsinelas niya at dahan dahang naglakad. Patung:o sa pinto

Nakapikit at wala sa sarili ang dalaga Na tila ba ay may humihila at kumokontrol sa kanya

Maya maya pa ay di niya namalayan ay nasa labas na siya

Samantala.....

(Now playing : Rough By Gfriend)

"Micho malhaji moteso! Damal narul joaheso! Orin nare kumchorom machi gi jochorom! Shiganul dalyoso uren ni dwel suman itdamyeon! Gochin sesang sogeso sonul jabajulge!"

Pagsabay sa kanta ng isang driver ng truck. Kasabay ang pagtugtog ng malakas na tugtog

Di niya namalayan na may Batang babaeng tumawid na pala sa kalsada. Kaya agad niya itong nasalpok

YEHAN POV

Bilis" Sabi ni Mataehyu sa akin sabay hila

"Malapit na sila Mat!" Sigaw ko kaya lalo lang niyang hinigpitan ang kapit niya sa akin

"Wag kang mag alala Andrea ako ang bahala sayo" sabi niya. Patuloy parin kami sa pagtakbo at iniiwasang makita kami ng mga naghahabol sa amin

"Ayun sila! Bilis!" Sigaw ng isa sa mga kasamahan nila. Hala! malapit na nila kaming abutan!

Biglang hinigpitan ni Mat ang hawak niya sa akin saka kami nagtakbo sa gubat. Pareho kaming hingal na hingal at ubos na rin ang lakas namin

Napatingin ako sa kanya at seryoso parin siya sa pagtakbo

Hanggang sa

*bang!

Naramdaman ko ang pagbagsak ni Mat. Nanlaki ang mata ko at agad na lumuhod para saluhin siya.

Nakapatong yung ulo niya sa tuhod. Ko dinig na dinig ko ang pagtakbo ng mga tao. Medyo madilim kaya di kami agad mahahanap ng mga taong naghahabol sa amin

"Mat! Mat! Gumising ka!" Naiiyak na sabi ko. Dahan dahan naman niyang minulat ang mga mata niya. Napangiti siya ang bahagya saka hinawakan yung pisngi ko. Hinawakan ko naman yung kamay niya na nakahawak sa pisngi ko. Kasabaya ng paghikbi ko

Maya maya pa ay naramdaman ko ang pagbagsak ng kamay niya. Di na ako naawat at patuloy sa pagiyak

"Napagisipan mo na ba ang desisyon mo?" Napalingon ako at nakita ko nanaman siya. Nakatayo siya sa harap namin

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Nangingiyak parin ako

"Sabi ko. Napagisipan mo na ba ang Desisyon mo sa gusto ko?" Nakangising saad niya. Alam kong di madali ang pinapasok namin ngayon.

Ewan ko pero biglang nabigyan ako ng pag asa. Di ko kakayaning mawala si Mat

"Pag nilagdaan ko ba yan? Mabubuhay kami ni Mat? Pagkatapos ng isang daang taon?" Umiiyak na tanong ko sa knaya. Napangiti naman siya. Iaang nakakalokong ngiti

Agad niyang itinaas ang kamay niya at lumabas mula doon ang isang papel

May ibinigay siya sa aking panulat. Nilagdaan ko yun. Kasabay ang pagsuka ko ng dugo

Nabaril na pala ako

Wag kang mag alala Mat. Magkikuta muli tayo

*****

Napamulat nanaman. Ako. Hays! Nagsasawa na ako sa paulit ulit na panaginip na yun! Haist! Kainis!

"Yehan!" Napalingon ako kay big bro na kadadating lang

"Ano nanaman big bro!" Inis na sabi ko sa kanya. Linggo naman e. Kaya walang pasok. Kaya ayun! Saka ngayon ang bday ko haha

"Si Rica. Wala na siya" nanigas ako. kita ko ang seryoso sa mukha niya kaya para akong pinatay sa sinabi niya

Si Rica. Ang bestfriend ko. Ang taong tinuring kong ina at ate

Ang taong mahal na mahal ko

"W-wala na siya?" Nanginginig na tanong ko. Tumango lang si kuya kasabay ang pagbuhos ng luha ko "kailan pa?" Umiiyak na tanong ko. Di ako makapaniwala

"Sa iksaktong kaarawan mo 12:00am"

_________________

Chapter 2 done!