After an hours of travel, we reach our destination and hindi ko akalain kung gaano kaganda and aking napuntahan. Rachel totoo bato, I mean ito na ba yun?
Oo! bakit hindi ba maganda? Actually hindi pa ito tapos, may inaayus pa dito.
hindi, I mean parang nasa ibang dimension ako! Ang ganda, at napakaliwanag naman dito. So nasa nga pala tayo? nandito ba yung sinasabi mo na judge--judgee?
judgement? *Sabay ngiti si Rachel at hinawakan niya ang dalawa kung kamay*
Akir. hindi ito yung judgement islands. Alam mo nag simula palang ang ating mahiwagang paglalakbay!
Hindi ko alam kung ano pinagsasabi ni Rachel pero ngumiti nalang ako na parang alam ko kung ano ang nangyayari.
Ummm? Rachel? Ano pinagsasabi mo? actually kanina pa ako naguguluhan.
Hinawakan niya ang aking kaliwang kamay at hinila ako, sabay lumingon at ngiti nang kanyang cute na smile at mukha. Hindi ko alam kung saan kami papunta, pero alam ko na masaya ako na nakasama ko siya ulit.
Nagpatuloy ang aming paglalakbay hanggan tumigil kami sa isang malaking castillo puno ng tao. Ang castillo ay nakabalot nang mahiwagang ginto, alahas at mga depensa na gawa sa purong metal.
Wohh! Rachel totoo ba to? Parang nasa fantasy world ako! Wow ragnarok feels!
Akir, Totoo lahat ang nakikita mo. Wait, bago ang lahat ito pala ang Steel islands at hindi ito ang judgement. Pero wag ka mag alala sasamahan kita sa paglalakbay mo. Sabay ngiti at hawak ng kamay.
Ilang sandali lang biglang nagbukas ang malaki at mahiwagang pinto. Sinalubong kami ng mga sundalo hawak-hawak ang kanilang mga malalaking tabak at suot ang mga metal na baluti sa dibdib.
Rachel anong nangyayari?
Wag kang mag-alala, hawakan mo kamay ko at poprotektahan kita. Sabay ngiti.
Hayss, Kinakabahan talaga ako. Saan ba tayo pupunta? tanong ko kay Rachel.
Wag ka mag alala. Sagot niya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad papasok nang castillo. Sinundan ko lang si Rachel habang hawak-hawak namin ang kamay ng isat-isa. Habang papalapit kami ng papalapit, malamig na ang simoy ng hangin, at mga sulo sa bawat pader. (Sulo means torch)
Aking hari, papasukin mo kami at bigyan kami nang pahintulot na makuha ang kapangyarihan.
Kapangyarihan? Rachel? Totoo ba to?
Ngunit hindi na ako sinagot ni Rachel at binuksan ang gintong pintuan sa aming harapan.
the fuck! totoo ba to?
lumantad ang isang malaking tao na nakaupo sa kanyang gintong trono, at nag aapoy na korona.
Isang napakalaking bulwagan na halos para lang kaming isang langgam. Tumayo ang hari at ito'y nagsimulang magpakilala.
Ako ang hari nang mga tao na nabuhay muli bilang isang kaluluwa. At ang tagapamahala ng pagbibigay ng kapangyarihan.
At umalingawngaw ang kanyang malaking boses sa buong bulwagan.
lumuhod kami ni Rachel upang mag pakita ng respeto sa hari.
So, ikaw ba si Akir Perdegon. Ang kaluluwa na nabuhay muli sa aming dimensions. Bilang isang pag subok, lakbayin ninyo muna ang lost island at kumuha ng buhay na apoy ibigay sa akin. Doon ko lang ibibigay ang inyong kapangyarihan.
Masusunod po, mahal naming hari. Sagot ni Rachel.