"Panandalian lang ang pagpapatira ko dito sa'yo, Flaire. Alam mo naman siguro kung gaano kahirap ang buhay dito sa Pilipinas, hindi ba? Pasensiya ka na." Saad ni Tita Luceng sa akin.
Inaayos ko ngayon iyong mga gamit kong matagal ko na ding pinagtitiisan. Ang ilan nga ay hindi na kasya sa akin. "Okay na po sa akin 'yun Tita. Naiintindihan ko naman po ang dahilan niyo." Nakangiting saad ko.
Si Tita Luceng ay nakababatang kapatid ni Nanay. Lumuwas pa ako ng Maynila para lang makapunta sa kaniya dahil wala na talaga akong matitirahan.
I was 9 years old before ng mamatay si Nanay. Binaril siya ng mga hindi ko nakikilang armadong tao. Madami sila at lahat sila ay nakasuot ng itim na maskara. That's all I remember. Wala na akong ibang maalala pa sa bangungot na 'yun.
"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo. Lalo na ngayon at tutungtong na pagko-kolehiyo si Gina. Lalong lalaki ang gastos natin dito sa bahay." Dagdag na paliwanag ni Tita.
"Kaya nga po naghahanap ako ng magandang trabaho. Bukas na bukas din po, maga-apply ako sa mga malalapit na kompanya dito sa Maynila." Saad ko.
I was graduated before kaso Fourth Year High School lang. Hindi ako nakapag-college dahil nadin sa kakapusan sa pera. Si Tita Minda naman noon ang nagpaaral sa akin. Sa kasamaang palad, namatay siya.
"Sigurado ka ba, Flaire? Eh hindi ba't High School lamang ang natapos mo? Baka walang tumanggap sa'yo. Mahirap na," Napapailing na saad ni Tita.
"Hindi naman po siguro," Pagtatanggol ko sa sarili ko.
Pumikit ako ng mariin. Makakahanap ako ng trabaho. Pinapangako ko iyan.
***
"Sorry Miss pero wala kaming vacant ngayon eh. Maybe sa ibang kompanya, meron." Nakangiting saad sa akin ng babae. I guess, secretary. Halata naman sa mga ngiti niya na peke lang ito.
"Okay." Walang emosyon na saad ko. Seriously? Walang vacant? Just wow. So anong tingin niya sa nakapaskil sa labas ng building nila? Design? Malinaw na nakasulat doon na madami silang bakante. And if I'm not mistaken, hindi pa sila nakakahanap ng marami.
Anyways, maghahanap na lang siguro ako sa iba. Mukhang tama si Tita. Mahihirapan talaga akong makakuha ng trabaho dito sa Maynila. Wala naman kasing mga extra oportunidad dito sa Maynila na maaari kong pasukan.
"Ang kapal naman ng babae na iyan. Dito pa talaga siya nag-apply eh mukhang wala namang pinag-aralan."
"True ka diyan beshie. Ang panget pa ng suot. Halatang mahirap."
Napahinto ako sa paglalakad ko ng makarinig ako ng bulongan. Nagtuloy ako sa paglalakad at hindi sila pinakinggan. Obvious naman na ako 'yung pinaparinggan nila. Hindi pa nila ako deretsuhin.
Kahit masakit para sa akin, nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa exit door. Iba ang tingin sa akin ng mga guard kaya napahigpit ang hawak ko sa envelope na hawak ko na naglalaman ng resume ko.
Todo kapa sila sa akin bago ako makalabas na para bang may kinuha ako o ninakaw sa kompanya nila. I really hate those people who always want to judge others base on what they are seeing. Naiinis ako sa mga panghuhusga at panlalait nila.
Nang makalabas ako, sinalubong kaagad ako ng napakainit na sikat ng araw. Pinagpawisan kaagad ako dahil doon. Wala pa man akong dalang payong dahil..wala naman talaga akong payong. Nasira kasi iyong payong ko sa bagyo nung nakaraan at wala akong pera pambili.
Tiniis ko na lamang ang init at naglakad sa side ways. Tanaw ko di kalayuan sa akin ang Peterson Company. Ang isa sa pinakamalaking kompanya dito sa Pilipinas. I think, I really had no choice. Lahat na ata ng kompanya at maaari kong pasukan na trabaho ay napasukan ko na. Except this one.
Masyadong malaki ang expectations nila sa mga empleyadong maga-apply. They are all perfectionist. No doubt. Successful silang lahat. Their family is very rich. Filthy rich.
Wala namang mawawala sa akin kung susubukan ko diba? Kahit na alam kong kaunting chance lang ang mayroon ako. Atleast, I tried.
Tinanggal ko na iyong heels ko na pagkasakit sakit sa paa at tinakbo na iyong building. Sira na ang mga make up ko at pawis na pawis na talaga ako. Magre-retouch na lang siguro ako sa comfort room pagdating ko doon.
Ilang takbuhan pa ay nakadating na ako sa napakalaking gate doon. Madaming security guards ang nagbabantay dito. Madami din akong cctv na nakita sa iba't ibang parte. Privacy and Secured.
"Miss. Bawal pong pumasok dito ang walang appointment kay Sir." Bungad kaagad sa akin ng isang guard na sa aking tantiya ay binata pa. Tumaas naman ang isang kilay ko dahil doon. "Excuse me?" Huminto muna ako at lumunok. "Maga-apply lang sana ako ng trabaho dito. Anything will do." Nakangiting saad ko. Flaire, huwag kang magmataray ngayon. Kailangan mo ng trabaho!
"Patingin ng resume." Saad nito. Mukha ba akong nagsisinungaling?
Pinakita ko sa kaniya iyong envelope na hawak ko. "Andiyan sa loob." Sabi ko.
Binuksan naman niya iyon at tinignan 'yung resume ko. Ang tagal kong ginawa 'yun kagabi bago ako matulog.
Binalik niya sa akin 'yung envelope ko at may sinenyas sa guard. Mukhang nagkaindintihan naman sila at humarap ulit siya sa akin. "Pasama ka na lang sa guard na 'yun para malaman mo kung kanino ka magpapa-interview." Saad nito.
Tumango naman ako at nagpasalamat. Pumasok ako sa loob ng gate at sinundan iyong guard. Sa tingin ko ay nasa mahigit 20 na 'yung edad niya. Parang mas matanda lang siya ng kaunti kay kuyang guard kanina.
"Hanapin niyo lang miss si Ma'am Honda sa Office Room doon sa 2nd Floor. Siya ang magi-interview sa inyo sa kung anumang posisyon ang gusto niyo." Saad nito sa akin habang nakangiti.
"Salamat sa info." Sabi ko din sa kaniya at ngumiti. He's good and fine.
Hinatid niya lamang ako hanggang sa ground floor at bumalik na siya sa guard house. His name is Jake at iyong unang guard naman kanina ay si Paul. They are cousins, by the way.
Punta na tayo sa totoong pakay ko dito. Hindi hamak na sobrang laki ng building na ito kumpara sa iba. Hanggang anim na floor ang mayroon at may malaking rooftop pa sa itaas. Idagdag mo pa ang parking lot na sobrang laki din at ang guard na house na mas malaki pa sa bahay na tinitirhan namin ngayon.
Nag-elevator kaagad ako at hindi naman ako nahirapan. Walang masyadong tao sa paligid. Siguro halos lahat sila ay busy sa kanilang mga trabaho.
Lumabas ako sa second floor at tinignan sa blue print na nakadikit sa wall kung nasaan iyong Office Room ni Ma'am Honda. I laughed at my own thought dahil sa pangalan niya.
Naglakad ako papunta sa OR--- ( Office Room ) ---- at kumatok dito. Isolated masyado ang bawat rooms kada pasilyo at wala talagang ingay. Ang lakas din ng aircon dahil sobrang lamig. Parang mas gusto ko talagang magtrabaho dito dahil sa ganda ng itsura at facilities.
Iyon nga lang, kung matatanggap ba ako. Tiwala lang, Flaire. Just trust yourself.
Nagdasal muna ako bago muling kumatok sa pintuan ng OR. Wala kasing nagbukas ng pinto. Ilang saglit pa ay bumukas na iyong pinto. Lumabas dito ang isang babae na sa aking tantiya ay 30mid na ang edad.
Mataray ang itsura niya habang nakatingin sa akin. "Anong a-applayan mo?" Nakataas kilay na tanong nito. Napanganga ako dahil sa deretsahan niyang pagtanong.
"Ano po ba 'yung available?" Mahinang tanong ko. Hindi ako sure sa sinabi ko. Malay ko ba!
"Tanga naman," rinig kong bulong niya. "Janitress." Nakangising sabi niya sa akin. W-what?
"Janitress?" Ulit ko. "Wala na po bang iba?" Pagbabaka-sakali ko. Baka naman niloloko niya lang ako.
"Mukha ba?" Pambabara nito. Seryoso? Anong problema niya sa akin?
Napahinto lamang kaming dalawa sa pag-uusap ng may isang baritinong boses ang nagsalita.
"What's the commotion here?" Isang malamig na tinig na nakapagbigay sa akin ng kaba at kaagad na takot.